Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, February 27, 2010

eCATALYST: Youth’s Energy for the World: Renewable Energy for Mankind Regional Summit

eCATALYST: Youth’s Energy for the World: Renewable Energy for Mankind Regional Summit

Ito yung event na pinaghahandaan namin. Go regional council! GO PSYSC!:)



lovelovelove,
eLise.

Tuesday, December 29, 2009

North Adventure

North Adventure with Mark, Gab Borjal, Lara Cruz.

Isang astig na araw sa inyong lahat. Ito ay isang kakaibang lakwatsa kasi ang dami naming first time experience.

Planado itong araw na to. 9am sa elem. Nagising ako, 8:30, panalo! Wahahaha. Kailangan ko pang maligo at lahat at kailangan ko pang tumugtog ng piano para makapagpractice bago pumunta sa aking piano lesson sa trinoma. Wahahahah. XD 8:30 ako nagising eh.. Kain ligo bihis piano pa. Super tagal. Mga 9:45 paalis na ko ng bahay, naglalakad na ko paaalis... nakasalubong ko sina Mark papunta sila sa bahay ko. Hahahah! kaya ayun, pumunta na lang muna kami ulit sa bahay ko. Tumambay kami sa kwarto ko. Hahaha. Buti na lang talaga hindi sila nagsucceed sa pagkuha ng cellphone kong smart kasi ang tindi nun kung mabubuksan nila yun. Parang all secrets revealed. JOKE! Duahahahaha. XD

Wala kaming magawa talaga. Nag-iisip pa kami ng gagawin. Nung tinanong nila ko, sabi nila bowling! hahaha! yung mga magulang ko naman, binigyan ako ng pera pang-order ng pizza. Sabi ko naman, magbobowling kami sa SM North. Kaya nagpunta agad kami ng SM north, at bago yun tinanggap ko ang pera.

First time magbowling ng mga loko. Wahaha. At ako, kahit di ko first time, di ako magaling. Siguro kung magaling tsumamba pwede pa. Wahahaha. :)) So ang dami naming kanal. Ang dami naming mga maling tira. Mga nahuhulog na bola. Benta talaga. May nawawalan na ng pride etc eh. Wahahaha. Nakakatawa kasi yung unang game panalo kami ni Lara. 140+ ata yung score namin eh. Tapos 100+ sila Gab. Dahil syempre hindi magpapatalo ang mga lalaking ito, nag second game kami. Sa second game naman, madami kaming kanal ni Lara. grabe bumaliktad yung game. Wahaha. Si gab grabe, ang daming spare/strike. Wahahaha. Ako may spare pero walang strike. Duahahaha. grabe ang saya mag bowling. First time, kakaibang laro siya eh. Di ordinaryo. nakatuwa. nakakaadik ba? ewan. nakakatuwa. wahahaha. :))

Bill naming apat: 920. Hahaha. 230 each kami. 100 per game kasi. Tapos 30 yung shoe rental. Kaya ayun. Okay naman. Pag naadik ka lang at ayaw mong tumigil ng kakalaro, tataas yung bill mo.

Kung nagbilliards na lang kaya kami? 210/hour/table. Ahahaha. Ayaw, masyadong kailangan mag-isip sa billiards eh. Kakabilliards ko lang kahapon e. Pag di mo mashoot, "elise! basic lang yun ah! physics yun eh. ay geometry. ay physics din nga!".... grabe. demanding. wahahaha. pero in fairness marunong ako magbilliards no!

after nun, nag Wendy's kami. Take out ako. Kumain sila. Nagpunta akong Lyric Trinoma. Dulo dulo amp. Wahaha. Malayo din pala ang Trinoma sa SM annex. Wahaha. Nakakapagod. 15 minutes kung normal na lakad.

Pagdating ko sa Lyric, ayos naman yung lesson. Hahaha. Pinaalala lang sakin na importante na even yung beat. Hahahah. :)) At sabi sakin ng teacher ko. Ang sikreto lang daw sa piano ay practice, so I wish gumaling ako sa piano. Nainspire ako dun. :)

Pagkatapos ko mag piano lessons, hinanap ko sina Mark. Guess where? Hahaha. Sa computer shop malapit sa timezone. Wahahaa. Nung una parang clueless lang ako at nanonood. Pero alam niyo ba... Wahahaha! Nakapagcounter-strike ako !DUAHAHAHAHA. ang saya naman o. dati naglalaro ako diablo eh. Ngayon lang ako nag counter strike na may kaibigang kasama. Ayun. clueless ako nung una talaga. sobrang "oy asan na ko? hala asan kayo? hala anong nangyayari" tas pag andyan na yung kalaban natetense ako. wahahahah.

pero may benta moments ako sa counter strike. di ko malilimutan na napatay ko si gab at si mark. merong time na nagtatago ako tas si gab nagpunta dun sa tinataguan ko. wahaha. tinataguan niya yung baril daw ni mark pero nagpunta siya sa harap ko tas nakatalikod siya sakin, pinagbabaril ko siya. nasa tabi lang siya eh. wahahahaha. :)) si mark naman nakasniper. nakita niya ako tapos sinugod ko siya nakashotgun lang ako, napatay ko siya. wahaaha. di kasi niya ako mapatay kaagad. :))) bentaaaaa! First time ko mag COUNTER STRIKE! ♥

after nun. di pa kami kuntento. wahahah. nag timezone kami. sumayaw kami ni mark at ni gab. nag silent hill kami ni lara c. grabe lang. wahahaha. nakakatawa, napasayaw ko yung si mark at gab sa timezone trinoma, balita ko maraming tao dun. tas nagsilent hill kami ni lara c kasi gusto ko magbarilan pero ang boring grabe. wahahaha. :)) napa timezone kami kasi may 210 pa pala sa timezone card na binigay sa akin nung birthday ko. wahaha! ang saya gumamit ng timezone card na hindi ikaw ang nagload. XD

gusto dapat namin kumanta pero puno ang redbox. nalaman ko tuloy na 199 per head doon pag 3-7. hahaha. ayun. nagyaya ako ng redbox para bukas.

syempre pagod na kami pero gusto namin ng tubig. gusto ko gumawa ng trip. gusto ko pumasok sa sosyal na resto at manghingi ng house water. hahaha. order lang ng cake. pero ayun dahil ang daming tao sa contis... alis na lang kami dun. nagpunta kaming mercury drug, nag-iisip kaming inumin na bibilhin. e nakakita kami ng litro pack na iced tea at litro na tubig. sabi ko bili kaming tubig at litro pack tapos paghaluin. aba! nagwork nga! wahahaha. pinaghalo namin habang nakaupo sa may fountain. wahaha. tipid, lakas trip. wahahaha. natuwa sila, gagawin daw nila yun sa camping. hahahaha. =))

ang dami naming nagawa. wahahaha. mga 4:30 umuwi na kami. haha. kapagod pero masaya. kakaibang kakaiba tong adventure na to. hindi usual na timezone lang. boring na pag timezone lang eh. masaya pero. uhm. haha. :) pero ayun. MASAYA. XD

lovelovelove,
eLise.

Friday, December 18, 2009

Ang Huling Christmas Party sa UPIS.

Christmas Party ng xMolave. :)

Ito na ang huling christmas party namin dito sa UPIS... siguro iniisip ng iba diyan dapat ito yung pinaka-pinaka-pinakamasaya at pinaka-pinaka-most memorable (HAHA) na christmas party sa lahat dahil itong christmas party na to yung pinaka-maaalala dapat namin kasi ito yung last party at ito yung last na paghuhugutan namin ng christmas memories sa UPIS e...

Pero sa totoo lng, ito ang christmas party na pinakboring sa lahat. Wala. alas otso daw sabi ni mr president pero parang napakakonti ng tao. sinulat pa nga ni daryll sa board kung gaano ka-onti ng tao dun sa room bawat oras... Ang onti ng mga tao. Padami ng padami yung tao pero yamot lang kami. Onti ang food. May onting drinks. May onting tao... ang pinakaproblema, walang utensils. Spaghetti kasi so di makain ng basta basta. Ayun. Yamot ang mga tao noong oras na yun. Haha.

Nagulat ako nung christmas party kasi nakatanggap ako ng mga regalo kahit na wala akong regalo sa mga tao nung mga oras na yun. Wala kasing oras para mamili o magpagawa ng mga regalo kaya di na ako nakapamigay. Sobrang nahihiya nga ako kasi may mga regalo sila...

Nagulat ako kasi may nagregalo sa akin ng jacket. Kasi parang. WOAH. ang gastos. Hindi nga kasya sa akin noong una pero pinapalitan nung nagbigay. Sobrang thank you nga ako eh. Nakokonsyensya ako kasi wala akong maibigay in return. Wala akong maisukli sa mga ginagawa nung tao. Kaya ayun. Nammroblema nga ako at that time pero di ko na lang inisip. Better na wag problemahin ang mga bagay bagay. Haha. Thank you talaga. Kung dati pa ko nagblog, nakwento ko siguro sa inyo. Pero dhil ngayon ako nagblog, ayokong magkwento na. Ayoko na mag-isip.

Pero talaga... natuwa talaga ako sa regalo sakin kasi hindi lang yun. first time ko talaga makatanggap ng album bilang regalo. Wala akong album ng mga fave artists ko kasi wala akong pera at di ako bumibili at sa internet lang ako naghahanap pero... may nagbigay sakin this time ng album.. KRIS ALLEN ♥ panalo talaga. Napasigaw ako halos eh. yung sigaw na naka-mute. Wahahaha. Ang saya saya saya talaga! nkakabakla.

THANK YOU SO MUCH. ♥ and sorry. ♥

anyway para sa mga mahal kong kaibigan, I promise mamimigay ako ng regalo sa pasukan. Ang dami nga eh. Hahaha. :)) Sorry di ko nabigay dati. Sorry much. :|

Lantern Parade 2009.

Anyway yung lantern parade this year. kasama ko sina rjoy, joseph, jayson felonia, rodel, elora, jowie, etc. Ang saya ng lantern parade pero nawalan ng battery yung camera ko. Hahaha. Super sayang. Astig mga lanterns ng fine arts talaga. Ang dami kong nakitang mga 09 na ngayon ay kasama na sa parada, sa CHK at sa fine arts. Hahaha. Kaaliw din e no?

FIREWORKS. Astig ng fireworks ngayon ang haba haba. Nakahiga na ako sa grass habang nanonood. Astig talaga. Nakakatuwa. Hahahaha. Pero parang kung sino kasama ko dati yun din kasama ko ngayon. Wahahaha. :)))

Noong gabi after nun, magkikita kami ni camille. grabe. Problematic. Nawalan kasi ako ng battery at mahirap magsend kaya di kami magkahanapan. Buti nakita ko si maam bec, nakitext ako. Buti nakita ko ulit si rjoy, nakitext din ako at buti nakasend! Grabe. Sa dinami dami ng tao dun ang hirap magkahanapan. Ang swerte at nagkita kami.

As usual, bonding. Haha. Anyway ang saya din naman talaga. :)

lovelovelove,
eLise.
Publish Post

Thursday, December 17, 2009

UPIS Fair 09 Day 3: Intrams

UPIS Fair 09 Day 3: Intrams.

Day 3 ng UPIS Fair, continuation ito ng intrams. Ito ang araw kung saan ang laban ng batch 2010 ay nagpatuloy. LABAN KUNG LABAN batch 2010! Hahaha. Astig. Ipinagpatuloy ang maraming laban, volleyball, patintero, catch the dragon's tail, agawang buko, at marami pang iba.

Ngayong araw na ito, ipinagpatuloy ang women's basketball. First game ang basketball at wala pa ang mga maglalaro tulad ni Jaja at ni Gina kaya kailangang mangrecruit ng players nila maki at airah. Ayun narecruit namin si apol ganda. yehehehes. :) astig. haha. ayun. Ang tagal magsimula ng game kasi super paspesyal ng bola ni sir paul. Bawal ata gasgasan. Ang labo basta ayun. Dahil sa super tagal ng game, ayun dumating na yung ibang players.

Noong una, ako pa yung maglalaro. Pero dahil may gustong maglaro. Edi, siya yung naglaro. Sa totoo lang. Nayayamot tlaga ako nun kasi parang bago pa man siya maglaro... parang feel na feel ko nang ayaw niya akong paglaruin dahil gusto niya siya yung maglaro. Alam mo yung tipong.. Nagrereklamo siya sabay tingin sakin. Naiirita ako sa ganun eh. Kasi kung gusto niya maglaro, sabihin niya lang, okay lang sakin. Wag lang yung ganun. Na parang feeling mo tuloy wala kang kwentang tao at kasalanan mo pa ang lahat. Nayayamot ako sa ganun. Ayun. Kaya pinagbigyan ko sya maglaro naman nung sinabi niyang pa-sub. Fine. Okay. Pero halos di na talaga ako naglaro. Buti na lang si apol, pina-sub niya ko nung mga last 5 mins ng game. At least nakatulong at nakapaglaro naman ako. Kaya ayun masaya na ko.

Pagkatapos mag-basketball, nood lang ng volleyball boys sandali. Haha. Astig lang yung laro nila. Wahahaha. XD

Nakakatuwa talaga ang owten. Laban talaga kung laban. Dito mo sa intrams na ito makikita ang mga owten na patintero lang ang laro pero sobrang parang go na go. Tingnan niyo si mara sa picture. Haha. Astig yung porma niya eh. Si karina naman... patintero pero parang nagbabasketball na sa sobrang hindi pwedeng mataya. Hahahaha. XD

Sa catch the dragon's tail naman.... kapit kung kapit,dagan kung dagan, basta bawal maputol. Ang mahirap lang dito yung mga taong mahina ang kapit. Mahirap yung ang bilis ng nasa harap mo tapos ang bagal ng nasa likod mo. Nakapaglaro ako medyo ng catch the dragon's tail pero dahil sa medyo brutal ng pangyayari.... Nung natumba kami, nasiko o natuhod yung mukha ko, pisngi ko, malapit na malapit sa mata. Sobrang sakit niya kaya umalis ako sa laro. Walang ibang tumulong sakin kundi ang aking mahal na kapatid. Ang galing, buti pa yung kapatid ko, kahit na malayo siya, nung kailangan ko ng tulong andyan siya bigla. Parang savior ko. Sana ganto yung mga kapatid ko palagi. Savior. XD

Ang highlight talaga ng intrams ay ang agawan buko. Nakakatuwa at nakaka-amaze ang mga agawan buko moments ng mga tao. Talagang lahat sila parang sumisigaw ng "akin lang ang bukong ito." habang sila ay nakikipagrambulan para sa nag-iisang buko. Jusme, mga kaeskwela, mura lang naman ang buko, bakit pinag-aagawan niyo pa yan?! Sabi nga ng marami, wrestling na ata ang agawan buko eh. Sobrang LUPIT. Karamihan ng mga tao ay nandoon nakatambay para lamang manood sa match ng agawang buko. Wahahaha. Pero yung agawang buko ng owten sa day 3 ay hindi ganun kabrutal. Light lang.

Ito ay ilan sa mga memories na nagawa ko noong UPIS week. Nakatambay ako sa UPIS kasama ang ilan sa aking mga batchmates tulad ni Ada, Mik, Mark, Gab Borjal, Mich, etc. Marami kaming mga pictures. :) Hehe. Nanood ang batch 2010 ng agawan buko kahit hindi laban ng 2010, nagchecheer pa din. Astig. Masaya ako sa UPIS week na ito kasi nakasama ko yung mga kaibigan at kabatch ko, dati kasi, mga KA ang kasama ko. haha.

Masaya ako dahil nakagawa ako ng memories lalo na't malapit na kaming gumraduate. 3 months na lang. 4 months bago mag april 21. Sana lagi ko silang makasama. Hahaha.

lovelovelove,
eLise.