I swore to myself that I'm not going to rant anymore.
But I've reached my limit. Ang sakit na sa chest ng
kinikimkim kong 'to.
Guys, sorry na. Isipin niyo mang tamad ako o maarte wala
akong pakialam. Pero naiinis na kasi talaga ako eh. Hayaan niyo nalang muna ako
sa rants ko. Blog ko naman to diba?
Ilang buwan na rin kaming walang kasama sa bahay at
nagdecide na yung mga magulang ko na wag nang kumuha ng katulong para matrain
daw kaming tatlong magkakapatid. Okay lang naman sakin, may point naman, na
matrain sana kaming tatlo. Kailangan lang talaga ng proper time management ng
aming buong pamilya para may maiiwan na tao sa bahay para sa aking mga kapatid.
So nung una, okay pa. Umuuwi ako ng 1 para sa kapatid ko
tapos pumapasok ulit ng 4 pm sa aking IE3 class kahit gano man kahassle yun.
Kapag may org meetings ako, I just make sure na may tao sa bahay for my
brothers. Pag walang tao sa bahay, hindi pwedeng umalis. Kaming tatlo ng mga
magulang ko, busy people kami. Marami silang class, meetings, etc. So
dumarating sa point na marami nang conflict, tapos napagsasabihan ako ng mga
magulang ko na lagi akong wala sa bahay at di raw nila ako nakikita, wala akong
naitutulong masyado.. So dahil pati Saturday Sunday ay may org events minsan,
ginive up ko na talaga yung Sunday for family day, para makabonding ko naman
sila at makatulong naman ako sa bahay at magawa ko rin yung personal stuff ko.
At dumating na rin sa point na ginive up ko yung mismong org dahil sa Sunday
and time issues na yan.
So I'm trying my best to help with the house chores... na
nagiging main issue ngayon sa bahay. Ito yung nakakapuno eh. Sinusubukan ko
namang tumulong, naglalaba ako pag may time ako, naghuhugas, nagluluto,
nagwawalis, nag-aayos ng magulo naming bahay... Kapag walang nagsasabi sa akin.
Naiinis kasi ako kapag sinisigawan ako at pagalit kaagad. Pwede naman sanang
sabihin ng mahinahon, mag-antay lang, gagawin ko naman. Naiinis ako kapag
nag-aaral ako, tas biglang out of nowhere, magagalit sa akin dahil may natira
daw na hugasan sa kusina (which is dahil late silang umuwi), mali daw yung
ginawa ko, bakit daw ganto ganyan, ni hindi ko na nga maintindihan! Basta
galit! Galit lagi. Nakakainis yung feeling na parang ikaw yung tamad at walang
ginagawa sa bahay lagi. Nakakabwisit.
Isa pang kinaiinisan ko, ay yung mga hugasan lagi na nasa
kusina. I mean, okay fine. Dapat naghuhugas ako, siguro toka ko nga talaga yung
sa umaga, pero di ko nahuhugasan kasi ang aga ng pasok ko at malalate na nga
ako. Okay fine, kasalanan kong di ako nagigising ng mas maaga. Pero sinusubukan
ko naman, at di lang makahugas kasi hindi pa tapos kumain lahat o nagmamadali na.
Sila, mas nahuhuli naman silang umalis sa akin, di ko magets kung bakit di nila
hinuhugasan nalang bago umalis. Si papa, naggigitara lang naman siya sa umaga.
Bakit kaya di siya maghugas rin? Tas yung mga boys, mas maaga silang dumarating
sa bahay kesa sa akin, tas akong late na nakakauwi dahil late ang tapos ng
class ang inaasahang maghugas ng lahat ng plato from breakfast to dinner?! Ni
hindi nga ako nakakapagbreakfast at dinner sa bahay minsan eh! Tapos sasabihin
sayo na "babasagin ko yang mga platong yan!" Hindi ako nagmumura pero
ang sarap nang magmura sa mga panahong to. Nakakainis lang.
Sa totoo lang, medyo nawawalan na ako ng gana sa pag-aaral
dahil sa mga pangyayaring to. Kasi naman, ang feeling ko, parang ang wala kong
kwenta. Kasi alam mo yung naghihirap ka sinusubukan mong mag-aral ng matindi
kasi ang hirap ng subjects mo tas bigla kang sisigawan na bakit ka nasa taas or
bakit ka nagfafacebook or whatever na random things tungkol sa bahay or
anything. Parang ano na lang ba? Di ko na talaga gets eh. Minsan nga parang
ayoko nang umuwi ng bahay. Parang wala rin namang pahinga dito dahil sa mga
pagalit nila.
Oo alam ko, ako ang panganay at ako lang ang babae. Pero
bakit ganun? Ako lang ba anak niyo? Bakit lahat nalang ng stress niyo,
kaguluhan sa bahay, kasalanan ng mga kapatid ko, ako ang may kasalanan? Pati ba
naman homework na di nila nagawa?
Alam ko ako yung smiling and optimistic person. Ganun pa rin
naman ata ako pag wala sa bahay. Pero, dito sa bahay, medyo tumataray na ako.
Medyo nagagalit na nga rin sakin yung mga kapatid ko eh. Kasi napapagalitan ko
sila. Nakakainis rin naman kasi pag di sila sumusunod. Medyo di mo mapipigilang
magtaray. Pero alam mo yun, maski ako, I MISS MYSELF. na hindi ganto.
Sa labas, parang okay lang ako. Masaya naman ako. Pero deep
inside, may nakatagong inis and everything... Di ko alam kung suwail na anak na
ba ako o kung ano. There's a heavy feeling inside my heart.
I don't know what I'm going to do. :/
♥♥♥
lovelovelove,
eLise.
♥♥♥