Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, December 6, 2008

frustrated third placer...

Eureka! We are frustrated third placers. What a frustration. :/

Ewan ko na nga ba pero sobrang nakakafrustrate yung Eureka kanina! Third placer kami by ONE point, 9 points kasi yung 2nd place, tapos tie. So wala nang third place. Ewan ko.

Una, baka tinatanong niyo kung saan kami third. Kasi may "Eureka! The Xavier Challenge" sa Xavier, kanina. Isang parang amazing race na parang quiz bee. Paunahan makasagot sa bawat station. Pero sa una, elimination rounds.

Inaamin ko na namatay na naman ako sa elimination rounds. Mahirap. Ayon nga, "walang test na madali". Relative. Okay so ayun. Nagtataka ako't nakapasa pa kami. Sadyang magaling lang talaga ang UPIS at ang tshirt ko. :] Hehe.

Yung final round, ay parang fieldtrip sa Eureka. Well. Maraming stations. Anyway paulit ulit ng rooms. Pero stations stations. Parang MathSciAka. At nakakamatay yung mga ibang tanong. Tulad ng resistors (na hinula-hula-hoo ko na lang), calories (di ko pa yata alam yun), etcetera. Tapos nakatsamba ako sa pagcompute ng isang boiling point. WOOH. Di ko alam kung saan ko nakuha yung 0.62977... at dinagdagan ng 100. Go ADRENALINE RUSH.. :] At yung naka-3 points kami. Anyway, anyhow... The FINAL (last) STATION... Sobrang nakakainis kasi yung instructions. ANG LABO. Sabi yung ruler ay pang measure raw, e pwede pala, late kami nsabihan. Wala naman sinabing bawal ipitin, tapos. EWAN MALABO SILA. GRR. Kung maayos lang sila e di naging 2ND place pa kami! NAKO.

Anyway, okay na lang yun para sa akin. At least pantay kaming 8 points. Kasi kung di nasagot nila rjoy yung last station e di 8 kami, 5 sila. Madaya naman yun. At may magyayabang lalo. Ang yabang ata ng kateam ko e. Sorry naman. Kasalanan niya. Joseph, di ikaw ah. Haha! xD

Pero sayang na di kami nakaabot sa top 3 schools. (1st at 2nd place kasi.) Kasalanan yun ng Xavier. bitter ako. oo na. Pero may natalo kaming Pisay. Akalain niyo yun.

Masaya naman, kasi gumagana ang Adrenaline rush ko, at may kwenta ang hyperactivity ko. Sobrang galing ko magtaas ng kamay. (Magtaas lang ng kamay, yun lang.. at manghula, slight. hehe). At in fairness, as a team, nagkakasundo na kaming tatlo, kahit nakakahiya akong kateam sa sobrang hyper ko. Pasensya. At kahit nawawala tayo sa Ortigas kanina, masaya. Haha. Sana sa Greenhills tayo napadpad. :p

UPIS, kahit pangatlo lang tayo dito, magaling pa rin! Nakatsamba lang sila! HAHAHA.

Humahangin sa labas. Ang lamig. Hehe.

lovelovelove,
eLise.

No comments:

Post a Comment

Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.