Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Thursday, September 6, 2012

Unwanted Rants


I swore to myself that I'm not going to rant anymore.

But I've reached my limit. Ang sakit na sa chest ng kinikimkim kong 'to.

Guys, sorry na. Isipin niyo mang tamad ako o maarte wala akong pakialam. Pero naiinis na kasi talaga ako eh. Hayaan niyo nalang muna ako sa rants ko. Blog ko naman to diba?

Ilang buwan na rin kaming walang kasama sa bahay at nagdecide na yung mga magulang ko na wag nang kumuha ng katulong para matrain daw kaming tatlong magkakapatid. Okay lang naman sakin, may point naman, na matrain sana kaming tatlo. Kailangan lang talaga ng proper time management ng aming buong pamilya para may maiiwan na tao sa bahay para sa aking mga kapatid.

So nung una, okay pa. Umuuwi ako ng 1 para sa kapatid ko tapos pumapasok ulit ng 4 pm sa aking IE3 class kahit gano man kahassle yun. Kapag may org meetings ako, I just make sure na may tao sa bahay for my brothers. Pag walang tao sa bahay, hindi pwedeng umalis. Kaming tatlo ng mga magulang ko, busy people kami. Marami silang class, meetings, etc. So dumarating sa point na marami nang conflict, tapos napagsasabihan ako ng mga magulang ko na lagi akong wala sa bahay at di raw nila ako nakikita, wala akong naitutulong masyado.. So dahil pati Saturday Sunday ay may org events minsan, ginive up ko na talaga yung Sunday for family day, para makabonding ko naman sila at makatulong naman ako sa bahay at magawa ko rin yung personal stuff ko. At dumating na rin sa point na ginive up ko yung mismong org dahil sa Sunday and time issues na yan.

So I'm trying my best to help with the house chores... na nagiging main issue ngayon sa bahay. Ito yung nakakapuno eh. Sinusubukan ko namang tumulong, naglalaba ako pag may time ako, naghuhugas, nagluluto, nagwawalis, nag-aayos ng magulo naming bahay... Kapag walang nagsasabi sa akin. Naiinis kasi ako kapag sinisigawan ako at pagalit kaagad. Pwede naman sanang sabihin ng mahinahon, mag-antay lang, gagawin ko naman. Naiinis ako kapag nag-aaral ako, tas biglang out of nowhere, magagalit sa akin dahil may natira daw na hugasan sa kusina (which is dahil late silang umuwi), mali daw yung ginawa ko, bakit daw ganto ganyan, ni hindi ko na nga maintindihan! Basta galit! Galit lagi. Nakakainis yung feeling na parang ikaw yung tamad at walang ginagawa sa bahay lagi. Nakakabwisit.

Isa pang kinaiinisan ko, ay yung mga hugasan lagi na nasa kusina. I mean, okay fine. Dapat naghuhugas ako, siguro toka ko nga talaga yung sa umaga, pero di ko nahuhugasan kasi ang aga ng pasok ko at malalate na nga ako. Okay fine, kasalanan kong di ako nagigising ng mas maaga. Pero sinusubukan ko naman, at di lang makahugas kasi hindi pa tapos kumain lahat o nagmamadali na. Sila, mas nahuhuli naman silang umalis sa akin, di ko magets kung bakit di nila hinuhugasan nalang bago umalis. Si papa, naggigitara lang naman siya sa umaga. Bakit kaya di siya maghugas rin? Tas yung mga boys, mas maaga silang dumarating sa bahay kesa sa akin, tas akong late na nakakauwi dahil late ang tapos ng class ang inaasahang maghugas ng lahat ng plato from breakfast to dinner?! Ni hindi nga ako nakakapagbreakfast at dinner sa bahay minsan eh! Tapos sasabihin sayo na "babasagin ko yang mga platong yan!" Hindi ako nagmumura pero ang sarap nang magmura sa mga panahong to. Nakakainis lang.

Sa totoo lang, medyo nawawalan na ako ng gana sa pag-aaral dahil sa mga pangyayaring to. Kasi naman, ang feeling ko, parang ang wala kong kwenta. Kasi alam mo yung naghihirap ka sinusubukan mong mag-aral ng matindi kasi ang hirap ng subjects mo tas bigla kang sisigawan na bakit ka nasa taas or bakit ka nagfafacebook or whatever na random things tungkol sa bahay or anything. Parang ano na lang ba? Di ko na talaga gets eh. Minsan nga parang ayoko nang umuwi ng bahay. Parang wala rin namang pahinga dito dahil sa mga pagalit nila.

Oo alam ko, ako ang panganay at ako lang ang babae. Pero bakit ganun? Ako lang ba anak niyo? Bakit lahat nalang ng stress niyo, kaguluhan sa bahay, kasalanan ng mga kapatid ko, ako ang may kasalanan? Pati ba naman homework na di nila nagawa?

Alam ko ako yung smiling and optimistic person. Ganun pa rin naman ata ako pag wala sa bahay. Pero, dito sa bahay, medyo tumataray na ako. Medyo nagagalit na nga rin sakin yung mga kapatid ko eh. Kasi napapagalitan ko sila. Nakakainis rin naman kasi pag di sila sumusunod. Medyo di mo mapipigilang magtaray. Pero alam mo yun, maski ako, I MISS MYSELF. na hindi ganto.
Sa labas, parang okay lang ako. Masaya naman ako. Pero deep inside, may nakatagong inis and everything... Di ko alam kung suwail na anak na ba ako o kung ano. There's a heavy feeling inside my heart.
I don't know what I'm going to do. :/



♥♥♥
lovelovelove, eLise.
♥♥♥

No comments:

Post a Comment

Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.