Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, March 5, 2011

Di ko na maintindihan. :\

Hay. Di ko na maintindihan ang lahat ng nangyayari dito sa buhay.

Alam niyo yung magigising kayo sa umaga, kakain, tas bigla ko lang matatanong kung lalabas ba kami o pwede ba akong lumabas sandali lang kasi kailangan ko lang puntahan yung friend ko, di naman ako nagpipilit na umalis talaga.. bigla akong tatarayan at sasabihing...

"Bakit ba puro labas lang nasa isip mo? Pwede bang magstay put ka na lang dito sa bahay tumulong ka manlang?" (with matching taray effect)

Gets ko naman na gusto nila akong magstay sa bahay naman kasi lagi akong nasa school pero bakit ganun, bakit ang taray taray tas parang ang dating pa ay labas na lang ako ng labas na hindi naman talaga. Parang yun lang ung nasa isip ko, makapaggala. At parang hindi naman ako tumutulong ever sa bahay sa tono ng pananalita nila. Bakit ganun, bakit feeling ko mali nalang lagi yung ginagawa ko at lahat nalang ng napapansin ay yung mali.

Sabi naman nila, you don't expect someone to praise you for doing good kasi you're expected to do good. Pero yung mga kapatid ko naman pine-praise nila. hindi naman sa nagseselos ako pero.. Alam niyo yun, pwede namang hindi puro yung mali nalang yung pinapansin, kasi it sounds like puro mali nalang yung ginagawa ko eh.

Di ko lang alam pero parang nobody appreciates it kung mag do well ako sa acads, siguro kasi expected na akong mag-do well. Alam niyo yung feeling na kung yung ibang tao masaya na sa pagpasa sa Chem 17, ako kahit pumasa ako at parang mataas na yung score ko parang, wala, that's expected of you, Elise. Sana maperfect mo na next time. Sana 100% na next time.

Pag tumutulong ako sa bahay, I don't expect na mapraise. Di ko rin naman pinapakita sa kanila na "o, tumutulong ako ngayon.." I do it kahit wala sila.. Tas syempre kasi hindi nila nakikita, para sakanila wala akong ginagawa. Parang ganun yata eh. Tas ewan ko lang. Parang pag pinapagalitan nila ako... "tumulong ka naman dito..." sorry na kung hindi ako masyadong nakakatulong... Inaamin ko it may look like hindi ako nakakatulong... Pero I'm trying to do daily tasks naman tulad ng pagchecheck ng homework ng kapatid ko..

Kapag gumagawa naman ako ng org stuff for the youth, o mga extracurricular activities... Kung ano ano daw inaatupag kong distractions...

Ang ayoko lang talaga ay yung tinatarayan ako na parang ang dami dami kong ginagawang masama. Pwede naman akong makausap ng maayos bakit kailangang tarayan ako diba?

Tsaka ano bang masama sa pag-labas naman minsan sa bahay, hindi naman ako labas ng labas for no reason. May mga gusto lang ako puntahan o kailangang gawin, andito naman ako pag sunday o sa gabi. I cancel all my activities pag sunday para kasama ko sila, bakit pag saturday hindi ba ako pwedeng sumaglit sa friends ko?

Isa pang ayokong nangyari recently ay una, ayaw nilang maniwala sa akin at pangalawa, kung ano anong dinadamay nilang issue sa isang issue na pinag-uusapan namin. Halimbawa na lang...

Nung isang araw nakita nilang hinatid ako ng isang friend. Pinagpipilitan nilang kami daw. Kasi nga lagi kaming magkasama kasi close friend ko siya. Pero ang totoo, kahit lagi ko siyang kasama HINDI KAMI. Bawal naman kasi akong magkaron ng boyfriend at ayokong magalit sila. Ang sabi nila sakin sabihin ko nalang daw yung totoo, kung sabihin kong oo, okay lang pero malulungkot sila. Pag sinabi kong hindi, nagsisinungaling daw ako, nakakatawa daw ako sabi ng nanay ko. So anong gusto nila? Sabihin kong oo, kahit hindi? Para hindi ako "sinungaling"? Tas malulungkot naman sila? Ano ba talagang gusto nila? Hindi sila naniniwala sakin, katawa-tawa daw ako.... Jusko, mismo kong mga magulang ayaw maniwala sakin. Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi nga, hindi nga, alam kong ayaw nila at ayokong magalit sila sa akin kaya hindi ako makikipagboyfriend. Haynako.

Pangalawa, pagkatapos nila akong awayin ng ganun sa umaga, bagong gising ako at papasok pa ako ng math.... Bigla pa nilang sinabi na, hindi ako sasama sa Iloilo, (sa camp ng psy)... at hindi na ako magddrive. WHAAAAAAAAAAT?! Ano ba kasing kinalaman nun?! Hindi naman kasi kasama yung friend ko sa iloilo at ano bang koneksyon niya sa pagddrive?! Kasi daw late na ako umuuwi. 7 pm naman yung curfew ko at umuuwi naman ako before 7. sinasagad ko daw yung 7, maximum daw yun hindi ibig sabihin laging 7. Hindi ko naman sinasagad eh. May mga kailangan lang ako gawin. High school pa naman tlga ako mahilig magpagabi ng mga 6-7 pm pero ngayong college nagkakaissues sila. Ewan ko bakit. Feeling siguro talaga nila may boyfriend ako. How I wish meron no? Pero wala nga eh. Nakakainis na masyado ah...

Ayun lang. FRUSTRATED na talaga kasi ako. Define. Gusto ko nang umiyak kasi ang bigat na sa pakiramdam. How I wish I could tell this to them... Sana nababasa nila to... O sana hindi. Ewan ko. I'm tired...

Kaya nga sigurong gusto kong nasa labas ng bahay... Kasi ayoko na dito sa loob... Wahhhhhhhhh. :\

Emo mode nanaman ako.

Note lang ha.. Siguro madalas niyo akong nakikitang masaya at nakatawa pero sensitive talaga ako. I just hide my feelings in there kasi ayokong maging malungkot.. Pero deep inside pag mag-isa ako, nalulungkot talaga ako at gusto kong umiyak parang ngayon. Hay.

Salamat nalang talaga at may friends ako na sinusubukan akong patawanin kahit na di nila alam bakit ako malungkot.. :) Maraming salamat. :)
lovelovelove, eLise.

4 comments:

  1. ELISE! ang ganda ng post na ito. Parang naantig ako. I mean, magandang malungkot. Mabuti yang pinapalabas mo dito yung galit mo. Sino bang nagtaray sa yo kaninang umaga??

    ReplyDelete
  2. Tinarayan ako ng tatay ko kaninang umaga eh. Ang sabi ko lang, pwede ba akong pumunta sa kalay, pupunta lang ako sayo. Tas sabi niya ano nanaman daw bang gagawin ko.. Hay. :\

    ReplyDelete
  3. Elise! tsk, chill lang okay? wag maxadong dibdibin, dwell on the [positives, wag mo ng intindihin ang mga nega :)

    ReplyDelete
  4. Thanks Mesh. I'm thinking positive na :)

    ReplyDelete

Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.