Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Monday, March 16, 2009

wala lang.

wala lang.

oh ikaw, diba walalang yun. bakit ka diyan nalulungkot? ano bang ginagawa mo ha? ang ewan mo talaga. diba walalang yun. kaya anong kailangan mong ikalungkot mo diyan? huh? ang weird mo talaga as in ever. hindi na kita naiintindihan elise.

*kausap ang sarili.*

diba nga wala lang yun, sineryoso mo naman, nagpadala ka naman. ito talaga oh. para kang baliw. ang labo mo. ayan nalulungkot ka tuloy. kung hindi mo sineryoso yun edi sana kahit talo ka masaya ka pa rin. tsaka bakit ka kasi sumasali sa isang larong hindi ka naman marunong? at hindi mo naman sigurado. edi sana hindi ka natalo. at ano ba kasi talaga yun, hindi mo naman din naiintindihan??

*nararamdaman ng isang elise na natalo sa isang laro. haha.*

bakit ka ba kasi natutong magmahal. edi sana hindi ka nalulungkot. kung hindi ka natutong ma-attach sa mga tao edi kahit wala na sila okay lang sayo. ano ka ba elise, natotomboy ka na ba?? sige, maging tomboy ka na lang. ay, asa naman. haha. pero pareho lang eh, na-aattach ka na sa mga tao, ayan pag nagpaalam na sila sayo malulungkot ka.

*double meaning*

bakit ka naman kasi biglang mawawala? kay bilis naman ng panahon. parang nung isang araw lang eh nagkkwentuhan pa tayo. ngayon eh biglang wala na.
huh? biglang ganon daw ba? hindi ko naiintindihan.

*nalalabuan*

sa sinabi mo parang natuwa ako. akala ko, akala ko. akala ko lang. natuwa ako. nakakatouch lang kaya. pero nung tinanong kita parang wala ka nang pakialam. hindi na talaga kita naiintindihan. haynaku, nakakainis ka. sige, maiinis na lang ako sayo. para mainis na lang ako. at mainis na lang ako. pero hindi ko kayang mainis sa isang tao.

*haynaku, naiinis?!*

bakit ka naiinis? bakit ka disappointed? were you expecting something na hindi natuloy? were you expecting something more? I don't know. I don't know.

*kausap ko pa rin ang sarili ko*

SORRY? hindi ko maintindihan ang salitang sorry ngayon. hindi ko maintindihan. HINDI NA.

hindi ko na alam. so ang blog ko ay puno ng kalabuan.

someone please EXPLAIN to me what's happening?!
:)


lovelovelove,
eLise.

No comments:

Post a Comment

Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.