Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, June 27, 2009

Nakuuu.

Lahat sila... AY MAY SAKIT.

Nakakainis noh? Lahat sila may sakit... Nagsimula kasi kay Renren, nagkaroon ng lagnat and stuff. So, lagnat, lagnat, lagnat for ilang days and so on... Nagsusuka, nagddrama, umiiyak, di makahinga. Ang arte. Sumunod si Wim... nagka-lagnat din. Tapos inaalagaan pa niya kuya niya... Tapos sumunod si Ate Edna, yung kasama namin sa bahay, nagkaroon ng sipon/ubo. Tapos kahapon, si Papa, nilalagnat, ang init init niya ah. Tapos gusto ko naman siyang alagaan pero may sakit siya at tinataboy nila ako kasi ayaw daw nilang mahawa ako....

At si mama nasa korea ngayon. Hindi niya ako sinama. PASSPORT KO KASI DAW EH. 3 years old pa yung passport ko eh. Cute pa nga ako dun eh. HAHAHAHA. Kaya bawal pa, di pa kasi nila ni-renew. Basta madaming dahilan daw. Hahaha. Hay nako, nako nako nako talaga. Ayoko na dito, gusto kong makitira sa ibang bahay. Ayoko kayang magkasakit....

kasi alam mo ba, 34 days na lang before upcat.. Mga 5 weekends before UPCAT. Pag ako nagkasakit sa UPCAT, grrr. patay tayo diyan.

Nabanggit ko yung UPCAT kasi may nanakot sa akin kahapon eh. Nabother ako tuloy. HAHAHA. Kasalanan kasi nung isa diyan. Grabe. Grabe. Kasi kasama ko tong sina rjoy, rodel at jowie kahapon. Tapos nanlibre ako ng shake kasi tapos sabi ko, "bigyan nyo na lang ako ng pamasahe.." kasi wala na akong barya. Binigyan ako ni rjoy ng 50 tapos sabi niya suklian ko na lang siya ng 25, eh wala kaya akong panukli. Tapos sabi niya...

"Hindi ka papasa ng UPCAT pag..."

Eh hindi pa natapos yung statement nagreact na ako! Hahahahaha. =)) Di ko na nga ata narinig yung the rest ng statement eh. Parang... "pag di mo ako binayaran.." Ewan, ang bangag kasi yata naming apat kahapon. Parang magkakasama kami tapos may four conversations na nangyayari ng sabay sabay eh. Hahahahaha.

Pero bakit ba ako napunta kasama silang tatlo kahapon?

Aha, kasi friday kahapon, tapos 2 pm ang uwian ko. Ang initial plans ko talaga, makipagkita sa mga review friends kong sina karla at pia at maye. Eh mukhang di makakasama si karla, so tinamad na ako. Hindi na kami manonood ng play ng Hervacio Tubulan ng Ateneo. Eh kasi, di ko naman sila kasama, so wag na lang. Tapos kukuha din ako dapat ng ACET form pero hindi naman ako masasamahan nung friend ko sa Ateneo, so wag na lang muna. Tsaka may sinasabi si Maam Arni at Joseph tungkol sa scholarship sa Ateneo, parang pag below 750,000 ang annual gross income ng parents, pwede pa daw yun. So... pupunta muna ako sa sinasabing talk ni maam arni, bago ko ayusin yung ateneo form. UP or die ako. Katulad ng sinabi ni Anjo, die part yung ateneo. Hindi ko talaga kakayanin ang tuition dun without scholarships.

So, plans cancelled. Nakita ko si Jansen at Joseph kahapon sa UPIS so, nagpasama ako sa kanila sa BPI para mag-deposit ng 210.00 doon sa binilhan ko ng jelly lens online. Di kasi ako marunong mag deposit, first time ko kahapon. Hehehehe. Bago pumuntang BPI, dumaan kaming AS steps, napasama sa amin si domeng at si adri (?? tama ba, di kami close eh.). Okay so, haynako. Wala lang. Basta. Tapos sumakay kaming katipunan jeep kasi walang 09 noon sa AS steps. 2 30 pa lang kasi ata nun eh. Pagka-sakay namin ng Katipunan jeep, NASUGATAN NANAMAN AKO. Dalawang beses na yun kahapon ah. Una, sa ikot jeep, pangalawa sa katipunan jeep. o_O..

Nagpalamig kami sandali sa BPI pagkatapos kong magdeposit. Tapos naglakad kami papuntang Petron... Nanlibre si Jansen, nilibre niya kong ice cream. Hahaha. Swirly Bitz. Tapos nagkkwento lang sila pareho tungkol sa college life nila... At nakaka-nose bleed na si Joseph ngayon, hindi na science ang nosebleed sa kanya... GERMAN... kh..kh..kh.. hahahaha. :p Nakakaaliw si Joseph lang, naaalala ko yung grade 9 na magka-team pa kami. Tapos si Jansen naman, naaalala ko lang yung grade 9 na magkasama kami pag umaga.

After Petron, lakarin ang UPIS... na hindi na "walking distance" kasi... wala nang ma-wa-walk-an sa tabi. Kasabay mong maglalakad ang mga truck. Goodluck na lang ha? Kaya ayun.. Tapos AS steps, maraming 09 akong nakita dun. Kahit hindi taga-UP na nag-aaral, dun pa rin tumatambay... Ang o10 kaya?? Hmm. Tapos ayun na nga... kasama ko sina rjoy jowie rodel pagkatapos.

Grabe, sa mga nangyayari recently... Wala akong makwento tungkol sa grade 10 life. Wala pang interesting masyado except for the teachers na di ko pa nagiging teacher dati, tulad nila maam flor, maam villegas.. Tapos, feeling ko, grade 9 pa din ako. Kung hindi lang kinukwento ng mga to na college na sila, hindi ko marerealize na grade 10 na ako. Haha. Kahapon ko lang narealize ata eh... Hindi ko alam. Ewan ko...

Yung math 60 ni rjoy... hindi naman yun ata MATH60 eh. 70 items ata? yun. MATH70 ata yun eh! Hahahaha. Nung sa Engg steps kami, wala akong masagot na isa... Hindi ko alam kung bakit, ano bang umaandar sa utak ko nun.. Parang out of the world ako. Hahaha. Naiintindihan niyo ko? Parang.. late reaction akong ewan na tumititig sa equation.. parang.. HUH? EWAN. Basta, basta pagdating ko sa bahay, sinolve ko yung mga equations doon sa 70 items ata. Ayun... Nagsolve ako ng ilang items tapos nakatulog akong nasa ulo ko yung mga equations... Sana tumalino ako dahil nakatulog ako with the equations on my head noh? Hahahaha!!

Ay basta...

click here to COMMENT!!
:)


lovelovelove,
eLise.

No comments:

Post a Comment

Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.