Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, February 28, 2009

Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.

---------------------------------

Matagal nang kasabihan na ang kabataan ay pag-asa ng bayan. Okay. So, sinasabi na ang kabataan, ay pag-asa ng mahal nating bayan.

Umaasa ang mga Pilipino na nasa kabataan magmumula ang pagbabago, pag-unlad, reporma marahil... Panibagong buhay ng Pilipinas. Mataas ang ekspektasyon sa kabataan. Sapagkat, pinapag-aral ang kabataan, at umaasang mula rito ay magkakaroon ang bayan ng panibagong pag-asa... kasi ang panibagong henerasyon marahil ay makapagdadala ng pag-unlad... (gaya nga ng sabi ko kanina... umuulit ba?:p)

Ilang henerasyon na ba ng kabataan ang nagdaan? Ilang henerasyon na ba ng "pag-asa ng bayan" ang nagdaan??? Hindi ba parang napakaraming henerasyon na ng kabataan ang nagdaan mula pa nang magsimula ang kasabihang iyan? Ngunit, anong nangyayari ngayon, nagkakaroon ba ng tunay na pagbabago, tunay na reporma, tunay na pag-unlad??

Hindi naman sa sinasabi kong walang ginagawa ang kabataan, pero para kasing in general ay walang nakikitang pagbabago...

Ang tanong ko ngayon... Paano kung ang mga kabataan ngayon ay pareho lamang sa mga taong nauna noon? Ang ibig kong sabihin... kung pareho lang din ang ating mga pagkakamaling gagawin... Kung ang mga nangyayari sa Pilipinas ay makikita o namamanifest rin sa mga maliliit na lipunang gaya ng sa eskuwelahan.

Kung ano ang naging pagkakamali nila ay magiging pagkakamali o pagkakamali rin natin ngayon... Magiging isang siklo (o never ending cycle) lamang ang mangyayari... Paulit-ulit lamang... at paano ang pag-asa? Mayroon pa bang pag-asa kung magiging isang paulit-ulit na siklo lamang ang ating pinupuntahan....??

Nasaan na ang pag-asang hinahatid ng kabataan? Sineseryoso at pinapatunayan nga ba natin bilang kabataan na tayo ay "pag-asa ng bayan"? Pinapagbutihan nga ba natin ang pag-aaral na ineexpect nilang ating ginagawa para sa bansa? (I mean... that's the least they can expect from us eh.) Ginagawa ba natin kung ano ang tama o sumasabay na rin lamang tayo sa daloy ng panahon.... Sa agos ng mga pangyayari... At hindi na iniisip kung anong tama, mali, nakabubuti???

Isang mahalagang meron siguro sa kabataan ay... sa kabataan nagsisimula ang ating values o pagpapahalaga na dadalhin natin hanggang tayo'y tumanda. Ang values na ito ay mahalaga kung paano tayo mabubuhay, magdedesisyon... Ang values na dadalhin natin hanggang sa ating pagtanda ay napakaimportante...

Ilang taon ka na ngayon? Ilang taon na tayo ngayon? Marahil ilang taon na lamang ay tatanda na rin tayo tulad ng mga ibang tao sa paligid natin ngayon. Marahil ay habang tayo ngayon ay maituturing pang "kabataan" ay patunayan natin na tayo ay "pag-asa" talaga ng bayan... Huwag natin sayangin ang ating kabataan. Habang tayo ay bata pa, isipin na natin ang tama't mali. Ang tamang values, etc... Hindi natin gustong maging isang "never ending cycle" ang mga pangyayari rito... Nagnanais tayo ng pagbabago, at ang pagbabagong iyon, marahil, ay maaaring magmula sa atin, sa kabataan.

Mabuhay. Mabuhay ang kabataan!! :p

lovelovelove,
eLise.

Thursday, February 26, 2009

hipokrasya, pulitika, sinseridad.


Ngayon ay Ash Wednesday. Unang pagkakataon kong makapagsimba sa araw na ito kung saan ang bawat isang tao ay nilalagyan ng abo sa ulo, simbolo raw ito na tayo ay nanggaling at magbabalik sa abo. Ah, parang ganun. Inaamin ko na hindi ako sigurado ukol rito, ngunit parang ganito ang pagkakaintindi ko.

--------------------

Sa aking pagkakaalala, last Ash Wednesday ay naisip kong magsimba ngayong taon, at nagsimba nga ako. Hindi ko alam kung anong dahilan, pero nais kong magsimba upang magpasalamat marahil, at sa hindi ko ma-i-explain na bagay.

Pero hindi ang pagsimba ko ang topic ng blog entry kong ito. Isang mahalagang bagay ang sermon ng pari. (Huwag niyo akong tanungin tungkol sa gospel, nakakahiya, pero di ko masyadong napakinggan at naintindihan. hehe. Tinanong kasi ako ng tatay ko diba.)

Ang sermon ng pari ay tungkol sa hipokrasya at sinseridad. Sinabi niya na dapat hindi tayo maging mga "hipocrits"... Hindi tayo dapat magkunwari na maging isang tao na hindi naman tayo. We must not pretend to be somebody that we are not. Hindi naman hipocrits ang mga artista, pero kung sa totoong buhay ay nag-mamala-role playing ka na ay kakaiba na iyon. Iba na yun. Hindi yun tama. We must remove our masks. Alisin na natin ang mga maskarang ating sinusuot... Magpakatotoo na tayo. Ano ba talaga tayo?

Kung gagawa tayo ng mabuti ay hindi dapat natin ito ginagawa para lamang mapansin ng iba. Nararapat ay gawin natin ito kahit walang makakapansin sa atin. At marami pa siyang mga example. Pero, ito ang pinaka-natandaan ko. Ang dami kasing ganito sa paligid ngayon. Lalo na ng mga pulitiko sa bansa. Ayan, pa-project project. Pa-picture picture pa lagi na nakakamay sa mga iba't ibang tao. Grabe. Ngayon mo nakikita ang kabutihan nila, sapagkat malapit na ang 2010, paano kaya pag hindi na 2010? Ano na lamang? Wala nang pakialam?

Hindi ko alam kung paano ko sila paniniwalaan. Nang ipagsulat nga ako ukol sa "presidentiables for the 2010 elections" parang... hindi ko alam kung anong isusulat ko kasi personally, wala akong natitipuhan. Para kasi silang lahat ay show-off lang. Nagpapakabait at nagpapaganda o nagpapaguwapo ngayon. Gusto ko ng taong totoo, taong mapagkakatiwalaan, taong may sinseridad. At hindi ko alam kung meron ba sila nito. Hindi ko alam kung ako ba ay hindi lang socially aware o sadyang wala talaga sa kanila? Hindi pa naman ako boboto by 2010, pero mahalaga ring malaman ko siguro.

Pulitika, ang gulo ng mundo ng pulitika, naisip ko na gusto kong kumuha ng social sciences course... Pero hindi ko alam, ang sabi kasi sa akin kanina...

Maraming kabataan ang masyadong ma-ideolohiya ngunit hindi na-rerealize ang "reality"...

Imposibleng makamit ang komunismo... Imposibleng mawalan ng leader sa isang society. Kahit nga sa sosyalistang bansa ay may naghahari eh -- ang centralized gov't.

--
nasabi lang ng mga magulang ko kanina, kung naniniwala ba ako, hindi ko lang alam.

--------------------------

SINSERIDAD. SINCERITY.

Nabanggit lang ng pari ang mga salitang ito. Marami akong naisip. Hay. Sinseridad? Ito'y isang napakahalagang bagay. Dito nababase ang tiwala sa iyo ng isang tao. Napaka-importante nito sa isang tao, sa isang tahanan, sa isang grupo ng tao, sa isang komunidad, sa isang bansa.

Paano kung ang mga tao ay hindi marunong maging sincere? Paano kung tayong lahat ay nagsisinungaling? Paano kung hindi ko mine-mean ang sinasabi ko ngayon? Paano kung hindi tayo marunong mag-commit sa mga bagay bagay... Marami pa. Paano..?

Ang kawalan ng sincerity ay nakakasira. Tingnan niyo na lamang ang mga telenobela. Mga magkasintahang naghihiwalayan (showbiz?! telenobela nga?!), mga pamilyang nagkakasiraan...

-----------------------------

Sana lang ay tayong lahat ay matutong maging sincere. Magpakatotoo. Yun lang.



lovelovelove,
eLise.

Tuesday, February 24, 2009

munting pangarap

Napakasaya ko ngayong araw dahil may mga nalaman akong ilang mga bagay tungkol sa aking acads. (: Ngayon ko nalamang nakamit ko ang aking nais makamit sa isang asignatura. Well, simple lang itong bagay na nais kong makamit pero nakamit ko pa rin siya.

Nakamit ko na ito sa PA (comp sci) noong grade 7, ngunit sa aking pagkakaalala ay hindi ko na siya muling nakamit muli. Muntik ko na siyang makamit sa matematika, ngunit dahil sa isang puntos, ay hindi ko nakamit. Muntik ko na siyang makamit sa computer science ngunit dahil rin sa isang puntos ay hindi. Kung iisipin, ilang beses ko nang muntik makamit ang bagay na ito, ngunit, hindi lang talaga, hindi ko siya makamit. Hindi ko na maalala kung kailan ko siya huling nakamit. Ngunit, maraming beses siyang nakalampas.

Marahil ay isa ito sa aking mga tinuturing na "life goals" bilang isang mag-aaral sa UPIS. Matagal ko na siyang hinangad. Matagal ko nang nais makuha. Ilang beses ko nang pinaghirapan, ilang beses na rin ako nabigo. Ngunit patuloy pa rin. Patuloy lang. Naniwala ako na marahil ay maaari ko ngang makamit ang bagay na ito, marahil ay totoo nga ito at hindi panaginip lamang.

Nakilala ko ang isang matalinong nerd na kaibigan. Nakita ko na kayang kaya niyang makamit ang matagal ko nang inasam. Bagamat late bloomer siya, eh nagagawa pa rin niya. Nagsilbi siyang inspirasyon para sa akin. Kasi dati, nakikita ko naman na matataas naman ang grado ko pero di ko maintindihan kung bakit di ko makamit, kaya parang nawawalan ako ng pag-asa at naiiisip ko na parang panaginip na lang siya. Pero hindi, dahil nakikita kong kaya niya, eh naisip ko na, kaya ko nga rin. Kaya ayun. Go lang.

Ngayon, nalaman ko na nakamit ko nga ang aking nais, ang aking matagal nang inaasam asam. Ang napakagandang uno sa siyensya. Ang ganda ng pansamantalang pakiramdam. Pero kung iisipin, ano nang mangyayari pagkatapos kong makamit ito? Pinapatunayan marahil nito ang aking kakayanan, na kaya kong makamit ang ilang mga bagay at hindi imposible ang pangarap... Pero sa ibang tao, halos wala itong kwenta. Ano nga naman kung nakamit ko ito??

Pero masaya pa rin ako. Na nakamit ko ito kahit paano. Na hindi imposible ang aking pangarap. Na hindi ito isang ilusyon. Na kaya ko ito.

ngunit... pagkatapos ng ilang sandali ay marahil iisipin natin, "eh so, ano na??" Marahil ay mayroon tayong mga kanya kanyang ninanais at pinapangarap, ngunit, pagkatapos natin makamit ito ay naiisip natin na parang hindi ito sapat. Sapagkat nagkakaroon tayo ng panibagong mithiin matapos nating malaman na kaya pala nating itong makamit. Ito ang aking mensahe, huwag kayong tumigil sa pangangarap, at sa pagpursige para makamit ang inyong mga pangarap. Sige lang, huwag kayong susuko.. At kung sa tingin niyo man ay hindi niyo makamit ang unong nakakamit ng iba, okay lang yun, isipin niyo, yun ba talaga ang nais niyo? Kung oo, huwag kayong sumuko. Kung hindi, huwag kayong malungkot.

Magpatuloy kayo sa pangangarap at sa pagpursige para sa inyong pangarap. Ang ating mga pangarap, simple man o mataas, ay makakamit rin natin kung gagawa tayo ng paraan.
:)

lovelovelove,
eLise.

Monday, February 23, 2009

The Prettiest Picture.

The Prettiest Picture.

This is the "prettiest picture" I have seen this year. Ang larawang ito ay parte ng isang campaign poster namin para sa eleksyon ngayong taon. Ito ay parte ng isang campaign poster ng "A-La-Gad" at itong poster na ito ay nakalagay sa may CR ng old building. Nabalitaan ko sa isang kaibigan na may masamang nangyari sa poster namin at sa aking mukha. Nabalitaan ko na grabe raw ang pagkababoy sa aking mukha sa poster na ito. Tadtad ng sulat ng ballpen at butas pa ang larawan ko sa gitna. Aking pinuntahan at tinanggal ang poster na ito mula sa lugar kung saan ito nakalagay. Tinanggal ko na sapagkat pangit na rin naman ang itsura niya.

Masama ang loob ko nang nakita ko ito sapagkat mayroong nais manira o mangbaboy ng aking larawan. Hindi ko alam kung ano ang motibo ng taong iyon at naisip niyang gawin ito. Marahil ay galit siya, o gustong manira, o kung ano pa man. Hindi ko na alam at ayoko nang isipin pa. Hindi ko na rin gusto pang malaman kung sino ka. Hindi ko nais magsayang ng panahon para sa mga ganitong bagay, na napaka-childish kung iisipin. Pero hindi ko sinasabing wala akong pakialam at hahayaan ko na lang ito at hindi ako magbabago para rito. Magbabago ako for the better, kung ano man ang posibleng problema, at kung wala naman, ay patuloy ko pa ring pagbubutihin ang sarili ko.

Inaamin ko, nang una ko itong makita ay sumama talaga ang aking loob. Nainis ako. Hindi ko alam ang irereact ko. Ngunit, hindi ako galit. Hindi ko gustong siraan kung sino mang gumawa nito. Hindi ko nais maghiganti. Tuloy lamang ang aking buhay. Bagamat nais akong i-comfort ng mga teachers na nakakita nito, ay sabi ko, "okay lang", dahil "okay lang" naman talaga. Ang masasabi ko, kahit may gumagawa nito, ay wala itong sinasabing katotohanan tungkol sa akin, hindi porket babuyin nila ang mukha ko ay isa na akong walang kuwentang tao. Hindi. Walang pinapatunayan ang pangyayaring iyon tungkol sa akin. Marahil iyon ay mag-"inflict" ng ilang persepsyon ukol sa akin o magsabi na mayroong naiinis sa akin o kung ano man, ngunit, ang pinapatunayan lang noon ay mayroong mga taong walang respeto sa iba.

Ngunit, mayroon akong mensahe para sa gumawa noon. Marahil alam mo na hindi maganda ang iyong ginawa. Ngunit, bakit mo iyon ginawa? Alam mo, ang ginawa mo ay hindi naman sisira sa akin, kung hindi ay, sa iyo. Hindi ko sinasabing nais kitang siraan. Wala akong gagawin sayo. Pero hindi ka ba nakokonsyensya sa ginagawa mo sa taong... marahil wala namang ginagawa sa iyo?

Bagamat dalawa ang partidong tumatakbo para sa pKA, hindi ko pinagbibintangan ang kabilang partido sa paggawa nito. HINDI. Alam ko na hindi sila ang gumawa nito sapagkat sila pa nga ang nagsabi sa akin na ito'y nangyari. Maraming salamat, Jona. :)


lovelovelove,
eLise.

Saturday, February 21, 2009

on my own.

On My Own

Eponine:
And now I'm all alone again
Nowhere to turn, no one to go to
Without a home, without a friend,
Without a face to say hello to.
And now the night is near
Now I can make believe he's here.

Sometimes I walk alone at night
When everybody else is sleeping
I think of him and then I'm happy
With the company I'm keeping

The city goes to bed
And I can live inside my head...

On my own
Pretending he's beside me
All alone, I walk with him till morning
Without him
I feel his arms around me
And when I lose my way I close my eyes
And he has found me

In the rain the pavement shines like silver
All the lights are misty in the river
In the darkness, the trees are full of starlight
And all I see is him and me forever and forever

And I know it's only in my mind
That I'm talking to myself and not to him
And although I know that he is blind
Still I say, there's a way for us

I love him
But when the night is over
He is gone, the river's just a river
Without him the world around me changes
The trees are bare and everywhere
The streets are full of strangers

I love him
But every day I'm learning
All my life I've only been pretending
Without me his world will go on turning
A world that's full of happiness
That I have never known!

I love him
I love him
I love him
But only on my own.

--------------

Aww. :\
I so love the song.
CULMI NAMIN.


lovelovelove,
eLise.

Sunday, February 15, 2009

prom.

Feb 14, 2009.
Juniors and Seniors Dance...

Ang pinakahihintay ng karamihan sa mga tao. Isang gabing pinaghandaan ng mga babae. Mga damit, sapatos, bag, accessories... May mga nag-diet pa (hindi ako kasama dun). At ang mga pinakahihintay na pagkakataon ng mga lalaki para makapagyaya sa mga babae. (ahay!) At ang pinakahihintay rin ng mga babaeng pagkakataon para maisayaw sila ng mga crush nila (crush NILA..). Isa itong gabi para magsaya. Mag-socialize. Magsayawan. Magparty. Mag-something ang mga may something. (ang mga may something.) Pinakahihintay siya. Ang daming preparasyon. Pero ngayon... tapos na ang gabing ito. Ngayon ay February 15 na. :)

Napakasaya para sa akin ng prom. Nagkaroon ako ng pagkakataong magsaya at magsaya lang. Party people! Sige lang. Haha. Nakasama ko rin ang mga kaibigan ko. Nagsayaw kami para magkuwentuhan. Nagsayaw rin kami para magsaya lang. O diba, so ako dito, wala akong something ah. Hahaha.

Pero... nakakalungkot kasi nararamdaman kong may kulang. Maraming kulang. Unang una ay wala na rito sina Pauline at Amae. Mga mahal kong kaibigan. Sayang at wala kayo rito... At meron ding mga taong gusto kong isayaw na di ko naisayaw. Tulad na lamang nina Mark, Nathan, Jerwin, Anjo, Joseph. At tulad na lamang ng crush ko mula noong grade 7... (3 years?! crush na kaunti lang.. hindi ko sya crush na crush ngayon. wala akong crush na crush ngayon... wooshoo.)

Pero natapos na ang lahat. At maraming kulang. Sayang lang talaga noh? Ang bilis ng oras, ang bilis ng lahat. Pinaghandaan ito ng napakatagal. Tapos, ayun. Haha. :)) Grabe. Pero, masaya pa rin naman talaga. :]

Sana talaga Pauline at Amae, nandito kayo. Haha. Sana talaga. Sayang! Sayang! Bakit ba kasi kayo nawala? Pati si Rjoy wala rin. Tinatanong ni Rick sa akin kung bakit di ko na siya napapunta dito. Pero ayokong pilitin, some way naiintindihan ko siya eh. Hahaha.

So for the sake ng mga taong wala, ikkwento ko ang prom. (okay, madaldal nanaman ito, humanda na.)

Dahil isa sa big event ng prom ay ang sayawan... sino bang mga nakasayaw ko?? (dahil talaga sa inyo kaya ko ito dito ikkwento, pero kung nandito kayo, nagchika-han na lang tayo) si Jansen (sayang talaga, grade 8 si.). Luis (haha. anak ko). Daryll (naku, nagreact si Mara). Kenneth (o ayan ah.). ALLAN!!!(kahit may sakit siya, masaya sayaw namin) Gary (mahaba habang kwentuhan). Jonathan (may trangkaso din.. nahawaan?). Sir James (dahil raw sa ID ko). Chad (ang mga masasayang sayaw). Kuya Walter (astig, the wave, spread and ikot ah). Maki (slow, and group dance and party people!! with buhatan pa ah)... Haha. Nakalimutan ko na ata yung iba.. Sino pa ba? Meron pa? Ewan ko.

Masaya magsayaw with Allan. Kasi ang kulit. Hinilo niya ako. Okayy! Si Kuya Walt, Chad, at Mich naman, medyo labanan kasi kaming apat nung una... wave wave.. ikot ikot... ang cute! hahaha. basta ayun. si Maki naman, nagparty rin kami. woo.. haha. :]

Ayun, kaunti lang ang pictures ko.. haha. si Mara yata marami. gagambalain ko pa sya. tapos si Nathan. Ayun. Grabe. END THE KWENTO. PAPAGALITAN NA AKO NG MGA TAONG PINAPALIGO NA AKO NGAYON. Hahaha. :))

---------------------------------
00011 00001 00101 00000 01000.
00001 00100 00011 00001 00101.
00110 00100 00101. 00101 0100 0110.
00001 00001 00010 00001 00101 00000 01001.

31508.14315.645.546.1121509.

lovelovelove,
eLise.

Monday, February 9, 2009

just to be with you.

I've been alone so many nights now,
And I've been waitin' for the stars to fall.
I keep holdin' out for what I don't know
To be with you, just to be with you.

So here I am staring at the moon tonight,
Wondering how you look in this light.
Maybe you're somewhere thinkin' about me too.
To be with you, there's nothing I wouldn't do.

And I can't imagine two worlds spinnin' apart
Come together eventually..

And when we finally meet, I'll know it's right.
I'll be at the end of my restless road.
But this journey, it was worth the fight.
To be with you, just to be...

Holding you for the very first time, never letting go.
What I wouldn't give to feel that way... Ooohh...

Oh, to be with you...

Oh, and I can't imagine two worlds spinnin' apart
Come together eventually.

And when you're standin' here in front of me,
That's when I know that God does exist.
'Cause He will have answered every single prayer.
To be with you, just to be with you, yeah. You...

----------

Just to be with you. Just to be with you.

Nakakahawa ka, karlita. :p
Hahahaha. :))

lovelovelove,
eLise.

Thursday, February 5, 2009

touched by a child.

Today, while I was riding a jeep on my way home, I met a child. He rode the jeep suddenly and the driver asked him questions. I was silently listening to their conversation and my heart was really touched by that child.
driver: San ka pupunta? Baka mawala ka ah.
bata:
Di ako mawawala.
driver: papunta kaming pulis. dalhin ka namin sa pulis.
bata: eh alam ko yun eh
driver: dalhin ka namin sa kulungan.
bata: bakit mo ako dadalhin sa kulungan, eh doon nga ako pinanganak?
driver: bakit, nanay mo nakulong?
bata: nakalabas na.
driver: anong kaso?

bata: napagbintangan, magnanakaw. nasangkot lang. nadamay.

driver: eh tatay mo?
bata: nasa maynila. sa mahal kong maynila.

driver: saan ka pupunta?
bata: diyan lang, manghihingi.

driver: baka pang inom mo lang yan ah.
bata: di ako umiinom...

driver: ikaw bumubuhay sa nanay mo?
bata: ah, oo.
driver: baka may pamilya ka na ah..

-----------------------------------------

at that time, gusto ko na siyang bigyan ng kahit anong pagkain o pera kahit kaunti. tinititigan ko na nga yung bata eh. na-fascinate ako sa kanya, sa katotohanan ng buhay... habang tayo rito'y nagpapakasaya at nagpapakarelax?? nakaka-konsiyensya.

---------------------------------------

update on my acads. well, 49/50. I thought mababa na ako sa math, pero puro tama raw pala. Ang mali lang ay ang 20 na hindi nagawang 10. Oh my god. Thank you Lord, really. Thank you very much.


:)


lovelovelove,
eLise.

Wednesday, February 4, 2009

a new chapter.


a new chapter begins... today

ngayong araw, nagsisimula na ang bagon chapter sa aking buhay sa eskwelahang ito. ngayong araw, nag meet na kami ng mga tatakbo bilang KA para sa susunod na taon. nakapag-usap na kami kahit paano. nagpakilala kami sa isa't isa.. tinanong ko sila ng kani-kanilang mga dahilan... wah.

okay, so run over..
Elise Rollon
Levi Pagatpatan
Gaela Mateo
Karla Badong
Leni dela Cruz
Camille Matta
Abe Pojas

Thank you Lord, nga pala. ____, wag kang magdalawang-isip. Mensahe ko para sa mga susunod na KA, huwag kayong matakot. Sana willing nga tayo mag-take responsibility. Dapat lang na willing tayo talaga. Hahaha. At, sana maging inspirasyon nating lahat ang tunay nating hangarin, ang pagserve talaga para sa school. Oo, at times, may nasasacrifice talaga, ngunit, okay lang yun, dahil ang ginagawa naman natin ay para sa school at makakayanan natin yun. Hahaha. Nakuu, ayaw kong pabulaanan ang speech ko ngayon rito sapagkat ako kanina ay nagspeech na. Aayusin ko pa ang plataporma nating sabog pa. (Sabog pa utak ko, sorry)

Naku naku, eleksyon na agad, ang bilis bilis ng pangyayari. Ibig sabihin, ilang buwan na rin kaming magkakasama ng mga pKA ngayon... Mag-iisang taon na. Mamimiss ko talaga ang mahal kong mga pKA... :]

Anyway, I have to do my formal theme!! Ohmygulay. Akala ko natapos na kayong mga requirements kayo! Hindi pa pala! Arrrghhh... RUSHing.. pero nagsasaya ako, kasi pasado, pasado ako sa FILIPINO perio at long tests... at magbibigay si maam tengson ng +5! i Love you maam!! :))

--------------------------------
Today was a sweet day. I love it. I've done something I never did before. It was nothing, but it was sweet. But it was nothing... Why did I feel so... happy?

:)


lovelovelove,
eLise.

Tuesday, February 3, 2009

if I ain't got you..




some people live for the fortune,
some people live for the fame, some people live for the power, some people live just to play the game,
some people think that the physical things define what's within, but I've been there before, that life's a bore so full of the superficial... some people want it all but I DON'T, want nothing at all, if it ain't you baby... if I ain't got you baby.. some people want diamond rings, some just want everything, but everything means nothing, if I ain't got you... :)

--------------------------------

Ito ata ay bunga ng pagpunta ko kina Anjo, at pagtugtog ng piano nung isang araw. Aliw. Na-LSS ako. Grabe ahh. Pero by the way, hindi yun ang importante.

Na-ppressure ako. Pero hindi halata. Sinasabi ko lang. Di pa ako sigurado kung kumpleto na talaga. Wooh. Ang saya saya. Ay grabe, sino nga palang mag-mamarshall girl sa amin?! Hahahaha. We'll meet pa tomorrow, pero sana maayos na. Help me Lord. Hehe.

Ay nako, nagugutom ako. Itigil na muna ang blogging. Gutom ako at naiihi.

See ya later.

lovelovelove,
eLise.