blog? no. write? no. not in the mood.
"take a little look at the life of miss always invisible"
umm. I'm not in the mood, so why write? why?
My mind is not focused, so maybe I need to write first. I need to write? Umm. Hmm, maybe. Once you start writing you'll feel that you want to write.
Why did I NOT WANT to write? Hmm, kasi feeling ko, marami akong iba pang kailangang gawin o something, not focused yung utak ko, so parang, gusto kong gawin to, kailangan kong gawin yun, tapos tinatamad ang utak ko, bakasyon eh. I don't want to think about the past happenings. Nakakatamad eh. Sayang sa oras ba. Pero, baka kasi after ko mag blog, ayos na itong utak ko, tipong ready na. SANA. Malapit na rin ako magkaroon ng disorder ah, di na ko makafocus, siguro kasi bakasyon at naka-turn off ang mahiwagang utak na natutulog.
But it's 2009! Yes, it's 2009. I think kailangan nang magising ng utak ko. Gumising ka, utak! Gising na! Hindi ka pa ba nagising sa mga paputok na narinig mo, ang ingay na nga di ka pa nagising! Hmmm.
It is 2009.
Oo nga, 2009 na. Gising na ako. Ngayong 2009... Maraming mangyayari, malamang.... Pero, bago ko isipin ang mga mangyayari in the future, which is in the present year.. Alalahanin ko lang ang mga nangyari noong past year, which was like a week ago, 2008.
Sa taong 2008, ako ay nagpaalam sa ibang mga kaibigang nalayo sa akin at nakakilala ng mga bagong kaibigan. Nagpaalam na rin ako sa dating buhay upang humarap ng panibagong buhay. Sa taong 2008, nagpaalam ako sa minamahal kong dragonfly upang pagdating ng hunyo ay makilala ang panibagong seksyon na Gold, at mahal ko rin naman ang Gold. Natutuwa ako sa Gold dahil iba rin naman ang kalokohan ng seksyong iyon.. Nasanay at napamahal na rin sa seksyon. :]
Noong 2008, ako ay naging kabilang sa pamunuan ng Kamag-Aral, kung saan nagkaroon kami ng maraming trabaho, gawain, responsibilidad para sa akademikong taong 2008-2009 na di pa naman nagtatapos. Simula pa lang ng kampanya namin ay nabago na ang buhay ko. Nakilala at nakasama ko sina Ate Lou, Ate Geia, Ate Lesley, Dean, Makmak, Ninong Anjo, Joie, Ysay, Maam Diane, Jona. Noong summer, kami ay nagkasama sama para magmeeting sa aming mga proyekto. Kami rin ay nagtrabaho sa isang library, naglinis kami, kasama si Pat. Doon, nagkaroon kami ng sweldo at libreng pagkain. Naranasan naming magbuhat ng pagkadami daming libro. Pagdating ng Hunyo ay nagsimula na. Nagkaroon ng maraming gawain, may Club Fair, parada. Nagsimula na rin noon ang paglelead sa flag ceremony, lupa ako the whole time. Nagfacilitate rin kami ng madugong Leadership Camp, ang Bulusan, na sa tingin namin ay successful naman. Pagkatapos ng LC ay mayroon pang malaking project, ang UPIS Week, "UmPISa na!", na sadyang kay saya, at nakakapagod. Napakadami ng aming paghahanda doon, ang paglalakad sa Katipunan Avenue ng 2 oras, nakatayo, para sa booths, concessionaires, sponsors. Marami, marami. Mayroon pang t-shirt na ibinenta, na marami naman ang bumili. At sa lantern parade, nagtapos ang taon, na may pasok I mean...
Noong 2008 rin, nagpaalam na ako sa dalawang kaibigang, sina Meg at Pauline, na kasalukuyang nasa America na. Di ko na rin masyadong nakakasama sina Karina at Mara, di na kami nakukumpleto. Ngunit tuwing nakakasama ko sila ay nagiging masayang masaya ako. Kasi nga, namimiss ko talaga sila, hindi lang masyado nagkaroon ng pagkakataon par
a makasama sila ng mas madalas...
Noong 2008 rin, ako ay napasama at napatambay sa Science Department, kung saan nakilala at nakasama ko sina Rjoy, Marion, Maam Reg, Anjo, Maki, Joseph, Domeng, Nico. Masaya rin na makasama sila. Teammates ko si Joseph at si Domeng. Nanalo kami ng 1st place sa unang laban ko, at 3rd (sana!!) sa isang laban sa Xavier. Kahit ano pa man, okay lang, masaya naman pumunta at lumaban sa mga competitions. Iba ang UPIS eh. At saka, nasanay na kami nila Rjoy na pumunta sa scidept tuwing uwian at umuwi ng gabi na rin. Nag-aaral, nagkukulitan. Doon, napalapit ako kay Maam Reg at kay Rjoy. Lalo na kay Rjoy. Hmm. Hindi ko alam kung bakit kami nagkakasundo, siguro kasi pareho kaming weird. Pero nagpapasalamat ako ng marami dahil nagkakilala kami. Paano, kasi pareho kaming "nerd", hahaha, asa. Isang mabuting kaibigan, nakakatawang kasama, bangag, tulad ko lang din. Nagkakaintindihan kami, haha, diba Rjoy?
Ngayon nga, tulad ng sabi ko, ay 2009 na.
Ngayong 2009, balik eskwela nanaman. Pasukan nanaman. Periodic test, panibagong competition, panibagong mga responsibilidad, o balik dating responsibilidad, goodbye vacation. Sa Pebrero, prom na, at sana talaga nandoon si rjoy, at si pauline at si meg! Sa Marso, patapos na ang akademikong taon.... Sa Abril, magmamartsa na ang mga batch 2009....
APRIL 2009.
Ate Lou, Ate Geia, Ate Lesley, Makmak, Ninong Anjo, Dean, Joseph T, Jandel, Ate Xtin, Paeng,... Rjoy.. Sa iba pang mga 'o9 at lalo na sa mga 'o9 na naging malapit kong kaibigan at lagi kong nakakasama, lalo na sina Rjoy, Anjo, Maki, at ang iba pang mga KA, ate Lou, ate Geia, ate Lesley. Kayo ay magpapaalam na sa Abril. Graduation niyo na. Mawawala na kayo sa UPIS. Mamimiss ko talaga kayo! Maraming salamat at nagkakilala tayo at naging malapit na kaibigan ko kayo... Wag muna kayo umalis sa UPIS! Sulitin natin ang ilang buwan na nandito pa kayo, yey! :) [sa April na ako magddrama, ANO BA.]
... then comes May, review time. Sa June, 4th year na kami? Senior na? Ano?! Hahaha. Sa August, UPCAT? Ang bilis nga naman. Tapos next year, kami naman ang ggraduate, sa 2010. Nooooooooooo. Ayon nga kay ate Geia, "mabilis lang yan". At oo, naniniwala akong mabilis lang yan, yung grade 9 nga di ko namalayan eh, grade 10 pa kaya? Ayoko pa mag college, HIGH SCHOOL NEVER ENDS!! :]
Anyway....
Wake up really. 2009 na nga. :) So live this year to the fullest, stop thinking about, ang bilis bilis, i-enjoy na lang nating lahat! :]
ayon sa tokyo cafe, "ichigo ichie.."
♥♥♥
lovelovelove,
eLise.
eLise.
♥♥♥

No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.