Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Monday, July 27, 2009

Kasinungalingang SONA ni Gloria.

Ngayong araw, sa totoo lang, imbitado ako sa isang rally sa SONA ng bayan. Unfortunately, di ako makapunta/nakapunta dahil di ako pinapalabas at pinapapunta pero nagsulat lang ako doon sa banner... Ang sinulat ko: "Tama na ang kalokohan. Tama na ang kasinungalingan. Tigilan na!"

Unfortunately, hindi basta basta tumitigil ang kalokohan at kasinungalingan. At ito ang aking kwento ukol sa nakaraang SONA ni Gloria.

Bago nag-umpisa ang SONA ay nag-alay si Gloria ng isang moment of silence para kay Cory. KAPLASTIKAN. Porket icon si Cory at iniidolo ng iba. Pakyut. Bwiset.

Ikumpara mo kasi ang final SONA ni Cory sa final SONA ni Gloria. Sabi ni Cory... "As we came, so should we go." Ang kanyang SONA ay isang farewell na halos -- sabi sa ANC dahil doon ako nanood. Pero hulaan mo ang sabi ni Gloria. "At the end of this speech, I should step down on stage, but I will not step down from precidency. My term does not end...until 2010." Pwede nating sabihin na pagpapaalam yun, kasi until 2010 na lang.. Pero hindi eh.

Napansin ko sa SONA ni Gloria, puro siya patama sa kanyang critics. Sabi pa niya, ang kanyang mga critics ay may "self-imagined threat" lamang. Puro siya patama. Pero ang sabi niya... Focus on building the nation not tearing down your opponents. Pero ang daming nawawala o political killings sa term niya. At... "I did not become president to be popular, to work, to lead..." etc. TALAGA?!

Puro pambobola. Pambobola, kasinungalingan. Isang malaking kalokohan.

Nagdala pa siya ng mga tao tulad ng isang Badjao na si "Tarnati Darawi" (?) na tinuruan daw ng modernong mariculture etc. Siyempre dinala niya si Manny Pacquiao para ipagmayabang ang lahing Pilipino. Pero sabihin mo Gloria, anong kinalaman ni Manny Pacquiao sa administrasyon mo? Pambobola. Pagpapakyut.

The Philippines isa STRONG ECONOMY. Talaga? Eh ano yung nabalitang ang Pilipinas ay least competitive country in Asia Pacific? So kalokohan lang yun o binobola mo lang talaga kami? Magiging first world na raw tayo in 20 years. 20 years? Gloria, nakailang years ka na ba, at yang 20 years na ba yan, ikaw pa rin ang pangulo, este prime minister?

Tinalo na raw natin ang malaking kaaway na foreign debt. Sige, talunin mo yang utang na yan. Pero mangungutang na naman ulit tayo. Tapos saan napupunta yung inuutang, sa mga kurakot. Anong nangyayari sa budget, puro pambayad lang kasi sa utang kaya nababayaran. Pero sacrificed, pano yung ibang pangangailangan. Pinataas mo nga ang tax, onti lang nakikinabang. Yung mga mahirap patuloy na nahihirapan kasi mataas yung tax, lalong tumataas ang bilihin.

Ekonomista ka nga, Gloria. Pero para sa akin ang ekonomiya ay hindi nakikita sa GNP, GDP at pera lang. Kung may kumikita nga naman ng 1 M at 1 peso, pag inaverage mo yung dalawa ay 500,000. Malaki diba? Pero hindi pa rin distributed eh. Umuunlad tayo sa infrastructure, sa tax remittances, chever. Pero hindi natatamasa pa rin ng ordinaryong mamamayan yang kaunlaran at strong economy na sinasabi mo.

Ito pa, edukasyon. Balita ko, nag-iinvest tayo sa edukasyon, pero ano, Gloria, more english teachers. Balak mo talagang ibenta sa Amerika ang mga mamamayan mo. Knowledge-based economy ka pa dyan. Knowledge tapos English talaga ang pinagtutuunan. Pang call-center at pang-OFW at pang-nurse na talaga ang mga Pilipino ngayon, ano?

Magkakaroon daw ng radical reform sa edukasyon. 10 years basic education. 2 years pre-university. 3 years university. Ayos ka lang? Ewan ko lang ah. Pero kung may gusto pang magbago ng education system, hindi kasi yan sa tagal eh. Sa quality. Eh ano namang mangyayari sa 2 years pre university at 3 years university? A little of everything ba? Ewan.

At sige, ipagmalaki mo lang ang strong and deep ties sa USA. Ipagpatuloy mo ang pagpapaka-tuta sa Amerika! Sana nga lang, si Obama ay hindi tulad ni Bush.

At heto ang ilan sa mga pinaka-nakakainis na kasinungalingan ni Gloria.

a) Ang ekonomiya natin ay "more fair to the poor"
b) Tayo ay safer from environmental degradation.

Environmentalist si papa, at HINDI AKO NANINIWALA. Ang dami kong naririnig na mga kwento ng solusyong ginagawa ng DENR. Solusyong hindi solusyon. Dahil inappropriate. Halimbawa: magtanim ka ng mangrove dito para mamatay ang dating ecosystem at mamatay rin ang mga tinanim mong mangroves dahil hindi naman sila dapat diyan itinatanim. Milyon milyon ang cost ng mga projects na tulad noon. At nalaman ko sa usapan nila papa na pati pala DENR, puro PULITIKA. Akala mo kung sino silang ang daming alam para magmarunong, pero hindi naman.

Protect citizens from crime. Talaga, Gloria? Eh ano yang ginagawa ng militar mo. Government nagiging terrorist rin ano?

At ang mga huling linya ng pagpapabango ni Gloria. Ikaw na ang bahalang magreact.

For the candidates, focus on building the nation rather than tear down opponents.
The president is 24/7 on the job.
I have not flinched or faltered.
The critics are frightened by their own shadows.
The coups resolved with ordinary powers. I have never declared martial law.
The critics are only facing a self imagined threat.
I will defend democracy.
I am falsely accused without evidence.
I HAVE NEVER EXPRESSED A DESIRE TO EXTEND MY TERM.

-------

Heto lang ang masasabi ko, itong sinulat ko, reaksyon ko na to. Kaya bahala na kayo diyan kung i-criticize niyo. Wag niyo lang pakialaman reaksyon ko. Pero kung may malaki akong misconception.... Pakisabi na lang.

Sana nga ay mabuhay ang Pilipinas.
:|




lovelovelove,
eLise.

Sunday, July 26, 2009

Salimbal: Ang huling LC ng batch 2010.

Salimbal: Ang huling LC ng batch 2010.

Ito na ang huling LC na aking madadaluhan... Kasi nga naman, graduating na, kaya last chance na ito sa UPIS. Kaya naman siguro, bonding na kung bonding ang aming batch.

Last year, kami ang nag-organize. This year, ako ay isang participant lamang. Malaki ang kaibahan ng organizer at participant. Ibang iba ang "enjoyment" ng isang organizer sa isang participant. Ang participant ay nag-eenjoy sa mga pinrepare ng mga organizers, sa mga activities, sa mga bonding moments with other participants, etc. Ang mga organizers naman ay nag-eenjoy kung nakikita nilang masaya ang kanilang mga participant at successfull ang kanilang activities. Masaya din ang organizers dahil sila ang may oportunidad na magplano at mag-facilitate ng mga activities. Ngunit, isa sa mga napansin kong benepisyo ng participants na aking natamasa kamakailan lamang ay ang oportunidad na makapagpahinga at makasama ang iyong mga batchmates.... Ilan sa mga bagay na malimit na matamasa ng mga organizers. Noong panahon kasi namin, wala kaming pahinga at na-distansya ako sa batch ko. Ngayon, nakasama ko sila, kaya masaya ako.

Ang saya saya ng bonding ng batch 2010. Yun ang masasabi ko sa LC. May mga climax, at yun naman ang masaya. Nakakaaliw yung Twister, kung saan sumali ako, si AJ, si Gina Patty Alud at iba pang mga lalaki tulad ni Danjo Jerwin Gon Pat Percy Roi. Sa labanang Percy-Roi-Elise at Pat-Gon-AJ *sila nga ba yun.. oo sila.* Nanalo kami nila Roi eh. *Diba diba?* Ayun. Tapos wala na yung finals. Mukhang nakatulog na ako nung time na kung may finals man. Nakakaaliw yung twister lalo na kung ikaw yung nanonood. Pero buwiset. Halo kasi eh. Eh syempre minsan yung pwesto hindi maiiwasang medyo mahirap o nagiging... "malaswa" pero hindi naman. Tipong... "Pag left hand yellow yan magkakahalikan na sina... " :)) basta gets niyo yun. Post ako ng picture next time. Wahahahaha xD

Speaking of PICTURE. "PICTURE!!!" *sabay takbo, talon, dagan, siksikan* Wahahahahahaha. Napansin ko na medyo mga 30+ lang (kung lang yun) kami na owten sa LC. Kahit na medyo 30+ lang kami, gulong gulo kami pag may nagpipicture. Hinahabol pa namin si Nuel. Hahahaha. Aliw talaga eh. Nakakapagod magpapicture ah. Si pat, nakakatakot, muntik nang mahulog sa hagdan. As in mahulog talaga. Nakakatakot, dahil sa picture magkakapatayan na yata. Pero hindi naman.

Syempre, isa pang aliw ay yung amazing.... race? Hindi daw kasi race yun sabi nila celine. Hahaha. Aynakoooooo. Best time sa station ni Abe. 11 seconds! magaling ka abe. Haha. Ang galing lang kasi ni Abe kasi todo support siya sa kanyang team, team PURPOL. =)) So, go abe! =) Kahit second lang tayo, at hindi na narecord ang winning 20 points sana natin, Viray ang number one in our hearts pa rin. Super. Go go go Abe! At Jep, Drei, Nuel, Jacque, Jemuel, Eunice, Anna, Jao at sa mukhang pinsan ni Jao at sa iba pang mga elem. Magaling!! Ang kyut kasi ni Jemuel. Yuck, pedo? Hindi ah. 6 years lang naman eh. JOKE!! :))

Ano pa nga ba, aha aha. Yung pagtulog ko ng napaka-sarap kagabi at kanina. Kasi, yung mga lalaki, pumupunta sa room namin. Tapos sina Hector, Percy, Kevin, Pat, Roi, nakatulog ng nakahilera doon sa mga sleeping bag sa tabi nung akin. Eh ako nakahiga din, kasi naman inaantok din ako. Sabi ko, iidlip lang ako kasi makikipaglaro pa ako... Tapos nakatulog ako. Gumising ako yata ng kaunti... Sabi ko pa.. "Bakit puro lalaki nasa paligid ko?" Tapos nakatulog na ko. Paggising ko, sabi ni Michelle, ang gulo ko daw matulog. Naka-ilang ikot daw ako. 360 degrees daw chever. Si Taj naman sabi akala daw nila gising ako. So sabi ko naman sa isip ko.. Hala pinag-uusapan nila ako habang tulog ako?! Agaw pansin daw kasi ako matulog eh. Gulay. Mabuti at hindi ako nag-sleep talk. Buti hindi ako nanaginip o na-kung ano man, o nauto ng kung sino habang tulog. Kundi.... PATAY TAYO DYAN. Naalala ko tuloy ang mga sleeptalk moments ko!! Benta much. =))

Ano pa ba... Si Bianca Gonzales pala medyo maganda. Hahahaah. Yung host. :p Nauso din yung beat ni Pat kanina. Lahat ng owten nagbebeat na halos. Si Gon din sumikat sa LC, best camper, master rapper, michael jackson ba. =))

Pagod, pero hindi naman siguro sobra. Nakatulog ako sa kotse, sa kotse, sa kotse, at sa duyan sa isang restaurant sa Marikina. Pan de something. Hahaha.=)) Nagising ako, closing time na nung restaurant. Natalisod daw ako, sabi ni papa, di ko alam. Pag tulog talaga ako e noh? Kwentuhan niyo na lang ako kung ano ang mga nangyayari pag tulog ako ha. =))

Bottomline, MASAYA. Sana maulit muli.. :( Sana lang.

--------
Muling ibalik. Bakit nga ba ganun? Crush ko na ulit yata siya?! Pero hindi! Cool lang talaga siya. Cool lang siya at yun na yun. Hindi naman masamang maraming crush diba? Oo, tama, hindi masama. Pero ayoko na siya maging crush ulit, please. Hahaha. Si *ano* na lang ang gusto ko kasi siya sweet pa siya sakin at napakabait niya talaga. Talaga. Enjoy siya kasama at napapasmile pa nya ko. Pero friend ko lang din talaga siya. :)

--------
Can you read between the lines?



lovelovelove,
eLise.

Thursday, July 23, 2009

Malapit na.

Malapit na. Papalapit na. Malapit nang mangyari ang ilang mga bagay bagay. At ang nasa isipan ko ngayon... "Parang kailan lang ay ganito ang mga nangyari... di ko akalaing isang taon na pala ang nagdaan kaya heto, nariyan nanaman ang ganitong mga pangyayari."

Oo nga naman, kay bilis nga naman talaga. Isipin mo, July 24 na pala bukas? Ibig sabihin lamang noon, mag-dadalawang taon na matapos ang katangahang pagkabangga namin ni karina sa motor. Kaya naman... 2nd anniversary na namin kung tawagin. Happy anniversary Karina (para bukas) at ipagpatuloy ang pag-ingat sa mga motor. Mag-aral ng road safety. =))

Hindi lang anniversary namin ni karina ang nalalapit kundi maging ang Leadership camp. Biruin mo, 11 months na pala ang nagdaan matapos ang Leadership Camp namin noon, ang Bulusan. At bukas naman, magaganap ang Leadership Camp para sa taong ito; ang Salimbal.

Halos isang taon na pala ang nagdaan mula ng danasin ko ang mga kasiyahan, kangaragan, stress, pagod, at iba pang emosyon at kung ano pa man na dala ng LC. Naaalala ko pa noon ay napaka-stressed naming mga tao, kami ay mga sabog sabog na. Hindi na nga kami pumasok noong friday bago mag-LC eh. Sobrang... PAGOD. At isipin mo nga naman, halos isang taon na ang nagdaan. Hindi ko man lamang napansin.

Kung iisipin nga naman, maraming nagaganap sa isang minuto, sa isang oras, sa isang araw, sa isang buwan.... at lalo na, sa isang taon.

Ayoko na itong banggitin pero alam na nating lahat to eh. UPCAT na next saturday. Good luck talaga sa ating lahat. Ngunit, kung kailangan man natin ng luck, malamang ay kailangan din natin ng hard work. Pero di ko sinasabing magpakanerd ka na ngayon. Iyang hard work na yan, pinag-ipunan na natin yan simula grade 7 pa. Alam na natin yan. Wag na natin banggitin.

Grabe noh. Kung ganito kabilis at hindi kapansin pansin ang pagdaan ng isang taon..... Gaano pa kaya kabilis dadaan ang 8 months?

July na.

At sa loob ng 23 days, tatanda na ulit ako.


lovelovelove,
eLise.

Saturday, July 18, 2009

mission ongoing / unaccomplished



*VERSION 2*

My UNFINISHED version of the beautiful ride. Kanta pa lang to. Wala pa yung ibang part. Panget pa nga eh. SOBRANG PANGET pa. Pasensya na ha. Panget pa yan.

Heto, kaya ko naman pinost to rito para magcomment kayo kung ano. SUPER PANGET ba. O ano, anong problema kung bakit panget. Di ko pa to sinusubmit sa Clean and Clear so hopefully for improvement pa ito. SUPER i-iimprove ko pa to. Shocks, di ba ako pwede maging singer?

Sige na naman oh. I need your comments. Merong comment place there sa taas. Just click the comments sa taas ng title. Or or. May chatbox sa gilid, leave your comments please.

Kung ayaw gmana ng video, upload processing pa kasi eh. :)



lovelovelove,
eLise.

Beautiful Ride Video Contest


Ito ang "Beautiful Ride" ni Andi Manzano na nakita ko sa TV kani-kanina lang. Nakita ko na ito ay isang ongoing video-making contest. Ang kailangan ko lang gawin ay gumawa ng sariling rendition ng music video/song na ito. Kailangang magpaka-singer at magpaka-performer tapos magpaka-video-person.

Na-eenganyo ako kasi 30,000 at Macbook yung prize. Sobrang. WOW. At madidiscover yung manalo dito. Waha. Sa Clean and Clear ito at wala namang criteria na "No Pimples" eh, so pwede naman siguro ako dito. Please, friends, partners in crime, help me please. Gusto ko talagang gawin to. Nag-iisip na nga ako ng plot eh. Excited na ko. It's worth the try naman eh. Maganda naman yung song eh. Help me.

Here's the promo mechanics:

Contest Requirements:
  • Open to all SY 2009 - 2010 female high school students
  • Female students aged 12-17 years old, with no recording/distribution deals with any major recording label
  • Ladies who are or were never part of any professional musical attire
  • Ladies who are or were never finalists in similar contests
  • Ladies whose recorded materials have never been aired on a regular basis on national radio stations
Contest Mechanics:
  1. Sign-in or register for an account at Multiply.com and add CLEANANDCLEARPHIL as a contact
  2. Download the MY BEAUTIFUL RIDE song by Andi 9
  3. Record yourself doing your own rendition of the song (can be acapella or with accompaniment)
  4. Upload your video of you singing the MY BEAUTIFUL RIDE song
  5. Video Guidelines
    • Video length must not exceed three (3) minutes
    • Video must contain you singing acapella rendition of MY BEAUTIFUL RIDE song
    • File name format should be: MY OUTSHINE VIDEO Rendition
  6. Judging Criteria for choosing the Top 10 Semi-finalists
    • (40%) Voice Quality/ Harmony
    • (35%) Musicality
    • (15%) Performance
    • (10%) Total Impact
  7. Most number of online votes from the shortlisted Top 10 Semi-finalists wins
  8. View complete contest mechanics
Contest Period: June 15 – August 21, 2009 (11:59PM)

Contest Prize:

  • Grand Prize
    • P30,000 in cash + Brand new MacBook
    • Star in the OUTSHINE music video with Andi Manzano (Andi 9)
  • 2nd Place
    • P20,000 worth of prizes
  • 3rd Place
    • P10,000 worth of prizes
  • Lucky Voter Prizes (10 winners)
    • Gift packs from Clean and Clear
Upside:
  • FREE to do
  • CASH prizes
Downside:
  • Limited to 12 - 17 years old
For more information, log on to cleanandclearphil.multiply.com

thanks to boy-kuripot.blogspot.com for the info :)

FRIENDS, I really want to JOIN.
Come on, HELP ME HERE.
Thanks. I love you!! =))
:)



lovelovelove,
eLise.

Things for Free

Some things in our life are given to us for free. Hahaha. For example, the air around us. NYAAAK. Econ-type post ba ito? Hindi naman.

Number one: Cellphone ko!! Este, "G-mask ng cellphone ko". Na-aaliw ako dito ng sobra talaga. Yung cellphone ko kasing puno ng gasgas at lasog-lasog na tingnan at nakakaawang tingnan ay umasenso. Pina-g-mask ko. Haha. Joke lang. Nilagyan ng design ni Allan. Dinrowing niya. Joke. Hindi. Basta ginawa ni Allan yang kung anong tawag mo dyan sa cellphone ko. G-mask kung G-mask. Pero hindi nga yan g-mask. Cool yan. Ginawa lang niya yan, maniwala ka. Totoo. Hahah. Yung iba kasi nagugulat... "Ginawa lang ni allan to?!" Oo nga ginawa lang yan. Libre pa. Thanks so much allan :)

Syempre pinagmamayabang ko diba? Hehe. Hindi naman masyado, na-ooverjoy lang ako.


Number 2:
Libre lang yung review na kinonduct ng UP ABM sa Palma Hall Pav 4. AKA: Bio Pav, kung saan naganap ang elims ng caduceus. Pero anong konek ng picture? Ganto kasi yung explanation ko dyan. Libre lang yung pagkakataon ng review, at yung pagkakataong makasama mo ang mga close friends mo. hahaha. Naaaliw lang ako. Hihihi. =)

Number 3:
Libre lang ang pagkakataong makasama ang mga taong to. Oo, gumastos ako, pero lunch at pagkain naman yun eh. Nakakaaliw lang kasi iyang si Bea, siya yung close friend ko nung grade 5 at nakakamiss na siya. Tsaka yung iba pang mga tao tulad nila Choice, Nathalie... Kahit di kami close masyado eh masaya pa ring makasama sila diba. Si Celine, makulit talaga yan. Nakakaaliw. =))

Diba, naniniwala na ba kayo na some things are given to us for free??



lovelovelove,
eLise.

Wednesday, July 15, 2009

the after effects of workaholism.

These are the after-effects of the workaholic year 2008-2009.

Well, last year was fulled of busy stuff such as LC, UPIS Week and many many more to mention. Now, I don't have those kind of stuff with me. It's such a joy, somehow. I got over it already but it seems like my body is still used to it. I feel like I'm facing a bit of after-effects from the previous year.

Yeah. Well, being auditor last year turned me into a somehow workaholic person. And now...

1) I am always looking for work to do.

I am still running around looking for work to do. I am still sleeping late thinking of work to do. I am not used to being "idle" while I'm in school at lunch time. So, what happened last week? I became the president of Sci Soc (No choice. Because I'm the only grade 10 there) and vice president of Math Club. (No choice, Emer and me are the only non-grade 7). And what else, I always want to do the stuff I need to do... When I feel like it. And many many many MANY more.

So, the next one's the opposite of the first.

2) I became too lazy.

I am always looking for work. So, when I don't see many things in front of me, I tend to sleep. Sleep all night long. Do things to kill time. Do nothing. Entertain myself. Sleep. Rest. I always want to sleep and rest.

So, I have some kind of weird or not-so-weird theory. It's just like this:

If you got used to doing so many things, too much pressure, too much everything and you have been turned into a workaholic, your body just got used to it. So, you end up looking for that work that you usually do or end up sleeping because you finally got the time to sleep or because you think that... "there are not much things to do", well, as compared to the previous year.

And that is the theory. I don't know if it really works. But, I observed my mom and what happened to her is the same as number 2 while she's at home and the same as number 1 when she's at the office.

She's a workaholic. Worse, worse, much much worse than me.

WORKAHOLISM: It's a disease. You are not and will not be at ease. :p



lovelovelove,
eLise.

Tuesday, July 14, 2009

06.14.09


At syempre pakyut yung picture ko sa taas. Hahahaha. Okay sige, pagbigyan niyo na ko ha? Walang picture eh. Yan na lang.

Pagkanda-hirap namang kumonekta sa internet ngayong gabi. Kanina pa ako nagsusumikap na makakonekta sa walanghiyang wi-fi. Ngayon lang ako nakakonekta ng maayos. Nawala tuloy yung drive ko na alamin kung ano ang PPC/PPF dahil hindi ko pa nagagawa yung homework. Di ko pa gets eh. Wahahaha. =)) Tinuro na ba kasi samin talaga kung pano gumawa ng ganun? Kasi naman eh. Nakakainis naman toooot. Haha. Medyo alam niyo na kung ano yung nakakainis.

Bakit nga ba ako nagbblog today? Ahh. Walalang. Naalala ko lang 'tong araw na ito. Kasi sa sobrang tagal bago makakonekta, nawalan ako ng gana, naisipang mag-blog. Fine. Haha. whatever.

So what's up today? Hayun. Muntik akong malate for the first time this year. Take note: muntik lang kaya okay pa naman. Yeah. Tapos, aha! Narealize ko na pagkanda-haba haba pala ang coverage ng report namin at napa-sugod ako kay maam Villegas at sabay sabing... "Maam, ganto talaga kahaba yung amin?!" Eh mabait at magaling naman si Maam V so, sinabi naman niya sa kin at niliwanagan niya ang aking isipang biglang na-shock.

Naalala ko lang today, yung tanong ng malanding lalaki (ayon sa kanya). Tinanong niya kung ano ang feeling ng mabigyan ng personalized something. Personalized cellphone chain, personalized necklace, whatsoever. Napaisip ako at na-alala ko lang bigla yung mga natanggap kong mga bagay bagay.

Ang sabi ko sa malanding lalaking nagtanong sa akin na oo, nakakatouch namang talaga yung mga binibigay sayo ng mga tao, lalo na kung personalized. Pero kahit ano pa man yan, depende yan sa taong nagbigay sayo. Kung special yung nagbigay, mas nagiging special at mas nagiging nakaka-touch yung isang bagay. Kahit ano pa man yan, kahit gano kaliit, basta galing sa taong spesyal. Spesyal yan.

At tinanong niya ako na kung ako papipiliin, anong gusto ko sa mga personalized na bagay na iyan. At ang sagot ko: necklace...

At ang sarap mag-senti ngayong gabi. Haha. Pagpasensyahan niyo na ha. Ang landi ng blogpost ko. Pero blog ko naman to, so akong bahala ng laman nito. Hahaha.

Haynako, tatakbo daw si Erap for 2010 elections. Ang kapal din ng mukha eh noh? Nakulong na siya at pinatalsik ng people power at lahat, may gana pa talaga siyang tumakbo? Para saan pa yung effort ng pagkadami daming tao dati? Napagkanda-sayang. Anong gusto niyong mangyari sa Pilipinas, naghahanap nga tayo ng pagbabago, ibabalik natin sa ERAP sa pwesto?! Good luck Pilipiinas. Sayang, 2011 pa ako legal voter. Pero kahit na ba sabihing legal voter ako sa 2010, problema ko pa rin kung sinong dapat ba talagang iboto sa mga nagsusulputang presidentiables. Eh. Madaya naman sila eh. Nagpapa-cute na silang lahat sa TV. Hindi pa naman campaign period. Kahit na ba sabihing hindi sila nag-aadvertise ng VOTE ME sa TV eh advertisement pa din yun at VOTE ME pa rin ang iniimply nun. Pa-TV TV pa sila. Ang TV para sa mga actors, ang Pilipinas di kailangan ng mga 'actors' na hanggang 'artista' lang. Kailangan ng ACTORS na tunay na nag-a-ACT.

Ang kapal din ng mukha ko para magsalita eh noh? Wala naman yata akong ginagawang malaki para sa Pilipinas. Pero kasi kung meron man, pinag-iisipan ko pa kung ano yun. Hehe.

:)




lovelovelove,
eLise.


Monday, July 13, 2009

la, la.


Somewhere - the music piece that I shall try to sing.

La La La La.

Ang hilig nating gamitin yan upang ipahiwatig na tayo ay pakanta kanta at akala nating lahat ay ganun kadaling kumanta ng La La La, pero nalalaman nating hindi pala dahil kung i-try mo kayang Le Le Le, kaya mo pa ba?

....................

Inaamin ko na ang araw na ito ay isang araw ng katangahan. Kailan pa ba ako nawalan ng katangahan sa bawat araw araw na dumaraan? Ayos lang yan. Ayos lang. Kasi, pumunta ako ng College of Music. Nakita ko sa aking orasan este cellphone na ang oras ay 1:25. eh, 1:30 yata ang aking klase, so, nagmamadali ako. Sinubukan kong dumaan dun sa shortcut, akala ko kasi semento naman siya at walang putik. Eh, may basa. Akala ko mababaw lang. Tapos umapak ako, medyo bumaon yung tsinelas ko tapos pag alis ko ng paa ko.. *pluk* May bagong design na tuloy ang aking bright blue pants. =))

Eeewness sa aking pants na may brown spots at lalong eewness sa aking paa na putik putik. Nakakahiya talaga. Tapos nakalimutan ko pa kung saan yung CR sa Music. Fine. Okay. Katangahan.

Hahabol sana ako sa SMMART seminar after ng klase ko. Pero nahihiya na nga ako na mga 2:30 ako darating dun eh, mas lalong mahiya naman ako na putik putik ako diba. So ayun, di na lang ako nakahabol. Sorry SC.

............

At alam niyo ba kung bakit ko sinasabing ang La La La ay hindi pala ganoon kadali? Ganito kasi ang kwento. Pinapakanta ako ni Sir Greg, kasi nga voice tapos syempre mataas. Edi ang taas taas taas taas. Hehe. Edi ni-vovocalize ako ni sir. Tapos nakakahiya talaga, bakit ganun yung boses ko, nipipiyok piyok ako. Nawawala wala yung boses ko. Nadedepress tuloy ako na natatawa sa sarili. Ang loser ko. Hahaha. =))

Edi ayun, kanta ako ng SOMEWHERE... There's a place for us... Someday Somewhere, we'll find a new way of living..... :p Haha. Eh ang taas taas nga tapos ayaw lumabas ng boses ko so sabi ni sir Greg, gawin ko sa La, La. Edi ginawa ko sa La, La. Grabe, kaya naman, sabi sakin, gawin ko E, E. Hindi ko magawa ng maayos, tawa ako ng tawa. *Grabe, di pa rin ako nagbabago, tinatawanan ko pa rin sarili ko pag kumakanta ako.* Gawin ko Le Le, haha. di pa rin. Hirap pa din. Wahahaha. Kasi naman eh, bakit takot yung dila ko sa E, E. =))

Nakakatawa, siguro medyo malabo yung pagkakakwento ko, kasi kailangan ng demonstration eh. Wahahaha. Pero heto lang, heto lang ang masasabi ko my dear friends.

Kapag nagrecital ako sa end of sem, panoorin niyo ako ha? I need your support. :) Pero wag niyo akong patatawanin ha? Seryoso na ako dito. Dapat. Hihihihi.

By the way, salamat kay marian, gagawan niya ako ng blog design/layout. Kasi naman eh, emo daw yung layout na minodify ko, sabi ni apol. Eh para matigil na ang emo-ness. At saka hindi kaya ng spirits kong gumawa ng design eh. Inaamin kong napagkanda tamad ko sa codes at colors at wala akong creativity masyado sa akin. Kaya maraming maraming maraming salamat MARIAN BARRO. :)

:)




lovelovelove,
eLise.




click here to comment!!

Thursday, July 9, 2009

tatamad tamad si ako.

haynako. sabi ko nga. tinatamad ako. teka. ayokong magdaldal.

kasi naman eh. ito ba ang tawag sa nagsisipag? napaka-(anong tawag dun)? ko naman. sabi ko ganun, pero ganto ginagawa ko. bawi ba ang tawag don.

elise ah. pwede ba sundin mo naman yung sinasabi mo sa sarili mo. i-accomplish mo naman yung gusto mo, please?

ang dami mong distraction eh. kahit wala namang distraction, ewan ko kung anong tawag dun sa ginagawa mo. ang hilig mong matulog, elise. natulog ka ng 8 pm kahapon. well at least ginawa mo naman lahat kasi nung isang araw. diba? so, fine ayos.

pero diba sabi mo nga sa sarili mo at sa maraming tao na ganto. grabe, guys, alam niyo na kung anong tinutukoy ko, sana. (pero excuse me, di ito konektado sa lovelife, wala ako nun.)

naalala ko na kung anong tawag sakin. hipocrit? haha. yung mga taong ganto sinasabi pero di naman nila ginagawa. elise, patunayan mo. patunayan mong kaya mong panindigan yan. yang anak mo, ha? JOKE. hahahaha. eeeeeeeew.

o ayan elise, maayos ka na ba? umayos ka lang ha. umayos ka. relax ka lang. enjoy life. pero ayusin mo. no pressure elise. no pressure. NO PRESSURE! NO PRESSURE.

tapos nakakatawa ka naman elise. puro naman grade 9 kasama mo sa sci soc diba. ikaw lang grade 10. tapos pati sa isa pang club, bakit ka ba napadpad dun? hindi ko din alam eh. ayan, bonding kayo ni emer, haha. ikaw lang grade 10 at siya lang grade 9. lahat grade 7 na lalaking maiingay.

NP.

~annelizabeth

*sori na, oo na, kausap ko sarili ko, sori, walang makausap eh. sorina. ewan ko kung anong nangyari sa akin. may naramdaman akong kakaiba tapos kailangan kong ayusin yung sarili ko. haha.*

guys (sori ayoko ng "gurls" eh. ang bakla eh), 3 weekends na lang. the day is coming near. :S




lovelovelove,
eLise.




click here to comment!!

Saturday, July 4, 2009

Pagdadalaga ni kaka.


So ito yung pinost ko sa multiply kasama noong album. Para na kasing blog ko eh.


Ang pagdadalaga ni Karina KAKA Bulong. TAKEN NA SIYA. Sweet 16. Happy birthday eka! XD Hahahaha. Happy birthday nga pala karina. :p Natanggap mo naman ang aking mensahe sayo diba?

May you be able to build the bridge to the one you love.

YEHES. At sige tingnan mo, may ebidensya ako na kinikilig ka. Oh, wag mong sabihing hindi, at hindi ko naman sinasabi kung bakit ka kinikilig :p Hahahaha.

Marion, Felix, Viviene, Carmina, Leanne, Mara, Karina...
Maraming salamat para sa isang masayang araw. :p

Sayang lang umuwi ako agad kasi kailangan kong umuwi ng 4, absolute 4 daw. wala daw kasing tawad. Eh, ayoko namang mapagalitan kasi baka di na ako payagan sa susunod. Mabuting bata ako at may choir daw kasi ngayon, dapat, eh ang nangyari, wala naman pala. So, sayang.



Eh pero ang nangyari kanina, so Atang de la Rama. Na-aamaze ako, super galing, gusto ko na mag theater arts o Music na lang. Please, bakit naman kasi ngayon ko lang napanood, sana talaga nag theater o music na lang ako. Nung pumunta ako sa harap, malapit kay mara, katabi ni ano na katabi si ano... Napansin ko na si Sir Greg yung gumanap na AMADO HERNANDEZ! Please, siya ata yung teacher ko sa college of music, sa voice na super tinatawanan ako at tinatawanan ko rin. Astig kaya siya. So ayun, mas lalo akong na-excite at humanga. Syempre pagkatapos ng ATANG, tinawag ko si Sir Greg, sabi ko naman:

Elise: "Sir Greg! Naaalala mo pa ba ako!"
Sir: "Oh! (*Parang nagulat yung mukha, mukhang nakakita ng familiar face*) Syempre naman naaalala pa kita! Anong year ka na, kamusta na mommy mo?
(*Naging teacher ko kasi siya nung buntis pa si mama kay Wim?*)
Elise: Grade 10 na po ako. Okay naman po.
Sir: Grabe, mabilis lang ba talaga ang panahon o tumatanda na talaga ako?
(*At umaakbay siya sa akin tulad ng dati. Basta mukha kaming close kanina.*)
Elise: Hindi naman po sir. Nagtuturo pa po ba kayo ng voice?

At dahil doon maglelessons na ako ulit. Parang ganun yung usapan namin kanina, may nakalimutan siguro ako pero parang ganun. Nakakatawa kasi para parin kaming close na estudyante at teacher. Eh, nakakaaliw naman kasi, parang... ang tagal ko na siya naging teacher, elem siguro ako, grade 4 siguro yung last. Tapos mukhang familiar pa rin ako sa kanya. :p Haha. Katawa, last time naman, teacher ko nung NURSERY ang nakita ko. Siguro pag nakikita nila ako, naiisip nilang tumatanda na sila. Pero ba't ganun, mukha namang di pa rin sila nagbabago, ako lang naman.



Haaay. So kasama ko na sila Karina nga. Hahaha. Nanglibre si Karina sa Kenny Rogers! At ang galing, diet kasi ako eh. DIET. Nakailang manok kaya ako, Felix kasi eh. Nanisi?! Haha. =))

Nag-picture picture kami sa picture city at inabala namin ang photographer. Daming shots kasi eh. Haha, tapos inistolen shots ko sila sa Kenny Rogers. Hahahaha. Kasi naka-manual ako kanina eh. Kaya ganto yung shots. Sorry ah. Hehehehe. :p

O AYAN NA. Tingnan niyo na yung pictures.

Ang Pagdadala ni KAKA - Available HERE. :)



lovelovelove,
eLise.




click here to comment!!

Thursday, July 2, 2009

may mga pagkakataon




may mga pagkakataon na napapatawa ako ng mga virus. hindi virus ko, kundi, virus malamang ng ibang bagay sa tabi tabi. hahahaha. hindi ko alam pero nakakatawa kasi talaga yung virus eh. BENTA talaga.

pero kasi dapat hindi na ako maaapektuhan ng virus na yun na mas malala pa sa a(h1n1) eh. naiwasan ko nga yung virus na yun kanina, ng natanggap ko naman ang virus na ito na sa YM contacts ko kumakalat, nangiti lang naman ako ng kaunti. hahahaha. kasi naman eh eh eh.

BASTA. Sana laging may ganoong virus para natatawa ako. Pero ayokong magbalik ang mga bagay na tinalikuran ko na. :)


YESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSs.

Hay, tinatamad akong kopyahin yung image sa flickr.



lovelovelove,
eLise.




click here to comment!!
INAANTOK AKO.

so in-announce ko sa aking blog na definitely inaantok ako.
eh kasi naman eh. sakit na ng ulo ko. tulog na ko. tulog na.
gusto ko na matulog.

pero nagpaka-tamad pa ako, kaya wala pa akong nagawa.
tapos alam ko naman na kahit sabihin kong gigising ako ng 4, pustahan man tayo, di ako magigising.

akala mo naman ang dami kong kailangan gawin no? wala naman.
gusto ko lang magpanggap na masipag...

pero INAANTOK TALAGA AKO.

at HINDI KASI AKO EMO.

ay, goodnight kaya? mai-charge na lang nga si selpon. XD
excited na ko mahawakan ang camera na matagal nawala sakin.
at excited na ko isuot ang mga dresses kong bago.
:)



lovelovelove,
eLise.




click here to comment!!