Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, May 30, 2009

may 30, 2009! :)

ISANG MASAYANG ARAW my friends.

MASAYA ITONG ARAW NA TO!
MASAYA!

first of all, HAPPY BIRTHDAY

WILLEM ALEXANDER PALENZUELA ROLLON

in short, WIM! :p

Awww. 5:30 am dapat ako gigising... Kaso 7:12 na ako nagising. Oras na nagising ako, nagsimula na ako magluto ng cake na inimbento ko lang halos. Ganito kasi yun, kumuha ako ng basic recipe at basic icing na pinagbasihan ko nung cake. Ginawa ko yung cake, kaso naiba yung pagkagawa kasi nadamihan ko ng chocolate... Kaya nag-estimate lang ako ng mga dagdag dagdag na mangyayari. Hehehe. Tapos ginawa ko yung icing. Para akong nagplantsa sa sobrang init ng electric mixer kanina, hehe. Ilang minuto kayang paghawak sa electric mixer yown, 10 minutes, tig-2 minutes tapos pahinga. In fairness... HOT talaga. So ayun, antaying magtransform ang egg into icing! yehey! then ayun, sa kamalasang palad, nasira yung isang layer dapat ng cake nung binaliktad ko, na-gulo, hindi na circle. so di ko magagawang 2 layers, mahirap.. so ang ginawa ko, inayos ko, pinaghiwalay ko na yung 2 layers ng cake, naging dalawang cake tuloy! in fairness... astig. dalawang cake. nilagyan ko ng icing tapos nilagyan ko ng oreos... COOL siya mehn. :)

and marami pa akong niluto. Like chicken teriyaki and super many spaghetti... Yehey, masaya. :) Este, Masarap. :]

Tapos hayan na hayan na dumating na ang bisita. :) So nang dumating na ang bisita, ayuuun. sabi ni lola at tita masarap naman daw yung luto ko. Halos lahat sila nag comment naman na masarap..Hindi ako nagyayabang, natutuwa lang ako na nasasarapan sila kasi napapasaya ko sila pag masarap ang luto. Hihi. Nakakaaliw na natutuwa si lola na nagluluto ako dito... Haha.

I love it lang talaga na masarap yung luto ko. At . . . nagphotoshoot kami ni camila as usual. But not the usual photoshoot, kasi with tripod at lighting kami ngayon! Akala mo professional! Hehehe.

At hayun.. here comes the balloons. So cool. cool. :) Ang saya saya :D

Anyway...

bakit nga ba inuman ang pinag-uusapan namin ni classmate? parang nung isang araw ganun yung usapan namin ni ate moniq ah. nga pala, si cy ay aalis na bukas... thailand na siya for 6 months at mamimiss namin siya. tapos, si rjoy, mukhang bukas babalik. ano kaya, lutuan ko pa kaya siya ng cake, gaya ng gusto ni wim? hmmm.

i-uupload ko pictures sa http://light-ann.blogspot.com , for the picture lovers. :) like rose camille p san vicente.

lovelovelove,
eLise.

Thursday, May 28, 2009

ang sakit lang.

ANG SAKIT!

...... ng tuhod ko.

kanina pa nag-"c-click" yung tuhod ko. gets mo naman kung ano yung pag-click ng tuhod ko noh? yung tumutunog na malakas. tapos masakit. shet. masakit. oo, masakit. oo nga, MASAKIT. narealize ko after some time, ARAY! :(( tapos nung nakita ko may ugat ugat ugat na.. nakikita ko. wahhh... wahhhh.

--------------------------

wahhhh. gusto ko mag rant at this moment.

bakit ganito yung nararamdaman ko ngayon?! bakit ako kinakabahan. na natatakot. na naiinis. na kinakabahan. na nilalamig. nanginginig. natatakot ako. nagbebeat fast yung heart, para akong hinahabol o hinabol ng aso. tapos naiinis ako.

BAKIT AKO GANITO.

di ako mapakali. kasi naman eh. gusto ko lang malaman.

ganito kasi.. may in-IM akong friend. offline/invi siya sa akin. binuzz ko, tapos IM. tapos nagreply naman siya... chepar kung anong sinabi ko muna... tapos maya maya.. sabi ko.. "ay bakit ka nga pala invi?"... sabi niya.. "haha.. wala lang.".. oo na, gumamit ako ng invi scanner kanina. at ang sabi *blank* is ONLINE. hindi invisible? at online siya sa ibang tao, sabi sakin.. kung ganun, bakit ganun yung sagot niya sa tanong ko?


JUST WEIRD. WEIRD!
at nakakaasar.
-----------------------

okay next episode...

OKAY NA.

OKAY NA!!

yehey. nakangiti na ako. haha.

by the way, thanks mi. :) aylabyu na!! :x

:)


lovelovelove,
eLise.

Monday, May 25, 2009

Tungkul Ki Ate

sinulat ni Wim, 5 y.o, mahal kong kapatid. :]

Tungkul Ki Ate

Mabait ang ate ko.
Magaling ang ate ko.
Maganda ang ate ko.
Magaling magsulat ang ate ko.
Matulungin ang ate ko.
Malakas ang ate ko.
Mapagmahal ang ate ko.
Matalino ang ate ko.

Name: Wim

Napangiti lang ako natuwa dito, ang sweet sweet talaga niya.
Nung sinulat niya to, nagtatago siya sa may tabi ng upuan... sa may kurtina.
Wow, touched ako. Ang sweet niya.. :)

(At may kasamang drawing pala yun)

Reply ko diyan ay isang sentence lang:
Mahal na mahal ko ang sweet Wim Wim ko. :)


lovelovelove,
eLise.

Sunday, May 24, 2009

whatever.

nagblog ako ngayon para sabihing:

WHATEVER.


hahahaha. hindi nerd yung blog ko.
reklamo ko lang yun sa mga ka-cheparan nila!
hehehehe.. tama nga naman, UPCAT bago course.

FINE. FINE. FINE.

by the way...........
recently....
NATATAKOT AKO!

oo, grabe, grabe, grabe.
nung isang gabi nakarinig ako ng iyak na nakakatakot.. iyak yata ng bata pero kakaiba eh. grabe, kakaiba siya tapos nakakatakot.. parang hindi normal na bata. eh 2 am na nun.. akala ko sa kapit bahay lang, pero kakaiba eh.. scary..

tapos kagabi pa, mga madaling araw na din... tahol ng tahol yung mga aso tapos na-c-creep out ako kung bakit silang lahat nagtatahulan... ang daming naglalaro sa utak ko nanaman.

tapos tapos... kagabi nga. NANAGINIP AKO. graaaaabe. nanaginip ako na may mga multong babaeng bata na nasa may pintuan namin.. akala ko walalang.. akala ko mga bata lang... pero pero, hindi ko naman sila kilala tapos late night na.. so sino yun?! tapos bigla silang nawala napunta dun sa other pintuan... bakit ako nanaginip ng multo?!

panaginip lang yun. bakit ako natatakot?!

hala matutulog na ako... baka mapanaginipan ko ulit.
goodnight na.

i'm so stupid to be scared! :o

pero ang greatest multo of all times na nasa panaginip ko kagabi na tumakot talaga sa akin ay isang BABAE. isang BABAE! buwiset. nung napanaginipan ko sya, napanaginipan kong nag-hyhysterical si mama at ako speechless, tulala at yon..

SCARY MEHN.

:o


lovelovelove,
eLise.

Thursday, May 14, 2009

Balikan natin ang kahapon.

Balikan natin ang kahapon.

May 14, 2009. 4:51 PM.

Naalala ko, hindi ko naiblog ang magandang HAPON, kahapon...

May 13, 2009. Day 2, PM.

Kahapon, umakyat kami ng bundok; ang bundok na iyon ay ang Mt. Tikbalang. Kami ay nag-hiking paaakyat ng bundok. Hindi namin narating yung taas pero pagkarating namin sa isang mataas na parte ay nag-picture taking kami. Nakakapagod din ang pag-akyat at pagbaba... kaya naman, gustong gusto namin ni papa ang picture ng dagat/beach na low tide sa taas ng bundok... Iyon ay bunga ng aming dugo at pawis sa pag-akyat ng bundok...

Pakita ko na lang yung picture mamaya.

Basta ang saya, ang daming picture.
*Tinatamad na mag-blog eh noh?*

Pagkababa namin, pa-sunset na. So... ang dami naming pictures ng sunset!!

Papakita ko na lang kasi yung picture. Amazing eh. Mas mag-tetell ng words yung sunset kaysa sa blog na to.

Sige, tingnan mo ah...

Visit mo photo blog ko:

http://light-ann.blogspot.com

Bye! Nahihilo na ako.

4:55 PM.

wait, joke muna.

isang lalaki, nanliligaw.
lalaki: uy, sagutin mo na ba ako?
babae: tan90. :)
lalaki: oh please! don't give me an i.

yuck, nerdy. sa tatay ko yan.

4:56 PM.
-- ann elizabeth.

I'm a Genius. My father would say. I'm getting used to it but I'm getting a bit.. irritated by how he is so proud of himself. It's like, yeah right. Whatever.

6:35 PM.

--ann elizabeth.
:)


lovelovelove,
eLise.

Ang Tan Line sa May Binti

Ang Tan Line sa May Binti.

Day 3. May 14, 2009. 4:32 PM.

Ika-tatlong araw na namin dito sa Lian, Batangas.

Teka. Umiiikot ang mundo ko habang sinusulat ito. Nahihilo ako. Parang nasa dagat pa rin ako.

Kakakain ko lang ng chocolate chips at kakainom ko lang ng coke (hindi light) kani-kanina. Galing nanaman kaming dagat ngayong araw. Ilang oras nanaman... At nadagdagan nanaman ang tagal namin sa dagat. Ang tagal tagal.... Pero bago ang lahat, simulan natin ang araw.

Kaninang umaga, nagising ako ng 6:55 AM. Halos mag-aala-siyete na. Ang usapan kagabi ay, maaga kaming pupunta sa dagat ngayon. Siyempre, bumangon na si papa noon. Hinanap ko siya. Sabi niya sa akin, tawagan ko si mama.. Kaya naman, tinawagan ko si mama. Nag-usap-usap kami,nangamusta, nagreport.. Etc, etc. Hayun... Ngunit, nagmamadali kami sa mga pagkakataong ito kasi mag-aalmusal pa kami at pupunta kami sa dagat.

Dagat nanaman. Ngayong araw kasi kami maglalagay ng "pakong malaki" o marker doon sa mga sampling/quadrat sites. Sumakay kami sa bangkang si Norbing *ulit* at pinuntahan namin yung seagrass bed.

Doon sa may seagrass bed ay napakadaming sea urchins... Edible sea urchins. Napakadami nila doon. Noong una, natakot akong matusok, kasi wala naman akong booties or shoes ng diver. Pero, di naman yata sila nakakatusok masyado kasi edible sea urchins lang sila... ang nakakatakot kasi ay yung black sea urchins or diadema. So, ngayon.... tinapakan ko na ang mga edible sea urchins at wala akong pakialam, di naman ako natusok at di ko naman sila pinatay. Hahahaha. Ang hirap kasing mag-swimming ng naka-rubber shoes na puno ng tubig at buhangin, life vest na pang-palutang lang (trip ko lang, para makahiga ako), mabigat na long-sleeves at leggings, at snorkel na pinapasukan ng tubig. Hahahaha. Nagdahilan lang naman ako, pero masaya at kaya ko naman. Habang inaasikaso nila yung mga quadrat, nagmamasid lang ako doon sa ilalim ng dagat.. Nakita ko ang mga sea urchins na kumakain ng seagrass.. Ang mga sea cucumber na kumakain ng epiphytes na nakadikit sa seagrass... (Ganito lang yan, yung mga sea cucumber parang mga higad na dinidikit yung bibig sa seagrass para kainin yung mga nakadikit sa seagrass, tapos ang sarap nila hawakan. hehe). Yung mga sea stars/starfish na pare pareho lang naman ang itsura nila sa lugar na yon, pero aliw pa din... Tapos maliliit na isdang bigla biglang dadaan... Sayang, sana marunong ako magpicture. haha.

May dalang underwater camera si papa.. yung, digital. Pinipicturan niya yung seagrass. Pini-picturan niya yung damo. Hahaha. Hayun, maya maya ay pinicturan ako ni papa sa ilalim ng tubig... (YEHEY!) Kaya ako ay may picture na parang diver kahit hindi ako nag-didive. I am flying in the sea! Hahahaha.

I wish 18 na ako, para payagan na ako mag-scuba. HAHA. Anyway, enjoy life while young! Bata pa ako, I swear.

Yung seagrass thingy na yun, mga.... 4-5 hours lang naman kaming nasa dagat o nasa bangka. Kaya, sino ba namang hindi magugutom? Pagkabalik namin ay lumamon ako. Gutom eh.

After a few minutes, bumalik kami sa dagat, siguro mga 2 pm na yun. Nag-kayak na ulit kami. (Sinong gusto mag-kayak? Kasi ako, sawa na.) As usual, ganun pa din yung arrangement. Si papa ang taga sagwan, eh medyo mahangin hangin... napagod siya. Hahaha. Pero, nagbabad nanaman kami sa araw, tapos halos makatulog na ako sa kayak... Kaya medyo nahihilo hilo ako kasi nararamdaman ko yung alon sa kayak eh. Hehehe.

Pagbalik namin sa station, kitang kita ng aking mga mata ang tan line sa aking mga binti. Parang medyas na dark brown. Hehehe. Ayon nga kay papa, baka kaya maputi yung mga *specific spots* sa katawan natin.. (like, yung natatakpan ng swimsuit)... kasi nag-reredistribute lang naman yung melanin, napupunta sa naaarawan... kaya nawawalan ng melanin (medyo) yung natatakpan ng swimsuit... Matagal ko nang naisip yon eh. Nasabi lang ni papa ulit. Hahahaha.

Anyway, uuwi na kami bukas ng umaga!!

4:50 PM.
-- ann elizabeth.:)


lovelovelove,
eLise.

Wednesday, May 13, 2009

Dalawang oras sa tapat ng sikat ng araw.

Dalawang oras sa tapat ng sikat ng araw.

Day 2. May 13, 2009.

Ngayong araw,... Day 2 na namin, at nandito pa rin kami sa Marine Station ng La Salle sa Lian, Batangas. Kaninang umaga, dapat aakyat kami sa bundok ni papa ng mga 6:00 AM. Subalit, hindi ako nagising, kaya naman hindi kami natuloy sa pag-akyat sa bundok.

7:30 AM nang ako ay magising. Inaasikaso ni papa ang gagamitin niya para sa field, pinag-iisipan kung anong gagawin ngayong umaga at kung ano pa man. Napag-desisyonang magka-kayak kami sa dagat ngayong umaga para kunin yung mga depth ng specific points sa dagat, tapos para mag-survey na rin... seagrass beds, coral reefs, sandy and muddy points, rocky points. Whatsoever.

So, 8:30 AM nang magsimula ang pagtransect. Si ate pau ang taga-measure, si papa ang taga-sagwan, ako ang taga-sulat, enter sa GPS, time-depth-waypoint-remarks. So, ako ang taga-sulat ng data. Okay, okay, so science chever mode. Alalay lang, taga sulat lang naman.

Pero heto, grabe.... DALAWANG ORAS. Oo, dalawang oras. 2 hours and 15 minutes. 8:30 AM to 11:00 AM. Hindi ba nakakatuwang magkayak at magbangka? Nakakatuwa naman diba? Mga 30 mins papunta sa beach tapos 30 mins pabalik. Nung nasa Zambales kami masaya naman... Pati mas mabilis dun, pero mejo boring yun. Hahaha. Dito, kasi kahapon, nagbangka kami from 1:30 PM to 4 yata. 2 hours and 30 mins kami nasa bangka kahapon. Bangka sa gitna ng dagat ah. Ngayon naman, Dalawang oras kami na nasa kayak... medyo ang taas ng sikat ng araw at ang sakit sa balat. Hahahaha. Nasa kayak kami, nasa gitna ng dagat... Nagttransect. Hahaha. Sakit. Sabi nga ni papa baka nagka-heat stroke na ako... Hindi naman. Pero yun. INIT lang talaga. Anyway, masaya naman. Nag-eenjoy naman ako na may ginagawa. :p

Naka 75 points kami sa dagat. Astig diba? Hahahaha! :))

Kaso ang ewan dun sa dalawang oras dun, di ako lumublob ng dagat, sinusunog lang talaga ako ng tatay ko. Para sabihing nagmana ako sa kanya. HAHAHAHA.

Mamayang 1:30 babalik kami sa dagat. Mag-mamark kami ng quadrant doon. Somewhere there. Mag-iistasyon na siguro kami. Sana makalublob ako na! Snorkeling. :p

Nagpapakabait ako dito para ako ay isama ulit ng tatay ko dito ng madalas. Syempre gusto kong sumama, kasi kahit pabalik balik dito, dagat yan eh. Masaya namang bumalik balik sa dagat dito..

12:54 PM.

--- ann-elizabeth.

Ang Multo ng Nakaraan.

P.S.

Nahihirapan ako dito kahapon, kagabi, hindi ako masyadong makatulog. May aaminin ako. Nagagambala kasi ako dito... Lagi kong nakikita ang pangalang *** at naaalala ko ang mga bagay na hindi ko dapat maalala, ang mga bagay na hindi ko dapat naiisip. Hindi ito kilig moment, nakakalungkot pag naiisip ko yun. Napaka-disturbing. Iniisip ko kung paano nangyari sa lugar na ito ang mga bagay na nakagulo sa aming pamilya. Lagi ko kasi naririnig, nakikita pangalan niya, malamang nandito pa kasi siya kadalasan. Hayun. Naiisip ko, nandito pa siya, nag-uusap pa sila, patuloy pa rin kaya..? At, paano kaya nagsimula sa lugar na ito ang lahat ng kabaliwang nangyari in the past years... It pains. It pains. Hindi ako natatakot sa multo ng isang prof dito. Natatakot ako sa multo ng isang babaeng... hindi ko pa rin mapatay sa isipan ko lalo na't naririto ako.

... Wala akong sasabihin kay mama. Ayokong... magulo isipan niya. Hay.

12:59 PM.

--- ann-elizabeth.
:)


lovelovelove,
eLise.

Tuesday, May 12, 2009

Words of the Day

Words of the Day. :]

Chagrin - a distress of mind caused by humiliation, disappointment or failure.

My mind is in chagrin...
I coaxed my dad to bring me here.
Actually, I cajoled him.
I'm dawdling right now.
I'm not an atheist; I believe in God...
I don't know if you can consider me a connosseur.
I'm am ecstatic, I'm overjoyed!
How high is the fidelity of your map? Is that accurate? ---??
You are a flaccid person, you are so weak.
You've made a frivolous judgement, you haven't got any basis.
You seem hasty. What irritates you?
That's a hasty definition; that's a major mistake!
Sorry for my irate words last night, I was so angry.
Were you invited in the lavish party of the rich?
What a meticulous person! He always looks for the smallest details!
Don't you abide by the mores of society??
Nadir is the point of the celestial sphere directly opposite the zenith.
I am parsimonious; I am not a spendthrift.
I am a pacifist; I do not want war.
I don't think I am really pious; I do not devote myself into the tradition of religion.
I hate people's reticence to the law.
I haven't seen a porpoise in the sea.
Our stockade is good enough to keep our prisoners and keep our enemies away.
What a sycophant! He flatters people to get praises for himself. :o ---???
Before I sleep, I want to have a tranquil mind.
I like the whimsical clown.


Please, please.. I'm really ashamed to say this but if there are any grammatical errors or misuse of the words here, please inform me. Please teach me the correct use of the word if there are mistakes. Please forgive me for the grammatical errors, I am just trying to learn. I posted this so you could help me by correcting my mistakes. Thank you so much! :)

If you are wondering why I am doing this... Well, I realized while I was in Experts that my weakness is English, particularly in vocabulary (synonyms, antonyms, analogy). My overall percentage in English (in experts) is around 62%? I am really not sure. I'm trying my best to improve my skills in English... Haha. I am not ashamed to post this blog because I just wanted to learn... I have a goal so I just wanted to get through the brick wall.

--- ann-elizabeth. 8:31 PM.
:)


lovelovelove,
eLise.

Ang Pagiging Isda ni Elise Rollon

Ang Pagiging Isda ni Elise Rollon

Day 1. May 12, 2009.

Ala-siete ng umaga nang kami ay umalis ng bahay upang magtungo ng MSI. Maya-maya, kami ay umalis doon, at nagbiyahe na patungong Lian, Batangas, sakay ng pick-up na Isuzu. Papunta kami sa Marine Station ng La Salle sa Lian. Oo, doon. Doon nanaman.

Dati na akong nakakapunta dito sa Marine Station ng La Salle, simula pa noong elementary ako, noon ay nakakasama ko si Dea, anak ni tito Al. Dito kami ay nagsswimming, snorkling... etc. in short, sumasama lang naman kami sa aming mga tatay na nagttrabaho.

Sa pagkakataong ito, ako ay sumama bilang "alalay" ni papa sa kanyang trabaho... "field assistant" kamo ako. Mayroon si papang kasamang research assistant (RA) na si ate Pau.. at ako ay kung ano mang tawag sa akin, assistant rin niya. Hahahaha.

Excited ako na pumunta sa Lian, kasi nasasayahan ako, makikita ko nanaman ang dagat.. dagat. Nagpunta ako sa dagat, hindi beach. Kahit na, seagrass, o mangrove nanaman ito, meron pa rin namang corals at sea uchins noh. Hahahaha. :)

Excited na excited nanaman ako. Pero, alam kong hindi ito outing. Pero excited talaga lang ako. Sayang nga lang hindi ko napanood si Jake Cuenca at Christine Reyes sa araw na ito.. Pati si Kris Allen sa American Idol, hindi ko mapapanood. Pero, okay na okay lang naman yun. Ang AI kasi may replay, pero si Jake Cuenca wala, kaya hindi masyadong okay. :p

Natuwa ako noong narinig ko ang salitang "scuba"... Gagamit kasi ng scuba si Papa at ang kanyang RA ngayon, at mababaw lang naman. Nagbaka-sakali akong makakagamit ako ng scuba sa wakas...pero. pero, wala, hindi pwede, kahit mababaw. :( Ayon sa aking ama, ang scuba diving ay mas delikado pa sa driving na kailangang 17 ka para magdrive. Wala naman yatang age requirement, pero para sa kanya, 18. Sa age 18, saka ako makakapag-scuba-diving. Kasi, delikado daw yun. Buhay ko daw yun. Well, muntik na siya pumayag dati so... awww. Pero, naiintindihan ko naman. Tsaka, mabigat pa yung tank eh. xD

1:30 pm nang kami ay pumunta sa dagat, kami ay sumakay ng bangka, hindi na bago yun, pero kasi napansin ko, yung bangka dito, mas malaki kaysa dun sa bangka dun sa Zambales, na lima lang ang kasya. Dito, mas malaki. Feeling ko, mas mura pa dito kaysa sa 700 doon.. Hahaha.

So syempre, ginagawa ni papa ang trabaho niya, nag quadrat sampling sya (i-Lab, I guess alam niyo na kung ano yun).. .Tapos nag picture siya, kaso naubusan ng film yung digital camera. Joke. Naubusan ng battery. Ayon. Inantay lang namin siya ni Ate Paula.

Nakakita si papa ng sea urchin! Syempre, marami talagang urchins sa sea diba. Pero, dun sa isang spot na maraming edible little non-long-spiked sea urchins, kumuha siya tapos pinahawak niya sa akin. Natatakot naman akong hawakan kahit hindi stingy yun. Hehe. Para akong bata. Ayon. Maya maya nahahawakan ko na tapos naaaliw ako dahil don. Ang babaw ko. Nagwowonder nga ako kung bakit ako takot sa sea urchin eh. Alam ko kasi, nung elem kami, sabi ni papa nakakatusok yun tapos mag-ingat, chepar, eh nakakita ako tapos dahil sa mask, syempre parang ang lapit sayo kahit hindi naman. Natakot ako. Ayun. Uto-uto lang. Grabe, Elise, childhood fears...? Grow up, Elise. Haha.

Tapos nung andun na kami sa malalim lalim, pinagswimming na ako ni papa, tapos ayun. snorkeling... CORALS! FISHES! Para akong bata. Pero parang di na ako sanay sa snorkel na gamit ko kanina. Natutubigan nanaman siya. Ewan ko ba. Hindi to maaari. Tagal ko nang di nakapag-snorkel eh. Hehe. Bukas sanay na ulit ako. Nakakita ako nung black sea urchins, at aaminin ko na, na parang hindi parin ako super comportable sa kanila. Grabe. Forget it, Elise. :P

Anyway, 4:21 na dito at baka may ipagawa sa akin si papa, kakagaling lang namin sa dagat at kakabanlaw ko lang eh. Bye.

--- ann-elizabeth. 4:21 PM. :)


lovelovelove,
eLise.

Friday, May 8, 2009

recent photo-blog

Currently engrossed in her simple photo-blog...

Please visit:

Ann's light.

http://light-ann.blogspot.com

And, by the way, please click the rewind button, and select May 2009 to see more May posts. You might have missed my posts recently, haven't you? I was just guessing. Anyway, enjoy. :)

lovelovelove,
eLise.

Thursday, May 7, 2009

song recording # 2.

Magandang araw. Hahaha. Kaninang umaga, basta kasi diba umuulan, kaya hayun, kay sarap kumanta kanta. Ayan, kumanta ako. Nagrecording number 2 na ako. If I Ain't Got You by Alicia Keys. Pero... sobrang SABOG to. Kasi ang tinis ng boses ko, kaya ang tinis tinis, baka mabasag eardrums mo. Hahaha. Tapos, ang lapit ng mic. Pero in fairness, asenso ako kasi instrumental na yung background. Di tulad dati, kasama ko pa si David Archuleta. HEHEHE. Sorry, adik lang ako talaga kay David Archuleta noon eh...

Eto ah, ang recording number two ko na super nakakabasag ng tainga. BEWARE. Haha. Click na lang for download:


If I Ain't Got You - Elise' version.:)


Nga pala, for the David Archuleta song, In this Moment, na version ko, yung mas matino ah. Eto: click na lang.

In this Moment - David A, Elise version

lovelovelove,
eLise.

Things I want right now.

There are things that I want right now.... I want to express them in one blog.

I want to have a song recording.
I want to have my own album.
I want to be a singer.
I want to be popular.
I want to be rich.
I want to play the piano.
I want to hear the guitar.
I want to download more songs.
I want to sing in a karaoke.
I want to sing in a theater, in an auditorium, on stage.
I want someone to sing for me.
I want someone to play for me.
I want to go outside.
I want to walk in the rain.
I want to be with my friends.
I want to see people whom I miss.
I want to feel the breeze.
I want to swim in the ocean.
I want to dive in the sea.
I want to snorkel to see the fishes.
I want to join my father in Guimaras.
I want to go to Bolinao.
I want to travel.
I want to go to Bicol and see my cousins.
I want to go to the mall.
I want to shop in Thailand.
I want to play billiards.
I want to play bowling.
I want to try ice skating.
I want to dance in Timezone.
I want some entertainment.
I want to watch my crushes.
I want to watch Boys over Flowers.
I want to have my picture framed.
I want to take pictures.
I want to have a photo shoot and be a model.
I want to finish my story.
I want it to be published.
I want to eat california maki.
I want to eat pasta and pizza.
I want to eat my own dish.
I want to cook.
I want to have my restaurant.
I want a cafe.
I want love.
I want to sleep.

I'm thinking about entertainment right now.
I'm not thinking about education. I'm not thinking about the future.
Only these... and...

I want to pass the UPCAT.
desperately.
:)


lovelovelove,
eLise.

Wednesday, May 6, 2009

pagkatapos ng review....




Ilang araw na ang nakalipas, at oo.... napakaraming araw na ang nakalipas, at ngayon lang ako muli makakapag sulat ng isang blog entry para sainyong lahat. Ngayon ay May 6 na, at ang aking huling blog post ay noong April 20 yata o basta noong linggo ng kanilang graduation. At hayun. Hindi na ako nakapag-update sa inyo kung anong mga pinagkakaabalahan ko....

Ano nga bang mga pinagkakaabalahan ko? Noong April kasi, nagrereview pa ako nun sa umaga, kaya sa umaga ako ay laging nasa Esteban Abada, sa EXPERT Guides. Pagkatapos noon ay dumederetso ako lagi sa College of Engineering. Nakikipagdaldalan ako doon at kung ano ano pa. Pagkatapos ay tinatamad na ako mag internet o mag blog.

Kadalasan ako ay nakakatulog, o kung hindi naman ay minsan, nagbabasa ako ng mga vocabulary --- words upang makatulong sa aking bokabularyo kasi doon ako mababa. Iyon ang napagtanto ko sa EXPERTS.

Kung hindi naman ako natutulog, o nag-aaral ay baka nagtetext ako at naglalaro at gumagawa ng kung ano anong bagay... sabihin na nating... tinatamad akong mag-blog.

Sa blog kong ito, malamang ay nais kong sabihin... Ang aking appreciation sa review. Noong natapos na ang review, saka ko lang ito na-appreciate. Hindi ko naman talaga naiisip na itong mga pinag-aralan ko sa review center ay maaalala kong lahat sa UPCAT, malamang ay si stocked knowledge pa din ang mamayani.

Ngunit, sa aking pagrereview, may mga ilang bagay akong natutunan siguro o na-experience, na maaring hindi ko siya ma-eexperience at magagawa ngayong summer kung hindi dahil sa Experts, Abada-B, batch 6.

Una, sabi ko nga, wala ako dun para mag-aral talaga. At sa totoo naman, ay nagkaroon din talaga ako ng mga bagong kakilala, tulad na lang nila Judith, Sofia, Karla, Maye, Mikki, RJ, Tricia, Jecee, Mitzie, Jomari, Neil, Paolo, Robby... Nakilala ko lang sila, bagamat hindi kami close, new friends, na hindi ko magagawa pag sa UPIS. Iba kasi ang crowd doon sa Abada-B, hindi ko alam pero nasanay na rin ako sa crowd dun at nagustuhan ko din sila. Napansin ko, maraming mga Ateneo at Miriam, at mukhang nag-eenjoy naman kami. Hahaha.

Pangalawa, nakilala ko ang ilang mga nakakaaliw na teachers doon tulad nalang nila sir Marrick, sir Rai, maam Adel, maam Cathy, maam Rach, yung chem teacher at etc etc. Kay sir Marrick ko natutunan ang IDK which is... I don't know. Haha. Natutunan ko na kailangan kong bilisan ng bilisan ang Math solving etc...

Ang importante naman na natutunan o nagawa sa akin ng experts ay hindi yung natuto ako ng ganito, ng x+y etc... Marahil ay sabihin na nating... yung ibang tinuro dun, alam na namin yun kasi review na lang nga diba. Pero, ang natutunan ko dun ay yung pagpupursigi ko talaga din, dahil nga noong nalaman kong kahinaan ko ang math 2 at ang English. Nag-aral talaga ako ng English din at sinubukan, sinubukan, sinubukan ko ang Math 2. Kahit ngayon ay di ko kaya, kakayanin ko.

Nalaman ko doon na.... Wait. May goal ako. Hindi maaaring mababa ako dito. Kailangan kong paghirapan to lalo na't ang aking goal ay... Chem Engg o MBB, kahit di pa ako sigurado. Kaya ayun, kahit walang grade... Ay medyo nag-aral naman ako. Hello, hindi nga sa grade umiikot ang lahat.

At narerealize ko din ngayong summer na lumalapit na ang deadline ko sa pagdecide ng gagawin ko sa buhay ko... Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong landas ang tatahakin ko... MBB? Chem Engg?? Hindi kasi yun ang pinapangarap ko pa talagang landas. Ang gusto kong mangyari...

1) Maging diver/marine biologist.
2) Magkaroon ng restaurant/cafe.
3) Maging singer.
4) Yumaman.
5) Makarating ng maraming lugar.

Pero... wala sa mga course choices ang magdadala sa akin direkta dito... Ngunit, sa aking palagay, lumiko liko man ang aking landas, sana ay sa isang direksyon pa rin ito patungo. Maganda na ngayon ay alam ko kung anong gusto kong mangyari... Para kahit papaano ay may alam ako. Diba? haha. Pero, kung meron nga lang isang straight line going to my dream, kukunin ko na. Pero hindi eh. May brick wall pa, na aking i-oovercome. At marami pa ding detours na kailangang tahakin. Pero malalampasan ko yun, malalampasan ko sila.

Para sa ating mga pangarap, kaya natin to!

------------------
Hay, Abada-B, b6, mamimiss ko kayo. :) Oo nga pala, grade 10 na tayo next year. Last year na to, sulitin, isa lamang ang pagkakataon.
:)


lovelovelove,
eLise.