Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Friday, January 30, 2009

periodic test.

tapos na ang periodic test. gaya ng inaasahan ni chad, heto na ang aking blog para sa periodic test.... nyahahaha. handa na ba kayo??

nakakainis. nakakainis. nakakainis. arrrggggggh. ayoko ng periodic sa math. ayoko ayoko. ayaw. kaasar. wahh. nakakainis. wahh. ano ba yun. anong klaseng periodic yun. bakit ako nagpanic. ano kaya score ko. WAHHH. math na nga lang eh. math na nga lang! yun na nga lang yung inaasahan ko. yun na nga lang. ano ba yan. ang tanga tanga tanga ko talaga. and as usual... SAYANG PINAGHIRAPAN KO. sayang pinaghirapan kong perfect na long test. wahh shocks. grrrrr. wahhhhh. grrrrr.

hindi ako GC. tanging math at science lang ang pakialam ko talaga.

OHMYGULAY. and ang filipino. BWISIT! ayoko na! parang awa mo na lord, ayokong bumagsak sa filipino.. parang awa. please. please. please. kinakabahan na ako dun sa test na yun. wahhhhh. nakakainis! ang hirap ang hirap ang hirap. ang hirap ng talasalitaan, ng lahat! delikado pa naman score ko sa filipino kasi puro 18/35 ... mga kalahati+1 ang score ko... wahh. shoooooot. shoooooot. God please HELP me.. HELP! Wahhh... Ayokong bumagsak. Gusto kong pumasa. Tulungan niyo kaming lahat. Parang awa, please.... WAHHHH...

isang periodic test na lang, grade 10 na kami. ahay aray.

Kanina pala, ang dami kong nakasama. Sina Mara at Karina. Si Chad na forever ko kadaldalan... Hahaha. Si Jerwin!! Si Jerwin. Nakasama namin kanina. At, walalang. Soundtrip, at nang aasar sila. Bakit?! Haha. Anyway, minsan lang nangyari na ulit yun. Tapos McDo, etsetera etsetera... Tapos si Abe, kasama ko from mga 2-5:30 pm... hahaha. Tambay sa SciDept, at sa kung saan saang lugar.. Walalang... Nagpapakasaya dahil tapos na ang periodic.. EWAN.

Ayoko na kasi mag-aral eh. Tama na. Tapos na ang periodic eh. Haha. By the way, 47/50 ako sa periodic test sa science. 47 lang daw sabi ni maam Bec at ni TRex. Ang sama noh? Pero sabi nila ano raw, mataas daw compared sa buong batch. AT LEAST MASAYA AKO SA PHYSICS. I LOVE IT. :))


lovelovelove,
eLise.

Monday, January 26, 2009

Warrior is a child.


Lately, Ive been winning battles left and right.

But even winners can get wounded in the fight.
People say that I'm amazing, I'm strong beyond my years.
But they don't see inside of me, I'm hiding all the tears.

They don't know that I come running home when I fall down.
They don't know who picks me up when no one is around.
I drop my sword, and cry for just a while..
For deep inside this armor... The warrior is a child. :)

-------------------------------------------------------------------

nakakainspire naman yung song. nakakatuwa.
nakakatuwa yung lyrics. naiisipan ko ng meaning.
they don't know...


lovelovelove,
eLise.

biosciences.

naiinis ako. nalulungkot ako. kung pwede bang sumigaw at sumigaw at mag-whine dahil naiinis na talaga ako. nakakainis. nakakadepress. nakakasayang. naiinis ako. naasar ako.

hindi sa kung kanino man. sa sariling kamalian. at sa nangyari kanina sa biosciences quizbee.

nakakaasar lang. kasi ang dami naming nasayang na puntos. sana pala ay sinunod na lang namin ang una naming sagot. sana nakabawi kami. ano kayang nangyari sa akin kanina, bakit ganoon....

paano ba alisin itong pagkadepress ko? patulong naman. dalawang quizbee na toh. biosciences at xavier. gosh. nakakalungkot. WAH. WAH. WAH. 65 points?! Sabi ni Joseph, nagsayang kaming 80 points dahil sa pagpapalit ng sagot at sa SIG FIG na yan!

SIG FiG. Kaasar! Kaasar! Wala naman kasing sinabi na ano eh.. Wala naman sa rules. Inconsistent! Grr.

Wala tuloy ako sa mood ngayon. Wala ako sa mood! Ayoko na!
Patulong naman sa pag-alis ng kabadtripan at ng depression ko...
Moral lesson: Follow your heart at magtiwala ka sa sarili mo. Haha.:\

Kapag ako nag MBB. Humanda kayo. REVENGE.


lovelovelove,
eLise.

Saturday, January 24, 2009

it's been.

it's been, how many days since I last used this laptop? I really missed my laptop!

that's all I want to say.

It seems that I forgot what I wanted to say. Maybe because my mind is stuffed with many terms today. In short, nagpapakanerd ako.

I will write later. Haha. Kailangan kong mag-aral. WOOH. Bakit pag sinasabi kong mag aaral ako saka ako di nakakapag aral? :)


lovelovelove,
eLise.

Thursday, January 22, 2009

naaliw ako.

Okay. Inaamin kong naaliw ako sa ilang bagay na nakita, nabasa, at narinig ko.
Masaya pala mag-view ng "Who's viewed me?" sa friendster at makikita mo ang mga picture ng mga ibang tao na nagdidirekta sa iyo tungo sa kanilang mga profile. Diba ang saya?? Basta, masaya siya. :)
Ganito kasi ang kwento. Napadpad ako sa isang "lugar" o "pahina"... At narinig ko ang kantang hilig na hilig ko dati. (Ang haba noh?)
At marami akong naalala. at naisip.

. . . . . . .

At kinikilig nanaman kayo.


lovelovelove,
eLise.

Wednesday, January 21, 2009

free day.

today is one free day.

PS. nahihirapan akong magtype sa malaking laptop na hindi akin. Hindi na ako sanay. Miss ko na si mini note. msi. :\

Magkukuwento ako ngayon kasi wala akong mapagkuwentuhan ngayon. Wala akong taong mapagsabihan at mapagkwentuhan ng mga nasa utak ko, sa mga oras na ito. At nalulungkot ako, siguro kasi namimiss ko na sila.

Siguro namimiss ko na sila, kasi dati rati, lagi ko silang kasama. Ngayon bihira na lang. Dati basta palagi, o madalas, tapos ngayon, nakakapanibagong hindi. Dati din, ay pag kasama ko siya lagi kaming bangag. Tapos ngayon, siguro kasi busy lang yung mga tao. Maraming requirements. Ganoon.

Ang hirap kasi maging attached sa mga tao. Lalo na kung nasanay ka na sa tao/mga taong yun as your companion palagi at ganun. Nakakapanibagong biglang hindi. At nakakalungkot isipin na parang ilang buwan na lang at hindi ko na sila makasama ngayon.

Wala rin ako mapagkuwentuhan sa mga oras na ito. Wala kasing taong "fit" para sa mga kwento kong ito. Kung meron man, unavailable at the moment.

Siguro kasi nagtatampo ako at naguguluhan at nammroblema sa mga bagay bagay. Hmm. Anong mga bagay bagay? Itago na natin sa aking isipan. Haha. Kung marami mang laman ng utak ko, eh wala rin namang nakakapansin.

Ngayon ay isang "free day" dahil hahayaan niyo akong magdrama, hahayaan ninyo akong ilabas ang kaunting pwedeng ilabas sa aking isipan patungo sa blog na ito. At dahil nakikibasa lang kayo, hindi niyo naman madidikta ang isusulat ko diba.

At isa pa, free day din nga pala ngayon dahil nilibre ako ng mga tao. May sinamahan ako papuntang shopping center, at doon ay nilibre ako. YEHEY. At si Cy din pala, pinuntahan ko siya sa Chem Engg at nilibre niya akong meryenda. Sana lang wag ako magkasakit na konektado sa pagkain.

Isa pa nga pala, bakit ganoon?! Ang mga tao sa bahay ay nagkakasakit. Nauna si Wim, sunod si Renren, sunod si Papa, patanda ng patanda ah. Buti nilampasan ako. O teka, ako na ba ang susunod? Ayokong magkasakit. Bawal magkasakit.

Let the free day continue... Or pause for a moment. For I need to finish thy requirements. :)

lovelovelove,
eLise.

Monday, January 19, 2009

thoughts of my friend.

"Filipinos as a person
are good, great!
But Filipinos as a nation..
they are doomed to fail."

Sa blog kong ito, ikkwento ko lang ang thoughts ng friend ko. Hindi ko sinasabing agree din ako, okay?

Nag-aagree daw siya kay Rizal noong sinabi ni Rizal na maging state na lang tayo ng Spain. Kasi, wala namang difference daw eh. Dahil pareho din lang naman, colonized pa rin tayo ngayon halos. Ibang anyo lamang. Colonial mentality, economic side. Diba, parang colonialized pa rin naman tayo? Controlled pa rin tayo eh. Sabihin man nating free tayo ay.. ayun. Tapos ang solusyon daw ay, ALL OUT WAR?! (ano raw??)

Pero kahit na, maging "equal state" man tayo ng Spain, feeling ko imposible yun. Hindi nila gugustuhing maging "equal" tayo. Parang ttratuhin tayong mga "kapatid sa labas" kung ganun. Haha. Gets niyo? Basta. Ang labo.

Pero, isip isip lang kayo. Kasi hindi ko sinasabing naniniwala ako sa kanya. Naniniwala akong may pag-asa pa. Haha.

Isa pa, tungkol sa PLASTICS, mula sa taong nag-aaral ng polymers.

"Imposibleng mawala ng tuluyan ang lahat ng plastic."

Ang ibig lang naman niyang sabihin... Eh kasi.. Imposible naman talaga. Alisin niyo lahat ng plastic, paano yung ibang mga gamit ng plastic? Hindi lang yung plastic as cups, packaging material, at lahat lahat. Kasi diba, kung papalitan mo, pagpilitan mo lahat ng METAL, CLOTH, PAPER... Edi ilang puno na ang pinutol? Ilang puno na lang matitira?? Eh diba parang 500 years din bago lumaki yang mga punong yan?? Grabe. At kung metal at mga ganun, ilang bundok na ang hinukay mo nun?? Ang weird weird weird diba?!

Ang inaadvocate ko lang naman ay reduce the EXCESSIVE and unnecessary uses nito.... BALANCE lang ang goal ko, not to totally eradicate...

These thoughts are from the Chemical Engineering Department. Haha. :D


lovelovelove,
eLise.

Friday, January 16, 2009

determination.

"One determined person
could make a significant difference,
while one determined group
could change the course of history."


The challenge is:
who would be that group that is determined to change?


Problems, there are problems that usual people couldn't see because they are "immuned" to the disease. They no longer or, refuse to react or they just adapt to the disease, and go with the flow. Diseases could not be solved if they are not identified. So how could one person solve a disease if it is not even identified by the society because it is subdued. No one wants to think, because it seems to have become a way of life, a culture...

Well, if there is determination, anything's possible.


lovelovelove,
eLise.

Sunday, January 11, 2009

weird thoughts on a weird society.

Pera.

Nakakatawang isipin na ang papel, na amoy isda pero minsan ay malutong, ay nagpapatakbo sa buhay ng karamihan sa mga tao sa mundo...

Oo, ang weird ng thoughts ko ngayon. at oo, yung pera na yun kasi ay binigyan ng value ng society. Itinalaga ng society, ng lipunan na ang papel na yan ay nagkakahalaga ng ganito. Ang papel na iyan ay makakabili ng ganito. Pero in the first place, bakit mo bibigyan ng ganiyang value ang pera? Para? (so let's look at history, tiangge, fair.. banks.. Industrialization.. whatever..) Pero kahit na.


Isa pa, yung GOLD. Bakit ba pagkamahal mahal ng gold?! Eh diba batong kulay ginto na kumikinang lang yun?! Bakit ang mahal mahal nun, hindi naman natin kailangan nun talaga. For LUXURY lang yun eh. Pampaganda, pang-hari, pang-reyna. Kung ako, magkaroon ng ginto, aanhin ko naman yun?! Wala, ibebenta ko lang rin. Ang useless. At nagmimina tayo at lahat para lang doon.


Eh sabi, yung di naman natin kailangan ay ang mahal. Yung mga valuable talaga ay mura. Tulad ng tubig, pagkain, RELATIVELY. Pero goodness, mamamatay na yata tayo kung pati OXYGEN ay babayaran. Hihinga ka na nga lang, may bayad pa! Ano na yun?!

Sabi nga nila, pag nangyari yun, usong uso na talaga ang nakawan. Ayan, ayan ang nagagawa ng pera. Nakawan. Siguro kung walang pera sa mundo, di na uso ang nakawan! Kasi, sariling sikap na lamang palagi. Mag-barter na lang tayo! Gagawa ako ng ganito, i-eexchange ko. Hindi yung instant! "Naka-dekwat ako, bibili na ako!" Pero, may teknolohiya kaya kung walang pera. Baka. Pero baka mabagal.

Anyway, naisip ko, baka ang isang mundo na walang pera ay mas maunlad pa sa mundong may pera. Baka doon ang mga tao'y nagkakaisa. Baka doon walang nakawan, korupsyon, at marami pang iba. Pero ang weird talaga. Nasanay na kasi siguro tayo sa konsepto ng pera. Sa "maunlad", sibilisadong buhay. Bakit, di ba masaya maging primitibo? Ikaw ang gagawa ng sarili mong mundo. Haha.

Isa pang nagagawa ng pera...? Mga abogado. Karamihan. Ang mga abogado ay ipinaglalaban ang hustisya. Pero ano ang hustisya? Diba ang mga abogado, anong trabaho nila? Saan sila kumikita? Para itama ang mali. Bakit? Sino bang nakakapagbayad na mabuting tao na inaakusahan? Diba kadalasan ang may limpak na pera pang bayad sa mga abogado ay ang mga mapang-abusong mayayaman?? Paano ang mga mabubuting walang kasalanan o naghahanap ng hustisya?? Magaling man ang mga abogado ay higit 10 kaso ang inaasikaso ng mga hindi binabayaran. O, paano ka ngayon? Meron nga ba tayong hustisya dito?? Haaay. :|

Ang weird talaga ng thoughts na ito. Pero bumalik tayo sa NASYONalismo... Babalik na ako sa gawain ko. Dala kasi ito siguro ng usapang Rosa-Elise. Elise-Mara. :\

lovelovelove,
eLise.

Friday, January 9, 2009

goodbye magnetides.

Babala: ma-siyensyang post. pang-nerd. JOKE.
Mahal ko naman ang magnets. Pero, paalam magneTIDES. Mahal ko ang konsepto ng magneTIDES. Pero ayoko sa nangyari, sa environment, sa ewan. Oo, cramming ang prototype namin. Sosyal noh, pero tingnan niyo, kahit na crammed, ayos lang naman diba? :)
Maganda concept, interactive naman, relevant naman, at sa totoo lang, gumagana sya. Bakit "it's not working"? Nakakasama ng loob talaga kasi yung sumira ng exhibit namin. Tsk. Oo, fragile, kasi prototype. Basta, ang "tangi" nung judge na yun.

Pag nakakakita talaga ako ng ganung exhibit sa PSC, giyera! Plagiarism. Copyright, pare. Basta, no comment.

Pero, super congratulations sa kabilang team. Sinasabi ko lang na hindi kami bitter sa kabilang team, baka maging ganoon ang pagkakaintindi niyo eh.

Nung time na yun, namiss ko tlga ang school, sobrang, gusto ko nang pumasok ng klase. 3 tests pa namiss ko, at ang showing ng mahal kong August Rush. Biro mo, pinalabas ang one of my favorite movies noong wala ako. kamusta naman yun. REWIND.

Anyway, nag picture taking na lang sa exhibit hall. Wonder house. Frozen Shadow. Checkered stuff. Astig, in fairness. HAHA. :]

Pero nung finals announcement time. Umm... Naiinis ako sa ibang results, baka pwedeng palitan nalang namin yung mist. Gaya gaya eh! Lunar Clock?! UHM.

after nun, daan ng SM marikina. Delaying tactics. sakay taxi. Uwi ng UPIS. Namatayan. :) Pero pasok naman sila. CONGRATS NINONG! at MAKMAK! at NICOw. :))

rjoy, marion. jan 26?


lovelovelove,
eLise.

Saturday, January 3, 2009

2008 and 2009..


blog? no. write? no. not in the mood.

"take a little look at the life of miss always invisible"



umm. I'm not in the mood, so why write? why?

My mind is not focused, so maybe I need to write first. I need to write? Umm. Hmm, maybe. Once you start writing you'll feel that you want to write.

Why did I NOT WANT to write? Hmm, kasi feeling ko, marami akong iba pang kailangang gawin o something, not focused yung utak ko, so parang, gusto kong gawin to, kailangan kong gawin yun, tapos tinatamad ang utak ko, bakasyon eh. I don't want to think about the past happenings. Nakakatamad eh. Sayang sa oras ba. Pero, baka kasi after ko mag blog, ayos na itong utak ko, tipong ready na. SANA. Malapit na rin ako magkaroon ng disorder ah, di na ko makafocus, siguro kasi bakasyon at naka-turn off ang mahiwagang utak na natutulog.

But it's 2009! Yes, it's 2009. I think kailangan nang magising ng utak ko. Gumising ka, utak! Gising na! Hindi ka pa ba nagising sa mga paputok na narinig mo, ang ingay na nga di ka pa nagising! Hmmm.

It is 2009.

Oo nga, 2009 na. Gising na ako. Ngayong 2009... Maraming mangyayari, malamang.... Pero, bago ko isipin ang mga mangyayari in the future, which is in the present year.. Alalahanin ko lang ang mga nangyari noong past year, which was like a week ago, 2008.
Sa taong 2008, ako ay nagpaalam sa ibang mga kaibigang nalayo sa akin at nakakilala ng mga bagong kaibigan. Nagpaalam na rin ako sa dating buhay upang humarap ng panibagong buhay. Sa taong 2008, nagpaalam ako sa minamahal kong dragonfly upang pagdating ng hunyo ay makilala ang panibagong seksyon na Gold, at mahal ko rin naman ang Gold. Natutuwa ako sa Gold dahil iba rin naman ang kalokohan ng seksyong iyon.. Nasanay at napamahal na rin sa seksyon. :]

Noong 2008, ako ay naging kabilang sa
pamunuan ng Kamag-Aral, kung saan nagkaroon kami ng maraming trabaho, gawain, responsibilidad para sa akademikong taong 2008-2009 na di pa naman nagtatapos. Simula pa lang ng kampanya namin ay nabago na ang buhay ko. Nakilala at nakasama ko sina Ate Lou, Ate Geia, Ate Lesley, Dean, Makmak, Ninong Anjo, Joie, Ysay, Maam Diane, Jona. Noong summer, kami ay nagkasama sama para magmeeting sa aming mga proyekto. Kami rin ay nagtrabaho sa isang library, naglinis kami, kasama si Pat. Doon, nagkaroon kami ng sweldo at libreng pagkain. Naranasan naming magbuhat ng pagkadami daming libro. Pagdating ng Hunyo ay nagsimula na. Nagkaroon ng maraming gawain, may Club Fair, parada. Nagsimula na rin noon ang paglelead sa flag ceremony, lupa ako the whole time. Nagfacilitate rin kami ng madugong Leadership Camp, ang Bulusan, na sa tingin namin ay successful naman. Pagkatapos ng LC ay mayroon pang malaking project, ang UPIS Week, "UmPISa na!", na sadyang kay saya, at nakakapagod. Napakadami ng aming paghahanda doon, ang paglalakad sa Katipunan Avenue ng 2 oras, nakatayo, para sa booths, concessionaires, sponsors. Marami, marami. Mayroon pang t-shirt na ibinenta, na marami naman ang bumili. At sa lantern parade, nagtapos ang taon, na may pasok I mean...

Noong 2008 rin, nagpaalam na ako sa dalawang kaibigang, sina Meg at Pauline, na kasalukuyang nasa America na. Di ko na rin masyadong nakakasama sina Karina at Mara, di na kami nakukumpleto. Ngunit tuwing nakakasama ko sila ay nagiging masayang masaya ako. Kasi nga, namimiss ko talaga sila, hindi lang masyado nagkaroon ng pagkakataon para makasama sila ng mas madalas...

Noong 2008 rin, ako ay napasama at napatambay sa Science Department, kung saan nakilala at nakasama ko sina Rjoy, Marion, Maam Reg, Anjo, Maki, Joseph, Domeng, Nico. Masaya rin na makasama sila. Teammates ko si Joseph at si Domeng. Nanalo kami ng 1st place sa unang laban ko, at 3rd (sana!!) sa isang laban sa Xavier. Kahit ano pa man, okay lang, masaya naman pumunta at lumaban sa mga competitions. Iba ang UPIS eh. At saka, nasanay na kami nila Rjoy na pumunta sa scidept tuwing uwian at umuwi ng gabi na rin. Nag-aaral, nagkukulitan. Doon, napalapit ako kay Maam Reg at kay Rjoy. Lalo na kay Rjoy. Hmm. Hindi ko alam kung bakit kami nagkakasundo, siguro kasi pareho kaming weird. Pero nagpapasalamat ako ng marami dahil nagkakilala kami. Paano, kasi pareho kaming "nerd", hahaha, asa. Isang mabuting kaibigan, nakakatawang kasama, bangag, tulad ko lang din. Nagkakaintindihan kami, haha, diba Rjoy?

Ngayon nga, tulad ng sabi ko, ay 2009 na.

Ngayong 2009, balik eskwela nanaman. Pasukan nanaman. Periodic test, panibagong competition, panibagong mga responsibilidad, o balik dating responsibilidad, goodbye vacation. Sa Pebrero, prom na, at sana talaga nandoon si rjoy, at si pauline at si meg! Sa Marso, patapos na ang akademikong taon.... Sa Abril, magmamartsa na ang mga batch 2009....

APRIL 2009.

Ate Lou, Ate Geia, Ate Lesley, Makmak, Ninong Anjo, Dean, Joseph T, Jandel, Ate Xtin, Paeng,... Rjoy.. Sa iba pang mga 'o9 at lalo na sa mga 'o9 na naging malapit kong kaibigan at lagi kong nakakasama, lalo na sina Rjoy, Anjo, Maki, at ang iba pang mga KA, ate Lou, ate Geia, ate Lesley. Kayo ay magpapaalam na sa Abril. Graduation niyo na. Mawawala na kayo sa UPIS. Mamimiss ko talaga kayo! Maraming salamat at nagkakilala tayo at naging malapit na kaibigan ko kayo... Wag muna kayo umalis sa UPIS! Sulitin natin ang ilang buwan na nandito pa kayo, yey! :) [sa April na ako magddrama, ANO BA.]

... then comes May, review time. Sa June, 4th year na kami? Senior na? Ano?! Hahaha. Sa August, UPCAT? Ang bilis nga naman. Tapos next year, kami naman ang ggraduate, sa 2010. Nooooooooooo. Ayon nga kay ate Geia, "mabilis lang yan". At oo, naniniwala akong mabilis lang yan, yung grade 9 nga di ko namalayan eh, grade 10 pa kaya? Ayoko pa mag college, HIGH SCHOOL NEVER ENDS!! :]

Anyway....

Wake up really. 2009 na nga. :) So live this year to the fullest, stop thinking about, ang bilis bilis, i-enjoy na lang nating lahat! :]

ayon sa tokyo cafe, "ichigo ichie.."


lovelovelove,
eLise.

christmas vacation.

uyyy. pasukan na sa january 6! pang-asar eh noh. pasukan na, kay bilis ng bakasyon. Ano bang nangyari noong bakasyon...

December 18, hmmm. bahay? pahinga? ewan. :]

December 19, PSC Sexy Project Planning! Haha. Sa school, tapos nag grocery sa shopping, tapos sa bahay ko... Maam Reg, Rjoy, Maki, Anjo, Nico. Nag-sardinas at canton. Tapos pizza. Nakuwento ko na dba??

December 20, saturday, uhm, ano bang ginawa ko nito. hahaha. Naalala ko na! Nagpunta akong ortigas mag-isa. First time ko magMRT mag-isa. Kasi di ako pinapayagan. Pero marunong ako. Buti di ako nawala. Nagpunta kasi ako sa St. francis Square para panoorin musical nila Rjoy. Haha. Lion King!

December 21, Sunday, uhm, malling pa rin?? Nakakewan. Start pala to ng unli ko. Naalala kong nagpunta akong Antipolo ng gabing to, marami akong katext eh. Saan ba kami galing nito. Hmm. Basta ayaw namin sa mall so, Antipolo, pero napadpad muli sa SM Marikina, grocery.

December 22, feeling ko nasa mall pa rin ako ng time na ito. Kasi wala namang ginawa kundi magmall eh. pumili ka lang kung SM Marikina, Riverbanks, Trinoma, o SM North. feeling ko nagpunta kaming SM Annex nito, napipikon na ako sa tatay ko eh. Puro computers! Grr. Hahaha.

December 23, Nasa marikina riverbanks kami nito, di kami natuloy sa cubao. Kasi wala pa yung shirts. Nagpunta kaming trinoma ni mama. Doon nakasama ko sina ate Nadine, Patchi, Ate Kathy, Camille. TIMEZONE! wala si ate monique at ate cathy na payat.


December 24, Nagpuntang cubao para sa shirts, eastwood, para sa lipstick ni mama. Nakiparty kina tita Rose, kasi birthday niya. Tapos nagpuntang SM Marikina, bumiling exchange gift. Nag exchange gift sa bahay. Wala naman kaming Noche Buena pero masaya ako dahil maraming bumati. Nyahahaha. Na may ELISE. Um. Simple lang. Unli ako GlobeSmart. Sosyal.

December 25, Nagparty kami sa Cavite. Christmas party reunion. Ng mga magpipinsang nandito sa Manila, o mga wala sa Bicol. :] Suot namin yung tshirts na ginawa ko. Ang saya saya.

December 26, nasa bahay sina tita josie, at mga relatives ni papa. So ayun, nagparty party, onting food lang. Nagpicnic sa may oble, sa likod ng admin, picture and video taking. Fun.

December 27, a sudden trip to bicol. Biglaan akong sinama sa Bicol, hahaha. Parang, uuwi kasi tita ko bigla. tinawagan ako, after 1 hour, sinundo na ako. Haha. hanggang 31 raw kami.

December 28, birthday ni Maki. Haha. 1:30 am kami dumating sa masarawag. Tama ang estimate. Hmm. Anong ginawa, nakipaglaro sa pinsan. nagbasa ng Noli Me Tangere! Nagsimba sa guinobatan. Ah, si Rjoy pala nagbyahe pabicol ng 28.


December 29, nagluto ng spaghetti at nagkaraoke! Go ate Queenie! Ang tataas,... Hahahaha. Tapos natapos ko yung Noli. YEHEY!

December 30, birthday ni Li. sayang raw di kami nakapunta. Pero itong araw na ito ay HP marathon. Harry Potter 1-4. Hahahaha. Nagbabasa (kunwari) ng House of the Scorpion.

December 31, the long and winding road trip to MANILA! Race the clock, before 12 am. Before new year. And yes, nakauwi ng 11pm. Remarkable! :]

December... JOKE!

January 1, 2009.
New Year na! ibig sabihin, bagong buhay. hahaha. Naglinis ng kwarto. ayun. Nagtrasform si kwarto. Ayos. Ay, tinawagan ko pala sa cellphone ang isa kong kaibigan, 42 mins. :))

January 2. nagbasa ng House of Scorpion.... Nanood ng tanging Ina, WALANG DANGAL yon. Wala, comedy lang. Tawa ka lang. Walang hiyang presidente yan. Ano yun, pang ookray?? Wooh... ang ewan lang!

January 3, ngayon. Ayos kwarto. Nagluto. At nagbblog.

January 4

January 5

January 6, PASUKAN NA!

Hay garabe. Nakakainis pasukan na. See you na lang!!! :]


lovelovelove,
eLise.