Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, October 15, 2011

Maybe It Was Not Love After All: Signs and Symptoms of PEKENG LOVE

I thought I was already in love when I happened to stop by and read a book entitled "Lovestruck: Love Mo Siya, Sure Ka na Ba?" by Ronald Molmisa. This book tackles a lot about being "in love" and tackles tips and situations. Sobrang nakakatawa basahin itong librong ito dahil light lang ang pagkakasulat at napaka-moderno ngunit tama naman at may lalim ang kanyang ikinukwento dahil kumukuha siya ng mga verses sa bible para suportahan ang kanyang mga argumento.

Akala ko talaga, in love na in love na ako at na in love kami kahit dati sa isa't isa. Ngunit dahil sa librong ito, naisip ko na.. Ay. Hindi pala talaga ata. Naisip ko lang, na minsan, akala natin yun na! Yun na talaga! Ang sarap ng feeling, heaven, para kang lumulutang everytime na kasama mo siya ang saya saya mo na. Tas kahit nag-aaway kayo, nagbabati kayo kasi mahal niyo daw ang isa't isa so akala mo yun na talaga yun! Pero hindi. Hindi, pare. Hindi talaga.

What most people mistakenly view as love might be just an infatuation. In our case, I think it was just infatuation. Infatuation is way too different from real true love. "Infatuation is an intense, short-lived and irrational passion for somebody." (Molmisa, 2010). Sa librong ito, tinalakay ni Ronald Molmisa kung ano ang 'pekeng love'.

Ang Symptoms ng Pekeng Love.

Symptom #1: the AXE effect. Yung tipong amoy palang, tingin palang, eh patay na patay ka na. Kadalasan kasi ang infatuation nakatuon sa physical characteristics or traits. Well, hindi naman ako taong mahilig sa pisikal na whatever, pero, still. Ang axe effect, hindi iyon true love (TL).

Symptom #2: Kisapmata Complex! Ito raw ay yung grabe, napakatinding spark sa una, pero magtagal tagal lang ng onti ay wala na, ayawan na agad. Kapag hindi na nag-eenjoy, wala nang interes. At ito talaga ang napansin kong nangyayari sa most couples eh. Grabe, heaven na heaven kayo sa start at akala niyo kayo na talaga. Pero wala, after ilang months, kilalang kilala niyo na ang isa't isa, nagkakasawaan na, di na nag-eenjoy, ayawan na. Love ba yun, umaayaw nalang sa di maintindihang dahilan? Pare, hindi. Wag mo nang lokohin ang sarili mo at wag ka nang maghabol pa, dahil sinasabi ko sayo hindi love yan.

Symptom#3: The Crazy for You Syndrome
Ito talaga ang number one sign ng INFATUATION para sa akin. Alam mo yung feeling na disorganized ka, distracted, ineffective, at sabog?! Alam mo yun? Nakakabaliw kasi ang pag-ibig no? Pero gurl, hindi. Love isn't about making both of you distracted and ineffective, love is about making you both better. Kung nasisira na ang buhay mo dahil sa pag-ibig na yan, iha, hindi yan pag-ibig. Tama na. Hindi ginawa ang pag-ibig para sirain ang buhay mo. Infatuation lang kasi yan, kasi ang infatuation, tipong siya na lang. Siya nalang ang nasa isip mo at lahat lahat, sige, basta masaya ka. Pero hindi talaga.

Symptom#4: Just the two of us feeling
Usually kapag infatuated ang dalawang couples, sila na lang ang laging magkasama. Halos mga kambal nang hindi mapaghiwalay at dinikit na ng matinding mighty bond at epoxy ang dalawang infatuated people. Mas nakakairita pa kung sa harap mo ay todo lambing todo hug at kiss as in nakakasuka. Mahiya naman kayo. Sa iba walang pakialam kung sobrang PDA na sila, kasi daw, nagmamahalan naman sila, and "we don't care about the world." Pero excuse me lang ha, kahit naman lovers kayo may ibang tao sa paligid niyo, medyo alalahanin niyo naman na may mga batang nasusuka na dahil kadiri kayo. Or, alalahanin niyo din naman na may iba pa kayong friends na ineetsapwera niyo na kasi.. "Nothing matters more than the two of us." Hay haru jusko, escuse me lang sainyo ha.

Symptom#5: The Need You Here Sickness
Yung tipong... "kailangan kita sa bawat araw sa bawat minuto sa bawat sandali.." Girl, ano ka ba! Wala ka bang sariling kamay o paa? Bakit lagi mo nalang kailangan yung partner mo? Dapat hindi. Matuto maging independent, at hayaang maging independent ang partner. Kapag tipong "I need you here" ang drama niyong dalawa, naku, self centered infatuation lang talaga yan. Self-centered. Naisip mo bang kailangan ding maligo, kumain at kung ano man ng partner mo? Isa pa sa sickness na ito, ay onting distansya lang ay nawawala na agad ang feelings. Ang tunay na pag-ibig, mga iho at iha, ay hindi kayang patayin ng distansya at ng oras. Kahit na ilang taon pa man kayong di magkita, kung tunay kayong nagmamahalan, kayo pa rin ang nagmamahalan. At dito naman ako tunay na naniniwala.

Symptom#6: "Lovers" Quarrel or "Kung Ayaw mo, Huwag mo" attitude
Okay lang naman na paminsan minsan nag-aaway ang mga lovers, sa tingin ko nakakatulong din naman yan para mas mapatibay ang relasyon niyong dalawa... As long as. Napag-uusapan niyo ng matino at nareresolve ang conflict. Madalas kasi sa infatuation, merong "kung ayaw mo, huwag mo" attitude, yung tipong "ako muna bago ikaw" o "bakit ako magsosorry hindi naman ako ang nagkamali?" na attitude. Napaka-self centered. Pero minsan nareresolve nalang kasi may magpapakumbaba at mag sosorry nalang tas papatawarin nalang, pero di naman talaga nag-usap at naresolve ang conflict. kaya tuloy sa bawat pag-aaway eh nagagasgasan ang relasyon. Masyado kasing Self Centered. Ako, ako ako. Nasaktan ako. Napaiyak mo ako. Nahihirapan ako. Puro nalang ako, eh yung feelings ba niya iniisip mo? Isip isip muna bago salita.

Symptom#7: Akin ka lang attitude
Madalas sa mga lovers usong uso ang linyang "I am yours, you are mine" at "Akin ka nalang.." Akin akin akin. Inaangkin mo na yung partner mo, e sayo na nga ba yan? Tipong may madikit lang na babae o na lalaki sa partner mo eh magseselos ka na. Mag-hi lang sa magandang chicks o sa hottie na guy ay lalakas na yung kapit mo sa kanya at titingnan mo na ng masama. Wala ka bang tiwala? Masyadong nagseselos at possesive. Gusto mo lahat ng atensyon sayo, kaya maski acads o pamilya niya ay pinagseselosan mo. Lumugar ka naman. Yang akin ka nalang attitude ay hindi TL. Sarili mo ang iniisip mo at hindi siya.

Napansin niyo ba kung ano talaga ang pagkakaiba ng TL at Pekeng Love? Ang Pekeng Love o PL, minsan pwede ring Pisikal na Landian, ay napaka-SELF CENTERED. Ako ako ako. Lagi nalang ako. Lagi nalang "ako" ang nasa utak. Sariling kagustuhan, kaligayahan, lahat puro sarili. Pero hindi iyan ang tunay na pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay iniisip ang iba bago ang sarili. Ang ikabubuti ng iba bago ang sarili.  Nagtatagal at tunay na may care. Hindi yung, mahal kita ngayon, bukas hindi na.

Mga friends, sa totoo lang, wala naman daw talagang tunay na commitment sa relationships hanggat sa hindi pa kayo ikinakasal o engaged. Kaya kung ako sainyo, bakit pa ako makikipag-relationship o boyfriend ngayon eh hindi namn talaga ako sigurado na totoo na yan, na may commitment na yan? Sa tingin ko, wag na muna, para di ako mabiktima ng pekeng love at masugatan pa. Hihintayin ko nalang yung oras at tao na siya na, as in siya na talaga.

Pero para naman sa mga naghahanap, wag nang hanapin si Mr/Ms Right, wag nang hanapin ang right girl, be the right guy. Or wag nang hanapin ang right guy, be the right girl. And how could you be the right girl? Marami pang tanong sa isip niyo? Watch out for my next blog.

Tandaan:

"Love is one of the most abused terms. Some people say it without meaning it and not even knowing if its true."

Mag-ingat ingat lang tayo sa mga matatamis na "I love you." Kasi friend, mahal ka niya. SIGURADO KA BA?

Basahin mo na kasi ang libro ni Ronald Molmisa kung interesado ka. :))
"Lovestruck: Love Mo Siya, Sure ka na Ba?" by Ronald Molmisa, 2010.

lovelovelove, eLise.

No comments:

Post a Comment

Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.