FYI. Itong blog na 'to ay napaka-personal. Read at your own risk.
Maaring marami sa inyong mga kaibigan ko ngayong kolehiyo ay hindi naninirahan kasama ang inyong mga magulang, so baka hindi niyo nararanasan ang buhay na laging napapagalitan, dahil sanay na kayo sa mga dorm niyo, well, ito lamang ay pags-share ng aking buhay dito.
Gusto ko sanang gawing lighter yung mood nito pero, haha. Parang feel ko kasing magdrama saglit. Saglit lang guys, saglit lang talaga. Blog ko naman to e, pasensya na.
Ilang gabi na akong umuuwi ng past 7 pm. May curfew kasi akong 7 pm. At dahil sa may curfew ako ng 7pm, as a compromise, sumasabay nalang ako sa kanila pauwi, para tipid sa pamasahe at hindi na sila mag-alala sa pag-uwi ko. Hindi naman sa hindi ko kayang umuwi ng mag-isa, ayaw ko lang sana na mag-alala pa sila, at para payagan nila ako sana.
Kanina, General Assembly nanaman ng pisoysi, at hindi naman talaga ako nagpapasundo, sinabi ko lang na may general assembly sa may CAL AVR ngayong gabi. Nung mga 8:50 pm na, bigla silang tumawag sakin at sinabing nandyan na daw sila sa baba ng FC. Nasaan na daw ako. Nagmamadali naman na akong bumaba at iniwan na ang aking orgmates.
Pagdating ko sa kotse... Sabi ko agad. "Sorry, akala ko kasi matatagalan pa kayo, eh natakot naman akong lumabas ng mag-isa dito sa labas." (Ayoko naman kasing magpahatid sa kung sino, kasi sasabihin nanaman nila, na puro lalaki yung mga kasama ko. E anong magagawa ko, e yung mga taong yun, sinamahan lang naman ako hanggang sa makauwi ako ng safe.)
Sabi agad sa akin.. "Dapat kasi kapag ganyan, humanap ka na ng paraan na makakauwi ka nang mag-isa na hindi lalampas ng 9 pm!"
Eh, usually, yung mga GA, 6:30-9pm talaga yun. Hanggang mga 10pm pa nga minsan. Late natatapos. Tsaka, pwede naman talaga akong umuwi mag-isa, kaya ko naman, pero dahil sa gusto nilang safe ako, sila mismo naman talaga ang may gustong sunduin ako. At kung hindi man, gusto ko lang din na di sila mag-alala, kasi mag-aalala naman sila pag mag-isa ako uuwi. Kapag may maghahatid naman sakin, kung ano ano pang iisipin nila, eh mabuti nga at hinatid ako nung tao eh, sinamahan ako hanggang makauwi ako ng safe.
Tapos, medyo nainis ako sa sumunod niyang comment.
"Ano ba naman kasing klaseng org yan! Late kung magpameeting! Dapat pag GA maaga natatapos! Tsaka yung ibang org, once a year mag general assembly, yan, once a month!"
Parang, what?! Syempre, bawat organization, kailangan talaga magmeet, magmeet kung kailan yung free time ng most of the people. Eh ang free time naman ng mga tao ay sa gabi at hindi sa araw dahil may mga klase. Lagi nalang niyang inaayawan yung org ko. Hindi man lamang niya pinapakinggan yung good side nung ginagawa kong 'to.
Kung alam lang niya kung pano nabago ng org na ito ang buhay ko, sana naiintindihan niya at sana pinakikinggan niya kasi yung mga kwento kong lagi ko namang kinukwento sa kanya.... Hindi ito pagiging cheesy, totoo ito.
Dahil dito sa PSYSC, nakita ko yung aking mga potensyal at mga kakayahan. Nung high school pa lamang, dahil sa mga activities ng PSYSC at sa pagiging RC, nakita ko na kaya ko palang gawin ang mga bagay bagay na hindi ko naman inakalang kaya ko palang gawin dati. Na-inspire ako ng PSYSC na mag-excel at mag-aim para sa iba ibang klaseng achievements. Natutunan ko sa PSYSC ang maraming bagay sa labas ng silid aralan. Dahil nakita ko ang kahalagahan ng PSYSC sa pagbabago ng buhay ng mga estudyante, nais ko ding tumulong para ibahagi naman sa susunod na generation ang mga bagay na nakuha ko mula sa PSYSC. Dito sa PSYSC, ginagawa namin ang mga bagay bilang isang volunteer, para sa kabataang Pilipino...
Cheesy no? Pero totoo to. At syempre, kaakibat nitong mga responsibilidad na ito bilang mga volunteers, kailangang magtrabaho at magmeeting. So syempre, medyo late na nakakauwi.
Ang daming reklamo ng tatay ko sa akin at sa org ko. Hindi ko na nga alam kung pano sagutin lahat ng mga makikita niyang reklamo niya sa akin e. Pano ko nga ba babalansehin lahat? Matagal ko nang problema to, kaya gumagawa na lang ako ng mga kompromiso, tulad ng pagsusundo nila sa akin at paghahatid sa akin ng mga orgmates kapag ginagabi.
Ilan ito sa mga reklamo niya sa akin:
1. Wala na daw akong oras sa bahay kasi lagi na lang daw ako nasa labas, dahil sa klase at kung ano anong mga activities. -------- Ang Sunday po ay inilalaan ko para sa pamilya ko lamang. Di ako nagpupunta sa mga activities kapag sunday kasi alam ko na family day namin yun. Quality time yun. Isa pa, kahit may mga lakad ako dapat with friends etc, pag may lakad ang family, family first. Family first n nga akong tao eh. Reklamo pa rin.
2. Wag daw akong mag-org kasi nakakagulo sa acads. Dapat sa acads nakafocus. -------- Inayos at inaayos ko na yung acads ko. Nung first sem, pinagbutihan ko talaga na makakuha ng mga 1.0 para patunayan sa kanila na kaya ko at para matupad yung kagustuhan nila na galingan ko sa acads. Nakafocus naman talaga ako sa acads. So ang tanong ko lang talaga, ano bang gusto nilang gawin ko, acads lang forever, walang org, walang ibang buhay? Ang buhay estudyante ay hindi lang tungkol sa acads, at ang buhay mismo ay hindi lang tungkol sa acads. Maraming mga bagay na matututunan hindi lang sa loob ng silid aralan at sa mga libro.. There's more to life than just academics. Academics is not equal to education.
Marami pa silang reklamo sa kin, at marami pa rin akong reklamo sa kanya... Pero basically ang sinasabi nila sakin ay parang ganito..
"Focus on acads. Focus on acads. Acads first. Family first. Family first!"
I am focusing on my education, and I love my family.
Pero kahit na, HINDI NAMAN PWEDENG PURO ACADS NA LANG! :( Tsaka, frustrating lang talaga, kasi parang... eto na, ginagawa ko na lahat ng makakaya ko para maging US, summa cum laude (kahit sa tingin ko parang wah imposible ata)..... Pero wala pa rin. Wala pa rin. Parang wala lang.. Parang ganito.. Halimbawa, dati, nung highschool ako..
"Papa, 48/50 ako sa exam..."
"Wow ang galing naman! Bakit hindi perfect?"
Parang ouch lang talaga... Eto pa..
"Papa, 1.115 GWA ko.."
"Wow! Next time 1.00 na yan!"
Mga ganyang klaseng comments ba, parang wah. Wah.
Tas minsan naman pag nagtatanong ako sa nanay ko.. Kahit na i-eexplain niya sakin.. In the end sasabihin niya..
"Bakit di niyo to alam? Di ba tinuro? Dapat kasi nag-aadvanced reading ka.. Nung college ako basa lang ako ng basa, solve lang ng solve ng problems para masanay."
Parang... "Sorry na po, mama.. Di ako katulad mo.. Iba naman kasi ako"
Nakakafrustrate lang talaga. Well, I'm just sharing my frustrations.. Hay.
Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko, ang dami nilang gusto sa akin. Yun nga, matagal ko nang sinasabi, feeling ko I'm living up to their expectations, kung anong gusto nila sakin.. Okay lang, pero can't I live my own way? Iba kasi yung goals ko din sa buhay, hindi lang naman acads ganyan.
I just hope they'd understand. Sana kasi pinakikinggan ako at naiintindihan. Naiintindihan ko din naman kasi yung concern nila, pero sana intindihin din yung side ko.. Ayun lang.
Sana sa pagbasa mo nitong blog ko ay mas nakilala mo ako. Sana naiintindihan mo rin ako. Kung hindi, okay lang... Maiintindihan ko. Maraming salamat.
♥♥♥
lovelovelove, eLise.
♥♥♥
ang ganda talaga ng mga posts mong ganito. ang daming insight. mas nakilala talaga kita elise :D CHILL lang, hindi ka dapat pinepressure, dapat pinupuri ang tulad mo.
ReplyDeleteYeah, I guess mas nakikilala niyo ako dahil sa mga ganitong blog posts ko. Gusto ko lang ilabas yung mga nararamdaman ko talaga :)
ReplyDelete