Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Monday, November 24, 2008

Caduceus Cup: aim for gold.

CONGRATULATIONS UPIS! :)

una sa lahat, congratulations sa teams ng UPIS. :)


UPIS team 3 - rjoy magno, anjo santiago... (&&marion coronel)... at UPIS team 4 - joseph tamayo, domeng bautista, elise rollon.

WOOOH. Congratulations sa UPIS dahil hinakot namin ang 1st at 2nd place sa Caduceus Cup noong November 24, 2008 (kanina lang! woohoo).... Ang coverage ng Cup ay biology. chem, physics, math, social sciences... Pero panalo! Congratulations! Congratulations!!

Kahit na *no comment* na lang tayo sa MATHira MATHibay... At.. *bitter* sa PSO eliminations... At *sayang na sayang* sa MathSciAka (mousecar, race)... Aba! Mabuti na lang at nakabawi tayo dito sa Caduceus Cup! Partida, wala *raw* review.

Actually, first interschool quiz bee competition ko ata ito.. Kasi dun sa iba, alternate lang naman ako o observer.. Hehe. Ayun. Nakakatuwa naman at nakapasok kami sa eliminations at nanalo pa... Hehehe. Astig. This is one of the best days of my life. (: Kasi, ganito yung kwento ko... Akala ko talaga, alternate lang kami ni marion, at "walalang" kami, manonood na naman, papalit if ever may hindi makaattend. Nalaman ko nung gabi before na magtetest rin pala ako. Kaya, sinubukan... sinubukan ko lang magreview at magbasa basa... kaya natulog ako ng 1 am. Ayun..

Tapos, nahirapan ako sa written exam. Madali lang manghula (JOKE!), seryoso, ang hirap ng bio. At, wala akong alam pa sa TRIGO! May tanong ba naman: Evaluate... 1/2sec2..sin/cos+1 ...something. Di ko alam! Hahaha! Tapos social sciences: economics (?!?!), syempre wala akong alam dun. Tapos nahihilo pa ako, sobrang umiikot yung mundo ko sa pagkahilo. Di ko na alam kung anong gagawin nun eh. Pasalamat na lang ako kay Joseph at Domeng. 71-66-59 scores namin. Pasok pa rin. Buti na lang. Nakakainis kasi may nagsabing "hihilain ko lang pababa ang scores nila", wooh. bitter, pero okay lang naman na after... Akala ko, di ako kasama sa quizbee, kasi nga akala ko alternate ako eh. Kaya ayun... Pero, kasama pala ako, kasi tatlo pala talaga. Ayun, edi laban, go! Ang daming biglang naiisip nung dalawa. Pero, may kuwenta naman ako sa grupo, in fairness. So, maayos na.. Nung Easy round, 20 pts kami, 3 schools - 22 pts. Next: Average: 55 pts. others: 52 pts. Difficult Round.......... tentenenen!!!!! XD

85 points! (ata) HAHA! so, na heart attack na kami! XDXD

At naglaban ang tatlong schools para sa 2nd at 3rd place. 2nd ang UPIS team 3! NICE ONE GUYS! :D Andun rin ang highest scorer: Rjoy magno! Hahaha. (teka, balita ko may cash prize ka dapat..? pero, joke lang.) :p

At kinuha na ang trophy! WOOH! Ang sarap ng feeling. Hahaha. "baka magasgas, baka mabasa, baka mapawisan, baka mahulog, baka mahagip,...ingatan!" hahaha. Ganyan ang mga linya namin sa trophy. Bangag kami hanggang UPIS, di maabsorb. Haha. Proud na proud sa mga Gold and Silver Medals namin. :)

Ay naku marion, sana lang nandoon ka. Kung di ka lang nagkasakit. :(

Special thanks to: Conjugation (tama ba spelling?), Eratosthenes... et cetera.

Syempre, proud na proud ako/kami diba? Kakaiba talaga kasi ang feeling. Super saya.


lovelovelove,
eLise.

Tuesday, November 18, 2008

to my dear batchmates.


"ipagpapalit nila ang edukasyon ng mga matatalinong nilalang para sa transportasyon ng mga lakwatserang dumaraan sa katipunan."

-- iyan ang linya ko kanina ukol sa road widening na nagaganap o magaganap na sisira sa buhay ng ating mga estudyante sa UPIS.

this post is dedicated to my dear batchmates, especially JA:

Wala ako sa nangyaring meeting kanina, ngunit nabalitaan ko at medyo may kaunting alam nga ako sa mga nangyayaring "choreographer issue" na iyan. Siguro alam niyo naman na kung anong nangyari sa meeting kaya nais ko na lang sabihin kung ano ang reaksyon ko at masasabi ko sa inyo at sa ating mga ka-batch.

Unang una sa lahat, sana walang hard feelings tayo sa kung kanino man. Sana ay "at peace" tayo sa isa't isa. KA-YLO. YLO-YLO. Tayo tayo rin ang magkakasama sa eskwelahang ito ehh..

Ineexpect ko rin naman na magkakaroon ng hard feelings ang JA kahit papano dahil sa aking mga paghihinuha. Hindi ko naman sinasabing wala kayong karapatang magkaroon ng hard feelings. Pero, ang gusto ko lang sanang sabihin ay, wag sanang magkaroon ng away na magtatagal, at magkikimkim ng galit.. o kung ano man.

Kung ano man ang meeting kanina, para sa mga nakakaalam, ay para magkaayos ang lahat at hindi para tayong lahat ay magkagulo-gulo at lalong mag away-away.
Lahat naman siguro ng sides ay na-unfair-an. Nung una, silang tatlo, dahil mukhang "madaya" ang batch natin, ngayon, tayo ang na-unfair-an dahil "nacorner" tayo.. Pero, ang meeting naman na yun ay para ma-settle ang mga bagay bagay.Kaya sana, pagkatapos niyong magreact ay maayos na ang lahat.

Sang-ayon rin naman ako sa desisyon ni AJ, dahil ang desisyon niya naman ay para magkaayos ang lahat at para walang magalit. Sang ayon naman ako roon. At alam ko rin ang takot niya na mas lalong walang pupunta sa ating mga batch practice at sa pagkontrol ng feelings ng mga batchmates natin. Ramdam naman natin na magkakaroon talaga ng violent reactions kung ang balitang ito man ay lumabas..

Ngunit, para mas madaling ma-kontrol ang feelings ng mga batchmates natin, siguro ay dapat ay magsimula sa mga leaders na atin. Sa inyong mga JA, kaya nga ang blog kong ito ay dedicated para sa inyo. Alam ko na may violent reactions rin kayo. Kung ano man iyon, ay ilabas niyo na.. Pero sa tingin ko, ay mas advisable na huwag niyong ilabas bilang "galit", sa harap ng ating mga ka-batch. Dahil kung ito ang ipapakita niyo sa kanila, mas lalong magkakaroon ng "violent reactions" at mas mahihirapan na pasunurin sila.

Sa kabila ng lahat, nagtitiwala naman ako na kahit walang "competition" ay "lalaban" pa rin ang batch natin. Ang competition ay motivation lamang. Ngunit, batch pride naman ang usapan rito eh. Hindi sa kung sinong matatalo o mananalo, pero ipapakita natin ang best natin, para sa batch natin.

Ang field demo naman ay hindi talagang ginawa para sa "kompetisyon" laban sa ibang batches, ang kalaban lang naman natin talaga ay ang ating mga sarili. Patunayan natin, sa mga manonood, at sa ating mga sarili, na kaya natin. Alam kong kaya natin to.

-------

Hay batchmates. Sorry nga pala kung di ako nakakaattend ng practice. Sobrang puno kasi ang lahat ng weekends ko.. 22, 24, 29-30, 6,... Pero promise, ako hahawak ng batch banner natin pag di ako makasayaw. Pero gusto ko rin talaga sumayaw ehh. Hahaha. :p

lovelots.
Elise Rollon,
9-Gold, batch 2010
Auditor, KA 08-09.
09272949449. :)


lovelovelove,
eLise.

Sunday, November 16, 2008

a "little bit" of drama.

tell me, what's with the drama? No, I think you can't tell me what's with MY drama. Because, it's me that's into drama now. Not with television, books, anime, WHATEVER. I'm speaking about reality here. :/

Honestly, I don't want my blog to look like something dramatic ever. Or something religious. Or something "yucky" for my "optimistic facade" or "happy facade". What I mean in "facade" is the smile that fakes, or the smile to hide everything. Honestly I would like my blog to look like something really happy, no problems, no sad stories, everything in it happy and crazy. whatever. The main purpose of a blog is to set all your feelings free...

Nobody can deny that in every home there is a problem, it may be small, it may be big. And nobody can deny that he/she has no problem/s. I've denied that a long time ago, it's just because we want to hide all our sad little stories. We want a happy life. But if we deny our feelings every time, we may end up in a mental hospital later on.

I don't know how to start this little story, but I am really frustrated. I just don't know what to do. I'll explain myself in a sample question. And in second-person.

What would you do if someone came to you and ranted? But, you don't know any solution to an ever frustrating 5-year problem? What would you say, when you have your own emotions affecting your mind? It's like, someone, having something deeper than a teenage-love problem, talking to you, and you have no solution, no idea how to react, but you understand her. You understand her. You want to give advices, but you don't even know if it's correct, or feasible. Would you advice them to "break-up", or "don't care", when that girl is suffering for more than 5 years, in front of you, and you see it in your own eyes? What would you say, when you, yourself, have no solution, and the future lies in your opinions, and in your actions??

What would you do if she's crying terribly in your arms?
What would you do if that girl wanted to quit her own life? If ever she'll do that, I would never forgive myself, and I would never live peacefully ever again. Yet, all I can do is say that I am here for her, to stand by her, even if everything goes wrong...

Then the boy, who hurt her, goes away. Even if you deny it, you loved that man. For no one can deny that you love that man, even just little... Even if you're angry with what's that man doing, you still love him. Even if you want to "not care" or "stop loving him", what can you do? Even if that man seems to only love himself, even if you're life's going insane because of him, even if he seems to have no heart, even if he's ever annoying.... You loved
him even just for a little...

But you loved that girl, you want to stop the girl's suffering... It seems that the only solution is for that man to go away and away... But somehow, it doesn't seem right. Ugh. What is right and what is wrong??

I don't know the answers to my question. I am ever frustrated with what's happening. It is so stressful. Pardon me, but any other sources of my stress seems to be incomparable with this stress I am talking about.

Sorry for being so dramatic, but I really don't want to end in a mental hospital. And I want to be clear, that I am not in any teenage-love...

Now I know that it's really better to have someone to talk to. To say all the things and rant and cry and everything. It is really better to have someone than to bear them all yourself, or else, you'll end up somewhere..

Now I know that we must trust in God, or someone that we can have faith in. Or else we may not bear everything... I am not speaking of having a religion, like going to church, or praying the rosary.. It is just having someone to have faith in, whatever your God is. You see, you won't lose anything if you believe in someone and have faith in someone. God is created by our minds, anyway..

Pardon me again. If you think this post is really stupid, Just tell me.


lovelovelove,
eLise.

Saturday, November 8, 2008

a dancer's revolution.

today is November 8, 2008. It is a very tiring day. Nakakapagod.

Ang hirap baybayin ng katipunan avenue ng 2 hours, habang kayo'y labas pasok sa init at lamig ng mga tindahan, o stores doon. Hahahaha. Napagod kami. Naramdaman lang ang pagod pagdating sa school. Practice kasi yan para sa fun run eh. Wahaha. Joke. Ayun, di na kami makalakad..

Pagkatapos ay nagpuntang trinoma. Nakasama ko nanaman ang bangag na kasama ko. Hay ang bangag mo talaga. :)) Hahaha. Pauwi na kasi yung bangag at pareho kami ng direksyong patutunguhan. Hahaha. So, nagpuntang trinoma. Ayon. Haha. Kumaing halohalo. Yeah. Yun lunch ko. At malupit. nag timezone ako. Pero si bangag, umuwi na.

TIMEZONE! Hahaha. Ang sarap SUMAYAW. Adik ako sumayaw diba? Sabi nga nila jona at ysay, ang adik ko raw eh. Ang saya saya pag mabilis. Nakakahyper. Hehehe. Sobra. Nakakapawis. "Ang hot 'noh?" Pero, di naman ako yung pang HARD, pang EASY lang. Hehe. Mga 190 BPM, ganun. hehehe. XD weeeeeeee. Dance Revo at yung sa kamay. Grabe, pag sumayaw, bigay todo. Sino yun?! Ang weird noh. Akala nyo siguro ang "walalang" sumayaw nung isang tao rito, pero actually, natutuwa siyang sumayaw, bigay todo. Waha. To the beat pare. Hehehe. Kaso, nahihiya siya sa mga magulang niya na makita siyang sumayaw. Inaasar kasi sya. Haha. P.S. Yung "siya" ay walang iba kundi....ako. :D

Next. ARTWORK. Na-inspire ako sa ARTWORKs na yan. Grabe. Ang cute ng mga design. Gustong gusto ko nang gumawa ng sarili kong tshirts na ipamimigay ko sa Christmas. Yeah. Meron kayo nun?? Hahahah! :D Promise. Nagdedesign na ako kanina...

Akala ko, mapapagalitan ako, kasi na late na ko e.. 5 pm na ako dumating sa bahay. Hehe. Buti na lang. YEHEY. :D



lovelovelove,
eLise.

Friday, November 7, 2008

a knock on wood.

Knock on wood. Kasi, bangag ako ngayong araw. AHAY naku.

Una. Kasi si Rjoy. Kulit ng mga tinext at tinext ko sa kanya kagabi nung half asleep ako. Ano ba yun. Nilalaglag ko ata sarili ko. Ang tindi grabe. Ayon. Stop. Di ko na ikkwento. :)

Iniisip ko kung sino pang kasama sa Xavier Challenge. Oh well. Naku naman kasi. Sabi ni rjoy sila daw magkakasama. Ano ba yun?? Ayoko na.. :(( Hindi pwede yun.. Nakuuu.

Laglagan sa science dept. Ahay. Sorry sorry sa nalaglag. Sa muntik nang malaglag. Buti na lang tumatalikod na ako, ay joke lang, kung sino man yun.. Hehehehe. XDXD

May nailigtas akong buhay ngayon! May muntik nang masagasaan at hinila ko sya. Kasi ganito, tumatawid kami. May mga motor. Muntik nang matamaan, nakaiwas. Tapos may nag-asaran sa gitna ng daan "ahaha! di marunong tumawid..." someone, tapos di napansin na muntik nang masagasaan yung isa. May TRUCK kaya! Ay garabe. Buti na lang talaga.

Ayun nakita ni Katrixa ang kabangagan ko. DI ako naniniwalang ngayon lang nya nakita yun. Mukha raw akong seryoso?? Goodluck naman noh.

At ang lahat ng dahilan ng pagka-bangag ko ay si/sina:
Rjoy, Maam Reg.........ETC. ELISE! at, yung kahoy. natamaan ako ng kahoy. Actually nauntog ako.. Hindi, tinamaan niya ako. TSK.


lovelovelove,
eLise.

Tuesday, November 4, 2008

sing out loud.

"Unti-unting mararating, kalangitan at bituin... Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning, hawak ngayo'y tibay ng damdamin... Bukas kaya sa aking
paggising, kapiling ko'y pangarap na bituin..."

Ngayon ay Nobyembre 4, 2008. Ngayon ay araw ng enrollment. Wooh. At ibig sabihin, ang lapit na ng pasukan. yuck! :p Yuck diba? Anyway, nakakainis yung bago ako pumunta sa school. Kasi hinihintay ko ang parents ko at super stressful maghintay sa kanila. Kasi naman ehh. Ang tagal nila. Ang bagal kaya kumilos. Kaya ayun. Feeling ko malalate na ako sa meeting.

Enrollment. KA meeting. Updates. Budget. Chepar. Na-realize namin na mga 30 days, o less than 30 days na lang before UPIS week. At napakarami pang gagawin. Ayun. Meeting kung meeting. Pero lumulutang na kami. Kaya. Poof.

Storytelling seminar. Di ko inexpect na interesting at masaya ang storytelling seminar na to. Akala ko... "blahblahblah, pambata yan. chepar. corny.", pero, hindi pala. Nag enjoy kami sa mga transformers na teachers ng K-2. At kami rin ay nagkaroon ng chance na magstorytell. Cool.

"slept with it." eherm. highschool talaga o. loko.

Eto na. Tambay sa bahay.. nila maki. First time ko pumunta doon sa kanila. At, masaya pala doon. Kasi may karaoke. At kumanta ako. Haha. Lakas ng tama ko. Sa pagkanta. Nakakatuwa kasi talagang kumanta. So, hindi naman halatang naaliw akong kumanta at mahilig akong kumanta at bumibirit ako kung biritan? Nyahaha. Jukebox ako eh. Hahaha. May tambayan something pa sa bahay nila na mukhang karaoke place talaga siya. Something. Ang saya. Gusto ko pang kumanta.

---------------------------------------
"I do, cherish you, to the depths of my soul, it's beyond my control, I've waited so long, to say this to you... If you're asking do I love you this much, Baby I do."

"Akala ko ikaw ay akin....sinta."

"unti unting mararating kalangitan at bitwin.. unti unting kinabukasan ko'y magniningning, hawak ngayo'y tibay ng damdamin... bukas na lang sa king paggising, kapiling ko'y pangarap na bitwin..."

"Heto ako, basang basa sa ulaan... walang masisilungan, walang malalapitan..."

"I miss you like crazy..."

"Kung ako na lang sana ang iyong minahal..."

---------------------------------------

Yuck, ang emo ba ng songs? Haha. HINDI ah. Yan ang katuwaan songs. Anyway, Ate jandol, Ate xtin, makmak, anjoe, natutuwa ako at nahila niyo ako. Nakakaaliw kumanta talaga. At nakakaaliw kayo. Salamat. Magandang gabi. :p


love
lovelove,
eLise.

Monday, November 3, 2008

starting now.

NEW blog LAYOUT.
hehehe. nakakaaliw.
nahihilo ako at natutuwa sa mga codes.
ang haba haba talaga ng mga codes.
Hehehe.

Lahat ng nakalagay rito except yung blog ay naka-codes.
Nako. Dapat matuto na akong mag programming at mag codes ng mag codes.

Nakalimutan ko tuloy tapusin si Breaking Dawn. Kaunti na lang eh.
NAKUUUUU.

May ipprint pa pala ako.
NYEK.

Enrollment na bukas.
So much for the "sembreak".
AS IF naman. Lagi lang ako nasa school.

Parang walang nangyari. Hahaha.
Wala akong namimiss. Haha. Sa sobrang bilis, wala akong namimiss.

Except na lang kung may makamiss man sa akin. Sige miss na rin kita kung miss mo ako. YUCK. Ang feeling ko.

KAlokohan lang. KALOKOHAN.
Ay may namimiss pala ako. RJOOOY. :))
at KARINA, my love. :x
:)


lovelovelove,
eLise.