Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Friday, December 19, 2008

the psc sexy project planning.

grabe. ilang gabi na kami nagpupuyat til 1 am para dito ah. ang galing galing kasi. wooot. wooooh. hahaha. 11 kasi nag oonline sila. ang galing noh.

noong isang gabi hinintay ko si Ada mag online, kaso. ayun. naiintindihan ko naman sya. okay lang yan.

kanina finally nagmeet kami. ayon. haha. kalokohan lang ata. ewan ko. adrenaline rush of ideas na lang.

nagmeet sa UPIS, nagpuntang COOP, nagpuntang bahay. nagpansit canton. nagpizza (courtesy of mr. rene rollon) hahaha! basta ayon. tapos ayun. :)

ipopost ko lang sa blog ko ang criteria and chever.

PSC SEXY PROJECT....

teka, should I??

I will update this later na lang. hehehe. :p

lovelovelove,
eLise.

Wednesday, December 17, 2008

lantern..

the drama:

"i think, I just lost all my money now.
what. paano nangyari yun. :|
iiyakan ko na yun. hindi ko alam.
natulala ako kanina dahil na shock ako.
nalaman ko pag-uwi ko na, totoo nga.
nawala nga?

sana namisplace lang..

siguro kaya ganito kami kabangag ni ate geia..
oh my god... ipagdasal niyo pera ko.."

UPDATE.

i found my money. hahaha.
kinuha kasi ng nanay ko. ugh.
at nagpanic lang kasi ako bigla.
binawasan ng 1200 pera ko.
my god ahh.

at ANYWAY.

ang saya ng lantern parade. last day na yun ng UPIS week. or I mean, last day na siya ng pasok para sa taong 2008. so last day, CONGRATULATIONS pKA. super saya ng feeling. relief. CONGRATS! hahaha. kaya nakakatuwa at bangag kami nila ate geia, singing songs of various cheverness. ang bakla at ang luma, pero ang saya magpaka mukhang lasing kahit hindi. ewan ewan.

at saka, nakasama ko si mara, karina at jerwin noong bago magstart yung parade. ang saya parang reunion ng dating magkakasama. hahahaha. ang tagal ko na silang hindi nakakasama at yehey! weee. kaso muling ibalik raw. hindi ahh. hahaa. nakita ko rin si sir matt. hahaha. naaalala pa niya ang jupiter ahh. tapos maya maya umalis na si mara, si karina na lang kasama ko... at ang saya magparada. "Let's go UP... IS!!!" nyahahahaha >:) kaya ako'y napaos.

at hinintay namin ni karina ang fireworks. so bonding kami. tapos nakita namin si rjoy, bonding kaming tatlo, plus rjoy's brother, aj, na nakakaaliw. bakit ba ang tatalino ng mga bata. anyway, kwentuhan. at nakarinig kami ng sumisigaw ng "marqui nino allan dela pena lopez" (maki, alam mo ba tong kwentong toh?) ayun pala ay mga COCs, syempre. na nasa taas pala namin (hello COCs!)

well masayang makasama, si karina at si rjoy habang hinihintay ang fireworks. at ang fireworks ay napakaganda. I love it. pero may feeling ako na di ganoon kaganda ang lantern parade this year, sayang. Anyway, I really enjoyed the company.. (rjoy, karina, thanks so much.)

.....merry christmas...... :)
.
lovelovelove,
eLise.

Monday, December 15, 2008

kung ganito, paano na?

kung ganito.

Patapos na ang taong 2008, malapit na mag marso. sumagi sa isipan ko ang pamunuan ng kamag-aral sa susunod na taon. akademikong taong 2009-2010, ang huling taon ko sa UPIS. Naku, ang tanda ko na pala. Kabilang na ako sa mga seniors next year. Naku, naku.

Paano kaya ang susunod na pamunuan ng kamag-aral? Naiisip ko lang. Kasi
kung ganito ang pagtrato ng mga tao sa pamunuan ng Kamag-Aral, na parang, "tara, magKA na tayong lahat next year para masaya!". Ay, hindi ako nakakakita ng mabuting initiative, o yung drive, na gusto talagang magsilbi. Parang gusto magKA para sa, walalang. Para "masaya" ang buhay, para masabing "KA ako." Pero ano, ano ba talaga? Hindi ko alam, pero hindi ko lang talaga gustong nakakarinig o nakakatanggap ng mga ganoong komento tungkol sa pagiging KA, na parang biruan lamang. Well,hello. Hindi naman ganoon yun eh. Ang pagiging KA, hindi lang naman taga-announce, taga-ganito ganyan. I mean, it's a lot deeper. It's a lot more.. *insert adjective*...

Ayoko nang sabihin kung anong kailangan sa pagiging KA... Pero eto na lang, matinding kasipagan at pagkakaisa. Drive. Sincerity. Sacrifice.......... a lot more.

Ayokong mag tunog nagmamayabang kaya ayoko na ituloy masyado. Hindi rin ako nang didiscourage noh... Pero basta, a lot more.. a whole lot more..

Kung gusto mo talagang gawin ito para sa school mo, kahit anong mangyari ay gagawin mo ito, at hinding hindi mo ito pagsisisihan. At pag-iisipan mo itong mabuti. Handa ka magsakripisyo. Mayroon kang isang puso ng isang volunteer. Iskolar.

"Kung ganito na lang..., paano na??"

Goodluck na lang sa susunod na taon.:) Pero ayoko pa. Ayoko pang mawala ang mga grade 10 ngayon upang palitan namin. Ayoko pa silang gumraduate. At ayoko pa silang mawala. Kasi pag nawala sila, oras na namin. Tsaka, mamimiss ko din. Haha. Ano, ang labo ko na.


lovelovelove,
eLise.

Sunday, December 14, 2008

mahal kong mga kaibigan.

mga kaibigan. :)

Ngayong pasko, gusto ko lang ipaalam sa inyo na mahal ko kayo, kahit anong mangyari, at namiss ko kayo ng sobra. Kung alam niyo lang.

munting hiling ko lang ay hindi regalong materyal, kundi ang regalo ng pagmamahal. Kaunting pag-unawa lang naman at pagsuporta. Ayun lang. Maraming Salamat.

Peace be with you all.

-Elise. :)


Seryoso ako sa blog kong ito. Sana maappreciate niyo. :p

lovelovelove,
eLise.