ito ay isang blog entry tungkol sa nakakabigalang pangyayari na nabalitaan ko tungkol sa aking ama. nais ko lang sabihin na maraming pwedeng mangyari, kahit ano pwedeng mangyari, at ang lahat ay posible.
ang tatay ko, laging wala sa bahay. Lagi siyang umaalis, pumupunta ng kung saan saang lugar. Pumupuntang Cebu, Surigao, Iloilo, Guimaras, kahit saan. Kaya, nasanay na ako na wala siya sa bahay. Minsan umaalis na lamang siya at nagtataka ako na wala na siya sa bahay, pero sanay na rin naman na ako.
Noong isang gabi, magkasama pa lang kami at magkausap. At kinabukasan (kahapon iyon) ay pagkagising ko, wala na siya, umalis na patungong Cebu. Normal lang naman iyon. Mawawala na lamang siya bigla, at babalik. So, hindi ko na siya masyadong inaalala.
Kahapon ng gabi, bigla ko na lamang nabalitaan sa aking ina ang nangyari sa kanyang lubos na nakakagulat. Nadulas raw ang sinasakyan nilang van sa isang bangin at kamuntik na silang mahulog sa bangin. Silang lahat. Muntik na, Mabuti na lang at nasabit sila sa isang bagay (na hindi ko alam) at nakalabas sila ng van. May tumulong raw sa kanila. Matapos makalabas ay nahulog ang sasakyan pababa ng bangin. Kumbaga, SECOND LIFE na niya ito.
Nang mabalitaan ko ito'y lubos akong nagulat. Halos maiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Safe naman siya. Pero kahit na, maiyak-iyak ako nang nalaman ko ito. Hindi man lamang kami nagkakausap, at hindi man lamang ako nagpaalam sa kanya, ni hindi ko man lamang siya binabati ng "I love you" (tatay ko siya!), at paano kung natuluyan silang nahulog???
Lubos akong nag-alala. Lubos akong nakonsiyensya.
Nais ko lamang ibahagi sa inyo, na kahit ano talaga ay posibleng mangyari. Minsan kasi ay iniisip natin na, "sus, aksidente, hindi yan", pero kita naman natin na, eto, nangyayari na. Buti na lamang ay nakakaligtas.
Sa ating mga magulang at mga minamahal sa buhay, ipakita na natin sa kanila ang ating pagmamahal sa kanila habang nandito sila at nakakasama natin. Wag na tayong mag-away at kung ano man. Hindi natin alam kung kailan sila biglang mawawala... Wag na tayong magsayang ng oras..
Nagpapasalamat ako ng lubusan at nailigtas ang aking ama at ang kanyang mga kasama. Kahit na sabihin pa nating kaaway natin o may galit tayo sa ating mga magulang minsan, mag-aalala pa rin tayo para sa kanila. Kung hindi niyo yan nararamdaman ngayon, pwes, mararamdaman niyo rin.
Pahalagahan natin sila. Ipakita natin ang ating pagmamahal. Hindi natin alam baka tayo'y mahuli na lang...
(ayun, parang emo, pero hindi, totoo lang talaga)

♥♥♥
lovelovelove,
eLise.
♥♥♥
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.