Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Monday, August 31, 2009

tunay na lalake daw sila.

Ipinakita ito sa akin ni Maki (link sa status niya dati) at kanina nang tumambay si maki, papaeng, mitsyel, at ako sa bahay namin. Wala kasi ang mga magulang ko at mga kapatid. In short, kami kami lang ang nasa bahay. Wala kaming pagkain kundi sipon cake. Joke lang. Cake na spongha pala yun.

Anyway, kung gusto mong malaman kung ano ang tunay na lalaki, pumunta ka
dito. Meron silang isang funny blog. For fun lang naman, pero hindi masyadong kapanipaniwala, lalo na kung babae ka.

Napaka-stereotype. Pero funny lang siya. Pero medyo masarap kontrahin. Sabi sa kanilang manipesto:
  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
Batay sa manipesto, tunay na lalaki ka ba? Para sa akin, ang tatanggapin ko lang diyan ay number 1 at number 3. Hindi natutulog, pwede. Laging may extra rice, pwede. Pero, grabe. HINDI. SOBRANG HINDI eh.

Sa number two, ang tawag diyan, mga buwiset na lalaki. Kung tunay kang lalaki, ikaw ang dapat magpasa ng load. HELLO?! Gentleman. At please, ikaw dapat ang magtext. HELLO DIN. =))

Sa number four, vegetarian. Eh ano naman kung may mga lalaking vegetarian? Mabuti nga yun eh, at least sila may pagka-concerned sa kinakain nila. Aminin niyo man o hindi, mas maarte pa ang mga lalaki kaysa sa mga babae.

Sa number five, ano naman kung may abs? Cool nga eh. Ang gwapo kaya. Hahaha! Basta wag TABS. Taba na yun. Mga lasinggero na yung mga nagaganun. Bwahahaha.

Sa number six, ano naman kung sumasayaw? Dapat nga ang mga lalaki ay sumasayaw eh. Sinasayaw ng lalaki ang babae diba?! At tama lang yun na sumasayaw sila... Astig nga eh. Diba nga, dapat wala sila masyadong hiya eh. Hahahaha.

Sa number seven, pwede yung umaamin ng pagkakamali, pwede yung umaamin sa kapwa lalaki, pero dapat pati sa babae rin. Dapat may guts silang sabihin yung mga pagkakamali maski na sa girl of their lives, diba! Mas magandang sabihin nila yung pagkakamali nila kaysa ikahihiya pa nila o itatago or whatsoever. Haha.

Sa number eight, boys must grow up! Grabe, ganyan kapatid ko eh. As people naman, hello. Hygiene sa sarili naman, pleaaaaase! Grabe, mapagbibigyan ang mga batang may dumi, pasensya na sa topic ah, pero.... diba, as growing people, ayusin niyo naman sarili niyo. Kadiring blog yan oh.

Sa number nine, @#$%. Kailan pa naging alalay ng mga lalaki ang mga babae? Sasabihin ng iba diyan, "as always". Excuse me? Ang mga babae ngayon, hindi alalay ng mga lalaki, kaya tigil-tigilan niyo yang superiority complex niyo ha? Hindi na yan umuubra sa panahon ngayon. Kung ako lang ang nasusunod, ang mga lalaki ang dapat gumawa ng mga gawaing bahay. Gamitin niyo naman lakas niyo, para saan ba yan, ha? Hindi kayo mga haring pinagsisilbihan! Haha!

Sa number ten, kanya kanyang paniniwala yan. Pero kung di ka magsisimba para patunayang lalaki ka, wala kang pinapatunayan. Kaya tigil tigilan mo ang pagfe-feeling.

Syempre talagang kinontra ko ng bongga yung manifesto. Alam kong pang-katatawanan lang siya, at sa unang basa natawa ako pero may halong.... Teka, hindi tama to! Anong ka@#$%-han to?! Hahahaha. Peace, guys. Hindi naman ako galit sa mga lalaki. Hindi lang tama para sa akin yung manifesto.

:)




lovelovelove,
eLise.

Saturday, August 29, 2009

i miss you, dudes!

Grabe, magddrama na nga muna ako nanaman sa blog ko! Shemayy! Naiiyak ako. Alam niyo ba yun, yung tipong maaalala niyo tas maddrama kayo bigla? Nangyayari sakin ngayon. Ang drama ko. Ang ECHOS ko.

Naranasan mo ba yung... malayo sayo yung dalawa sa best friends mo. Na yung dalawang yun ay kasama sa closest friends mo at friends mo since bata ka pa? At naranasan mo na ba yung at a moment biglang mamimiss mo sila ng sobra sobra? Bigla mong narerealize na... ilang taon pala talaga kayong biglang magkikita at magwowonder ka kung kailan kayo ulit magkikita at kung anong nangyayari na sa kanila?

Nangyayari sa akin ngayon.

SOBRA. Megay! Paupau! Miss na miss ko na talaga kayo. Grabe, naaalala ko pa ngayong gabi yung araw na pinaiyak niyo akong tatlo ni mara dahil sinasabi niyong iiwan niyo ako sa madaling panahon dahil kakailanganin niyong pumunta ng America. Pero ganun talaga ang buhay eh, people come and go. Pero sa totoo lang, they don't really go, kasi they stay within you naman kahit malayo sila. Or they leave something in you. Pero I mean, nandoon pa rin yun eh, yung kung anong meron kayo. Friendship. Pero nakakalungkot lang talaga na malayo kayo sa isa't isa.

Kaya siguro ayokong i-promote ng Pilipinas ang OFWs at ang migration eh. Maraming taong napaghihiwalay.

Pero you have to get over it. Facts are facts. The facts are: nasa America sila, nasa Pilipinas ka. At totoo naman, friends pa rin naman kayo, eh. Pero ang mga taong nalalayo sayo, sadyang nakakamiss lang talaga. Kasi iba yung real person, kaysa sa YM. Hayyy. Pero, we can keep it up guys. Kung paanong nagkikita pa rin kami ni Sam kahit grade 1 classmate ko siya at grade 1 din siya nawala... Yun lang yun.

I miss you very very much.

Buti na lang, kahit wala kayo dito ngayon, meron pa rin akong mga mabubuting kaibigan. Kaya hindi ako nalulungkot... Namimiss ko lang talaga kayo! Aww. I love you dudes.
:)




lovelovelove,
eLise.

Friday, August 28, 2009

life is a market game

Nakakainis naman, o. Sa iilang tao na nga lang ako pwedeng magreklamo, ganon pa sila magreact ngayon. ERRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR. Ano baaaaaaa. Mas lalo tuloy ako naffrustrate. Hindi ko naman sinasabi yung mga frustrations ko sa ibang mga tao eh.

Life is a market game. Gusto ko bukas pa magblog ng ganto, pag nakapag-attend na ako ng econ thing, at may matutunan ako tungkol sa econ. Pero kasi, kanina, nag market game kami. Meron kaming maraming tin, sila wala. Importante ay magkaroon kami ng sapat na pagkain at maraming palakol.

Kaya ko sinasabing life is a market game, you need to determine kung ano ang importante, ano ang mayroon ka, at ano ang kailangan mo. Ayokong ibroaden yung econ thought since hindi iyon ang dumadaloy sa utak ko ngayon... Ang naiisip ko lang, ang pinagagagawa ko sa buhay, parang laro lang. Nagse-set ako ng goal. Inaalam natin kung ano ang kailangan natin. Ni-uutilize mo kung anong mayroon ka. Iniisip mo kung anong kailangan mong iproduce o i-trade.... Minsan mayroon kang surplus, sobra... Pero nagkukulang ka pa rin sa ibang aspeto. At hindi mo nafoforsee iyon... Sa huli, talo ka pa rin.

Well, natalo ang grupo namin sa econ. Sayang yung mga palakol namin nung third round.

Ang dami ko namang frustration sa buhay. Sayang kasi ang surplus na walang kwenta. Ayun, naffrustrate ako kasi nakakasayang yung mga pinagagawa ko na feeling ko, dapat hindi ko na pinagkakaabalahan. Parang, sayang yung oras at yung effort. Tsaka parang kumbaga, hindi ko narurun yung life market ko ng maayos. In fairness, yan ang naturo sa akin ng market game sa econ kanina. I-konek daw ba sa buhay.

Ay, hindi ko alam kung tama ba yung nagawa ko sa YM kanina. Feeling ko may naaaway ako. Kasi namaaan. Wala naman akong napagsasabihan ng frustrations ko nga eh. Nafrustrate lang ako lalo. Ayun. Nakokonsyensya ako kasi baka may nagawa akong masama. Lagoooooot. Sa tao: sorry, masama ang mood. naging frustrated lang, for a moment.

At, ayokong magreport sa magulang ko. Pinapag-report din nila ako ng nangyayari sakin. NO WAY. NOT NOW. Hayy. Ayoko ng tanong na... BAKIT? nanaman.

Kailangan ko nang solusyonan yung frustrations ko sa buhay eh. Ang gagawin ko na lang, wag magpafrustrate! Bahala na! Pag may problema, bahala na. Hindi kailangan magpastress o magpagalit. Pero ganto naman ako eh, may mga frustrations once in a while na gusto ilabas. AYUN. SALAMAT SA IYO BLOG. aylabyu.
:)




lovelovelove,
eLise.

Tuesday, August 25, 2009

I hate JOKES.

I hate JOKES na. Major frustration. Period.

Why? Basta, pinapa-disprove ko yung JOKE=0.5 --> JOKE=1, so magiging true siya. Well, hanapin niyo na lang sa archives. Parang ganun... Jokes can be... said as, HALF MEANT, so medyo totoo nga. So, totoo nga. Gets mo??

Pero... JOKES are ONLY half meant. So pwedeng totoo siya, pwedeng hindi. Pwede kang mag assume na 100% true siya. Pwede kang mag assume na 100% false siya. Para siyang isang glass na half empty half full of water. Of water, pare. So. Ayun. Based on your perspective.

Eto ang nakakainis sa mga jokes. Hindi ka pwedeng basta bastang mag-assume. Lalo na sa mga bagay na masyadong significant. Hindi basta bastang nag-aassume! {Pardonare, hindi ako nagcchem ha.} I mean, di basta bastang... assume. Kailangan ng supporting stuff. Or you need to prove it. Whatever.

So.... ang mga jokes, ay mga bagay na pwede kang mabigyan ng downside o ng upside. I mean the better or the worse side. Parang true or false side. At ang MAJOR FRUSTRATION sa JOKES ay.... HINDI MO ALAM KUNG ALIN DON ang paniniwalaan mo.

So, major frustration, period. :|

------------------
IKAW! Loka ka, finrustrate mo ako! Gets ko naman eh. Hindi talaga kasi nira-round off yun. Pinaniwala ko lang sarili ko na naroround off siya. AT PINAGTIYAGAAAN KO STATUS MO, PARE. Adik ka kasi. Mga MATH people nga naman, ano. :p

--------------------------


lovelovelove,
eLise.

Monday, August 24, 2009

mga engkwentro sa mga tao

SABOG. Ganyan ang deskripsyon sa isang taong kinakausap habang tulog. O, ginising sa gitna ng isang mahimbing na tulog at paghilata sa kama. Narito ang isang kwento ng engkwentro ko sa aking ama, habang ako ay natutulog, may sakit at biglang ginising.

tatay: anak, kamusta ka na?
elise: mmm.
tatay: anong ininom mong gamot?
e: yung ka-age ko. (pero bioflu ang nasa utak)
t: ano?!
e: yung ka-age ko nga!! (at isinigaw ko pa)
t: hahaha!
e: ba't mo ko pinagtatawanan?!

(sabay tapon ng unan. at nagsimula ang giyera)

Sa tingin ko wala talaga ako sa katinuan niyan. Iba yung nasa utak ko at ang sinasabi ng bibig ko. Parang... iba ang sinasabi ng puso at ang sinasabi ng bibig. Haha! Nagiyera ko pa tuloy ang mga tao sa bahay, pero sa totoo niyan ay wala lang talaga ako sa katinuan dahil ginising ako habang tulog ako. Kinausap ng tulog. Ayun, sumpong.

Pagpasensyahan mo na lang kasi.

Kanina, kasama ko si Michelle nanaman dahil sa FD script. At ayun, nakita namin si Maki sa Engg. Syempre tambay na yun sa Engg eh. Batch head.

sabi ni Mich kay Maki...

Mi: Yeah, SB!
E: Anong SB?
Ma: Yung deskripsyon niya sa bespren mo.
E: At sino naman yung bespren mo?
Ma: Ewan ko sayo, sino nga ba?
E: Sino ngaaaa?
Ma: Bespren mo, kami tinatanong mo.
Mi: Ikaw, ano nga ba ibig sabihin ng SB?
E: Sonny Belmonte?
Ma: Pwede rin.
E: Sino ngaaaaaa?
Ma: Isipin mo.
E: Ah si *toooot*
(at tumawa yung dalawa)
E: Kailan ko pa naging bespren yun?

Kailan nga ba. Hindi ko sigurado yung conversation pero parang ganyan yun eh. Nakakalito kung si Maki o si Michelle ba yung nagsasalita. Basta, sila ang kausap ko. Haha! Kayo, kilala niyo yung tinutukoy nila? Haha.

At ito pa pala ang nadulot sakin ng paggawa ng script ng GAPO.

K: Magkwento ka pa, aliwin m muna ako.
E: Ano ako, tagapagbigay aliw? Nakakalibre ka ah!
K: Grabe naman to, tagapagpasaya, o dba mas maganda pakinggan?
E: Pareho lang yun!

Grabe, ang dami kasing tagapagbigay aliw sa 'gapo eh. nagbibigay lang ng aliw. haha!

Kung gusto mo mawalan ng gana sa pagkain... Dapat ganito ang mga kausap mo, mga propesor na nagtuturo ng envi sci.

p: Kumain ka nga ng gulay.
e: Kumakain naman ako ng cabbage ah.
p: Puro pesticide yun! Lalo na yung cabbage, nakabilog pa naman yun kaya siksik na siksik.
e: kumakain naman ako ng pechay.
p: pareho lang yun!

p: alam mo ba yung manok...
e: ano?
p: nabasa ko sa email sinaksakan sila ng pagkadaming hormones.
e: GMO?
p: Lalo na sa may wings, doon sila sinasaksakan eh, kaya sila 45 days. kaya ang lalaki nila eh.
e: *blank* (buti na lang ubos ko na yung manok kong kinakain)

e: seafoods na lang ang kakainin ko. bangus at tilapia.
p: alam mo ba ang bangus at tilapia ang pinaka-abusadong isda! hindi talaga sila dagat eh. alam mo ba yung mga tilapia sine-sex change, ginagawang male yung mga female. pinapakain ng feeds.
e: *blank*

hihirit sana ako ng tahong, naisipan kong may red tide. hiritan ko kaya, whale na lang kakainin ko, dagat yun. baka safe sila, diba? kaso baka makasuhan ako ng pagkain sa endangered species. hay kamusta nga naman, o. pag andaming alam ng magulang mo. dahil dyan ayoko na kumain.

TSSSSSSSSSSK.
:)




lovelovelove,
eLise.

Friday, August 21, 2009

Kabaklaan.

At napadpad ako sa blog ko kasi nakapansin ako ng typographical error sa last post ko.

Uhuh. At iniisip ko kung bakit ako nandito, wala naman akong maisusulat ngayong araw dito sa blog ko eh. Wala namang magandang kwento. Wala naman, wala. Grabe, napaka-unorganized ng blogging mind ko. Baka kasi yung writing power ko ay napunta na doon sa kabaklaang sinusulat ko.

EHEMM! At nababakla na ako. Syempre, yun na lang ang ibabalita ko sa inyo. Na nababakla na ako. Hindi ako bakla na nagkaka-kras sa babae, kasi ang mga bakla sa lalaki nagkaka-kras. Haha. Hindi ako nababakla na nagiging asal lalaki, dahil ang bakla ay asal babae.

Nababakla ako kasi... Kasi ang daming kabaklaan sa GAPO. Hahaha! Booooooo! Akalain mo nga naman na ito ang napapala ng pagiging isang iskrip-rayter! Haha.

Isang excerpt sa sinusubukan kong isulat:

Modesto: (nagulat) ANOOOOOOOO?! Baka gusto mong upakan kita diyan! Para kang kabuteng biglang sumusulpot sa harap ko at biglang sasabihin mo sakin na makisama ako sayo?

Ali: Sapagkat, mula nang matagpuan kita, natuklasan kong hindi na kita hahayaang mawala pa sa aking buhay!


Hindi pa final yan. Ang cheesy lang e. Kailangan ko talaga ng ka-cheesy-han sa buhay ngayon. Kabadingan. Banat lines. *@&%han lines. Sabi ko nga kay Gon, grabe, nababakla at naga-*@&% na ko sa mga iniisip kong linya rito. Haha. Gudlak talaga lang ha. Balita ko pa, sabi sakin ni Gon, ang dakilang direktor, na galingan ko raw para mapanis yung iba. Paano sila mapapanis, eh hindi pa sila naluluto?

Okay my mind is so weird ha. Tingnan mo, na-tataglis ako. :)) PWEDE BA ELISE.

Ay alam ko na! Ganto na lang. Sa mga mapapadpad dito. May nagsabi kasi sakin nito eh. Gusto ko kasing ipagawa sa isang tao to. Disprove niyo tong eksplanasyong ito para mapatunayan sakin na hindi ito totoo:

Jokes are half meant.
Joke=0.5
True=1.0
Round off 0.5
0.5 --> 1.0
So jokes are true?:)

Sige, disprove mo sakin. Yung mga magagaling sa math diyan pwera na sa nagsabi sa akin neto. Gusto ko maka-alam ng reaksyon. Contradictory statement ba.

Isa pang topic for today.... Kailan gwapo ang mga tao?
Ito ay mga kalokohang statement lang mula sa ilang tao. Hindi galing sakin. Random lang to.
Hindi ibig sabihin ay agree ako at hindi rin ibig sabihin na this is true for all situations.

Game. (Yak, nahawa ako sa laging nagsasabi nito.)

May gwapo kapag nakatalikod.
May gwapo kapag nakaharap.
May gwapo kapag nakayuko.
May gwapo kapag nagigitara.
May gwapo kapag against the light.
May gwapo kapag nakasalamin.
May gwapo kapag nakangiti.
May gwapo kapag seryoso.
May gwapo kapag wet look.
May gwapo kapag bagong gupit.
May gwapo kapag nerdy-look?!
May gwapo kapag kita ang abs.
May gwapo kapag kita ang binti. =))
May gwapo kapag nililibre ako!
May gwapo kapag tinamaan ang puso mo.
May gwapo 'pag nasa Ateneo.
May gwapo daw na nasa Mapua.


Hindi yan talaga lahat galing sakin. Grabe. =)) Siguro mga 3 statements lang akin diyan. Grabe nakaka-ewan! =))

Dagdagan nyo yung gwapo kapag. Hahahaha. May nadagdag na diyan. Okay nagdagdagan to ng mula sa mga tao sa chatbox ko.:p
:)




lovelovelove,
eLise.

Tuesday, August 18, 2009

So Past Tense.

booooo. blog ko habang nasa algeb, hindi nakikinig.

----------------

It's over. You're now 16 years old.
Wake up. This is reality.
That was just a dream, a joke, just nonsense.
Stop hoping. There's nothing to hope for.
Stop wandering in the past.
You live in the present.
Live your life.

Damn bastards who make the dead arise.
They make you hope but you know all that was a lie.
They make you go nuts but there is nothing.
They make you climb a rainbow with no gold at the end.
You'll realize, that wasn't a rainbow,
that's black and white.

They look you in the eye and dig down through your mind.
You can never stand them
Or you'll melt down and cry.

Looking in the eyes of those bastards,
sometimes you'll wonder and think:
Was he part of the equation
or was I part of his?
Were those equations proven true;
or were those equations proven false?
How do you know;
How can you ever assume??

He's giving you signs,
he's giving you lies.
He's giving you clues,
But every time it happens
it's just misunderstanding blues.
How could you ever verify
when you never try?
But how could you even try when...

It's not even worth the cry?


This is so past tense.

--------------------

Akala ni Robert kanta yung sinusulat ko. Pero hindi, hindi ko alam kung ano to. Lumabas lang to sa gitna ng Math kung saan bored ako at distracted at bad mood at naiinis at nachechever.

:)




lovelovelove,
eLise.

Saturday, August 15, 2009

Sweet sixteenth. :)

Ngayong araw, naalala ko, ako ay sixteen years old na. OPISYAL na. Pero feeling ko, fifteen years old pa rin ako. Diba, bongga? Hahaha. Tuwang tuwa at enjoy na enjoy talaga ako ngayong araw na ito. Una sa lahat... Marami akong dapat pasalamatan.

Maraming salamat sa:

MGA NAGPUNTA:
Mia, Nathan, Apol, Michelle, Karina, Mara, Daryll, Allan, Ramiro, Jeric, Nat, Kenneth, Jerwin, Rjoy

ang aking mga relatives, grandparents, tita, tito, cousins, kahit di ko kayo masyadong napansin, sorry.

sa mga tita at tito na kasama nila papa at mama sa CFC, kahit hinot-seat niyo ako ng matindi tindi. :p

MGA NAGTEXT:
Domeng (11:59), Kenneth (12:01), Rjoy (12:32), Ate Liz (12:41), Mia (3:15 am), Leanne, Nathan, Mik, Karla Badong, Ate Kling, Michelle G, Jerwin, Allan, Jomil Gutierrez, Rosa Miranda!, Ysay, Ate Nadine, Joseph, Luis, Ate Mariz, Neil and Danica, Karina, Maam Diane (haburdey din), Tita Gelyn and co, Katricia Loyola, Rafael Rofiles (haburdey din sayo!), Taj, Sareena, Daryll, Jeric, Maam Bec, Gaela Mateo, Karla Rigor, Tita Melit, Kegan Adorna, Roi Pedragosa (9:01), Sr Aaron, Maki Lopez (11:04)

*TRIVIA: mga 8 pm ako pinanganak. malapit lapit si Roi. :))

MGA BUMATI SA YM:
Papaeng at Justin Linatoc (advance), Apol, Ate Liz, Faye, Mao, Abe, Cy, Mark, Dandan.

BUMATI SA FACEBOOK:
Cathy de Leon, Bryan Pajarito, Bambi Manalo, AJ Quinito, Father Jboy, Adam Espiritu, Vim dela Cruz, Janine de Guzman, Matt Aleta, Samuelle Valles

BUMATI SA PLURK:
Tintin Roque, Ate Lizbeth, Ate Nadine,

At sa mga nagpasabi ng haburday:
tulad ni MP Cunanan. :)

At kay Maam Reg at sa mga nameet ko sa IESO.

Mahal ko kayong lahat at masasabi kong... dahil sa inyo ay napasaya ang araw ko.

--------------------

Start. Ang birthday ko ay isang busy pero masayang araw. Nagsimula ang araw na ito sa pagkuha ko ng test sa Hope Christian High School, sa Recto, sa may Divisoria. At... mabuti hindi kami naligaw ni Maam Reg. Ayokong magkwento tungkol sa eliminations exam ng earth science pero kasi... Ang naaalala ko, kakaiba ako mag-exam eh. Ang saya saya ko kahit di ko alam ang sagot. Pagbigyan, araw ko ngayon eh.

Pag-uwi ko ng bahay, stressful. Amazing ang parents ko at ang mga kapatid ko. Grabe, thank you very much talaga. Sila na naghanda ng bahay, gumawa pa sila ng parang banner type na happy birthday elise (wala nga lang ate). At nagluto pa sila ng maraming pagkain at namili ng mga ihahanda sa birthday ko. Ang galing nila, ginawa nila kahit wala ako... Super, touched ako.

Tas, nagluto kami ng cake sa bahay, di na naluto yung malupit na tanigue. Sayang. Tas sa totoo lang, di ko natikman yung cake kong white. :) Hehehe. :p

Ayun. Maraming dumating na tao tulad ng mga kaibigan ko, mga relatives, at mga tito-tita. Masaya, masayang masaya. Puno ng kalokohan at truth or not truth or cheverloo. Kalokohan lang pinagagagawa sa bahay. Chikahan, kwentuhan, kainan. In fairness, ang daming pagkain! Ang saya talaga. Thanks so much mama. At ang daming pumunta! SUPER! Nakakapressure nga lang kasi hindi ko silang lahat pwedeng kausapin at chikahin ng sabay sabay. So ayun. Truth or not truth... hindi siya consequence eh. At hindi siya pure truth. Ang daming nangyayari at natatanong.

-----------
Inaamin kong may moment sa truth or consequence na ako'y stunned with awe sa mga tanong sakin tulad ng sino ang 5 tao sa batch, ang muntik ko nang masagot, ang chever.

At inaamin kong may part doon na muntik akong machever. Hindi okay sa akin ang mga nangyayari sa oras na iyon eh. Nagkaka-mental struggle sa utak ko at hindi iyon dahil sa pag-solve ng equations. Come to think of it, was I part of the equation or was he part of it? Just remembered some people.
-----------

Pagkatapos magsawa sa spin the bottle, dahil tapos na nilang lahat akong tanungin, ako'y hinug ni Allan at nagkaroon na ng spark ang aking birthday. At umalis na sila daryll.

Nagtimezone kami sa technohub, kami nila mara,mich,rjoy,jerwin,karina,ako. Syempre, nakakapagod talaga ang dance dance revolution dahil seryosong sumasayaw na talaga ako. Kaya naman, as usual, tagaktak ang pawis ko. Basketball, tindi talaga ni rjoy eh. Hockey, tindi talaga ni mara. Kantahan? Jerwin Michelle! My heart goes sha la la la la la la. I I I I Need you... Racing! Aba nanalo ako? Batuhan, basta makabato eh! :))

Hay ang sayang stress reliever. Nakalimutan ko lahat tulad ng mga perio, upcat, ieso.... at ibang bagay maliban sa isang bagay na nakakawasak ng utak.

Just one look and I'd forget everything, one more look and I'd forget everything, wooh woooh.

-------------
Just one look makes me forget the present and think about the past. I tried to kill you but you are rising from the dead. I tried all the best to kill you but why are you coming back now? Why do you have to look me in the eye? It makes me dig down the buried memories of the past.. Are you doing these things on purpose or is it just accidental? Three strikes, could it be? But why are you doing it now?!

I don't want to talk. I know that you're happy now and I should be happy too. Don't make me hope. You're driving me crazy. I hate you.

-------------

At hindi ako makakonekta sa internet.
Maraming salamat. Good night. :)



???
lovelovelove,
eLise.
???

Tuesday, August 11, 2009

why does it have to be on the fifteenth?

FIRST OF ALL.
Oo, excited na ako medyo sa aking 16th birthday. Alam niyo naman ako, excited lang lagi sa aking birthday kahit wala namang dapat ika-excite-an. Ayun. Lately nagplano ako ng lunch party sa aking bahay, after CAT ng mga nag-cCAT at gusto ko pa man din sanang home made at sariling luto ang pagkain. Ayoko sanang kumain sa resto stuff. Lutong bahay, luto ko. Yon. Excited na ko kasi nagpplano ako at may ilan akong sinasabihang tulungan nila ako sa aking birthday pero...

PERO. isang malaking P-E-R-O.

Na-SHOCK ako. Yung pinlano ko palang lunch party ay... hindi matutupad?

Eto kase. Naalala mo yung IESO? International Earth Science Olympiad. Pinanood namin ni Marion last year. Yan. Bigla kong nalaman kani-kanina lamang... na yung eliminations this year ay magaganap sa AUGUST 15. National Eliminations. 9-11 am, tas kailangan andun na ng 8 ata. Sa Sta Cruz, Manila. Somewhere there. So... UNfortunately, sa hapon na lang ang mga gusto kong mangyari. Kamusta naman birthday ko magpapaka-nosebleed ako? Please lang.

On the other side, pag nakapasa sa eliminations, magsstay ng one week sa Manila para sa training, at mairerepresenta mo ang Pilipinas... Kasali sa Philippine Team. At ito ang pinakagusto ko, kapag nakasali ka, makakapunta kang Taiwan! WOOOOHOOOOO. God bless me. Birthday ko sa 15 at paninindigan kong ARAW KO YUN.

Now, I'm currently reading EARTH SCIENCE books.
Seryosong mag-aaral ako para dito at bahala na sa perio....

In fairness, nosebleed yung written at practical test ng IESO 2008. Finals ata. Nakakadugo sobra. Wala akong masagot. Kaya sa totoo lang, natatakot na ako.
:)




lovelovelove,
eLise.

Wednesday, August 5, 2009

Vanity in the Waters

Naisipan kong mag-blog ngayon dahil nakita ko ang picture na ito:
Itong picture na to ay parang way back, May 12 2009. Eh since I'm using my dad's laptop right now, nakita ko tong picture na to sa kanyang files... Cool lang na nakita ko itong underwater picture na ito sa Lian, Batangas. Naka-snorkel ako, life vest and mask, tapos nagpapakavain ako underwater. How, how, how do I look? Mukha akong ewan. Natry mo na bang gawin yan sa ilalim ng tubig?
Subukan mo gawin. In fairness, masaya siya. =)) Hahaha. Pero, pahirapan magpicture sa ilalim ng tubig ng naka-life vest and everything. Nakakamiss na. Hahaha. Gusto ko na ulit sumabak sa field ng tatay ko. Gusto ko talaga kasing nagttrabaho sa ilalim ng dagat eh. Ang sarap ng feeling, malamig lamig. Kaso, maalat at masakit sa balat. Ito yung time na parang ilang oras kami sa dagat, sa bangka o sa tubig. Basta dagat.


-----------


Anyway, badtrip ako kanina. Nakapagdecide kasi ako kahapon, at nasabi ko kay maam rox na UP or die ako. Badtrip na kasi ako. Ayoko na mag-apply sa Ateneo kasi sa 14 na yung deadline, ang mahal ng fee, pag pumupunta naman ako dun, sarado. So, no use. Definitely no use. Tapos ayaw naman ako samahan ng mga magulang ko. Well, di ko naman sila sinisisi. Pero sila kasi may gusto talaga nito, hindi ako. Kung ako lang, di na ako mag-aapply sa iba. Bahala na talaga kung anong mangyari sa akin pag di ako nakapasa (KNOCK ON WOOD). Pero ayon kay maam rox, baka kayanin ko naman. Sina rosa rin naman daw eh. Ewan ko kung sina rhea mag-aapply pa din eh.

Ayoko lang gawin ang isang bagay na hindi ko gusto gawin. Tulad ng isa pa, pag-aapply sa UST. Walalang. Kasi, sabi ko, pag UST ako, fine pero Music ang kukunin kong course. Eh ayaw na ayaw nilang Music ang kunin ko. Eh gusto ko mag-music kung sakaling di ako makapasa ng UPCAT eh. So ayan, away ulit kami. Sige lang. At in the end, ayoko na mag USTET.

Bahala na. Bathala na.

Lord, help me na lang. I gave my best sa UPCAT na, and I gave my best in those three years, now, it's up to you.

-------------

Ang direkta at ang tuloy-tuloy ko magblog at ang normal ng tono ng blog ko. Wala man lamang akong poetic sense tulad ni apol. Wala man lang rin akong balak subukang mag-english english sa blog ko. Wala din akong balak masyado magkaroon ng masyadong symbolism sa blog ko. Nakakahanga kasi yung mga ganung blog eh. Sakin parang kausap ko lang yung computer na bestfriend ko na raw. Wahahaha.
:)


lovelovelove,
eLise.


Monday, August 3, 2009

i fell in love with the piano again

I fell in love with the piano again. The piano, not with a pianist or something. I really love love love the piano, and I really wish someone could play for me.

Marunong ako mag-piano pero hindi ako kagalingan. Hindi ako ganun kagaling. Tumutugtog lang ako pag feel ko kasi. Ayon, di ko pa kaya tumugtog ng mga ganto. Ayun, medyo marunong ako pero di ko maipagmamalaki sa inyo na marunong ako magpiano. Hindi ko pa nga matawag sarili kong marunong mag-piano eh.

Itong video na to, napanood ko sa youtube. Sa homepage ko kasi, nakita ko may nag-favorite nito. Eh piano cover siya so... Interesado ako. Pinakinggan ko. At nainlab ako.


Bakit nga ba ang dali kong mainlab sa mga piano covers? Itong 21 Guns kasi, kakaplay ko lang sa itunes ko kahapon, kakarinig ko lang sa MTV kanina, at ayun nasa utak ko pa sya. Nung narinig ko naman itong piano cover na to, sobrang astig kasi parang yun yun eh. Parang ang sarap tugtugin din... Kaso sana kung tutugtog ako, sa totoong piano.

Nakakfrustrate kasi tumugtog sa keyboard na may malaking sira ang speakers. Nakaka-down. Lalo na pag di ka pa magaling tumugtog, tulad ko.

Ayan, wish ko lang talaga.. may tutugtog ng piano para sakin. Haha. Wala kasi noon sa bahay eh. Gitara, lagi ko nang naririnig yon dito sa bahay, classical pa chever. Pero piano, wala pa masyado. Wala din ako masyadong kilalang nagpipiano eh. Puro sila gitara. Kaya kahit sa SM, pag tumutugtog yung piano, naiinlab ako. :|

Haynaku, kung di ako makapasang UPCAT at mag BS MUSIC ako, feeling ko di ko kakayanin. Ang downer ko sa sarili ko ngayon. Unang una, mahihirapan akong pumasa sa Music Theory exam. Pangalawa, kung kakanta ako (voice major) hindi ko pa yata kaya ang operatic voice. I'm such a downer! Di nga, napapagtanto kong may limit ang boses ko at di ko pa siya nalalampasan. Problema ko pa nga yung voice lesson ko mamaya eh. Sana kung di ako tumigil sa pagkanta, nagagawa ko na yung mga di ko magawa ngayon. Pangatlo, asa pa talaga ako kung balak kong mag piano major. Hindi ako magaling para sa talent test ng piano chever. Hay. :|

Pero anyway, piano soothes my heart.
:)




lovelovelove,
eLise.

Saturday, August 1, 2009

my UPCAT story.

Aug 1, 2009. 12:30 pm. Chem.

Magandang balita: Tapos na si Ann Elizabeth Palenzuela Rollon (mahaba isulat ang name eh) mag-take ng kanyang UPCAT sa Institute of Chemistry, Room 1367? Something. Whoooooo. Isa pang magandang balita, hindi ako kinabahan. Pero kinabahan ako dahil sa naiihi ako at kinabahan akong baka maihi na ako sa mahabang pila. Sort of kaba din siya pero ihi yon eh. Pagdating sa loob, wala na.

Ganto kasi talaga. Gawin naman nating matinong story diba. Kwento, may simula at may ending.

UMPISA. Dumating ako sa Institute of Chem, hinatid ako ng tatay, nakita ko si Marian Barro, nagsabay kami at nagkwentuhan habang nasa pila... at madaldal kami. Kaya hindi ako kinabahan, kasi kadaldalan ko lang siya. Malaking tulong rin.

Pero alam mo, ihing ihi na kasi talaga ako eh. EH di talaga pinapaihi habang nasa pila. Kaya ayun. Pagkahaba-habang instructions, ang haba yata ng pangalan ko? Tapos ang haba talaga. FINISH OR NOT FINISH eh. :)) Basta ang haba at ang tagal tagal... Kailangan ko pang tapusin yung language... Eh hindi ko feel na nag-uupcat ako. Relaxed ako masyado eh. Tapos mga 25 items, 18 mins nalang. Binilisan ko. Tapos natapos ako ng 6 minutes left... TAKBO AKONG CR! Wahahaha! boo ang saya.

MATH part.. Math math math. May tatlo akong di nasagot, mahaba isolve eh. :p At di ko alam bakit wala dun yung sagot ko eh. Hahahaha. Ayun, nanghula ako sa iba. Never trust the figure pero tinrust ko pa rin. AHAHAHAH. Confidence, tinutrust ko mga hula ko :p

SCIENCE. Kaaliw nung ilang lumabas na questions. Nagsisisi akong nag-aral akong hardcore. Kasi analysis eh. Di nirereview, inaanalyze, chever. Basta ayun. wala akong masyadong maalala sa science. Pero di naman sa super dali, basta analyze.

READING. Ang naaalala ko... Nakakaasar yung katabi ko. Kasi, ganto. Kumain siya ng chips, tapos yung pack ng chichirya niya sobrang ingay tscrhk tschrk tschrk tschrk. Super. Tapos pagkabukas, amoy na amoy. Sarap sabihing... PAHINGI? Hahahaha. Tapos nung reading comprehension talagang READ ALOUD siya eh!! Sobrang nakatingin na yung mga tao sa paligid niya sa kanya tapos tatawanan ko na talaga siya kaso syempre, pinigilan ko naman noh.. :)

Ayun. Natapos din ako. Ang saya pala ng survey. Mahilig ka ba sa maanghang? Ikaw ba ang pinakamaligalig sa mga kaibigan mo? :))

Agree o disagree?XD

Anyway, para sa mga hindi pa tapos ang UPCAT at nagkamaling basahin ang blog ko... Hindi ito leakage. Wala kayong makukuhang sagot diyan, tingnan mo oh. (shh. sa number 315, E ang sagot. JOKE!) Di nga, pero sa mga napabasa nito na di pa tapos... Ito ang number 1 tip ko sayo. WAG KANG KAKABAHAN. At pag tinanong kita kung ready ka na... Bawal sumagot ng hindi.

Btw, maraming nadalian.

ANYWAY! SANA PUMASA AKO! :)
:)




lovelovelove,
eLise.