North Adventure with Mark, Gab Borjal, Lara Cruz.
Isang astig na araw sa inyong lahat. Ito ay isang kakaibang lakwatsa kasi ang dami naming first time experience.
Planado itong araw na to. 9am sa elem. Nagising ako, 8:30, panalo! Wahahaha. Kailangan ko pang maligo at lahat at kailangan ko pang tumugtog ng piano para makapagpractice bago pumunta sa aking piano lesson sa trinoma. Wahahahah. XD 8:30 ako nagising eh.. Kain ligo bihis piano pa. Super tagal. Mga 9:45 paalis na ko ng bahay, naglalakad na ko paaalis... nakasalubong ko sina Mark papunta sila sa bahay ko. Hahahah! kaya ayun, pumunta na lang muna kami ulit sa bahay ko. Tumambay kami sa kwarto ko. Hahaha. Buti na lang talaga hindi sila nagsucceed sa pagkuha ng cellphone kong smart kasi ang tindi nun kung mabubuksan nila yun. Parang all secrets revealed. JOKE! Duahahahaha. XD
Wala kaming magawa talaga. Nag-iisip pa kami ng gagawin. Nung tinanong nila ko, sabi nila bowling! hahaha! yung mga magulang ko naman, binigyan ako ng pera pang-order ng pizza. Sabi ko naman, magbobowling kami sa SM North. Kaya nagpunta agad kami ng SM north, at bago yun tinanggap ko ang pera.
First time magbowling ng mga loko. Wahaha. At ako, kahit di ko first time, di ako magaling. Siguro kung magaling tsumamba pwede pa. Wahahaha. :)) So ang dami naming kanal. Ang dami naming mga maling tira. Mga nahuhulog na bola. Benta talaga. May nawawalan na ng pride etc eh. Wahahaha. Nakakatawa kasi yung unang game panalo kami ni Lara. 140+ ata yung score namin eh. Tapos 100+ sila Gab. Dahil syempre hindi magpapatalo ang mga lalaking ito, nag second game kami. Sa second game naman, madami kaming kanal ni Lara. grabe bumaliktad yung game. Wahaha. Si gab grabe, ang daming spare/strike. Wahahaha. Ako may spare pero walang strike. Duahahaha. grabe ang saya mag bowling. First time, kakaibang laro siya eh. Di ordinaryo. nakatuwa. nakakaadik ba? ewan. nakakatuwa. wahahaha. :))
Bill naming apat: 920. Hahaha. 230 each kami. 100 per game kasi. Tapos 30 yung shoe rental. Kaya ayun. Okay naman. Pag naadik ka lang at ayaw mong tumigil ng kakalaro, tataas yung bill mo.
Kung nagbilliards na lang kaya kami? 210/hour/table. Ahahaha. Ayaw, masyadong kailangan mag-isip sa billiards eh. Kakabilliards ko lang kahapon e. Pag di mo mashoot, "elise! basic lang yun ah! physics yun eh. ay geometry. ay physics din nga!".... grabe. demanding. wahahaha. pero in fairness marunong ako magbilliards no!
after nun, nag Wendy's kami. Take out ako. Kumain sila. Nagpunta akong Lyric Trinoma. Dulo dulo amp. Wahaha. Malayo din pala ang Trinoma sa SM annex. Wahaha. Nakakapagod. 15 minutes kung normal na lakad.
Pagdating ko sa Lyric, ayos naman yung lesson. Hahaha. Pinaalala lang sakin na importante na even yung beat. Hahahah. :)) At sabi sakin ng teacher ko. Ang sikreto lang daw sa piano ay practice, so I wish gumaling ako sa piano. Nainspire ako dun. :)
Pagkatapos ko mag piano lessons, hinanap ko sina Mark. Guess where? Hahaha. Sa computer shop malapit sa timezone. Wahahaa. Nung una parang clueless lang ako at nanonood. Pero alam niyo ba... Wahahaha! Nakapagcounter-strike ako !DUAHAHAHAHA. ang saya naman o. dati naglalaro ako diablo eh. Ngayon lang ako nag counter strike na may kaibigang kasama. Ayun. clueless ako nung una talaga. sobrang "oy asan na ko? hala asan kayo? hala anong nangyayari" tas pag andyan na yung kalaban natetense ako. wahahahah.
pero may benta moments ako sa counter strike. di ko malilimutan na napatay ko si gab at si mark. merong time na nagtatago ako tas si gab nagpunta dun sa tinataguan ko. wahaha. tinataguan niya yung baril daw ni mark pero nagpunta siya sa harap ko tas nakatalikod siya sakin, pinagbabaril ko siya. nasa tabi lang siya eh. wahahahaha. :)) si mark naman nakasniper. nakita niya ako tapos sinugod ko siya nakashotgun lang ako, napatay ko siya. wahaaha. di kasi niya ako mapatay kaagad. :))) bentaaaaa! First time ko mag COUNTER STRIKE! ♥
after nun. di pa kami kuntento. wahahah. nag timezone kami. sumayaw kami ni mark at ni gab. nag silent hill kami ni lara c. grabe lang. wahahaha. nakakatawa, napasayaw ko yung si mark at gab sa timezone trinoma, balita ko maraming tao dun. tas nagsilent hill kami ni lara c kasi gusto ko magbarilan pero ang boring grabe. wahahaha. :)) napa timezone kami kasi may 210 pa pala sa timezone card na binigay sa akin nung birthday ko. wahaha! ang saya gumamit ng timezone card na hindi ikaw ang nagload. XD
gusto dapat namin kumanta pero puno ang redbox. nalaman ko tuloy na 199 per head doon pag 3-7. hahaha. ayun. nagyaya ako ng redbox para bukas.
syempre pagod na kami pero gusto namin ng tubig. gusto ko gumawa ng trip. gusto ko pumasok sa sosyal na resto at manghingi ng house water. hahaha. order lang ng cake. pero ayun dahil ang daming tao sa contis... alis na lang kami dun. nagpunta kaming mercury drug, nag-iisip kaming inumin na bibilhin. e nakakita kami ng litro pack na iced tea at litro na tubig. sabi ko bili kaming tubig at litro pack tapos paghaluin. aba! nagwork nga! wahahaha. pinaghalo namin habang nakaupo sa may fountain. wahaha. tipid, lakas trip. wahahaha. natuwa sila, gagawin daw nila yun sa camping. hahahaha. =))
ang dami naming nagawa. wahahaha. mga 4:30 umuwi na kami. haha. kapagod pero masaya. kakaibang kakaiba tong adventure na to. hindi usual na timezone lang. boring na pag timezone lang eh. masaya pero. uhm. haha. :) pero ayun. MASAYA. XD
♥♥♥
lovelovelove,
eLise.
eLise.
♥♥♥
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.