UPIS Fair 09 Day 3: Intrams.
Day 3 ng UPIS Fair, continuation ito ng intrams. Ito ang araw kung saan ang laban ng batch 2010 ay nagpatuloy. LABAN KUNG LABAN batch 2010! Hahaha. Astig. Ipinagpatuloy ang maraming laban, volleyball, patintero, catch the dragon's tail, agawang buko, at marami pang iba.
Ngayong araw na ito, ipinagpatuloy ang women's basketball. First game ang basketball at wala pa ang mga maglalaro tulad ni Jaja at ni Gina kaya kailangang mangrecruit ng players nila maki at airah. Ayun narecruit namin si apol ganda. yehehehes. :) astig. haha. ayun. Ang tagal magsimula ng game kasi super paspesyal ng bola ni sir paul. Bawal ata gasgasan. Ang labo basta ayun. Dahil sa super tagal ng game, ayun dumating na yung ibang players.
Noong una, ako pa yung maglalaro. Pero dahil may gustong maglaro. Edi, siya yung naglaro. Sa totoo lang. Nayayamot tlaga ako nun kasi parang bago pa man siya maglaro... parang feel na feel ko nang ayaw niya akong paglaruin dahil gusto niya siya yung maglaro. Alam mo yung tipong.. Nagrereklamo siya sabay tingin sakin. Naiirita ako sa ganun eh. Kasi kung gusto niya maglaro, sabihin niya lang, okay lang sakin. Wag lang yung ganun. Na parang feeling mo tuloy wala kang kwentang tao at kasalanan mo pa ang lahat. Nayayamot ako sa ganun. Ayun. Kaya pinagbigyan ko sya maglaro naman nung sinabi niyang pa-sub. Fine. Okay. Pero halos di na talaga ako naglaro. Buti na lang si apol, pina-sub niya ko nung mga last 5 mins ng game. At least nakatulong at nakapaglaro naman ako. Kaya ayun masaya na ko.
Pagkatapos mag-basketball, nood lang ng volleyball boys sandali. Haha. Astig lang yung laro nila. Wahahaha. XD

Nakakatuwa talaga ang owten. Laban talaga kung laban. Dito mo sa intrams na ito makikita ang mga owten na patintero lang ang laro pero sobrang parang go na go. Tingnan niyo si mara sa picture. Haha. Astig yung porma niya eh. Si karina naman... patintero pero parang nagbabasketball na sa sobrang hindi pwedeng mataya. Hahahaha. XD

Sa catch the dragon's tail naman.... kapit kung kapit,dagan kung dagan, basta bawal maputol. Ang mahirap lang dito yung mga taong mahina ang kapit. Mahirap yung ang bilis ng nasa harap mo tapos ang bagal ng nasa likod mo. Nakapaglaro ako medyo ng catch the dragon's tail pero dahil sa medyo brutal ng pangyayari.... Nung natumba kami, nasiko o natuhod yung mukha ko, pisngi ko, malapit na malapit sa mata. Sobrang sakit niya kaya umalis ako sa laro. Walang ibang tumulong sakin kundi ang aking mahal na kapatid. Ang galing, buti pa yung kapatid ko, kahit na malayo siya, nung kailangan ko ng tulong andyan siya bigla. Parang savior ko. Sana ganto yung mga kapatid ko palagi. Savior. XD
Ang highlight talaga ng intrams ay ang agawan buko. Nakakatuwa at nakaka-amaze ang mga agawan buko moments ng mga tao. Talagang lahat sila parang sumisigaw ng "akin lang ang bukong ito." habang sila ay nakikipagrambulan para sa nag-iisang buko. Jusme, mga kaeskwela, mura lang naman ang buko, bakit pinag-aagawan niyo pa yan?! Sabi nga ng marami, wrestling na ata ang agawan buko eh. Sobrang LUPIT. Karamihan ng mga tao ay nandoon nakatambay para lamang manood sa match ng agawang buko. Wahahaha. Pero yung agawang buko ng owten sa day 3 ay hindi ganun kabrutal. Light lang.
Ito ay ilan sa mga memories na nagawa ko noong UPIS week. Nakatambay ako sa UPIS kasama ang ilan sa aking mga batchmates tulad ni Ada, Mik, Mark, Gab Borjal, Mich, etc. Marami kaming mga pictures. :) Hehe. Nanood ang batch 2010 ng agawan buko kahit hindi laban ng 2010, nagchecheer pa din. Astig. Masaya ako sa UPIS week na ito kasi nakasama ko yung mga kaibigan at kabatch ko, dati kasi, mga KA ang kasama ko. haha.

Masaya ako dahil nakagawa ako ng memories lalo na't malapit na kaming gumraduate. 3 months na lang. 4 months bago mag april 21. Sana lagi ko silang makasama. Hahaha.
♥♥♥
♥♥♥
lovelovelove,
eLise.
eLise.
♥♥♥
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.