Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Wednesday, November 18, 2009

Keyboard

Wag mong
i-
backspace
ang mga nakaraang
i
denelete ko na sa buhay ko
pagkatapos mong
i-
caps lock
paniwalain
tapos nag-
shift ka
nag-
alternate sa iba
kaya di ko na na-
control
nag-
space ako
ginamitan mo ako ng
tab
para makapasok kang muli
sa
home na puso
may um
insert na iba
um
enter
nag
page down ka
nag
page up ako
dahil
end na
ayoko na
mag-eescape na ako
di ko na ipi-
print
pause muna ako
nag-isip, ise-
save kang muli
you gave me
space
pero ayaw na talaga
ng CPU ng utak ko
nag break na
io-off ko na
ang computer.:)

lovelovelove,
eLise.

Tuesday, November 17, 2009

After a week of house storming.

Pagkatapos ng lahat, isa lang talaga ang masasabi ko:

HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY.

Haaaaaay salamat at tapos na rin ang halos dalawang linggong sakit sa ulo dito sa bahay. MABUTI NAMAN. Kasi nga diba, mula noong bumili kami ng piano ay nagkaroon ng malaking gulo dito sa bahay, matinding paglilinis. And so tapos na yun ngayon.

MABUTI.

Sa totoo lang kasi, the past two weeks, basta pagkasimula ng 2nd sem, ang aga aga ko talagang umuuwi kasi kailangan kong unahan yung mga kapatid kong 4pm dumarating ng bahay. Kailangan kong magpaka-ate. Haay. Okay lang sana, keri lang sana kung hindi lang medyo mahirap sa schedule. Grabe. Nung last two weeks, naramdaman kong medyo lagi akong pagod. Kasi kung may pinroproblema man ako nun, hindi naman yung tungkol sa school siguro... Yung tungkol lamang sa mga bagay bagay dito sa bahay. Stressful kasi talaga e.

Hay ewan ko lang. Wala tinatamad ako mag blog. :))
:)



lovelovelove,
eLise.

Monday, November 9, 2009

Big Wishes and Big Responsibilities


Kamakailan lamang ay nakakita kami ng magandang piano sa isang tindahan. Ito ay nagkakahalagang... secret. Ganito kasi ang kwento; Pangarap ko kasi talaga ang piano. Pangarap ko kasi talaga na magkaroon ng totoong piano. Mayroon kaming keyboard kasi sa bahay, yung electronic, tapos yung speaker niya ngayon sobrang *tugsh tugsh krrsh krssh kraassh kraack* basta, imagine the sound ng isang sirang speaker. Tumigil talaga ako mag piano since grade 4 pero nagppiano ako ocassionally, as in minsan lamang. Kasi, hindi ganon ka-enticing ang keyboard nga. Frustrating. Tsaka frustrated din ako sa sarili ko siguro. So onti lang talaga natutugtog ko pa. Lately, nakakita ako ng violin, dahil kay ate yumi at abe. Edi sinubukan ko naman mag violin. Wow, parang, ang saya pala, kahit papaano pala eh mukhang mas kaya ko mag violin kaysa gitara. Haha.

So, sabi ko sa mga magulang ko, gusto ko sumubok ng violin. Di ko sinabing dahil sa frustration ko sa piano, pero... sinabi ko, pinilit ko. Edi naghanap kami ng violin dahil sa kakulitan ko. Mahirap pumili ng violin kasi hindi ko alam. Ayoko ng mahal na violin kasi sobrang beginner lang ako. Nakakahiya at nakakapressure. Nakakatakot. Nakarating kami sa LYRIC, may violin... at may piano.

Habang tumitingin ng violin, piano yung nakita namin. At piano yung umakit ng paningin, damdamin at puso ko. Syempre dahil yun yung alam kong instrument, pero para sakin, mas gusto ko tumugtog ng piano at makinig nun. Mas free nakakatugtog at mas gusto ko yung tunog niya. So ayun... tinanong kung magkano. Tumingin ako sa mga magulang ko, beautiful eyes. Eh mukhang beautiful din yung eyes ni mama so pinag-isipan namin. Pinag-isipan namin tapos binili after 2 days... I LOVE YOU MAMA. Buti na lang ay kahit di kami mayaman, paminsan minsan may pera si mama. So, yehey!

Natupad na din sa wakas yung childhood dream number... number something ko. Haha. Wow talaga. Nakakatuwa. Pero, sabi nga sa title ng blog na to, ang mga big wishes, o yung mga magagandang bagay sa buhay natin ay may kaakibat na responsibilidad. Mali pala siguro yung title ko, mas maganda yung pribilehiyo=responsibilidad.

Alam naman nating lahat na ang piano ay hindi kasing liit ng violin o ng gitara. Ang piano ay malaki, kahit yung upright piano lang at hindi yung grand piano. Maliit lang ang bahay namin, relatively. Marami kasi kaming kalat. So walang space sa bahay namin. Syempre yung bahay namin naka-ayos na sa 'ayos na walang piano'. So pag nagdagdag ng piano, hahanapan ng lugar.
Itong si piano, pasaway. Yung lugar na pinili niya, iisa lang, at yung gitna pa; kung nasaan yung dating dining table. Bongga siya diba? Pumipili ng lugar talaga. So major gulo gulo gulo gulo GULO ng bahay. Lipat dito lipat doon, tapos yung mga papeles, yung mga laruan... GRABE! Parang bodega bahay namin eh. Sobrang stressful na talaga dito. Parang ayoko nang tumingin. Ayoko na talaga. Parang, pag titingin ako mapapagod ako. Hindi eh, wala nang pahinga. Nakakaasar na yung itsura ng bahay namin parang hindi na bahay.

Pero alangan namang hayaan kong ganito forever yung bahay diba? So walang katapusang paglilinis eto. Pagtatapon at pag-aayos, pag-aayos, pag-aayos, pagtatapon. Parang gusto ko na nga itapon lahat ng mga papel na di ko nakikitaan ng silbi eh. Haha. Joke. Ibebenta ko pala kay kuya kalakal, baka sakaling kumita ako ng kahit kaunti. Haha. Sobrang dami kasi talagang mga dapat inaayos dito, halo halo. Nakaka-suffocate na dito nga eh. Parang di na ko makahinga sa gulo. Kaya eto, linis.

Di naman ako nagrereklamo, alam kong dapat talagang ginagawa namin tong paglilinis na to. Di naman ako nagrereklamo na naglilinis kami pero may reklamo pala ako para sa mga batang ganito..

Ako: Kunin mo nga yung plantsa sa taas.
Bata: Ako nanaman?? Lagi na lang ako inuutusan. (akala mo naman naglilinis at nagpapagod siya)
Ako: Ano ka ba, konting utos lang eh.Bata: Asaan? Ang dami namang kalat dito!
Ako: Syempre nag-aayos. Nandiyan lang kaya yun sa gilid.
Bata: Asaan nga?! Wala naman eh.
Ako: Dun sa drawer.
Bata: Wala naman eh!!
Ako: Matuto ka nga maghanap! Pag ako umakyat diyan at nakita ko yan ah.
Bata: Wala nga...
Ako: (umakyat) San ka ba kasi naghahanap?! Ano ba yan oh.
Batang lolo: Eto oh! Di ka naman naghahanap eh.Bata: Ay oo nga no. Haha.
Ako: Oy, ano tong kinalat mo dito, di to ganito kagulo kanina ah.
Bata: Ano ka, magulo kaya yan! Di nga ko makadaan ah.
Ako: Nakagilid kaya to kanina. Matuto ka nga magbalik ng kinalat mo!

Nakakainis yung mga batang, konting utos lang, magdadabog na. Lalo na yung pag ang inuutos mo tungkol sa pag-aayos ng gamit nila o yung tungkol sa pag-aayos ng sarili nila. Mabaho na nga, uutusan mo maligo, ayaw pa maligo! Iiyakan ka pa. Haynako. Ayon nga sa batang lolo ko, "ganyan talaga ang buhay"; akala mo naman ilang taon na siyang nabuhay sa mundo, anim pa lang naman. Ang nakakainis pa, yung ikaw na nga yung nagluto, naghugas, naglinis at nag-ayos ng bahay eh sila pa yung may karapatang magreklamo na "ako na lang lagi!" kapag inutusan mong magtimpla ng juice. Parang pwede ba, wag na wag niyong isusumbat sakin yan. Nakakairita eh.

Pero kasi, bata pa kasi sila. Pero grade 4 na din kasi yung isa eh, at lolo na yung kinder kong kapatid eh. Hayy.. Kasalanan ko din kasi talaga ata yun... I mean kasalanan ko kasi hindi ako ganun kahinahon sa kanila. Kailangan ko talaga idevelop yun eh. Oo, inaamin ko, mataray ako pag stressed. It runs in the family. Kaya pag pagod kaming lahat dito, away, o sigawan lang naman o tarayan. HAHAHA. Pero don't worry, nagkakabati kami. It's part of our daily lives. :))


lovelovelove,
eLise.