Bagong taon na mga kaibigan, bagong taon na. Halina at magsaya.. Magsaya. Magsaya. MAGSAYA!
Pero habang nagsasaya, unti unting sasagi ito sa ating mga isipan: Hala! May pasok na!
Oo, aking kaibigan, oo. May pasok na. January 4, may pasok na. Sa UP Diliman.
Habang January 1 pa. Kalimutan muna, tara, tayo ay magsaya.
Enero dos. January 2. May bukas pa.
Enero tres. Januray 3. May mamaya pa.
Pagsapit ng gabi...HALA BUKAS NA!
Oo, malamang ganyan ang nagiging reaksyon ng karamihan sa ating mga estudyanteng kapag Christmas Break ay nais nating magpakasaya lamang, magpahinga at kalimutan ang stress, kalimutan ang acads. Ngunit habang papalapit na ang bagong taon lumalapit na rin tayo sa katotohanan ng ating pagiging estudyante: marami pa tayong requirements. Habang malayo pa ay binabalewala lang natin to.. Ngunit pag malapit na, saka lang natin mapagtatanto, "Naku! Bakit ngayon ko lang ginagawa ito?"
Ano ba ang problema kung ngayon lang natin ito ginagawa?
Cramming? Sus, alam kong kayang kaya natin ang pagccram. Matagal na nating problema yan, matagal na rin naman nating nasosolusyonan. Alam na natin kung pano mag cram. Diba? Nung high school pa lang eh. Pero oo, mas mahirap mag cram sa college, magagawan ng paraan yan. So, hindi na MAJOR MAJOR ang problemang iyan kung cramming lang naman. Certified crammers na yung karamihan sa atin eh. Sige nga, sabihin niyong hindi.
Pero hindi eh. May problema pa rin sa cramming. Lalo na kapag new year.
Kapag Christmas Break kasi, kinakalimutan natin lahat dahil gusto natin ang pahinga... Kapag kinalimutan natin ang lahat, minsan nakakalimutan nga natin. Ang nasa utak lang natin pag break ay pagsasaya at pagpapahinga at kung ano man basta sigurado ako onti lang yung may acads sa utak nila. Pagdating ng Enero tres, sinusubukan nating lahat na buhayin ang ating natutulog na utak. Anong nangyayari? Wala. Matagal gisingin ang natutulog na utak. Parang tulog na mantika. Mahirap matunaw.
Oo, kaya nating magcram. Kaya nating magcram kung alam natin yung sagot. Pano kung hindi natin alam yung sagot?
Aba'y pag hindi natin alam ang sagot edi dapat magising ang ating utak! Eh paano magigising ang ating utak kung tulog pa ito mula sa acads? Paano lalabas yung mga pinag-aralan kung puno ng mga kasiyahan at kung ano ano lang ang utak natin? Wala namang masama na puro kasiyahan. Pero kung kailangan mo ang iyong libro na nasa ilalim ng baul ni lola, at puno ng mga kung ano anong damit at kalat ang iyong baul, aba'y mahirap kalkalin yan! Parang mantikang tulog nga, mahirap gisingin.
At anong mangyayari pag hindi magising ang ating mga utak? May mga homework tayo. Minsan iniisip natin, "ah, dalawang problems lang yan, kaya kong sagutan yan mabilis lang." Oo, masasagutan mo naman talaga ng mabilis, maikli lang. Pero teka. Gano mo katagal pag-iisipan?
Nang sisimulan ko na dapat ang homework ko, aba! Isang oras lang ata ako nakatitig at walang nagagawa. Hanggang ngayon di ko pa nagagawa. Kaya nga ako nandito at nagtatype eh. Halata ba? So paano na ako ngayon? 8:30 ata ang klase ko bukas at hindi ko pa ito nagagawa. Kailan pa gigising ang utak ko?
Minsan ang ginagawa ko, tinutulugan ko lang muna, baka mapanaginipan ko yung sagot....
Isang malaking... ASA!! Asa pang mapanaginipan ko yung sagot. Pero minsan nangyayaring pagkagising ko nga, maalala ko na. Pero pano kung hindi?
Hula ko nito, pagpasok natin sa mga klase natin bukas, nakatitig pa tayo sa ating mga guro. Ayaw pang makinig, gusto pang magbakasyon. Ano, tama ba?
Nakatitig lang tayo sa ating mga guro, wala pang naiintindihan sa mga sinasabi niya, wala pang pumapasok sa utak, kasi naiwan pa yung mga utak natin sa ating mga higaan... Kasi nga naman, ang sarap sarap pang matulog lalo na sa panahon ngayong malamig, hindi ba? So anong gagawin natin sa klase bukas? Tutunganga? Edi sana wag nalang tayong pumasok diba. Wala rin naman.
Sa totoo lang, ang unang araw ng pasok sa January sakin ay parang pampagising ng utak lamang... Wala pa kong natututunan...
Pero yang pag-iisip na yan ay sa high school lang. Sa tingin ko, sa college, diretso leksyon agad sa January. Eh kung yung guro ko nga sa Physics ay hanggang Dec16 naglelecture, at yung ibang guro ko sa high school ay naglelesson na agad ng January 4 eh. Malamang may gagawin na talaga diba?
So pano na talaga? Pano na??
Aba ewan ko kung pano na. Basta kung ako sayo, gisingin mo na ang utak mo.
....
Asa pang gigisingin na talaga natin mga utak natin, sa hinaba haba ng sinulat kong ito, alam naman nating gusto pa rin nating magbakasyon. Pero may pasok na bukas. So. Bahala na. HAHAHAHA. Gudlak.
♥♥♥
lovelovelove, eLise.
♥♥♥
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.