Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Tuesday, September 30, 2008

graffiti love.


maraming maraming salamat talaga JOYCE TORRECAMPO.
napasaya mo talaga ang araw ko ngayon. natutuwa ako sa ginawa mong graffiti para sa akin. ipinapangako kong iingatan ko ito at magtatagal ito ng mahabang panahon. grabe. aliw talaga. aliw. na-overwhelm-ed ako. :D hahaha. natutuwa ako. hindi ba halata? :))

you're so creative. i'm inspired. i'm so inspired.

----

nowadays, I think that I am kinda distracted. Maybe it is because of this computer and photoshop. pLease. I don't know. What should I do with the temptation of this laptop here in my room? If I don't use it, I fall asleep. If i use the laptop, I end up spending hours in front of the laptop.

----

I went to the speech fund class this afternoon. Kuya Walter invited me and interviewed me about waste management. That was kind of an impromptu speech, I was really shocked and not prepared. The good thing is, I was able to speak in english straight, even if I was out of words. I was able to speak. Kabado ako eh.

I felt something earlier. I think, though I really didn't notice it the past few days.. I didn't think about those things the past few days so it was normal to see... But then earlier, I just noticed something. Something unusual. Maybe, it was still ____. Maybe. Maybe. Maybe.

----



----



lovelovelove,
eLise.

Monday, September 29, 2008

what?

I am here in front of the computer and I just don't know what to do.
Maybe I am overwhelmed by the many things that I should be doing that's why I really don't know what to do or say today.

Maybe I should stop talking and start working.
Once I stop talking, I would be able to continue my work for today.
What work should I do, anyway?

Today, this week..
I don't know. I want to watch DVDs, and make pictures, edit photos, make a design for a Tshirt.. Haha. I was dreaming that I had nothing to do.

Okay. So Elise, close your mouth and fix your mind. :)

-----

I just want to say that a little mistake could change everything.
Let's be careful. :)

lovelovelove,
eLise.

Saturday, September 27, 2008

little mistakes.

Today I've learned that every little thing is crucial. Every little mistake counts. because that mistake could change everything. :)



lovelovelove,
eLise.

Thursday, September 25, 2008

ayoko.

nag-aaway nanaman..
ayoko ng ganito. AYOKO.
ayoko... ayoko talaga.
ayokong nakakarinig ng away.
ayoko ng ganitong sagutan.
ayoko. wag na. please.

nakakadistract kayo. tigilan niyo na.
nakakainis yung pagsagot mo, ano ka ba.
wala ka man lang konsiderasyon... tingin mo ba walang nakakarinig sa'yo rito?
sige, sabihin na nating nalaman ko na rin ang iyong kahalagahan..
nalaman naming lahat, ngunit pagkatapos noon ay wala ka pa ring karapatang...
maging ganiyan ganiyan na lamang.

inaaway ka? pinapagalitan ka?
ano ba! para sabihin mong galing ka sa ________.
. . .
pilit kong kinalimutan.
ayoko na, ayoko nang maalala.



lovelovelove,
eLise.

Tuesday, September 23, 2008

panalo (:




science society, MathSciAKa...

Rjoy, Marion, Maki, Joanne.
Napaka-unexpected nito, pero ito talaga ang nagpasaya sa mga araw natin. :)
Hindi man natin ito nalaman noong saturday, pero nalaman natin kaninang lunch.

Sa MOUSE-POWERED CAR pala,
THIRD PLACE tayo sa distance!
Alam na nating lahat ito ngayon, pero diba?
WOW! Akalain mo yun, na yung kotseng ginawa for two hours ay third placer pa??
Madaya kasi sila eh, may bearing. Woooh. But it's really okay. At least.
18.13 meters. I LOVE YOU MOUSE CAR!!! :))

Sa INTERACTIVE WORKSHOP,
na mukhang amazing race na SCIENCE at MATH, at puno ng maraming stations,
SECOND PLACE pala tayo! GOSH! out of 26 schools!
Para sa akin, okay na iyon.
Pero tama si Rjoy, medyo nakakaiyak nga, kasi medyo nadali tayo sa ilang station tulad ng:
DNA at Tangrams... hehehe. pero OKAY lang yun.

Diba? First competition natin to, tapos panalo pa tayo!
Wala man tayong medal, okay lang yan!
Super okay lang yan! Gagawa tayo ng sarili natin!
10 medals din yun kung meron man. :)
Masaya na tayo rito. Kahit frustrating siya medyo.
Tayo'y magsaya.
CONGRATULATIONS!
CONGRATULATIONS SCISOC! :)


-------------------------------

ang araw ko,
ngayon ay napakasaya. hindi ko alam.
bangag kasi nanaman ako.
at tawa ng tawa. YEHEY! :))
hahaha. hindi ko alam, baka di niyo matake.
pero matatake niyo rin. masanay na kayo.
di porket may sakit bawal magsaya.
para mawala ang sakit (literal! physical.), magpakasaya. :))




lovelovelove,
eLise.


Monday, September 22, 2008

MathSciAKa: napakasaya! :)


napakasaya ng MathSciAKa. :) Riverbanks Activity Center. September 20, 2008. :)

meet the
mouse powered car. :)) yihee.

ang saya saya. gumawa kami ng mouse-trap powered car para ilaban rito sa MathSciAka.. Well. "ilaban". haha. Friday night lang naman pinag-isipan at saturday morning ginawa.. UPIS students talaga! official crammers! the best crammers! kahit na crammers tayo, kramista, magaling pa rin. maganda pa rin ang gawa. yeah naman oh.

kasi nung friday night namin to ginawa. gumawa ng Mouse Trap Powered Car Lego Version ang ROBOTICS. Maraming salamat talaga. (Pero goodluck sa'yo Pat. Nag-alala talaga ako bigla nung nabalitaan ko yung nangyari nanaman sa kanya. Nako. Hindi na natuto.) Yun yung pinaglalaruan namin noong hapon hanggang gabi. So laro laro, tinitingnan yung flaws, something. Naka-masking tape lahat ng records ayun. Nalagyan pa kami ng EPOXY at MIGHTY BOND (sa palda ko!) whaat. hahaha. grabe. Nakakaloka! Hahaha. Bago kaming friends ni epoxy at mighty bond. Woohoo. Ang record nga pala namin sa HS ay 13.5 meters.. hehe. Actually, gawa kami dapat ng back-up("back-up" pero ito yung inilaban naming car) na gawa sa CD ang gulong.. Yung kotseng yun sinimulan naming gawin ng 8 pm. Wahaha. garabe. haha. At tinatawagan na ako ng aking mga magulang... So kailangang umuwi by 8:30.. Went home.

Yung mga COCs rin pala, nakikinood rin sila ng test runs o kaya sila ang pinanonood namin. Yihee. Siguro namimiss ko rin sila kahit minsan. Di pa rin sila nagbabago, nakakatawa pa rin sila. Hehehe.

So nung saturday, nagising ako ng 6-6:30. At nakita ko ang text ni makmak na magandang umaga ng 5:30 n.u. So kinabahan ako, HALA! LATE NA AKO! magka-cramm pa kami. Nagtext na rin si pareng RJOY! waha. SORRY TALAGA MEDYO NALATE AKO! :| So rush. Pahatid kay papa. Ayon. Nagcramm sa school, 8:30 umalis, e 9 ang program. Nako. the best talaga.

Kung ano anong pinaggagagawa namin doon sa Marikina. haha. Kasi na-delay ang test run ng mouse powered car. So ayun, nagliwaliw muna kami sa MALL! Nakapulot kami ng 50 pesos at ibinalik sa Customer Service. Wow, ang bait ng UPIS! :) Tapos si Maam Reg, ipapa-page na sana namin sa customer service dahil nawawala siya. Hahahahaha. Nag picture taking nga pala kami. YEHEY. Hahaha. Syempre ang vain namin at nag picture kami kaysa mag lunch. Picture at liwaliw. Hehehe. Ang lunch ay GREENWICH. libre. wooot. YUN YUN EH! :D

Picture taking sa RIVERbanks! Nag picture picture talaga kami, as in groupees. Tapos liwaliw liwaliw sa mall before mag awarding.. Hehehe. Mga vain poses, please check my multiply na lang. :)) Hahaha. Tsaka, wala kasi akong pamalit ng damit, kaya nagpasama ako kay makmak na bumili ng damit roon sa marikina riverbanks mall, so biglang palit ako ng damit. :))


ang resulta ng mouse powered car:
hahaha! kabado kami nito. nakabeat ng record. 18 meters (vs 17 last year).. pero kahit feeling namin na 2nd o 3rd kami.. wellwell.. 1st lang ang inanounce (HMMPH!).. Madaya sila! Hoping pa naman sana kaming maka 2nd o 3rd! May bearing kasi yung sa kanila eh.


sa activities:
sa speed nasira na yung mouse car! (may tumapak kasing naka-pink!) ang sumbrerong DOME dapat. ang AMAZING RACE na hindi naman race ata pero amazing. science na science at math. :)) feeling nman namin mataas kami roon. pero kasi shotgun lang kami. at yung resultss... who knows. wahh.


sa program: UPIS talaga ang most spirited lagi! UP talaga! UP! hyper! :)) RJOY MAGNO at RED!! :)) ang lakas niyo! :)) university of the philiPINS! :)

OVERALL: ang panalo ay ang elem. 15 medals sila! (3 per team member). ADIK! overall champion! masuwerte sila.. Nakapag-uwi pa rin naman ng at least ten medals ang UPIS eh! elem nga lang! :))

ohwell. kahit na ganiyan ang nangyari, masaya kami, kasi naman. nag picture taking na kami at nagliwaliw! in fairness, nag-enjoy! uuy. :))

Pag-uwi: Ang ganda ng fireworks. Nakisabay lang kami kina RED na naka-yellow, kay Tito Dino. Nakakahiya kami dun. Ang ingay namin. Ang saya namin. Tapos pasaway tong si JOANNE! "Konti nalang, YUN NA YUN EH!" buti na lang sabi ko, "oo nga, muntik siya tumama sa pader!" hahahaha. Grabe. Aliw na aliw si RJOY kay joanne. wahaha. Hinatid kami ni tito Dino hanggang UP, doon na ako bumaba sa harap ng hardin, e takot akong tumawid. Nagpasama ako kay maki & joanne. Dahil ayaw nila akong samahan... Hinatak ko si makmak. Hahaha. AYOKO PA KASING MAMATAY NOH!! Well, salamat naman.

Maraming salamat.
Marion, Joanne, RJoy, Maki, Maam Reg,
& mga elem..
ang saya ng araw na ito. :))


lovelovelove,
eLise.

Tuesday, September 16, 2008

anything can happen.

ito ay isang blog entry tungkol sa nakakabigalang pangyayari na nabalitaan ko tungkol sa aking ama. nais ko lang sabihin na maraming pwedeng mangyari, kahit ano pwedeng mangyari, at ang lahat ay posible.

ang tatay ko, laging wala sa bahay. Lagi siyang umaalis, pumupunta ng kung saan saang lugar. Pumupuntang Cebu, Surigao, Iloilo, Guimaras, kahit saan. Kaya, nasanay na ako na wala siya sa bahay. Minsan umaalis na lamang siya at nagtataka ako na wala na siya sa bahay, pero sanay na rin naman na ako.

Noong isang gabi, magkasama pa lang kami at magkausap. At kinabukasan (kahapon iyon) ay pagkagising ko, wala na siya, umalis na patungong Cebu. Normal lang naman iyon. Mawawala na lamang siya bigla, at babalik. So, hindi ko na siya masyadong inaalala.

Kahapon ng gabi, bigla ko na lamang nabalitaan sa aking ina ang nangyari sa kanyang lubos na nakakagulat. Nadulas raw ang sinasakyan nilang van sa isang bangin at kamuntik na silang mahulog sa bangin. Silang lahat. Muntik na, Mabuti na lang at nasabit sila sa isang bagay (na hindi ko alam) at nakalabas sila ng van. May tumulong raw sa kanila. Matapos makalabas ay nahulog ang sasakyan pababa ng bangin. Kumbaga, SECOND LIFE na niya ito.

Nang mabalitaan ko ito'y lubos akong nagulat. Halos maiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Safe naman siya. Pero kahit na, maiyak-iyak ako nang nalaman ko ito. Hindi man lamang kami nagkakausap, at hindi man lamang ako nagpaalam sa kanya, ni hindi ko man lamang siya binabati ng "I love you" (tatay ko siya!), at paano kung natuluyan silang nahulog???

Lubos akong nag-alala. Lubos akong nakonsiyensya.

Nais ko lamang ibahagi sa inyo, na kahit ano talaga ay posibleng mangyari. Minsan kasi ay iniisip natin na, "sus, aksidente, hindi yan", pero kita naman natin na, eto, nangyayari na. Buti na lamang ay nakakaligtas.

Sa ating mga magulang at mga minamahal sa buhay, ipakita na natin sa kanila ang ating pagmamahal sa kanila habang nandito sila at nakakasama natin. Wag na tayong mag-away at kung ano man. Hindi natin alam kung kailan sila biglang mawawala... Wag na tayong magsayang ng oras..

Nagpapasalamat ako ng lubusan at nailigtas ang aking ama at ang kanyang mga kasama. Kahit na sabihin pa nating kaaway natin o may galit tayo sa ating mga magulang minsan, mag-aalala pa rin tayo para sa kanila. Kung hindi niyo yan nararamdaman ngayon, pwes, mararamdaman niyo rin.

Pahalagahan natin sila. Ipakita natin ang ating pagmamahal. Hindi natin alam baka tayo'y mahuli na lang...

(ayun, parang emo, pero hindi, totoo lang talaga)


lovelovelove,
eLise.

Monday, September 15, 2008

sa wakas. :)

sa wakas!
sa wakas, sa wakas.
(kadaldalan eto.)

eto, nagsusulat ako ng blog ngayon dahil sa wakas ay graduate na ako sa proyektong pinagpupuyatan ko. well, proof reading na lang, as in for corrections.. kasi kahit na feeling ko may kulang pa, pwede na yun. grabe na kahaba ng sinulat ko roon. hello.

nako, 8 pages world history, 8 pages islam sa pilipinas, 7 pages paghahambing, 7 pages reaksyon, 8 pages ni mara, 2 pages pictures, sources, title page... basta, all in all, 39 pages!! ang pinagmamalaki kong 39 pages paper sa social. eh hello naman, ang adik kaya! 15 pages ang minimum, tapos doble doble ang ginagawa. hello naman. hello. hahahah.
(nag-hehello ako, mag-HI ka)..

by the way, naprint ko na rin! naubos yung paper na baon ko dito sa engg. kasi pinrint ko whole paper. kamusta naman kasi diba, kung ipprint ko yun sa INKJET colored printer ni papa.

*may experience ako sa printer na yun*
nagprint ako ng PURE BLACK text, naging orange.
at bakit? feeling ko wala ng ink.

ayon, tapos after ko gawin tong sosyal sosyal na proyekto, nagsulat ako ng L-o-v-e essay. :D (di ako emo) homework to, bigay ni sir jeremy! hahaha. nako. ewan ah. pero ang ewan ng sagot ko, tapos na-english ko na si RJOY. tapos kung ano ano pang nasabi ko kay rjoy. hehehe. sabog sabog na.

ano pa bang nangyari ngayon araw?

ayon, nagkkwentuhan kami ni mia matta. friendster, pm, at multiply. :)) nakakaaliw kaya, kasi kasama pa ako sa blog entry niya. "quoted by elise rollon" kaya ngayon kasama rin siya sa blog entry ko. pero syempre di ko na ikkwento yung about sa kanyang blog. o'well. kung andito ka man mia, di ko talaga kinalimutan yung 080808. nakalimutan ko lang yung date.. halimbawa, malay ko ba na september 15(?) ngayon! hahahaha.

tapos ayon, naghatid pala ako ng kapatid kanina.
wahahaha. adik lang. hinatid ko si wim sa school nila.
tapos ayun, walalang hinatid ko lang. tapos pag-uwi ko NILAKAD KO!!!!!! woohooo. adik rin nman ako noh. para lakarin nnman pauwi. naalala ko tuloy ang walking experience namin ni kuya walter. hahaha. :D

habang nasa bahay pala ako, may mga naririnig akong noise. waha. noise. ayun. yun lang. >:)

syempre dahil hnatid ko si wim, susunduin ko rin. so ayun sinundo ko. pagkasundo ko sa kanya nakita ko sina maam bojo. anjo. joseph tamayo. domeng. joelle. galing silang quizbee. naku. nakita nila ako with wim. sabi nila anak ko daw to. hahaha. sino daw ang ama? :D 10 years age gap namin ni wim, mukha bang anak ko na siya??:))

hahaha. kaninang tanghali pala, nagluto ako ng masarap na manok. kasi kagabi pa marinated yun. and then now ko siya niluto. (YUCK CONYO). hahaha. kasi 2 versions. fried at baked. yung fried ay frustrating. pero nung natikman ko yung baked, OOOZING WITH YUMMYNESS!!!! :D:D hahaha. anong words yan. in short, masarap. :D:D

I LOVE BAKED CHICKEN!!

hindi rin naman ako madaldal noh? kung ganito lang kadaling magsulat ng paper e'di natapos ko na yun in one day.:D:D kaso HINDi. pero ngayon tapos ko na.

may pasok nanaman bkas. miss ko na ang mga tao. YUCK NAMIMISS KO SILA? hahaha. miss ko na ang pKA, ang gold, ang reviewers - marionRJOY!:), ang friendships. aaaaayiieeeee. hahaha.

kunwari namimiss ko yung mga tao. pero gusto ko nang umuwi at matulog lang. :)

di ko feel, natapos ang weekend. :D



lovelovelove,
eLise.

Saturday, September 13, 2008

isang banat nanaman!

naku! binanatan nanaman ako ng kung sino mang nilalang na nakakausap ko sa YM. ang dami naman kasing nalalamang dahilan kasi diba.

kasi ganito, sabi ko, di na ako nakakadaan sa opisina ng aking ina, na lagi kong pinupuntahan dati rati. tapos.. NAKU NAMAN. alam raw niya ang dahilan kung bakit.

"busy ka sa hiskul lablyf." --- whaaat? hahahahaha. grabe ah. ayan tuloy, umagang-umaga napa-blog ako. hahahaha. :)) nakakatawa kasi na nakakaewan yung sinabi niya eh. biglang ganun ba naman. what?? HAHAHA.

naku, pero pagdating ko roon sa opisina ng aking ina, alam ko na, ang mangyayari ay.. may isang tao roon na magsasabing... ako raw si Dr. Elise Rollon - _________. pasaway. Gumawa ng issue. Aray.

hahahahaha. :)) nakakatawa naman talaga itong mga pinagsusulat ko rito.

btw, ngayong umaga nag bake ako ng cookies dahil nag bake kahapon at nanghingi ako ng ingredients. Gumawa ako ng Oatmeal Cookies with chocolate chips. O diba, COMBINED.

hahahaha. :D


lovelovelove,
eLise.

Wednesday, September 10, 2008

Leo horoscope?!

Leo (Jul 23 - Aug 22)[?]

Leo

The Bottom Line

Take a deep breath, and you'll start to feel enthusiasm for what you are doing.

In Detail

Pressure, what pressure?! The tension you're feeling right now in your life will completely disappear if you just give yourself some time here and there today to process what you're going through. There is no reason to panic, no reason to worry. Take a deep breath, and you will slowly feel your positive thinking building back up to effective levels. And once that happens, you'll actually start to feel some enthusiasm for what you are doing right now.


So, ano naman ang comments niyo? Salamat kay ate jandelle at nacurious ako sa friendster horoscopes. Nagtataka lang ako at bakit ganoon, tila sumakto at tumama ang friendster sa horoscope na ito. Tila bagay sa aking kalagayan o naging kalagayan ang horoscope na ito. Hindi naman alam ng friendster ang daily life happenings ko. O kung ano man iyon. Siguro nga, ay medyo magaling sila magbigay ng advise, yung tipong sumasakto sa nature ng mga Leo. Or, sadyang naibabagay ko ang sarili ko sa horoscope na ito. Oh well.

So as of now, MASAYA naman ako. Well, masayahin lang siguro talaga ako. Or well anyway. Hindi ko alam. Haha. Masayahin lang talaga ako. Maniwala ka. Haha. Bumabalik na ako sa normal. Ang saya. Kung ano man ang iniisip ng iba, hindi ako kinikilig.. Kasi parang normal lang na ganoon ang mga bagay bagay. Hahaha. :)

Mayroong bumanat. "baka naman inlab ka na niyan." ang kasayahan ba ay ine-equate sa ka-inlab-an? hindi naman kaya! pero nakakatawang banat iyon. kaso hindi ko alam kung tama ka, sa pagkakaalam ko ay hindi. Sadyang ganito lang talaga ako.

Nagniningning ang aking mga mata. Sa kabutihang palad ay nagbalik na rin sa wakas ang iyong kinang, na dati rati'y nagiging blanko sa dami ng iyong iniisip. Mabuti naman at sa ngayo'y ganito na ang iyong estado. Mabuti. Mabuti.



lovelovelove,
eLise.

Monday, September 8, 2008

the right things.

thoughts to ponder. and thoughts to remember:

it is not enough for us to do the right thing.
it is our responsibility to help others do the right thing.


so, we should not let others commit mistakes,
and forget about it or talk behind their backs.
we should help them correct their mistakes.
for if we let it pass,
there will be a time when what's wrong..
becomes "right" in their eyes.


maybe i've matured or so,
but this is a very nice thought,
I'd like to share with you.

nakuha ko ito sa sermon ng pari.
haha.

lovelovelove,
eLise.

Saturday, September 6, 2008

isang araw.

nanaginip ulit ako.
ngayon ang panaginip ko ay:
bumalik ako sa COCC. for a second. just a second. then i realized na hindi pala dapat. whaat. yuck naman elise. ang weird mo talaga elise. haha. kasi daw sabi dun sa panaginip ko, I have long decided kung ano ba talaga. so stop na elise. please. :) di naman ako weak eh. haha.

KA:
kung narito man kayo o kung wala man kayo, well. anyway. we're very proud to tell you that the KA room is now user-friendly. haha. nilinis na namin ni Jona kanina. at btw, di ba halatang.. nakakamiss na lang talaga. nakita niyo naman ang background ko sa friendster? panalo eh. wahaha. aayusin ko iyon next week, or next next.. or something.

JONA.
haha. kamusta naman ang adventure natin kanina? napasabay ka lang tapos napunta tayong SM north, nailibre kitang Yoshinoya. Ang saya Jona! waha. tapos nagliwaliw tayo sa SM, medyo nagshopping ako. ikaw, kamusta ang shopping experience mo? haha. sa SM manila? :) Ewan ko. pero ang saya lang talaga.

GRADES.
. . .
isang malaking ". . ."
hindi ko alam.
ayoko magsulat tungkol dito sa grades.
ayun lang.

kasi frustrating eh. card ko ba to? tsk.
ayun. magsasalita pa ba ako? well.

anyway.

project sa social at evaluation.
well. evaluation over the project.
not much interested at di kasi ako naaliw sa topic.
at ayokong mag-isip ng lalim. haha.

workaholic.
workaholic daw ako. na. restless ako. yes.
stressed ako. maybe yes. maybe no. there are other more people out there more stressed than me. I belong in a different social clique daw. daw. whaat. alien ba ako? hindi. hindi ako alien.

lovelife.
EXCUSE ME?! haha. wala akong ganito eh.
sino nagsingit ng salitang iyan dyan?
well, kasi si AJ, biglang nagtatanong.
excuse me ah. wala ako niyan. che. :x

i feel so far away,
sometimes
.



lovelovelove,
eLise.