Kahapon, September 26, 2009, nagkita kita kami nila Marion, Mik, at Maam Glench sa Mcdo ng 6:30 para pumunta sa Mall of Asia... para sa PSO Finals. Malakas ang ulan noong umaga at hinatid kami ng tatay ko sa mall of asia. Medyo bumabaha baha na noon sa ilang lugar na nadadaanan namin at medyo nagsisimula na ang traffic.
Pagdating namin sa mall of asia, ang lakas ng ulan. Yung mga signs at stuff sa mall of asia, gumegewang. Gumagalaw ng matindi, hinahangin ng matindi. Yung floor sa mall of asia, nababasa ng ulan. Grabeng lakas ng ulan at hangin noon.
Nagsimula ang contest proper. Sa Finals kasi, sa top 20, magbabawas pa ng sampu. So nagkaroon ng practical test. Sa practical test, TAWA KAMI NG TAWA. FYI: Hindi kami tumatawa dahil alam namin ang sagot; tumatawa kami kasi natatanga na kami sa mga lumalabas na dapat gawin sa Finals. Tulad nung Chem, tawa kami ng tawa kasi hindi na namin alam yung mga beta at sigma bonds yata, resonance structure, structure ng NH(CH3)(CBr... something. Ang haba eh. Tapos sa practical test lang ako natuto gumamit ng breadboard sa resistors, in fairness.. tama daw ginawa ko. Sa IT, gumawa kami ng LAN cable. :\ Marami pa kaming kabaliwan sa buhay noon. Pero kahit anong mangyari, tawa pa rin kami ng tawa.
Sa written test naman, kami na ata ang pinakamadaldal at pinakamaingay at pinakamasayang team. Well, lagi naman eh. Gusto lang talaga naming magsaya. :) Sa written test, patay patay nanaman kami sa Chem, kasi hindi naman kami yung mga taong NERDY para mangabisado ng PERIODIC TABLE!!! :(( Pero bumawi kami sa IT kasi binary code yung pinagawa. Swerte namin dahil minahal ko yung 0 at 1 at yung binary code.
Kumain kami sa tokyo tokyo. Malakas pa rin ang ulan at hangin. Matagal kaming naghintay para sa High School Finals.
Sa totoo lang, akala namin, wala kami masyadong pag-asa. Pero ang motto namin, HAVE FAITH. Manalig ka! At narinig namin ang pangalang UPIS na second to the last na binanggit... Kasama namin ang 4 na Pisay campus and all.
6th pala yung ranking namin sa preliminary eliminations. Pagdating sa mismong quiz bee... Patay patay kami sa Chem! Ang daming sayang... napapatay kami ng mga killer questions ng chem kaya hindi na namin dinadare nung bandang dulo. Ang dami talagang sayang, tulad ng 40 na dapat ay -40. Tulad ng 0.13pi na dapat 0.13 lang. Tulad ng... apical meristem na meristem lang. Ng lactase na dapat prolactin. Mga ganun... SAYANG TALAGA.
Biglang may nag announce na... lahat ng coaches and parents pumunta sa events center dahil sa isang SERIOUS announcement. At nakakatakot ang mukha/expression ni ate AJ. Medyo nafe-feel na namin, pinroproblema namin kung pano kami uuwi dahil alam naming marami ang binabaha. So, noong bandang dulo nawawalan na daw ng drive si Marion at Mik... At ako naman.. "tatapusin natin to." Pero maski ako, nawawala na yung concentration ko. Yung mga chem problems, hindi ko na masolve. Yung mga feeling ko... alam ko dati, di ko na malaman. Nakaka-mind block... Pasalamat ang Pisay Bicol, CMC, SMC, at Zamboanga na wala silang pinroproblemang mga ganun.
5th kami. 5th ang UPIS nationwide. Sabi nila malaking achievement na rin raw yun. Kasi ang first ay Zamboanga Chong Hua, tapos Pisay CMC, Pisay SMC, Pisay Bicol, tapos UPIS. Malaki na daw yun. Ang big regret ko naman doon ay... pwede kasi talaga kaming manalo. 10 points lang kasi ang difference sa first. Kung nagkiller question kami at tumama... Sana... Pero kung nagkiller question at namali... PATAY TALAGA. It's all or nothing. Eh ramdam na namin na hindi na gagana ng matino yung mga utak namin... So I guess... that's just the way it is.
Pagkatapos ng event ang mas pinroproblema at mas nagsisink in sa utak namin ay yung pag-uwi at yung mga magulang namin kaysa sa pagkapanalo o pagkatalo namin. Whatever you call it. Nalaman namin na mag-oovernight kami sa mall of asia. Nakakapanic siya kasi... Hindi naman alam ng mga magulang namin. So tawag tawag tawag. Hindi macontact nila Marion at Mik ang mga magulang nila.. Ayun.
Later on, kumain na lang kami. Bonding UPIS-HS at UPIS-elem ah. :)) At nagpicture picture kami sa loob ng SM Discovery Center. Nang-abuso kami ng mall. =)) Define abuso?
Maglaro sa elevator. Upuan ang mga bagay para magpicture. Magpicture ng todo. Alisin ang mga harang para sa picture. Pero binalik naman namin. Mangalikot ng kung ano ano. Magtaas ng paa sa loob ng parang sinehan. Mag ingay. Makakuha ng libreng krispy kreme! Makilaptop sa mga taong kakakilala lang. Haha!
Maglaro sa elevator. Upuan ang mga bagay para magpicture. Magpicture ng todo. Alisin ang mga harang para sa picture. Pero binalik naman namin. Mangalikot ng kung ano ano. Magtaas ng paa sa loob ng parang sinehan. Mag ingay. Makakuha ng libreng krispy kreme! Makilaptop sa mga taong kakakilala lang. Haha!
Marami akong new friends kahapon. Nabond kami sa mga ate at kuyang taga PSYSC. taga UP lang din naman kasi sila kaya madali silang maka-bond. At sociable naman sila o kami, kaya ayun. Sila kuya klarence nga, sinasama ako sa mga picture/libot nila sa loob. Tapos nakikipicture din kami nila Mik sa mga ate at kuya ng PSYSC. Haha. Gusto ko na nga sila i-add sa FB eh. :p
Nag photo-op kami sa loob din, kaming mga UPIS people. Si Maam April, DIYOSA. =)) Haha! Ang cool kasi nung picture niya sa akin. At ang cool ng mga pinagagagawa namin.
Natulog kami ng 12:30 sa nakakahilong planetarium. Noong una, medyo mainit init pa. Noong gumising ako, super lamig na! Sobra! ICE AGE. Dumating daw kasi president ng SM at binuksan ang aircon. Nagpaulan din ng KRISPY KREME. Yun o. Mga 3:15 am yun. Nag-iingay na at nakikilaptop ako ng mga ganung oras. Di na ako natulog uli.
Natulog kami ng 12:30 sa nakakahilong planetarium. Noong una, medyo mainit init pa. Noong gumising ako, super lamig na! Sobra! ICE AGE. Dumating daw kasi president ng SM at binuksan ang aircon. Nagpaulan din ng KRISPY KREME. Yun o. Mga 3:15 am yun. Nag-iingay na at nakikilaptop ako ng mga ganung oras. Di na ako natulog uli.
Umuwi kami ng 5:30. NagMRT kami. Yung MRT, parang nag on-and-off ang kuryente. Sa isang station... off... on.. off.. on. ayaw magstart ng MRT. pagdating sa next station ganun ulit. Pagdating sa next station, lipat na ng MRT. Nakakakaba yun ah. Pagkadating namin sa q.ave, hilong hilo na kami. Nahihilo na kami sa kahit anong makita namin, sa mabilis na kotse, sa mga kulay, ang sakit na ng ulo namin. Pagkadating ko sa may hardin, naglalakad ako pauwi, naiiyak iyak na ako at nababangag na ako ng sobra. Nagkakamot na ako ng ulo at papikit pikit akong naglalakad.... Hay.
Mga 7 am nakauwi rin. So conclusion: TRIPLE BONDED NA KAMI NILA MARION AT MIK! 24 hours kaming magkasama! Hay....
DEFINE PAHINGA? ------------ ano yun???
DEFINE STRESS? ------------- ah oo. alam na alam namin yun!!
Ingat guys. Hindi ko na-experience yung baha, fortunately. Pero balita ko maraming stranded at binaha so sana okay na kayong mga binaha at sana nakauwi na yung mga stranded. Good luck. Ingat.
:)
♥♥♥
♥♥♥
lovelovelove,
eLise.
eLise.
♥♥♥
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.