Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Sunday, September 27, 2009

PSO finals / instant camping sa mall of asia!

THE MOST MEMORABLE PSYSC EVENT EVER.

Kahapon, September 26, 2009, nagkita kita kami nila Marion, Mik, at Maam Glench sa Mcdo ng 6:30 para pumunta sa Mall of Asia... para sa PSO Finals. Malakas ang ulan noong umaga at hinatid kami ng tatay ko sa mall of asia. Medyo bumabaha baha na noon sa ilang lugar na nadadaanan namin at medyo nagsisimula na ang traffic.

Pagdating namin sa mall of asia, ang lakas ng ulan. Yung mga signs at stuff sa mall of asia, gumegewang. Gumagalaw ng matindi, hinahangin ng matindi. Yung floor sa mall of asia, nababasa ng ulan. Grabeng lakas ng ulan at hangin noon.

Nagsimula ang contest proper. Sa Finals kasi, sa top 20, magbabawas pa ng sampu. So nagkaroon ng practical test. Sa practical test, TAWA KAMI NG TAWA. FYI: Hindi kami tumatawa dahil alam namin ang sagot; tumatawa kami kasi natatanga na kami sa mga lumalabas na dapat gawin sa Finals. Tulad nung Chem, tawa kami ng tawa kasi hindi na namin alam yung mga beta at sigma bonds yata, resonance structure, structure ng NH(CH3)(CBr... something. Ang haba eh. Tapos sa practical test lang ako natuto gumamit ng breadboard sa resistors, in fairness.. tama daw ginawa ko. Sa IT, gumawa kami ng LAN cable. :\ Marami pa kaming kabaliwan sa buhay noon. Pero kahit anong mangyari, tawa pa rin kami ng tawa.

Sa written test naman, kami na ata ang pinakamadaldal at pinakamaingay at pinakamasayang team. Well, lagi naman eh. Gusto lang talaga naming magsaya. :) Sa written test, patay patay nanaman kami sa Chem, kasi hindi naman kami yung mga taong NERDY para mangabisado ng PERIODIC TABLE!!! :(( Pero bumawi kami sa IT kasi binary code yung pinagawa. Swerte namin dahil minahal ko yung 0 at 1 at yung binary code.

Kumain kami sa tokyo tokyo. Malakas pa rin ang ulan at hangin. Matagal kaming naghintay para sa High School Finals.

Sa totoo lang, akala namin, wala kami masyadong pag-asa. Pero ang motto namin, HAVE FAITH. Manalig ka! At narinig namin ang pangalang UPIS na second to the last na binanggit... Kasama namin ang 4 na Pisay campus and all.

6th pala yung ranking namin sa preliminary eliminations. Pagdating sa mismong quiz bee... Patay patay kami sa Chem! Ang daming sayang... napapatay kami ng mga killer questions ng chem kaya hindi na namin dinadare nung bandang dulo. Ang dami talagang sayang, tulad ng 40 na dapat ay -40. Tulad ng 0.13pi na dapat 0.13 lang. Tulad ng... apical meristem na meristem lang. Ng lactase na dapat prolactin. Mga ganun... SAYANG TALAGA.

Biglang may nag announce na... lahat ng coaches and parents pumunta sa events center dahil sa isang SERIOUS announcement. At nakakatakot ang mukha/expression ni ate AJ. Medyo nafe-feel na namin, pinroproblema namin kung pano kami uuwi dahil alam naming marami ang binabaha. So, noong bandang dulo nawawalan na daw ng drive si Marion at Mik... At ako naman.. "tatapusin natin to." Pero maski ako, nawawala na yung concentration ko. Yung mga chem problems, hindi ko na masolve. Yung mga feeling ko... alam ko dati, di ko na malaman. Nakaka-mind block... Pasalamat ang Pisay Bicol, CMC, SMC, at Zamboanga na wala silang pinroproblemang mga ganun.

5th kami. 5th ang UPIS nationwide. Sabi nila malaking achievement na rin raw yun. Kasi ang first ay Zamboanga Chong Hua, tapos Pisay CMC, Pisay SMC, Pisay Bicol, tapos UPIS. Malaki na daw yun. Ang big regret ko naman doon ay... pwede kasi talaga kaming manalo. 10 points lang kasi ang difference sa first. Kung nagkiller question kami at tumama... Sana... Pero kung nagkiller question at namali... PATAY TALAGA. It's all or nothing. Eh ramdam na namin na hindi na gagana ng matino yung mga utak namin... So I guess... that's just the way it is.

Pagkatapos ng event ang mas pinroproblema at mas nagsisink in sa utak namin ay yung pag-uwi at yung mga magulang namin kaysa sa pagkapanalo o pagkatalo namin. Whatever you call it. Nalaman namin na mag-oovernight kami sa mall of asia. Nakakapanic siya kasi... Hindi naman alam ng mga magulang namin. So tawag tawag tawag. Hindi macontact nila Marion at Mik ang mga magulang nila.. Ayun.

Later on, kumain na lang kami. Bonding UPIS-HS at UPIS-elem ah. :)) At nagpicture picture kami sa loob ng SM Discovery Center. Nang-abuso kami ng mall. =)) Define abuso?
Maglaro sa elevator. Upuan ang mga bagay para magpicture. Magpicture ng todo. Alisin ang mga harang para sa picture. Pero binalik naman namin. Mangalikot ng kung ano ano. Magtaas ng paa sa loob ng parang sinehan. Mag ingay. Makakuha ng libreng krispy kreme! Makilaptop sa mga taong kakakilala lang. Haha!

Marami akong new friends kahapon. Nabond kami sa mga ate at kuyang taga PSYSC. taga UP lang din naman kasi sila kaya madali silang maka-bond. At sociable naman sila o kami, kaya ayun. Sila kuya klarence nga, sinasama ako sa mga picture/libot nila sa loob. Tapos nakikipicture din kami nila Mik sa mga ate at kuya ng PSYSC. Haha. Gusto ko na nga sila i-add sa FB eh. :p

Nag photo-op kami sa loob din, kaming mga UPIS people. Si Maam April, DIYOSA. =)) Haha! Ang cool kasi nung picture niya sa akin. At ang cool ng mga pinagagagawa namin.
Natulog kami ng 12:30 sa nakakahilong planetarium. Noong una, medyo mainit init pa. Noong gumising ako, super lamig na! Sobra! ICE AGE. Dumating daw kasi president ng SM at binuksan ang aircon. Nagpaulan din ng KRISPY KREME. Yun o. Mga 3:15 am yun. Nag-iingay na at nakikilaptop ako ng mga ganung oras. Di na ako natulog uli.

Umuwi kami ng 5:30. NagMRT kami. Yung MRT, parang nag on-and-off ang kuryente. Sa isang station... off... on.. off.. on. ayaw magstart ng MRT. pagdating sa next station ganun ulit. Pagdating sa next station, lipat na ng MRT. Nakakakaba yun ah. Pagkadating namin sa q.ave, hilong hilo na kami. Nahihilo na kami sa kahit anong makita namin, sa mabilis na kotse, sa mga kulay, ang sakit na ng ulo namin. Pagkadating ko sa may hardin, naglalakad ako pauwi, naiiyak iyak na ako at nababangag na ako ng sobra. Nagkakamot na ako ng ulo at papikit pikit akong naglalakad.... Hay.

Mga 7 am nakauwi rin. So conclusion: TRIPLE BONDED NA KAMI NILA MARION AT MIK! 24 hours kaming magkasama! Hay....

DEFINE PAHINGA? ------------ ano yun???
DEFINE STRESS? ------------- ah oo. alam na alam namin yun!!

Ingat guys. Hindi ko na-experience yung baha, fortunately. Pero balita ko maraming stranded at binaha so sana okay na kayong mga binaha at sana nakauwi na yung mga stranded. Good luck. Ingat.
:)



lovelovelove,
eLise.

Sunday, September 20, 2009

MathSciAka ROUND 2!

MathSciAka 2009
September 19, 2009
SM Mall of Asia.
SM Discovery Center/ Nido Event Center.

Round 2. Round 2 para sa akin dahil second time ko na tong mag-MathSciAka. :)

Ang mga kasama ay sina: Elise Rollon, Pat Diaz, Fatima Manuzon, Criza Calabon, Pauline Tiu. Mga ST na sina Sir Kenneth, Maam Lau, Maam Mhiles. =))

Syempre crammers nanaman kami. Alam niyo ba, kung dati 8:30 kami umuwi para sa mouse trap car, aba ngayon mas malala. 9:30 umalis ng school at nag commute ako mag-isa ng pauwi. Oha diba. Okay ba? 10:30 ako nakauwi ng bahay. So unlikely for me but the past few days, 10:30 pm ako nakakauwi kahit taga UP lang ako. Well, namiss ko ang dilim ng UPIS at namiss ko si rjoy at marion. Kasi wala akong kasama maglakad sa dilim kundi yung flashlight! At least may flashlight. :)

Nagpapasalamat ako kina Audri at Danaah. Para sa inyo ang laban na to! XD Dahil kahit hindi sila kasali, nakitulong sila ng matindi. Pero sorry talaga Danaah, hindi namin nasali yung spaghetti bridge kasi wala na talaga tayong pag-asa dun. At, sorry sa mouse trap car na nasira sa MRT audri.. Sorry.

By the way... Sisimulan ko ang kwento sa transportasyon papuntang MoA. Pag elem kasi talaga may kotse pag HS wala. So ganto, nag taxi kami papuntang MRT. Tapos.. nag MRT kami papuntang taft galing q.ave. Sosyal ano? MRT na lang ang transpo ngayon. At sobrang siksikan sa MRT eh deadly weapon yung mouse trap namin. Patay. Ayun. :\ Galing MRT, nag jaywalk kami para makatawid (may overpass kasi eh). Nag-abang ng taxi pero nag-jeep patungong MoA. (So marunong na ako mag commute pa-MoA ngayon. HAHA!)

Late kami. Syempre nauna elem, may kotse sila. Pagkarating ko dun, si kuya sa RC, si kuya jared... sinalubong agad ako... "kadarating niyo lang? bilisan niyo, matatapos na yung preliminary testing" at tinulak tulak niya ako. UNFORTUNATELY, disqualified yung mouse trap kasi daw bakal daw yun dapat daw kahoy at dapat daw 30 cm yung mouse trap kasama yung gulong... (ang balita ko kasi 30 cm yung body sa guidelines na binigay sakin). Tapos, hindi pa kami tapos sa hydro rocket. Kailangan namin ng cutter! Si maam Lau, nagPR... nanghiram ng cutter kay ateng naka-red. At ginawa namin ang fins, ginamitan ng karton ng epoxy. Oha... Resourceful! Boy scout talaga si pat. Haha!

Sabi ng nanay ni Pauline Tiu, na si Mrs Tiu... pag may napanalo daw kami kahit isa magpapa-pizza siya. So tandaan niyo yan ha?

Sa on the spot challenge, space rover... Ang galing! Kasi yung samin napagana at natapos naming agad. Same concept as mouse trap car. Well, magaling si pat sa mga ganyan eh. Si Pauline, magaling gumupit ng bilog, ako yung extra lang. Hahaha! Taga kaunting isip lang ako.. :p Haha. Tapos sa on the spot challenge nakita ko si carlo at yung mayabang na officer na isa...

Sa hydro rocket, dahil ayaw tumayo ng hydro rocket, ako yung taga hawak ng cork... Imagine, hydro rocket, hinahawakan yung cork, syempre given na mababasa ka diba. Buti na lang 4 day sale sa MoA! (as if nakabili ako ng damit) ganito ang kwento... 1st launch, napa-atras ako, basa braso ko.. 2nd launch, napa-atras ako, nabasa pa rin, may kasamang buhangin. 3rd launch.. WOOSH! nabasa ako, nabasa damit ko, likod. PANALO MEHN. At kami yung mga tipong tao na masayang masaya kahit alam naming hindi panalo ung hydro rocket namin, ang goal: ayaw naming mapahiya. ;)

At ang tagal ng oras na walang ginagawa pero dapat andun ka sa area. Naglunch kami sa KFC na super dikit dikit ng mga braso namin, ang sikip sikip, ang sarap kumain ng gravy. para kaming mga sardinas na kumakain ng manok. Hahahaha. Ano raaw?? Ayun. Hindi kami nakapag shopping, walang pera. o_O

May nagawa kaming kalokohan, ikkwento ko ba? Baka isumbong niyo yung blog ko sa mga pulis. HAHA! Diba 330 pesos entrance sa SM Discovery Center?? Grabe ang saya pala dun sa loob. Ang ganda... May mga robot robot pa and stuff.. Ang thrill pumasok dun, grabe yung thrill... baka kasi mapagalitan kami =))

Fast forward. Anyway pala, grabe kahit sino dinaldal ko sa MathSciAka na ito. Pumi-PR ako ah. Sabi nga ni kuya jared, kaunti lang ang mga taong FAB, POP. At kami raw yun. Mga publicity, membership chever officer. Okayy. At may ABS CBN dun. Kung gusto ko daw magpainterview, manalo daw dapat ako sa PSO... Ang daya ni kuya :\ Tapos si kuya, pinapakilala ako sa lahat ng PSYSC members na makita niya doon sa site. At si Ate AJ naman, nakipag-hug na sa akin agad. HAHA! Ano ba yun.

Tas dahil nga nakita ko si Carlo, nagdaldalan kami. At nerd pa rin ang tawag niya sakin. =)) Sayang yung mga projects nila, mukha namang magaganda. Oh well..

Fast fast forward forward. (matagal kasi yung gap). INTERACTIVE WORKSHOP. Pinakamasayang part yata. Maganda sana eh... perfect namin yung isang station sa physics! best time kami sa isang station, ganda ng mga scores namin... kaso patay patay lang sa chem kasi nagkukulang ako ng bond, sorry. at sa math, namind block kami yata ni pat. o ewan ko. pero kaya daw talaga kami natalo... kasi daw, may basketball dun sa game. eh ang sabi namin...

elise: "kuya, bakit may basketball? alam niyo namang hindi magaling doon ang UP eh."
kuya: "syempre, sadya yun."

syempre joke time lang yun at si kuya jared naman yun. kaya aliw lang.

FFForward tayo sa RESULTS. :)
Inter-active workshop: second place!!
On the spot challege : first place!!
OVERALL CHAMPION SA MATHSCIAKA:
UPIS (High School)
UPIS (Elem)

WOOOAAAAAAAAAH!!!!! :))

Super, woah! pano nangyari yun. HAHAHAHA! Grabe. for more kwento ask me na lang, tinatamad na ata ako magdaldal sa comp.

FFFORWARDFORWARD.
Conclusion: PIZZA! PIZZA! PIZZA!
At nanlibre ng pizza ang astig, astig ASTIG na nanay ni pauline tiu. (Tita Jane, ang astig mo talaga grabe, idol!) Ang daldal ni tita, ang cool niya. Nanlibre siyang pizza, 9:30 kami nakaalis ng MoA, nagtaxi pauwi 10:30 ako nakabalik ng bahay....

Nakakapagod na saturday yun. Grabe. Ngayon wala pa akong tulog.. Goodluck naman. ACET ko pa kanina.. hihi.

STOP.
:)



lovelovelove,
eLise.

it's you again.

ikaw ulit? ikaw nanaman? bakit ikaw nanaman??

yeah right. okay so 'malanding post' itong binabasa mo ngayon. kung ayaw mo ng kalandian sa buhay, shooo. dun ka sa kabilang post. o iclose mo na tong window. haha. joke lang, hindi naman ako malandi. amp, nahawa ako sa expression ni pachuchay (patchi) ng malandi. hahaha.

bakit kaya ganun, hindi naman ako kinikilig. hindi naman... pero may tanong ako...

bakit nung natutulog ako parang ayoko nang magising, nung magising ako hindi na ako makatulog?

anong kahibangan ang nangyayari??

Hindi ko gustong magsulat ng mahabang post... pero ito, may tanong ako na minsan tinatanong ko kay apol o kay mia... "bakit may gwapo nanaman?" yung tipong... hindi na siya gwapo dati, nung nakita mo ngayon, guwapo na ulit siya.

anyway, nakita ko yung new friend kong may itsura kahapon sa MoA. haha. at nagdaldalan kami as usual pero wala kaming picture. haggard daw siya. =))

si allan hindi ko na masyadong nakakasama o nakakausap. kamusta na kaya siya, hindi naman kasi niya ako tinetext. kung nagtetext lang sana sya, edi nag-unli ako. ERRRRR.

si nathan birthday ngayon. HAPPY BIRTHDAY NATHAN. Wala manlang siyang pakain. O baka dahil wala naman ako sa bahay. Dati yata pag may nagbibirthday sa hardin nagpaparty pa. Awwww. At naalala ko si Pau, Meg, Diego, Ate Yumi, Joey, aaaaaaaa. Okay namimiss ko na silang lahat bigla.

ayoko na nitong post na to. may namimiss akong maraming bagay.

btw, ang panget ng revival ni KC sa wag na wag mong sasabihin. nakakairita. tapos naalala ko memorable pala yung song sa akin kasi yung kaibigan ko dati... tinanong ako kung ano yung favorite song ko. eh ang sabi ko noon... "wag na wag mong sasabihin" ni kitchie nadal... tapos ang ginawa naman niya... inaral niya yung kanta tas tinugtog niya. tas wala lang. hindi ko na nakikita yung tao ngayon.

ARAY NAPAKWENTO SA BLOG.

itigil ang kahibangan.
-stop-
:)



lovelovelove,
eLise.

Wednesday, September 16, 2009

Ye-hey?

Nagbblog ako ngayon dahil ako ay nagdiriwang. Nagdiriwang ako at sa wakas natapos ko na rin ang ilang gabing paghihintay at pag-eedit para sa walang katapusang script ng FD. At mabuti naman sa ngayong araw na ito, kahit papaano ay nagkaroon ng katapusan. Pano nagkaroon ng katapusan? Ewan ko. Inedit ko nanaman. Nakuha ko na rin sa wakas ang unedited, oha, unedited script, yung first part na uber kulang. At namroblema nga ako ukol dun. Pero, ayos lang. Hindi naman ako nagagalit. Ginawa ko lang, ginawa at ginawa hanggang sa matapos ang lahat.

Ang ipinagtataka ko, elise, bakit ang haba ng pasensya mo? Bakit? Ha, bakit? Hindi ka naman ganyan diba, diba dapat hinarap mo agad yung tao at sabihing... HOY ANO BA NAIINIS NA AKO. Pero, bakit natiis mo yan, elise? Bakit? Anyway tapos na rin naman ang paggawa ko sa *bagay na yun* pero... bakit ko nga ba natiis, hindi ko alam. Baka dahil pare-pareho lang naman kaming namamatay dito at ayokong mamressure ng ibang tao. Pero ang akin lang, gusto kong malaman ang *tunay* na nangyayari. Yun lang. At, sa tingin ko, puro kasinungalingan ang kwentong narinig ko.... Pero hindi ko na inisip yun. Hindi pa rin ako nagalit.

In fairness, ewan ko kung para sa iba, toxic din ang FD kanina, pero super TOXIC siya para sakin. Hindi ko alam. Baka dahil ang gulo ng paligid, dahil iba iba ang mundo ng mga tao, auditions, committees, and stuff... Lahat ng tao may kung ano anong ginagawa at pinag-uusapan, na siguro may kinalaman naman sa FD. At kasabay sa ongoing auditions, maraming nagtatanong ng mga bagay na hindi ko naman masagot dahil sabog na ang utak ko. At ayun. Siguro dahil nahati ang utak ko at na-totorn ako sa kanina. At sa, hindi ko alam. Well, draining talaga kainna. Nakakapagod. Ayun. Mabuti na lamang, umunlad at umusad ang FD dahil siguro... ngayon lang ulit kami nakapag FD after several weeks dahil sa mga walang'yang suspension or whatevers. Sa wakas umasenso. Ang tanong: Kaya ba namin magpresent one month from now? Ohmygaaaaawd.

And anyway, kailangan kong mag-intro bukas about kay Nathaniel Cruz. Nga pala, Sci Soc thing pala bukas. Shete naman o. Anong gagawin ko ukol dun? Umaygad. Okay lang yan. Impromptu speech na lang, bukas ko pproblemahin.

Meron kasi ata akong uri ng pag-iisip na gusto ko isa isang problema muna. Hindi ko pinroproblema ang isang bagay hanggat sa di ko matapos problemahin yung isa. Kaya siguro matapos akong mabunutan ng isang tinik... yung isang tinik naman yung bubunutin ko.

Anong tinik ba yun? Hindi ko alam. Tinik ng isda? Haha! Anyway, sa tingin ko mga science cheverloos kasi yun. Kasi balita ko, MathSciAka sa isang araw.... tapos wala pang kasali sa MathSciAka. Umaygad. Balita ko, kailangan gumawa ng stuff para doon ah. Sa totoo lang, kami ni Marion, gusto mag-revenge. Haha. Si Felix at Pat kasi, may ACET. So wala atang ibang pwede, kung sakaling kami ulit yun... Hindi nanaman ako makakapagCAT. SHETE NAMAN O. Pero hindi ko iniisip na kami yun.

Wait lang, balik sa topic. Ano yung topic ng blog kong to? Sige nga hulaan mo. Hahaha! Ano, yung tinik. Ahaaa. Alam ko na, kasi kasi kasi... sa 26 kasi yung finals ng PSO sa MoA at nakaka-kaba yata kasi onting review pa lang kami. Hindi kami nagkakasabay ng tatlo, Mik marion ako. Kami ni Mik palagi. Haha. Kaaliw, kasabay ko na siya ng madalas. Awwww. Namiss ko siya, in fairness. Susubukan ko na lang talaga gawin ang aking makakaya. At namimiss ko na ang pag-uwi ng 7/8 pm mula sa UPIS!! At wala pa kaming grade 9 na kasama. OMJ! Walang ka-bonding na new friends. Kamiss ata si anjo, rjoy. ETC. haha. syempre dalawa lang sa previous PSO team yung namiss ko. at si maki, dahil kasama rin siya sa pag-uwi ng gabi. :p

By the way, grabe, grabe yung mga pag-uwi o these past few days. After ng amphitryon, mga 9:45 ata... Wala ng ikot jeep. So, naglakad kami ni nathan mula palma hanggang bahay, mga 10:00 pm na kami nakauwi. Oha! Tapang, pare! Tapos nung isang araw naman.... like, kahapon kasi yun. Nanood akong UP Symphonic Band sa College of Music, tas natapos ng mga 8:30 PM. Sabi ng nanay ko, umuwi na ko. Edi umuwi ako mag-isa. Ayun. Haha. Mag-isa ako sa ikot jeep. Bwahahaha. Grabe pare, ginagabi na ako ngayon. ODK, sana di mabasa ng magulang ko to.

Teka,ano na bang sinasabi ko? Hindi ko na alam ah. Pakwento na lang nung kinwento ko ah? Medyo sabog kasi utak ko ngayon. Kasi alam mo ba? Alam mo ba? Alam mo ba nga? Alam mo ba ngaaaaaa? Haha. Uminom kasi ako ng kape na may tsokolate o tsokolate na may kape. Ayun. EPEKTO. Gudlak, diba pare.

Ay, pare. Nagmumura na ako ngayon. Sabi ko kay Gon nung isang araw...
e: "Gago, Gon ang astig."
Gon: o_O "Hindi ka naman nagmumura dati ah."
e:"Ay shet oo nga noh... HAHAHAHAHAHA"

Tapos di matigilang tawa! Woooohoooooooooo!

OKAY BANGAG NA KO. STOP IT. STOP IT. STOP. IT.
stop right now, thank you very much.
:)



lovelovelove,
eLise.