Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Thursday, March 11, 2010

Hayaan niyo akong magsalita.

Nararamdaman kong lumalaki ang isyu na ito at naaasar ako sa mga nababasa ko. Kaya hayaan niyo akong magsulat at magsalita ng nararamdaman ko.

Unang una, sabi mo, you're done. Sabi mo, tapos ka na. At sabi mo, mahirap na friends pa rin tayo kasi kahit sabihin kong wag kang umasa ay mapapaasa ka pa rin. Pero sabi ko naman, sana nga friends pa rin tayo. Ikaw ang nagsabi niyan at nag-agree naman ako. Na mas makakabuti na itigil na to.

Pagkatapos nun, oo, hindi tayo nag-usap masyado.

Kasi, gusto kitang bigyan ng space. Gusto ko ding magkaroon ng space. Syempre kung sasabihin mong gusto mo nang tapusin yun, naisip ko na giving you space would be better for you. Kasi alangan namang gusto mo na yata mag move on tapos gagambalain pa kita. So ayun. Pero pag kinakausap mo ako kinakausap naman kita...

Tapos ngayon magrereklamo ka na hindi tayo nag-uusap? Sabi mo pa... Mas problema ka pag di mo ako kinakausap. Parang ganun. Bakit, ang dami dami kong kaibigang hindi ko na nakakausap nagrereklamo ba ako sa kanila? Dinradramahan ko ba sila ng bongga? Sinisisi ko ba sila?


Hindi. Iniintindi ko lang sila. Baka busy, stressed, bad mood, baka ganto ganyan... Iniintindi ko lang at nag-aantay ako. Hindi ganto...

Nasasakal na ako. Oo tumigil ka na nga siguro pero nakakasakal pa rin talaga. Sa tingin ko ang demanding mo na.. Ngayon, sinasabi ko na sayo ng diretsa. Sinasabi ko lang yung nararamdaman ko. Ganito talaga ako diba? O mas nagiging pranka na ako ngayon para wag na sanang magkaroon ng misconception.. Sinasabi ko lang na nasasakal na ako at ang demanding mo. I just need some space. I'm damn stressed and you know that.

Sinabihan kitang... "bahala ka na.. ayaw ko pakialaman ang buhay mo." kasi ayaw kong makialam sa buhay mo at pagalitan ka kasi hindi mo ako nanay. Yun ang ibig sabihin ko dun. Ang sabi mo pa sa akin... "Akala ko tunay kang kaibigan." WTH. Ano bang basis mo para sa tunay na kaibigan??? Ibig mong sabihin hindi ako tunay na kaibigan dahil dun?? Hindi ba nakakahurt din yun??

Sasabihin ko sana sayo na sorry, I just need some space. At feeling ko kailangan mo din nun.

Pero ngayon nakabasa ako ng blog entry mo. Oo, nakakahurt nga siguro na sinabi ko nang diretsahan na demanding ang friendship natin...

Pero para idugtong mo pa na hindi ko na-aappreciate yung friendship natin? OKAY KA LANG? na-aappreciate ko naman e... sinong nagsabi sayong hindi?

grabe lang na parang ako nanaman ang may kasalanan ng lahat ng to. AKO NA LANG PALAGI.

kung tunay tayong magkaibigan it doesn't matter na mag-usap tayo o hindi. magkaintindihan lang sana tayo ng maayos diba.

nakakaasar na kasi talaga yung pagddrama. yung attitude mo siguro hindi ko na rin gusto. sorry talaga.

I need space, really. May pride akong tao, inaamin ko yun. Sorry masakit akong magsalita. Pero gusto ko lang maglabas ng nararamdaman ko. diretsahan.. Pero ayun nga, may pride ako, ayaw kong kumain ng pride right now.

I'm damn stressed. Ayoko magtapos ang highschool na nag-aaway tayo. Pero it's all fired up. Akala ko pa naman magiging okay na. Na magkakaintindihan na tayo, pero hindi.


lovelovelove,
eLise.

No comments:

Post a Comment

Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.