Ito ang hobby namin ng tatay ko, ang pagkanta sa umaga, sa hapon, at sa gabi. Wala na ata kaming ibang ginawa kundi kumanta nang kumanta as bonding. Magaling kasing tumugtog ang tatay ko, gitara at piano chords. Kahit saan kami mapunta, may dala dala kaming gitara at song hits. Pwede na kaming magbanda in the future. Hahahaha.
Kaya naman, nung Dec 24, naggitara siya at kumanta ako ng kumanta ng mga iba ibang klaseng songs. Oldies, pero, astig pa rin. Kahit bago, keri niya. Christmas songs, go lang, caroling! Kahit wala kaming nakuhang pamasko kundi...
"Ang ganda naman ng boses niyo, ang galing niyo namang tumugtog..."
Aba okey na! Sa kinahaba haba nang aming pagkanta ay may naka-appreciate sa amin, kaya heto. Picture ng aming two-man band na madadagdagan pa dahil yung dalawa kong kapatid ay magaling rin sa ukelele at gitara, o diba! A family of singers and guitarists or whatever you call it.
Tapos, nung december 24 naman ng gabi, bumirit naman kami ng videoke sa filinvest. Haha. Grabe. Hindi matigil tigil na pagvivideoke hanggang magpasko na.
Ano bang kagandahan sa pagkanta? Sa pagkanta kasi, nalalabas siguro yung feelings, kaya ayun, masayang masaya kumanta. :D
♥♥♥