Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Friday, December 19, 2008

the psc sexy project planning.

grabe. ilang gabi na kami nagpupuyat til 1 am para dito ah. ang galing galing kasi. wooot. wooooh. hahaha. 11 kasi nag oonline sila. ang galing noh.

noong isang gabi hinintay ko si Ada mag online, kaso. ayun. naiintindihan ko naman sya. okay lang yan.

kanina finally nagmeet kami. ayon. haha. kalokohan lang ata. ewan ko. adrenaline rush of ideas na lang.

nagmeet sa UPIS, nagpuntang COOP, nagpuntang bahay. nagpansit canton. nagpizza (courtesy of mr. rene rollon) hahaha! basta ayon. tapos ayun. :)

ipopost ko lang sa blog ko ang criteria and chever.

PSC SEXY PROJECT....

teka, should I??

I will update this later na lang. hehehe. :p

lovelovelove,
eLise.

Wednesday, December 17, 2008

lantern..

the drama:

"i think, I just lost all my money now.
what. paano nangyari yun. :|
iiyakan ko na yun. hindi ko alam.
natulala ako kanina dahil na shock ako.
nalaman ko pag-uwi ko na, totoo nga.
nawala nga?

sana namisplace lang..

siguro kaya ganito kami kabangag ni ate geia..
oh my god... ipagdasal niyo pera ko.."

UPDATE.

i found my money. hahaha.
kinuha kasi ng nanay ko. ugh.
at nagpanic lang kasi ako bigla.
binawasan ng 1200 pera ko.
my god ahh.

at ANYWAY.

ang saya ng lantern parade. last day na yun ng UPIS week. or I mean, last day na siya ng pasok para sa taong 2008. so last day, CONGRATULATIONS pKA. super saya ng feeling. relief. CONGRATS! hahaha. kaya nakakatuwa at bangag kami nila ate geia, singing songs of various cheverness. ang bakla at ang luma, pero ang saya magpaka mukhang lasing kahit hindi. ewan ewan.

at saka, nakasama ko si mara, karina at jerwin noong bago magstart yung parade. ang saya parang reunion ng dating magkakasama. hahahaha. ang tagal ko na silang hindi nakakasama at yehey! weee. kaso muling ibalik raw. hindi ahh. hahaa. nakita ko rin si sir matt. hahaha. naaalala pa niya ang jupiter ahh. tapos maya maya umalis na si mara, si karina na lang kasama ko... at ang saya magparada. "Let's go UP... IS!!!" nyahahahaha >:) kaya ako'y napaos.

at hinintay namin ni karina ang fireworks. so bonding kami. tapos nakita namin si rjoy, bonding kaming tatlo, plus rjoy's brother, aj, na nakakaaliw. bakit ba ang tatalino ng mga bata. anyway, kwentuhan. at nakarinig kami ng sumisigaw ng "marqui nino allan dela pena lopez" (maki, alam mo ba tong kwentong toh?) ayun pala ay mga COCs, syempre. na nasa taas pala namin (hello COCs!)

well masayang makasama, si karina at si rjoy habang hinihintay ang fireworks. at ang fireworks ay napakaganda. I love it. pero may feeling ako na di ganoon kaganda ang lantern parade this year, sayang. Anyway, I really enjoyed the company.. (rjoy, karina, thanks so much.)

.....merry christmas...... :)
.
lovelovelove,
eLise.

Monday, December 15, 2008

kung ganito, paano na?

kung ganito.

Patapos na ang taong 2008, malapit na mag marso. sumagi sa isipan ko ang pamunuan ng kamag-aral sa susunod na taon. akademikong taong 2009-2010, ang huling taon ko sa UPIS. Naku, ang tanda ko na pala. Kabilang na ako sa mga seniors next year. Naku, naku.

Paano kaya ang susunod na pamunuan ng kamag-aral? Naiisip ko lang. Kasi
kung ganito ang pagtrato ng mga tao sa pamunuan ng Kamag-Aral, na parang, "tara, magKA na tayong lahat next year para masaya!". Ay, hindi ako nakakakita ng mabuting initiative, o yung drive, na gusto talagang magsilbi. Parang gusto magKA para sa, walalang. Para "masaya" ang buhay, para masabing "KA ako." Pero ano, ano ba talaga? Hindi ko alam, pero hindi ko lang talaga gustong nakakarinig o nakakatanggap ng mga ganoong komento tungkol sa pagiging KA, na parang biruan lamang. Well,hello. Hindi naman ganoon yun eh. Ang pagiging KA, hindi lang naman taga-announce, taga-ganito ganyan. I mean, it's a lot deeper. It's a lot more.. *insert adjective*...

Ayoko nang sabihin kung anong kailangan sa pagiging KA... Pero eto na lang, matinding kasipagan at pagkakaisa. Drive. Sincerity. Sacrifice.......... a lot more.

Ayokong mag tunog nagmamayabang kaya ayoko na ituloy masyado. Hindi rin ako nang didiscourage noh... Pero basta, a lot more.. a whole lot more..

Kung gusto mo talagang gawin ito para sa school mo, kahit anong mangyari ay gagawin mo ito, at hinding hindi mo ito pagsisisihan. At pag-iisipan mo itong mabuti. Handa ka magsakripisyo. Mayroon kang isang puso ng isang volunteer. Iskolar.

"Kung ganito na lang..., paano na??"

Goodluck na lang sa susunod na taon.:) Pero ayoko pa. Ayoko pang mawala ang mga grade 10 ngayon upang palitan namin. Ayoko pa silang gumraduate. At ayoko pa silang mawala. Kasi pag nawala sila, oras na namin. Tsaka, mamimiss ko din. Haha. Ano, ang labo ko na.


lovelovelove,
eLise.

Sunday, December 14, 2008

mahal kong mga kaibigan.

mga kaibigan. :)

Ngayong pasko, gusto ko lang ipaalam sa inyo na mahal ko kayo, kahit anong mangyari, at namiss ko kayo ng sobra. Kung alam niyo lang.

munting hiling ko lang ay hindi regalong materyal, kundi ang regalo ng pagmamahal. Kaunting pag-unawa lang naman at pagsuporta. Ayun lang. Maraming Salamat.

Peace be with you all.

-Elise. :)


Seryoso ako sa blog kong ito. Sana maappreciate niyo. :p

lovelovelove,
eLise.

Saturday, December 13, 2008

FAST food CHAINS.

yucky FAST food CHAINS.


napaka-CRUEL nila sa mga animals.
at napakadami nilang pakulo para sa kanilang misteryosong pagkain.

wag natin sila tangkilikin.
kumain na lang tayo ng maayos na pagkain.
nandidiri na ako sa kanila.

kakain lang ako pag nandyan na sa harapan ko yung pagkain.
pero yuck, eeeew. kaya pala may mga vegetarians. :|

una, KFC. Kentucky Fried Chicken Cruelty.



listen to this:


what about McDonalds?


lovelovelove,
eLise.

hurt and can't react.

YM conversation. mara and elise. 12-13-08

------------------------

eliserollon2000: alam mo ba kasi.
eliserollon2000: simula pa lang ng upis week eh may nagpasama na ng loob ko talaga.
eliserollon2000: hindi ko pa nakuwento sa inyo to eh.
eliserollon2000: mara?
mcruz_b2010: hnd e
mcruz_b2010: ano ba un?
eliserollon2000: kaya nga, hindi pa nga.
eliserollon2000: pero ikukuwento ko na sa;yo.
eliserollon2000: kasi, nung kick-off.
eliserollon2000: diba field demo, 7:30 ang start dapat nun.
eliserollon2000: tapos pinapapila na yung mga batch.
eliserollon2000: kasi mga 7:25 na ata yun,
eliserollon2000: tapos, wala pa yung batch natin.
eliserollon2000: kaya tinatawagan ko na yung mga JA (please, naubos ang load ko during upis weeek)
eliserollon2000: tapos, tinawagan ko si AJ, Taj, di sinagot.
eliserollon2000: ang natawagan ko, si dayne.
eliserollon2000: tapos ayun. tinanong ko sya kung papunta na. sabi, "oo"
mcruz_b2010: ah alam ko na yan
eliserollon2000: alam mo na?
mcruz_b2010: oo
eliserollon2000: paano mo nalaman?
mcruz_b2010: mabilis kumalat balita e
eliserollon2000: di nga, anong nabalitaan mo?
mcruz_b2010: un nga..ung
mcruz_b2010: wala ka na man daw natulong sa batch natin??
eliserollon2000: saan mo nabalitaan?
mcruz_b2010: edi may nagsabi sakin..
eliserollon2000: sino?
mcruz_b2010: bsta...
mcruz_b2010: ung mga kasama cguro dun sa sunken
mcruz_b2010: kc xmpre balita na un dun sa sunken at that time
eliserollon2000: sino nga nagkwento syo?
eliserollon2000: at ano naman,
eliserollon2000: kamusta naman.
mcruz_b2010: marami e...
eliserollon2000: ewan ko, pero nakakahurt naman yun masyado.
eliserollon2000: oo naman, inaamin ko na hindi ako makapagpractice at di ako makasayaw.
eliserollon2000: pero tintry ko naman gawin ang kaya ko, nagpapaturo nga ako ng sayaw eh.
eliserollon2000: kaso di ko lang talaga kaya makasayaw na. kasi, maraming ginagawa, maraming compe.
eliserollon2000: pero, nakakahurt lang na sabihan ako ng ganun.
eliserollon2000: "kabatch ka pa ba??"
eliserollon2000: I'm trying my best naman. Habang wala pa batch natin, binigay ko na yung CD ng kanta.
mcruz_b2010: bngay mo ung CD ng kanta???
mcruz_b2010: aa..pano ka nagkakopya?
eliserollon2000: oo, dun sa parang operator ng something.
mcruz_b2010: pero ung iniicp ko..
eliserollon2000: ako nag burn ng CD ng kanta, para ibigay sa tagapagpatugtog.
eliserollon2000: ano yung iniisip mo?
mcruz_b2010: pareho naman kayong k.a. ni jona pero hnd naman ginaganun(sa pagkakaalam ko) c jona..
eliserollon2000: kaya nga..
mcruz_b2010: baka may something kc
eliserollon2000: nagpractice din naman ako kahit papaano..
mcruz_b2010: kaya ganun
eliserollon2000: alam kong mas nakakapunta si jona, kasi nga ako, may mga compe ako.
mcruz_b2010: un nga e..
mcruz_b2010: binusy mo sarili mo..kaya nagkagulo gulo na..
eliserollon2000: alam naman ni AJ yun eh, alam ko naiintindihan nya ako.
mcruz_b2010: pero hnd LAGI.
eliserollon2000: ewan ko. siguro.
eliserollon2000: hindi ko alam.
eliserollon2000: I admit na wala ako dun. I admit. Oo. Tanggap ko. Nadedeppress nga ako bago mag powerdance e.
mcruz_b2010: yan pinili mo e..
mcruz_b2010: kelangan mong tanggpin ung mga kapalit nun..
eliserollon2000: Pinili kong mag-KA. pinili kong sumali sa compe.
eliserollon2000: Masaya ako na makipag kompetisyon. Masaya ako na makatulong sa UPIS.
eliserollon2000: pero, kapalit ba talaga nun ay sabihan ako ng ganun?
mcruz_b2010: hnd mo rin cla masisisi e..
mcruz_b2010: sa tingn mo ba..maeexplain mo un sa lahat ng kabatch natin..
mcruz_b2010: sa tingn mo ba maiintndhan ka ng lahat?
mcruz_b2010: wla tayong magagawa dyan kung ganun ung naging epekto sa knila e
eliserollon2000: hindi, alam kong hindi.
mcruz_b2010: o sa amin..
mcruz_b2010: isama mo na kami..
mcruz_b2010: un pla e..
mcruz_b2010: alam kong mali ung ginawa nila..
mcruz_b2010: pero ganun ung epekto sa knila..
mcruz_b2010: hnd naman cguro lahat..
mcruz_b2010: galit e..
mcruz_b2010: may mga nakakaintindi pa rin cguro
eliserollon2000: galit ang batch natin sa akin, ganun?
mcruz_b2010: oo parang ganun na nga
mcruz_b2010: hnd pa ba halata?
eliserollon2000: hindi ko na alam ang gagawin ko.
mcruz_b2010: hmmm...
mcruz_b2010: try mong mag-isp..
mcruz_b2010: try mo humingi ng advice kung kani kanino..
eliserollon2000: ..

---
Let the conversation speak for itself. Naiiyak na ako para mag explain pa.


lovelovelove,
eLise.

it started and it ended.

It started and it ended. bago ang drama. ikukwento ko muna ang UPIS Week.

DAY 1.
kick-off, field demo.
my day started with something bad. pero masaya ang kick-off. magaling ang owten. congratulations..... mamaya, mamaya...
variety show.
haha. ewan. ang baliw ko maghost.
pero ang saya. haha.
ang awkward ng feeling ko.

DAY2.
intrams.
well done YLOs. :)
nasa KA central booth lang ako.
kasi hindi ako pinapaglaro ng intrams, KA daw kasi ako.
pero hindi naman. ewan ko.
kaya pinaglaruan ako ni jero, maki, maykol, at ate gaba.
sige, di naman ako acrobat.
bands night,
masaya, sandwich.
congrats UVshake.
hehe.

DAY 3..
intrams pa din.
well done YLOs.. pa rin.
ACLE pala sa umaga.
haha. volunteerism.
ano ba yan.
anime101. second acle.
ewan.

DAY4.
badtrip ang pastores.
okay naging conductor ako.
at napapangitan ako.
haha. ang gold siguro okay naman sila noh?
i mean, ok naman sila sa akin.

yung iba kaya?

it started. the week did. and it ended.
there were good memories, and bad ones.

this week, is one of the most memorable weeks of my life.

--
i can't seem to finish the paragraph...


lovelovelove,
eLise.

Monday, December 8, 2008

the day before it starts.

Ang araw na ito ay ang araw bago mag-UmPISa na ang UPIS Week! Ang araw na ito, ay napaka-haggard. Sa araw na ito namin na realize na hindi na kayang sumayaw... ang dami pang preparations eh.

Una, noong sunday night ay nag-overnight si jona rito, at bestfriends na yata sila ng notebook ko. Hehehe. Pero bago yun, twilight, which disappointed me. Kasi just for the sake na masabi yung lines, tapos ang labo, nakukulangan ako, kahit sabihing gwapo si Edward Cullen. Fine, anyway, moving on...

That "night", 2am kami natulog ni Jona, inayos ang design, ang banners, everything, ang dami nga eh. Hehehe. Tapos kinabukasan diretso sa school. :)

So pagdating doon, eto na, aayusin na namin. Sige, gawa gawa gawa. MC speech. Variety SHOW, FD, please... Design design, kabit kabit. Gawa gawa. Punta dito punta doon. Nakakagutom.

Kaya kumain kami ni maki at anjo sa caruna. Di ko kayang magutom. May nafefeel ako nung tanghaling yun. Nafefeel din kaya nila yung napapansin ko. Hmmm. "Tahimik ang mga taong gutom"

Pagbalik, sige gawa. Type. At gupit. Banderitas. Makina ako! makina ng banderitas. At sumama na rin ang mga COCs upang sila'y maging "makina" na rin ng banderitas. Hahaha. Adik talaga mga COCs, noh? :p Pero salamat ng marami. Nahirapan ata ako maglagay ng banderitas. Heights. Maliit kasi ako. Haha. Ano.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magkakaroon ng problema o something bukas. Pano yung tickets, paano yung estudyante, paano sila hindi lalabas? Marami kayang darating? Hindi kaya uulan? SANA WAG LORD.... Enjoy kaya bukas? Baka naman maging sabog ako. Pano yung paghohost? Ay shocks, ako pala forever sa Lupang Hinirang.

Yung itsura ng UPIS, ang dull ba? Ang lungkot kaya? Masaya kaya? Ano kayang mangyayari?? Kinakabahan ako. At yung INTRAMS, kamusta naman ang SC dun? Sana maayos kasi 2 days rin yun.

Pero alam kong kaya natin to, pKA. Isang buong week.

May free time kaya ako?? (ahay, asa.) :p

GOODLUCK. GALINGAN. :p

lovelovelove,
eLise.

Saturday, December 6, 2008

frustrated third placer...

Eureka! We are frustrated third placers. What a frustration. :/

Ewan ko na nga ba pero sobrang nakakafrustrate yung Eureka kanina! Third placer kami by ONE point, 9 points kasi yung 2nd place, tapos tie. So wala nang third place. Ewan ko.

Una, baka tinatanong niyo kung saan kami third. Kasi may "Eureka! The Xavier Challenge" sa Xavier, kanina. Isang parang amazing race na parang quiz bee. Paunahan makasagot sa bawat station. Pero sa una, elimination rounds.

Inaamin ko na namatay na naman ako sa elimination rounds. Mahirap. Ayon nga, "walang test na madali". Relative. Okay so ayun. Nagtataka ako't nakapasa pa kami. Sadyang magaling lang talaga ang UPIS at ang tshirt ko. :] Hehe.

Yung final round, ay parang fieldtrip sa Eureka. Well. Maraming stations. Anyway paulit ulit ng rooms. Pero stations stations. Parang MathSciAka. At nakakamatay yung mga ibang tanong. Tulad ng resistors (na hinula-hula-hoo ko na lang), calories (di ko pa yata alam yun), etcetera. Tapos nakatsamba ako sa pagcompute ng isang boiling point. WOOH. Di ko alam kung saan ko nakuha yung 0.62977... at dinagdagan ng 100. Go ADRENALINE RUSH.. :] At yung naka-3 points kami. Anyway, anyhow... The FINAL (last) STATION... Sobrang nakakainis kasi yung instructions. ANG LABO. Sabi yung ruler ay pang measure raw, e pwede pala, late kami nsabihan. Wala naman sinabing bawal ipitin, tapos. EWAN MALABO SILA. GRR. Kung maayos lang sila e di naging 2ND place pa kami! NAKO.

Anyway, okay na lang yun para sa akin. At least pantay kaming 8 points. Kasi kung di nasagot nila rjoy yung last station e di 8 kami, 5 sila. Madaya naman yun. At may magyayabang lalo. Ang yabang ata ng kateam ko e. Sorry naman. Kasalanan niya. Joseph, di ikaw ah. Haha! xD

Pero sayang na di kami nakaabot sa top 3 schools. (1st at 2nd place kasi.) Kasalanan yun ng Xavier. bitter ako. oo na. Pero may natalo kaming Pisay. Akalain niyo yun.

Masaya naman, kasi gumagana ang Adrenaline rush ko, at may kwenta ang hyperactivity ko. Sobrang galing ko magtaas ng kamay. (Magtaas lang ng kamay, yun lang.. at manghula, slight. hehe). At in fairness, as a team, nagkakasundo na kaming tatlo, kahit nakakahiya akong kateam sa sobrang hyper ko. Pasensya. At kahit nawawala tayo sa Ortigas kanina, masaya. Haha. Sana sa Greenhills tayo napadpad. :p

UPIS, kahit pangatlo lang tayo dito, magaling pa rin! Nakatsamba lang sila! HAHAHA.

Humahangin sa labas. Ang lamig. Hehe.

lovelovelove,
eLise.

Wednesday, December 3, 2008

wondering.

nagwowonder ako. ano ba ang ibig sabihin ng "ka-issue-issue"?
at bakit may mga bagay na "ka-issue-issue"?
kahit hindi naman, sa tingin ko.

at bakit may mga taong nagtatanong na lang bigla ng kung ano ano.
at bakit may mga taong nagrereact na lang ng kung ano ano.
at bakit may mga taong kung ano ano ang nalalaman.
at bakit. bakit.

uyy, issue.:)

haha. natutuwa ako at may mga taong nakakapag-open up na. *kung nababasa mo man ito, good for you.* Kasi ako, gumagaan ang pakiramdam ko na nakakapag-open up ako. :]

ano ba yan. ang dami ko pang gagawin dapat. pero anong ginagawa ko ngayon.
sana kasi wag na ako paghintayin ng mga tao bago ako makagawa... :)


lovelovelove,
eLise.

one week.

December 1, 2008.

Ann Elizabeth Palenzuela Rollon

Student/KA Officer/Competitioner/Peer Facilitator/Club Member/Homeroom Member/Daughter/Big Sister

E-L-I-S-E Rollon. :D

Today. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hayy. One week na lang. Oo, ONE WEEK NA LANG. :)... UMPISA NA!

Excited ba ako? Oo, pero parang... OMG.. I wonder, naramdaman rin kaya to nila pat last year. Ano kaya ang feeling nila. Kasi ako nararamdaman ko yung excitement, kaba at pressure.

Bakit?

Itong week na ito.

Priorities.

1) UPIS WEEK
2) Acads
3) Competition
4) Pastores
5) Powerdance

lovelovelove,
eLise.