Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, July 28, 2007

motorcycle accident...

"I thank God for this beautiful morning, I thank God we're still alive.. I haven't appreciated mornings until today.But I have learned a wonderful lesson in a hard way."

Mabuti naman at buhay pa kami ngayon.. Laking tuwa namin at di pa kami natuluyan.. Pero syempre.. nashock kami sa nangyari. Sino ba naman ang hindi diba?

Bakit, ano nga bang nangyari?? Bakit ako nagpapasalamat kay Jesus?? Bakit ganito mga sinasabi ko??

Noong isang araw kasi, to be specific, July 24, 2007, Tuesday... Pauwi na kami nila Mik, Jerwin, Airah, Meg, Karina, at ako. Naglalakad kami sa may Katipunan Ave.. Sa tapat ng UPIS.

Nakita namin si Mam Armi (ST ng dragon sa science) sa kabilang side ng road. Gustong makita ni Karina ang score niya sa bio long test so gusto niyang puntahan si Mam Armi. Tumawid kami para makausap si Mam Armi.

Sa aming pagtawid.. safe naman sana. Nakatawid sa first lane (kasi diba 2 lanes un).. kasi traffic naman.. ung sumunod na lane.. malayo pa ung paparating na jeep so tumawid kami..

tumatawid kami.. akala namin makakatawid na kami.. then "BoOm!" nabunggo na kami ni Karina ng isang nagcocounterflow at overspeeding na motor..

The next thing I know.. nakahiga na ako sa kalsada.. Then, syempre, immediate reaction, tatayo. Itinayo ko yung katawan ko.. then, (parang nagka amnesia lang) na realize ko na nabunggo kami.. Takbo ako papunta sa sidewalk.. Syempre, ayoko nang masagasaan pa.

Ang sakit ng binti ko nun. Grabe, napaiyak ako.. Grabe nga yung iyak ko eh. Ako, iyak na ako ng iyak, si Karina, na shock ata at.. natrauma.. malay ko ba kung anong nangyayari sa paligid ko..

Syempre, nag alala yung mga friends ko. Tinatanong ako ng tinatanong kung ok lang ba ako, etc. Si mam Armi, nagtake ng responsibility, sinamahan kami, etc..

At that time, hindi ko na alam ang nangyayari.. Bakit nga ba ako umiiyak?? Siguro dahil:

  1. Nashock ako sa pangyayari
  2. Masakit yung katawan ko
  3. Ayaw kong malaman ng parents ko
  4. Natatakot ako
  5. Dati nagjojoke ako, ngayon nagkatotoo
  6. ewan ko.. di mapigil ung iyak ko.. as in

So yung driver, nandun, sumama sa guard ng UPIS. Kami, nagpuntang infirmary, nag IKOT lang kami. Nakalakad pa kami.. So pagdating sa infirmary, ginamot sugat ni karina (dahil sya ay napaso sa tambutso ng motor... ARAY!).. Nagsasalita pa si karina tungkol sa hydrogen peroxide.. peroxisomes.. etc. Ang kulit nga e. Ako, sugat pa lang ung nasa binti ko.. Di pa halatang pasa pala.

So after infirmary, umuwi na sila jerwin,mik, airah.. Kami na lang nila mam armi, meg, karina at ako.. Next stop: UP DILIMAN POLCE.. Si mam armi, tense na tense ata, tinatawagan pa si sir imbang.

Sumakay kami ng van nila meg papuntang police.. Doon, kinausap kami ng imbestigador.. Sinettle yung mga babayaran.. Babayaran daw ung p1500 para sa glasses ni karina. nagbigay ng p300 para sa gamot. (ang cheap actually, haha.)

Di na kami nagsampa ng kaso. Tinanong pa ng tinanong ni meg yung imbestigador ng somehow stupid questions. haha.

Next stop: bili ng GAMOT. pain reliever. Nagpuntang krus na ligas, bumili si mam armi ng gamot.. di na muna binalik ang sukli. waaah. sayang.

Then hinatid si karina at mam armi. umuwi ako.

Sinabi ko sa parents ko. nung una, nag isip sila kung anong gagawin. Problemado sila.. NAshock sila. Kinabukasan, nagpuntang UPIS, nagtanong sa guard.. then.. what the.. napagalitan AKO.

Nung july 25, 2007 (the next day)... sumakit katawan ko.. haha. araaay. ang aking braso.. sa may balikat. haha. unti unting nararamdaman ang sakit ng katawan.. kaya pala may pain reliever.

Kumalat na ang balita. Alam na daw ng parents. Bakit? Yung tatay ko kasi nag send sa yahoo.. e-group ng batch 2010 sa upis.

Balita ko iaanounce sa flag sa monday. Kaya ko yan. Hahahaha. Kaya yan!!