Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Sunday, September 20, 2009

it's you again.

ikaw ulit? ikaw nanaman? bakit ikaw nanaman??

yeah right. okay so 'malanding post' itong binabasa mo ngayon. kung ayaw mo ng kalandian sa buhay, shooo. dun ka sa kabilang post. o iclose mo na tong window. haha. joke lang, hindi naman ako malandi. amp, nahawa ako sa expression ni pachuchay (patchi) ng malandi. hahaha.

bakit kaya ganun, hindi naman ako kinikilig. hindi naman... pero may tanong ako...

bakit nung natutulog ako parang ayoko nang magising, nung magising ako hindi na ako makatulog?

anong kahibangan ang nangyayari??

Hindi ko gustong magsulat ng mahabang post... pero ito, may tanong ako na minsan tinatanong ko kay apol o kay mia... "bakit may gwapo nanaman?" yung tipong... hindi na siya gwapo dati, nung nakita mo ngayon, guwapo na ulit siya.

anyway, nakita ko yung new friend kong may itsura kahapon sa MoA. haha. at nagdaldalan kami as usual pero wala kaming picture. haggard daw siya. =))

si allan hindi ko na masyadong nakakasama o nakakausap. kamusta na kaya siya, hindi naman kasi niya ako tinetext. kung nagtetext lang sana sya, edi nag-unli ako. ERRRRR.

si nathan birthday ngayon. HAPPY BIRTHDAY NATHAN. Wala manlang siyang pakain. O baka dahil wala naman ako sa bahay. Dati yata pag may nagbibirthday sa hardin nagpaparty pa. Awwww. At naalala ko si Pau, Meg, Diego, Ate Yumi, Joey, aaaaaaaa. Okay namimiss ko na silang lahat bigla.

ayoko na nitong post na to. may namimiss akong maraming bagay.

btw, ang panget ng revival ni KC sa wag na wag mong sasabihin. nakakairita. tapos naalala ko memorable pala yung song sa akin kasi yung kaibigan ko dati... tinanong ako kung ano yung favorite song ko. eh ang sabi ko noon... "wag na wag mong sasabihin" ni kitchie nadal... tapos ang ginawa naman niya... inaral niya yung kanta tas tinugtog niya. tas wala lang. hindi ko na nakikita yung tao ngayon.

ARAY NAPAKWENTO SA BLOG.

itigil ang kahibangan.
-stop-
:)



lovelovelove,
eLise.

Wednesday, September 16, 2009

Ye-hey?

Nagbblog ako ngayon dahil ako ay nagdiriwang. Nagdiriwang ako at sa wakas natapos ko na rin ang ilang gabing paghihintay at pag-eedit para sa walang katapusang script ng FD. At mabuti naman sa ngayong araw na ito, kahit papaano ay nagkaroon ng katapusan. Pano nagkaroon ng katapusan? Ewan ko. Inedit ko nanaman. Nakuha ko na rin sa wakas ang unedited, oha, unedited script, yung first part na uber kulang. At namroblema nga ako ukol dun. Pero, ayos lang. Hindi naman ako nagagalit. Ginawa ko lang, ginawa at ginawa hanggang sa matapos ang lahat.

Ang ipinagtataka ko, elise, bakit ang haba ng pasensya mo? Bakit? Ha, bakit? Hindi ka naman ganyan diba, diba dapat hinarap mo agad yung tao at sabihing... HOY ANO BA NAIINIS NA AKO. Pero, bakit natiis mo yan, elise? Bakit? Anyway tapos na rin naman ang paggawa ko sa *bagay na yun* pero... bakit ko nga ba natiis, hindi ko alam. Baka dahil pare-pareho lang naman kaming namamatay dito at ayokong mamressure ng ibang tao. Pero ang akin lang, gusto kong malaman ang *tunay* na nangyayari. Yun lang. At, sa tingin ko, puro kasinungalingan ang kwentong narinig ko.... Pero hindi ko na inisip yun. Hindi pa rin ako nagalit.

In fairness, ewan ko kung para sa iba, toxic din ang FD kanina, pero super TOXIC siya para sakin. Hindi ko alam. Baka dahil ang gulo ng paligid, dahil iba iba ang mundo ng mga tao, auditions, committees, and stuff... Lahat ng tao may kung ano anong ginagawa at pinag-uusapan, na siguro may kinalaman naman sa FD. At kasabay sa ongoing auditions, maraming nagtatanong ng mga bagay na hindi ko naman masagot dahil sabog na ang utak ko. At ayun. Siguro dahil nahati ang utak ko at na-totorn ako sa kanina. At sa, hindi ko alam. Well, draining talaga kainna. Nakakapagod. Ayun. Mabuti na lamang, umunlad at umusad ang FD dahil siguro... ngayon lang ulit kami nakapag FD after several weeks dahil sa mga walang'yang suspension or whatevers. Sa wakas umasenso. Ang tanong: Kaya ba namin magpresent one month from now? Ohmygaaaaawd.

And anyway, kailangan kong mag-intro bukas about kay Nathaniel Cruz. Nga pala, Sci Soc thing pala bukas. Shete naman o. Anong gagawin ko ukol dun? Umaygad. Okay lang yan. Impromptu speech na lang, bukas ko pproblemahin.

Meron kasi ata akong uri ng pag-iisip na gusto ko isa isang problema muna. Hindi ko pinroproblema ang isang bagay hanggat sa di ko matapos problemahin yung isa. Kaya siguro matapos akong mabunutan ng isang tinik... yung isang tinik naman yung bubunutin ko.

Anong tinik ba yun? Hindi ko alam. Tinik ng isda? Haha! Anyway, sa tingin ko mga science cheverloos kasi yun. Kasi balita ko, MathSciAka sa isang araw.... tapos wala pang kasali sa MathSciAka. Umaygad. Balita ko, kailangan gumawa ng stuff para doon ah. Sa totoo lang, kami ni Marion, gusto mag-revenge. Haha. Si Felix at Pat kasi, may ACET. So wala atang ibang pwede, kung sakaling kami ulit yun... Hindi nanaman ako makakapagCAT. SHETE NAMAN O. Pero hindi ko iniisip na kami yun.

Wait lang, balik sa topic. Ano yung topic ng blog kong to? Sige nga hulaan mo. Hahaha! Ano, yung tinik. Ahaaa. Alam ko na, kasi kasi kasi... sa 26 kasi yung finals ng PSO sa MoA at nakaka-kaba yata kasi onting review pa lang kami. Hindi kami nagkakasabay ng tatlo, Mik marion ako. Kami ni Mik palagi. Haha. Kaaliw, kasabay ko na siya ng madalas. Awwww. Namiss ko siya, in fairness. Susubukan ko na lang talaga gawin ang aking makakaya. At namimiss ko na ang pag-uwi ng 7/8 pm mula sa UPIS!! At wala pa kaming grade 9 na kasama. OMJ! Walang ka-bonding na new friends. Kamiss ata si anjo, rjoy. ETC. haha. syempre dalawa lang sa previous PSO team yung namiss ko. at si maki, dahil kasama rin siya sa pag-uwi ng gabi. :p

By the way, grabe, grabe yung mga pag-uwi o these past few days. After ng amphitryon, mga 9:45 ata... Wala ng ikot jeep. So, naglakad kami ni nathan mula palma hanggang bahay, mga 10:00 pm na kami nakauwi. Oha! Tapang, pare! Tapos nung isang araw naman.... like, kahapon kasi yun. Nanood akong UP Symphonic Band sa College of Music, tas natapos ng mga 8:30 PM. Sabi ng nanay ko, umuwi na ko. Edi umuwi ako mag-isa. Ayun. Haha. Mag-isa ako sa ikot jeep. Bwahahaha. Grabe pare, ginagabi na ako ngayon. ODK, sana di mabasa ng magulang ko to.

Teka,ano na bang sinasabi ko? Hindi ko na alam ah. Pakwento na lang nung kinwento ko ah? Medyo sabog kasi utak ko ngayon. Kasi alam mo ba? Alam mo ba? Alam mo ba nga? Alam mo ba ngaaaaaa? Haha. Uminom kasi ako ng kape na may tsokolate o tsokolate na may kape. Ayun. EPEKTO. Gudlak, diba pare.

Ay, pare. Nagmumura na ako ngayon. Sabi ko kay Gon nung isang araw...
e: "Gago, Gon ang astig."
Gon: o_O "Hindi ka naman nagmumura dati ah."
e:"Ay shet oo nga noh... HAHAHAHAHAHA"

Tapos di matigilang tawa! Woooohoooooooooo!

OKAY BANGAG NA KO. STOP IT. STOP IT. STOP. IT.
stop right now, thank you very much.
:)



lovelovelove,
eLise.

Monday, September 7, 2009

decode mo, libre kita. :)

Makapag-decode nito, ililibre ko. Ilagay niyo sa comment portion nito o i-YM message niyo sakin. Tapos para i-libre ko talaga kayo, dapat sabihin niyo to sa akin ng harapan. Ha? HAHAHAHA. Kahit first three words lang ang isigaw niyo... :))

0100 1001 0110 1100 0110 1111 0111 0110 0110 0101 0111 1001 0111 0101 0111 0110 0110 0101 0111 0010 0111 1001 0110 1101 0111 0101 0110 0011 0110 1000

seryoso to ah. XD hindi naman kailangang gamitin niyo yung isipan niyo para sa pagdecode eh. kaya nga naimbento ang computer at ang internet. :p pero ginawa ko yang code. wala akong magawa eh. kaya nainlab ako sa zero at sa one. XD

Ik houd u zeer.

:)




lovelovelove,
eLise.

Saturday, September 5, 2009

PSO Eliminations: Let's go UPIS!!

Bago ang lahat....
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. WAAAAAAAAAAAAAA. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. OOOOOOOOOOOOOO. EEEEEEEHHHHHHHH?! SABOOOOOOG! SABOOOOOOOG!

Syempre. Imaginin niyo na lang akong sumisigaw sa mga harap niyo at tumatalon o kung hindi niyo maimagine, imagine niyo na lang akong naglalakad nang tulala at parang zombie at hindi maipinta ang mukha.

GRABE. GRABE. GRABE. Hindi ako makapaniwala sa araw na ito. Hindi ko ito inaakala, sobra. Hindi ko inaakala na ganito ang mangyayari.

Umagang umaga, nagpunta ako sa UPIS 3-6. Elem. Doon kami nagkita ni maam Glench, Mik, Maam Tina (?) para magpunta sa Angelicum College, Sto Domingo. Sa quezon ave. Si Marion, dinaanan namin sa Philcoa. So kamustang umaga ng PSO elims, balita ko, nakatulog lang ako kagabi at hindi ako nag-aral masyado. Nirefresh ko lang yung EXPERTS reviewer ko. Ayun. At nagdaldalan lang kami ni Mik, Marion, at ako sa taxi. Kumain kami ng hamdesal (drive-tru sa mcdo, na-try mo na bang kumausap ng speaker?)... kain kain.

Pagdating naming Angelicum.... nagdadaldalan lang kaming tatlo ulit, hindi kami nagrereview. Ang inaral lang ata namin ay yung projectile motion sa physics, na kinalimutan ko na din naman. Yung mga elem, hanep, nag-aaral pa sila ng Almanac. Kareer talaga pag elem noh? Haha. Crush ni Mik si Jimuel. Ako, si Joshua. Pero wala na siya doon eh. Nasa pisay na rin... Mga 8 nandun na kami sa Angelicum pero 9 pa nagsimula yung written test. So, daldalan daldalan mode.

WRITTEN TEST. Nakakakaba kasi ang lamig eh. Sobra. Dalawang aircon, ang liit ng room. Ang nipis ng jacket ko. Sobrang nilalamig kaming tatlo... Nang tinutok sa akin ang video cam, sabi ko sa video, "kuya pwedeng pakihinaan yung aircon?".... Yon. At ang chever ng written test. Ayokong ikwento dito yung mga tanong kasi sa totoo lang super nose bleed. I mean, mahirap siya, masarap manghula. Pati yung mga numbers hindi ko na maalala kung paano sinosolve. Trial and error na lang ako. At.... dinaan ko sa panghuhula. Seryoso kasi, hindi ko masyadong alam yung mga nandun kasi advanced yun, so dinaan ko yung mga hindi ko alam sa panghuhula at follow your heart at trial and error. Nasiyahan lang ako sa isang part ng exam eh, EARTH SCI. Hahahahaha! Bio, madugo. Chem, madugo. Physics, uhhh. INFORMATION TECHNOLOGY, ay sobrang sabog na HUH? PANO TO? ANO TO? So... after ng exam kabado ako kasi, hindi ko alam kung ano yung mga pinagagagawa ko sa buhay ko habang nag-eexam. Sa isip isip ko... Pagpalain nawa ng Diyos. Bathala na.

Kumain kami sa KFC. Masarap yung cookies and cream. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan, all girls kasi kami eh. Kung saan saan napupunta ang usapan, at syempre, mapapag-usapan yung mga tanong sa elims noong dumating si Maam Glench. Kahit na sinabi kong... ayoko na, kakalimutan ko na iyon... wala tayong magagawa, kailangan pag-usapan para daw sa finals, alam namin. Yun. So napag-uusapan kung tama yung mga sagot namin tas kabado na ako at ayoko nang magsalita kasi feeling ko puro ako kamalian sa mundo. Kaya sa isip isip ko... OMG. PANO NA YAAAAANNN. PATAY TAYO DYAN.

Pagbalik namin sa Angelicum, nanood ng amagedron (?) na movie, na hindi ako naentertain, tapos, biglang hinila na ako for the RC elections...

RC Elections. Region Council Elections. Meron palang ganun sa PSO Eliminations? So, nag-elect at nag question and answer para sa regional officers ng PSYSC. Okayy. Grabe, kinabahan ako dun ah. Nanlamig ako at namental block at nabano sa english. Grabe. Kasi... para siyang miting de avance! Grabe ah. Sosyal.... Walalang, nakakatakot lang. Kasi hindi mo kilala yung mga tao sa paligid mo tas ang sasama ng tingin nila sayo. Lalo na nung nagtanong yung isang teacher tapos sinabi niyang "because science is taught in english, please answer this question in english." tapos ang babaw naman ng tanong niya. pero na-bano ako dun. grabe. Walalang. Sobrang DELIBERATION pala yun. Nakaka-kaba. Eh basta ako, nung time na yun, sa isip isip ko... aayusin ko sagot ko dito, pero ayaw kong maging chair person, kasi... kasi malaking responsibility kaya yun, regional. NCR officers kami so nakaka-kaba. Ang weird pa, kasi nag-elect elect pa, kami kami lang naman din yung officers. Ang inelect lang ata ay yung pwesto. Hahahaha.

RC meeting. :) Syempre kailangan bonding kami noong mga officers, ano? So nagmemeet kami para sa general plan namin kunwari. Tapos grabe, ang awkward silence. So ang daldal ko naman dahil ayoko ng awkward silence. May new friends ako, si Gellin, si Mark something, si Carlo na taga St Stephen something ata. Ayun. Nakakatuwa. Nakakatawa. May new friends ako. At kinukulit ko sila at kinukulit nila ako. Hahaha. Si Carlo, nakakatuwa. Inaasar niya akong top scorer daw ako sa NCR. Tas ako naman... "Grabe naman to, hindi naman." Ayun, tas nag oath taking kami. Kabado sina Carlo, tas ung Chair namin na kamukha ni Earl. hahahaha. XD Grabe, aliw.

At alam niyo ba, may gwapo. Okay. Segway lang. =))

RESULTS.

Ang makatigil hiningang resulta. *huminga ka muna bago magbasa*. Ang mga resultang magpapatigil ng mundo ko. Tugdug. Tugdug. Tugdug. Elem muna.... Inanounce from "descending to ascending." BENTA. HAHAHAHA. ascending order kasi... so wala ang elem sa super daming binanggit na pangalan ng school. tas nung biglang top 5 na... top 4 na... top 3 na ata.. saka sila binanggit! HANEP ANG ELEM. Top 3 sa NCR. At inannounce yung nationwide, top 11 nationwide. WOOOOOO!

Tentenentenen. At sa high school bracket. tentenenentenen.... Napakadaming pangalang binabanggit, wala pa rin ang UPIS... napakadaming pangalang binabanggit, naubos na silang lahat, wala pa ang UPIS.... top 5 na.. top 4, 3, 2.... top 1 na... sa wakas UP INTEGRATED SCHOOL! Ang sarap sa tenga! Mapapatalon ka sa tuwa! GAAAAAAAAAAAASH! Top 1 sa NCR! At i-aannounce ang top scorer sa NCR. tentenenentenen. So ineexpect ko from UPIS to... Ineexpect kong si Marion eto... Sinabi na ang UPIS... Sinabi nang UPIS! SINABI NANG UPIS. Syempre... Tentenenentenen....

ANN ELIZABETH P ROLLON. At napatayo ako sa aking upuan at tumayo akong tulala na parang zombie. Tumayo akong tulala na derederetso na parang wala sa sarili at walang ibang naririnig. Tumigil ang mundo ko. Lahat ng bagay sa paligid ay binalewala ko. Tumigil ang mundo ko. Umakyat ako ng stage... Nakipagkamay sa mga tao at tulalang tulala ako at hindi ko mapigil ang ngiti sa aking mukha. Sobrang saya ko. Sobrang saya ko! Hindi ko akalaing ako ang magiging top scorer kasi alam ko magaling si Marion. At kasi alam ko magagaling naman yung ibang school. At kasi alam ko na nanghula lang ako. At akala ko ang dami kong kamalian sa mundo...

Kaya nawala na ako sa sarili at maiiyak na ako. Maiiyak na talaga ako. First time nangyari sa akin to talaga. Akala ko nananalo kami kasi magagaling lang din kasi sila... Pero ngayon ko narealize.... At hindi pa rin ako makapaniwala... Totoo ba to?

I love you Lord! Maraming maraming salamat talaga. I love you! Thank you very much. Maraming maraming maraming salamat....

:)




lovelovelove,
eLise.