Okay. Mahaba tong post na to. Pero pagbigyan niyo na, sa sobrang dami kasing nangyari sa 2012, nahirapan akong gumawa ng post na maikli.. Hahaha. :D End of the year naman eh. Bale, eto yung laman ng planner ko. Haha! =))
Main Events that Changed my Life.
1. KEM 11B
Finally, after two years, as I promised, I applied for UP KEM. Yeheeeeey! :D Ang saya saya talaga sa KEM. Nakakatuwa kasi sobrang life-changing ng app process ng KEM, ang dami kong natutunan, at naramdaman ko talagang nag-grow ako as a person. Nakakatuwa rin yung mga taong nameet ko, my coapps, 11B, pati na yung mga members, lalo na yung clingy batch KEM '10! Sobrang fuuuuuuun. My ChE life wouldn't be the same without them. :) Sana makapagbonding soon ang 11B! :D
2. PSYSC CAMP Davao 2012 and BASIC Outreach
I met new kids, PHYSIQUILA, and I was also reunited with my last set of kids, ONSEGEN. :) Nakakatuwang maka-meet ng bagong kids na aalagaan, at ang saya saya ng field trip sa Davao! Haha. Nakakatuwa kasi nakita ko rin yung mga anak ko from last year at nakakataba ng puso na naalala pa rin nila ako. PSYSC is love.
Nung summer, naghead ako ng isang outreach ng PSYSC for World Vision kids. Ang fulfilling talaga pag nakikita mo sa mukha ng mga bata yung saya lalo na kung alam mong part ka ng reason kung bakit masaya sila. Kahit na pagod na pagod ka na dahil ang gulo nila, at nawala pa kayo sa Dasma, masayang masaya at fulfilling pa rin. :)
3. YFC UP Bliss and YFC UP Campus
Naging part ako ng service team at nakapag-serve ako kay Lord. :) Ang saya ng camp na to, kahit na last minute wala pa ring priests.. Go lang at fight. Tiwala lang. :) Nakapag-MetroCon din pala ako for the first time and the experience was great. :) Nakilala ko rin ang YFC UP Chapter at nakasama ako sa prayer meeting nila once. Nung una ko silang nakilala, ang saya kasi parang ang tagal na naming magkakilala. They were so welcoming. :) These events renewed my faith at dahil dito, mas napalapit ako kay Lord. :)
4. Summer Musical - Spring Awakening + Mayumi, Makisig and family
First time kong sumali sa isang musical! Mini-musical lang to, at two days lang ata ako nagpractice. Pero, thankful ako nakameet ako ng new friends na musically inclined din. :D Hi Alex, Clar, Mayumi, Josh, Mark. :D Ito yung summer na feeling Music major ako. Halos araw araw ata akong nasa Music at kumakanta lang randomly. Nakameet pa ako ng new friends, sina Mayumi at Makisig. Napaka-welcoming at sweet ng pamilya nila. Napalapit na ako sa pamilya nila at nakakatuwa talaga, ang sweet nila at minsan ay nahahatid pa nila ako. :D May duet pa nga dapat kami ni Makisig, Last Night of the World. Dahil dito, mas nainspire akong i-pursue ang aking music dreams. Kumanta pala ako ng Defying Gravity nung summer. Like a diva. Haha. Ang sayaaaaa. ♥
5. Internationally Licensed Scuba Diver
After 19 years of patiently waiting for my dreams to come true, I am now an internationally licensed scuba diver! My checkout dive was in Anilao, Batangas. I think we went over 60ft. Haha. Then, my father and I went to Gaus for my first dive as a licensed diver. It was awesome diving in the hometown of your father. Amazing experience, awesome underwater world. Plus, I took my own underwater pictures! Yehey!
6. PETRON Scholarship
Nakatanggap ako ng scholarship sa Petron, noong una, tinatamad pa akong mag-apply kasi ayoko ng maraming inaasikaso, pero bago mag-deadline, hinabol ko talag yung requirements at yung physical fitness thing sa infirmary. Napaka-memorable nung interview day kasi biglang napaisip kami sa aming future. Siguro, kung di ako nag-apply ng scholarship sa Petron, di ko maiisip at this point kung ano ba talagang gusto kong gawin as a chemical engineer. Dahil dito, at sa Eng30, nagkaroon ng direksyon ang career ko. Tsaka dahil sa Petron, may allowance na ko. Salamat, Petron! Haha! :D Thank you din, Lord!
7. KEM OrSem, InterU, KEMCares
First work ko sa KEM, at marami akong narealize. Sa OrSem, natuto ako biglang gumawa ng video sa After Effects. Grabe. Pag gusto mo talaga at kailangan, mapupush ka talagang matuto. Natuto at nakagawa ako ng video in one night. o__o Fun experience din yung sNCEC Inter-U kasi Olympiad, this time for college students. Tapos dahil guest relations nanaman ako, nag-feeling judge ako kakachikka sa mga judges. Hahahaha :))
8. ChE majors.
Ngayong year na to, nafeel ko yung struggle ng buong batch namin sa aming mga majors. ChE 122, ChE 106, ES13. Nafeel ko ang pagiging ChE. At hindi siya madali. Lesson learned: Mag-aral ng mabuti. At kung naghihirap na talaga, nandyan naman ang ChE batchmates, medyo nagtutulungan naman kami sa pag-aaral at pagrereview at paggapang sa aming mga subjects. Hindi to parang high school na basta basta lang. College to. ChE to. Fight. Walang bibitaw. Bawal bumitaw. Tiwala lang. :)
9. Learning how to balance your time.
Ngayong year na to, nagsabay sabay talaga yung PSYSC, KEM, and family duties ko to the point na medyo kinailangan kong mag-let go sa isa. Sa totoo lang, nahirapan talaga akong gawin yun kasi mahal na mahal ko talaga yung isaa. Pero may mga nangyari, tsaka wala na rin kasi kaming katulong, tapos ako yung big sister, so kailangan ako lagi sa bahay for my brothers. Nag-usap kami ng family ko, at, medyo nagdecide ako na mag lie low muna dun sa isa. Pero narealize ko na nung ginawa ko yun, I think for 2 or 3 months, grabe. Parang ang laking bagay nung nawala sakin, and I realized kung gano ko kamahal at kung gano kaimportante sakin yun so, bumalik ako. :)
10. CATALYST
So nung bumalik ako, tinuloy ko yung CATALYST na hanggang ngayong Christmas Break ay ginagawa ko pa rin. :D Productiiiiive. Lesson learned: Constant pangungulit sa mga tao, patience, and trust sa kanila. Nakakatuwa rin tong CATALYST kasi naiinspire ako sa mga articles. Akala ko, hindi na namin to magagawa, kinabahan ako, buti nalang nandyan ang PUB, di ako nawalan ng pag-asa. Maraming salamaat!
11. Engg Week -- Journey Through Time
Best Engg Week so far! Haha. 3rd year na ako, pero ngayon lang talaga ako nakapag-Engg week. Last year kasi night event lang, Awitan. Ngayong year, nakapanood ako ng night events. Jamengg, go band NED! Kahit na may exam kinabukasan, go lang. Support ko kayo guys eh. Awitan, audience nalang ako ngayon dahil bawal na ako sumali. Hahaha! DULAAN! Nag-make up ako sa mga actors. Proud! Sobrang galing talaga ng KEM Dulaan! Di ko malilimutan yung natahimik yung buong audience at halos di ako gumalaw nung sila yung nagperform. Totally awesome. Plus, nakasali kami sa Filmfest. Fun yung random shooting namin ni Raei sa SM North. =))) Tsaka the best yung nakagawa kami ng song through a random jamming session, Journey Through Time, at nanalo pa! First song ko yun na nabuo, if ever. :) So proud. UP KEM is love.
12. Love.
Love from family, friends and from God.
Para sa lahat ng mga nangyari sa aking 2012, maraming
salamat sa aking family and frieeeends, at sa lahat ng taong dumating sa buhay
ko at nameet ko ngayong taong to. 2012 wouldn't be the same without you. :) And
most of all, thank you God! :)
Merry Christmas and Happy New Year!
♥♥♥