Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, October 24, 2009

Somewhere

Kaninang umaga, ginanap ang aking recital. Voice recital sa college of music. Kasi nag-vovoice lessons ako diba, so kanina ginanap yung recital/finale para dun. Ang saya nga eh. Nagbunga ang isang sem kong pagkanta. :))

Nakakainis, may mga sablay sa araw na to. Like, sumablay yung piano kaya medyo sumablay din ako sa isang part.... halata ba? Halatang halata ko e. Tas yung pag video pa super layo so di masyadong kita yung mukha ko. Kamusta naman yun diba. Pero rinig boses ko kahit ang layo. At wala akong picture. Madaya si papa. TSK.

Pero overall, maganda naman daw. Mataas at powerful daw boses ko sabi ng tatay ko. Pinost ko sya sa youtube eh. So maraming nakakapanood... Kasi pinost ko din sa FB. Tas pinapanood ko sa kanila, sa YM. AYON. :)) Hehehe.

Eto panoorin mo.. Sabihin mo kng maganda.



:)




lovelovelove,
eLise.

Wednesday, October 14, 2009

Lave Mo ~ Catering

Lave Mo ~ I love you Mo Lave :)

Ngayong araw ay function day naming mga Molave. Kami ay nagserve ng pagkain para sa 100 katao for 100 php each. Ang mahal ba? Akala niyo lang yun! Ang aming menu ay:

Pot Roast
Tuna Pasta
Chocolate Éclair
Dinner Rolls

Ano nga ba ang theme ng aming function? Ah basta, basta SOSYAL! Yan ang sagot ng mga Mo Laves pag tinatanong kami kung anong theme. Well, malay ko nga ba kung anong tawag diyan. Italian ba? Hahaha! Hindi rin ata.

Grabe, dahil sa function, para kong 24 hours nagluluto. Mula hapon hanggang next hapon? Haha! Garabeto. Super! Hindi naman ako nagsawa niyan sa pagluluto e no? Busog na yata ako bago pa ako kumain ng mga pagkain....

Simulan ko storya kahapon. Kasi kahapon, dapat diretso uwi na ko after ng Math. Kasi dapat magluluto na kami sa bahay. So nagpaalam ako kay maam flor... kung pwede bang umalis at next week na mag practicals sa CC. At sobrang... shoot! Kagulat gulat yata ang reaksyon niya?! Last day na pala yata ng practicals kahapon at pag di kami nag practicals, over 50 na lang kami...So parang. Sh*t babagsak akong CC?! Parang what the hell?! Tapos hinahanap ko si Michelle ng bongga, di ko sya mahanap at sobrang kinakabahan na ako, bago pa kasi ako mag decide na uuwi ako agad, kabado na ako sa CC namin, so parang.... mare, where are you na. Go na dali! Mabuti naman uso ang cellphone, este ang pang-aarbor ng cellphone para makitext (salamat ha?).... nagpakita si mare, at may dala na siyang gata! Nice one! At lets go CC, habol tayo! Naiwan pa namin yung recipe kaya nirewrite ni mare. Bahala na mapagalitan, basta pasado! Okay na magka 84 kaysa highest possible na 50, ano.

Erase erase. At least tapos na ang CC. Unit test na lang yata. Akala ko pa naman pagkatapos ng practicals, okay na okay na. Well, anyway.

So ayun ipagpalagay na nating umuwi na ako agad sa bahay at dumeretso sa kabilang bahay. Grabe! Pagkauwi ko ng bahay, bihis, apron. Punta kila nathan. Tapos makitulong sa paggawa dun ng mga bagay bagay. Chop chop chop ng garlic and everything. Mabuti at hindi ako nag onions, dahil IYAKIN ako sa sibuyas! :((

And so kailangan magsabay na magluto ng Pot Roast kasi sa pagkakaalam ko o namin, 1 1/2 hours yun. Grabe lang. Ang sabi 1 1/2 hours, umabot kaya ng 3 hours para sobrang maging malambot siya. Syempre di naman kami magseserve ng parang bubble gum pag kinain no. Grabe lang, grabe talaga! Yung Pot Roast, kasi yung recipe for 100 people, e by batches, so tinantsa ko na lang yung kung ilang kilo ba yung niluluto ko kaya ilan ba yung ganyan ganyan.... In fairness, first time ko ata lutuin to, pero... pero masarap naman ata. Malambot naman daw.

Siguro mga 8:30 umuwi kagabi yung mga di taga-UP, tapos mga 10:30 ata umuwi yung mga taga UP... tapos ako, galing sa bahay nila Nathan mga 11:30... haha. Kasi naman, ang tagal talaga ng Pot Roast tapos ang dami naming niluluto. So ayun. Bonding! Parang nung mga bata lang kami ah. Pasok lang ako sa bahay namin at pasok lang siya sa bahay namin ng walang katok. Di na uso e no?

So pagdating ko ng bahay, ayos ayos ng mga gamit, tapos tulog, bagsak na ko ng 12 mn. Grabeee. Ayun. Tapos habang natutulog ako, nakakarinig ako ng tumatawag sakin ng ELISE, akala ko tatay ko... Tapos ayaw ko pang gumising kasi feeling ko hindi pa umaga... Akala ko maaga pa.. Tapos parang... May tumatawag sa bahay namin ng di tumitigil. Effective! nagising ako dahil sa landline calls! Kasi binaba ko yung tawag, sinagot ko, si Nathan nga. So sya pala yung nag-intrude sa panaginip ko.. At 4:30 am, nasa bahay na siya at nagrereheat na kami ng Pot Roast.
Sobrang sabog ko din nung umaga. Kung sabog si Nate, ako din. Grabe, ang dami kong natatapong tubig/sauce. Mabuti nga at tubig o sauce lang yung natatapon ko eh. Grabe talaga, antok pa. Sobrang nakakapagod kasi yung cooking kahapon eh. So ayun. Talagang masasabog ka... Si nathan sabog kasi... kasi ayun.

Grabe, 7 AM kami umalis ng bahay, eh balita ko 7 AM ang klase. So delinquente na rin pala akong estudyante ngayon? Haha! So syempre, kailangang ayusin yung stuff and all, so ayun 7:30 nakapasok ng Algeb. Tapos pagkapasok ko, di ko alam kung ano yung pinapag-aralan. DI KO GETS. OMG. Parang.... "ano yang triangle na yan?!..... Tatlong airplane na nagbabanggaan?" Weird lang talaga.

Fast forward na nga. Tinatamad na ko.

Nagluto kami ng gravy. Nagdish-out kami ng 100 plates. Ang ganda ng decors ng multi. May red table cloth tapos walang ilaw kundi floating candles. Romantic touch. Tapos bossa nova yung music. Ang cool.

Masarap daw yung Pot Roast. Malabnaw yung gravy. Mahirap hiwain pero malambot sa bibig. Sabi ni maam flor may mali daw sa Tuna Pasta. Pero 3 cups flour naman talaga yun. So sabi niya malabnaw yung sauce. Pero masarap yung tuna talaga. Masarap yung tuna pasta. Overcooked daw yung veggies, pero ayos lang. Masarap chocolate eclair.

Sobrang nakakabusog ng menu namin pala. Grabe kahit chocolate eclair na super sarap di ko na makain eh. Sayang.

So conclusion or whatever:

Napasaya ng function na to ang araw ko! Actually masaya na ako sa thought na masarap yung luto ko at yung sa accomplishment na nakaya naming magluto for 100 people at binebenta yun. kahit walang kita...

basta MASAYA.

at isa pa:
nabunutan na ko ng isang tinik. WOOOHOOO!:)




lovelovelove,
eLise.

Saturday, October 10, 2009

E L I S E

Ang blog na ito ay dedicated sa write up na ginawa ng dalawa sa aking mga mabubuting kaibigan para sa akin. ito ay kinompile ko... nung isang beses ng physics. hahaha. nung araw na hindi ako nakikinig dahil brownout. o sige na. next blog ay for daldal mode ko na, ito ay para sa writeup ko pa eh. haha.

How would you name a science geek, a math wizard, and a comedienne, all combined into one person? That would probably be named Elise.

Elise is one of the smartest students in the batch. She is very studious, responsible and hardworking. Brilliant, bright and beautiful, everything about her sets her apart from others. Elise is unique. Music is Elise, Elise is music, you’ll rarely find the two apart, considering how Elise is such a wonderful singer.

But, if there’s one thing that you would not forget about this person is her “forever bangag” attitude. Smiling is second nature to her, like the famous Energizer bunny, she seems to have an unlimited supply of energy. She loves to laugh, eat, cook and share all her fun experiences. She seldom frowns, as she believes that happiness comes from the simplest and most shallow things in life. She always thinks positive and always seems to be enthusiastic of doing many new things. She loves to take pictures and she is composed around other people. She is always willing to meet new people, her optimistic nature just draws people toward her.

But Elise is never Elise if you don’t mention her friends, the people she loves the most. A friend’s pain is her sadness, a friend’s joy is her happiness, a friend’s problem is a problem to be solved together, that’s the way Elise thinks. Whatever the world threw at her, she held her head high and taught her friends to do the same. One thing you’ll always look for is her smile. “Good luck.”, “I’m here for you”, “You’re not alone”, Elise’ smile says it all.

--------------------
maraming salamat sa mga gumawa nito. sige na nga, i'll reveal na. salamat kenneth at mikmik. at sorry kung "murdered" yung gawa niyo sa akin....
ginawan din ako ni amae ng something... at nakakatouch.... kaso di ko alam kung paano ko siya isasama... masyado akong natuwa na namimiss niya na rin ako...
---------------------

AMAE's version :)

Miss na miss ko na itong babaeng ito. Lalong lalo na dahil isa siya sa mga taong walang sawang nagpapabalik sa akin. Lumaki ako kasama niya, nakita ko kung gaano kalaki ang pinagbago niya sa pagdaan ng panahon. Mula sa batang babaeng mahiyain at halos di lumalabas ng bahay na ngayo’y naging napakalakwatsera at masayahin. Marami na siyang naitulong sa akin at masuwerte akong naging kaibigan ko siya. I’m rooting for you all the way.
..... I love you megay. :)

-----------------
Kung gusto niyo akong gawan ng write-up, you can still do so.
Pauline, Karina, Mara, Rjoy, kung balak nyo akong gawan. Sige lang... I'll keep it still. Nangungulit lang talaga MC kaya pinasa ko na. Maganda naman yung composition daw eh... :)

I LOVE YOU ALL! :)
:)



lovelovelove,
eLise.

Sunday, September 27, 2009

PSO finals / instant camping sa mall of asia!

THE MOST MEMORABLE PSYSC EVENT EVER.

Kahapon, September 26, 2009, nagkita kita kami nila Marion, Mik, at Maam Glench sa Mcdo ng 6:30 para pumunta sa Mall of Asia... para sa PSO Finals. Malakas ang ulan noong umaga at hinatid kami ng tatay ko sa mall of asia. Medyo bumabaha baha na noon sa ilang lugar na nadadaanan namin at medyo nagsisimula na ang traffic.

Pagdating namin sa mall of asia, ang lakas ng ulan. Yung mga signs at stuff sa mall of asia, gumegewang. Gumagalaw ng matindi, hinahangin ng matindi. Yung floor sa mall of asia, nababasa ng ulan. Grabeng lakas ng ulan at hangin noon.

Nagsimula ang contest proper. Sa Finals kasi, sa top 20, magbabawas pa ng sampu. So nagkaroon ng practical test. Sa practical test, TAWA KAMI NG TAWA. FYI: Hindi kami tumatawa dahil alam namin ang sagot; tumatawa kami kasi natatanga na kami sa mga lumalabas na dapat gawin sa Finals. Tulad nung Chem, tawa kami ng tawa kasi hindi na namin alam yung mga beta at sigma bonds yata, resonance structure, structure ng NH(CH3)(CBr... something. Ang haba eh. Tapos sa practical test lang ako natuto gumamit ng breadboard sa resistors, in fairness.. tama daw ginawa ko. Sa IT, gumawa kami ng LAN cable. :\ Marami pa kaming kabaliwan sa buhay noon. Pero kahit anong mangyari, tawa pa rin kami ng tawa.

Sa written test naman, kami na ata ang pinakamadaldal at pinakamaingay at pinakamasayang team. Well, lagi naman eh. Gusto lang talaga naming magsaya. :) Sa written test, patay patay nanaman kami sa Chem, kasi hindi naman kami yung mga taong NERDY para mangabisado ng PERIODIC TABLE!!! :(( Pero bumawi kami sa IT kasi binary code yung pinagawa. Swerte namin dahil minahal ko yung 0 at 1 at yung binary code.

Kumain kami sa tokyo tokyo. Malakas pa rin ang ulan at hangin. Matagal kaming naghintay para sa High School Finals.

Sa totoo lang, akala namin, wala kami masyadong pag-asa. Pero ang motto namin, HAVE FAITH. Manalig ka! At narinig namin ang pangalang UPIS na second to the last na binanggit... Kasama namin ang 4 na Pisay campus and all.

6th pala yung ranking namin sa preliminary eliminations. Pagdating sa mismong quiz bee... Patay patay kami sa Chem! Ang daming sayang... napapatay kami ng mga killer questions ng chem kaya hindi na namin dinadare nung bandang dulo. Ang dami talagang sayang, tulad ng 40 na dapat ay -40. Tulad ng 0.13pi na dapat 0.13 lang. Tulad ng... apical meristem na meristem lang. Ng lactase na dapat prolactin. Mga ganun... SAYANG TALAGA.

Biglang may nag announce na... lahat ng coaches and parents pumunta sa events center dahil sa isang SERIOUS announcement. At nakakatakot ang mukha/expression ni ate AJ. Medyo nafe-feel na namin, pinroproblema namin kung pano kami uuwi dahil alam naming marami ang binabaha. So, noong bandang dulo nawawalan na daw ng drive si Marion at Mik... At ako naman.. "tatapusin natin to." Pero maski ako, nawawala na yung concentration ko. Yung mga chem problems, hindi ko na masolve. Yung mga feeling ko... alam ko dati, di ko na malaman. Nakaka-mind block... Pasalamat ang Pisay Bicol, CMC, SMC, at Zamboanga na wala silang pinroproblemang mga ganun.

5th kami. 5th ang UPIS nationwide. Sabi nila malaking achievement na rin raw yun. Kasi ang first ay Zamboanga Chong Hua, tapos Pisay CMC, Pisay SMC, Pisay Bicol, tapos UPIS. Malaki na daw yun. Ang big regret ko naman doon ay... pwede kasi talaga kaming manalo. 10 points lang kasi ang difference sa first. Kung nagkiller question kami at tumama... Sana... Pero kung nagkiller question at namali... PATAY TALAGA. It's all or nothing. Eh ramdam na namin na hindi na gagana ng matino yung mga utak namin... So I guess... that's just the way it is.

Pagkatapos ng event ang mas pinroproblema at mas nagsisink in sa utak namin ay yung pag-uwi at yung mga magulang namin kaysa sa pagkapanalo o pagkatalo namin. Whatever you call it. Nalaman namin na mag-oovernight kami sa mall of asia. Nakakapanic siya kasi... Hindi naman alam ng mga magulang namin. So tawag tawag tawag. Hindi macontact nila Marion at Mik ang mga magulang nila.. Ayun.

Later on, kumain na lang kami. Bonding UPIS-HS at UPIS-elem ah. :)) At nagpicture picture kami sa loob ng SM Discovery Center. Nang-abuso kami ng mall. =)) Define abuso?
Maglaro sa elevator. Upuan ang mga bagay para magpicture. Magpicture ng todo. Alisin ang mga harang para sa picture. Pero binalik naman namin. Mangalikot ng kung ano ano. Magtaas ng paa sa loob ng parang sinehan. Mag ingay. Makakuha ng libreng krispy kreme! Makilaptop sa mga taong kakakilala lang. Haha!

Marami akong new friends kahapon. Nabond kami sa mga ate at kuyang taga PSYSC. taga UP lang din naman kasi sila kaya madali silang maka-bond. At sociable naman sila o kami, kaya ayun. Sila kuya klarence nga, sinasama ako sa mga picture/libot nila sa loob. Tapos nakikipicture din kami nila Mik sa mga ate at kuya ng PSYSC. Haha. Gusto ko na nga sila i-add sa FB eh. :p

Nag photo-op kami sa loob din, kaming mga UPIS people. Si Maam April, DIYOSA. =)) Haha! Ang cool kasi nung picture niya sa akin. At ang cool ng mga pinagagagawa namin.
Natulog kami ng 12:30 sa nakakahilong planetarium. Noong una, medyo mainit init pa. Noong gumising ako, super lamig na! Sobra! ICE AGE. Dumating daw kasi president ng SM at binuksan ang aircon. Nagpaulan din ng KRISPY KREME. Yun o. Mga 3:15 am yun. Nag-iingay na at nakikilaptop ako ng mga ganung oras. Di na ako natulog uli.

Umuwi kami ng 5:30. NagMRT kami. Yung MRT, parang nag on-and-off ang kuryente. Sa isang station... off... on.. off.. on. ayaw magstart ng MRT. pagdating sa next station ganun ulit. Pagdating sa next station, lipat na ng MRT. Nakakakaba yun ah. Pagkadating namin sa q.ave, hilong hilo na kami. Nahihilo na kami sa kahit anong makita namin, sa mabilis na kotse, sa mga kulay, ang sakit na ng ulo namin. Pagkadating ko sa may hardin, naglalakad ako pauwi, naiiyak iyak na ako at nababangag na ako ng sobra. Nagkakamot na ako ng ulo at papikit pikit akong naglalakad.... Hay.

Mga 7 am nakauwi rin. So conclusion: TRIPLE BONDED NA KAMI NILA MARION AT MIK! 24 hours kaming magkasama! Hay....

DEFINE PAHINGA? ------------ ano yun???
DEFINE STRESS? ------------- ah oo. alam na alam namin yun!!

Ingat guys. Hindi ko na-experience yung baha, fortunately. Pero balita ko maraming stranded at binaha so sana okay na kayong mga binaha at sana nakauwi na yung mga stranded. Good luck. Ingat.
:)



lovelovelove,
eLise.