"I hope you know how I feel sometimes. Sometimes I feel sad and I feel that you're cold and I want to cry. But one thing that cures it all is your smile."
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit malungkot ako and I feel empty. Siguro ito ay bunga ng halo halong nararamdaman. Halo halong stress sa acads, stress sa bahay, frustrations sa sarili, frustrations sa mga recent na pangyayari, girl hormones (aka menstruation). So ano nga ba talagang nangyari? Dahil hindi ko alam.. Ikukuwento ko na lang..
Kahapon, magkasama kami sa sunken garden. Masaya naman akong umupo sa grass at magdestress sana. Papalapit na ang summer at magkakalayo kami ng isang malapit na kaibigan. Okay lang naman na sana. Tanggap ko naman na. Kaso, he started talking about his past summer flings. Summer flings. All in one summer. Last summer... Okay lang naman, no need to worry dapat.. Pero bakit ganito ang aking naramdaman? Bakit ako nalungkot? Bakit ako kinabahan?
So we parted yesterday na medyo malungkot ako. Though pinapasaya naman niya ako. Medyo malungkot ako. That night, nagsolve ako ng problems mag-isa. Eto, inaamin kong medyo nagtampo ako this time kasi i wanted to finish things fast, okay lang na ako na magsulat at magsolve just give me your ideas or do it with me. Talk with me while I'm doing it para naman may idea ako kung tama ba ginagawa ko. Basta feel ko na may karamay ako. I really understand na may event there at busy siya with everything and stuff. Parang ang unfair lang ng feeling sakin na hui. Damayan mo manlang ako dito kasi rdr natin 'to.
So my request was: kausapin mo lang ako bago ako matulog since masama yung pakiramdam ko... Okay lang naman. Pero I really felt something in his voice.Nafefeel kong parang wala siya sa mood at parang torn siya. Naiintindihan ko naman yun. May event sa kanila. So dapat nakikisama siya at nakikisaya siya dun. Request ko lang sana sinabi nalang niya at wag yung parang feel ko napipilitan lang akong kausapin ng kausap ko... I really appreciate na kinausap niya ko despite all that pero sensitive kasi ako. Nararamdaman ko kasi yung tono ng boses ng kausap ko. Mas masakit pakinggan yung wala sa mood na kinakausap ka tas parang ewan lang. Pero I understand naman. I understand. I always try to understand. Kasalanan ko rin siguro maging makulit kung "busy" yung isang tao. Sana lang talaga sinabi nalang ng maayos... Feeling ko kasi galit siya sakin at napipilitan lang na kausapin ako eh. Nararamdaman ko kasi yung mga ganun sa boses.. So ayun. Kinabahan talaga ako kagabi at di mapalagay...
Next day. He appeared in front of me and said: "Asan yung irerewrite ko? Anong gagawin ko dito? Sorry may quiz pa kami eh.." tapos umalis. Ako ay nagsabing... "Wait, chill ka lang.." and I stared for him until he left. Umalis lang siya bigla. Okay. I understand. I really do. May quiz siya he needs to go. Pero wala manlang ibang mini words like... "thank you, sorry kagabi busy lang talaga ako..." These little words, they could make you feel better... Diba, maliit lang sila pero malaki yung meaning nila..
After my Physics class. I was frustrated. Kasi wala na akong maalala at maintindihan. Namemental block na ako sa Physics which is so not me. Frustrated na talaga ako. Nakakainis. Tas nakita ko siya after that tas nakangiti lang siya masaya. Okay. So good to see you happy. Kaso malungkot lang talaga ako nun din kasi frustrated ako sa Physics tas naalala ko pa yung kagabi... So I remained silent. Di ko lang siya masyado pinansin.. After that nung papunta na akong CR.. he asked, "Anong nangyari sayo?" Kung pwede lang magtaray at sabihing "Duh, what do you think?" kaso di naman niya magegets at ako nanaman ang nagddrama at nag-iinarte so I told my little white lies.. "Huh? Wala. Okay lang ako." Then there. Nothing happened after. Tried to focus sa Chem lec and lab.
Sa tingin ko din kasi, something's happening with me, so I just walked by myself nung papuntang lab. I saw my friend and said hi. Sinubukang magmuni muni pero wala namang nakapansin sa sadness ko. Buti nalang 2 girls na labmates ko sinabi nilang baka hormonal daw kasi meron ako. Hahahaha. Ohwell. I guess. Nakakairita kasi yung feeling na meron ka... So I guess it adds up sa stress.
After ng lab, nagpasama ako sa kanya sa AS. Nahug ko pa siya after ng lab. Pero I don't know. Tinatanong ko kung busy siya. Sabi niya uuwi na siya ng dorm. Okay nagmamadali siyang umuwi? Sinamahan niya pa rin ako hanggang CASAA lang. Pero on the way, tinatanong ko kung galit ba siya. Sabi niya hindi pero sa naririnig kong tono ng boses niya at look sa mukha niya parang oo. So, di ko talaga alam. Di ko magets. Sinusubukan ko namang pasayahin siya... Tas sabi ko sa CASAA, kasi tumigil siya tas parang sabi niya dito nalang.. Magpapasama sana ako.. Kasi sandali lang.. Pero mukhang gusto na niyang umalis. So sabi ko lang... "Uh sige. Busy ka ata.." so kinuha ko na filecase ko bigla na siyang naglakad ng mabilis paalis.. tas nastun lang ako.. nung umalis na siya tinanong ko ulit siya.. "galit ka ba?" tas sabi niya hindi... Pero hindi talaga kapanipaniwala yung boses niya...
So I just walked and at that moment parang gusto ko nanamang umiyak. Alam mo, aaminin ko, minsan masyado akong sensitive, mabilis na akong mapaiyak ngayon. Siguro kasi marami akong stress at frustrations sa buhay... I'm not telling in my story na kasalanan niya.. Hindi naman.. I really have my own frustrations and problems that really make me feel sad and empty and what I'm hoping for is that sana masense niya yun minsan at sana nandyan siya para tulungan ako... Sana he is also sensitive enough.. Para maramdaman na kailangan ko ng kaunting comfort...
Hindi ako nang-aaway, hindi ako nagdedemand ng malaki.. Hinihingi ko lang ay iyong sensitivity at ang iyong smile... At gusto ko lang din na malaman niya yung nararamamdaman ko.. Request lang talaga... Please tell me everything's all right and please smile for me...
[Hindi ko talaga sinasabing kasalanan mo. I'm not blaming you. I don't want to blame anyone. Kung may nagawa ka man, kasalanan ko rin naman to. And sorry if you think this blog is like publishing the problem out in public, don't worry... Kasi medyo private yung blog na 'to for my friends....]
I know na tinotopak din ako minsan tulad kanina and I know na tinotopak ka rin.. What I hope is sana maging sensitive tayo pareho para sa isa't isa okay? Siguro napapagod ka sa kadramahan ko, pero please understand, kasi ako napapagod rin. Yun lang.. Don't be mad at yourself.
And please smile for me because it hurts to see you sad.
:)
♥♥♥
lovelovelove, eLise.
♥♥♥
