Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, February 28, 2009

Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.

---------------------------------

Matagal nang kasabihan na ang kabataan ay pag-asa ng bayan. Okay. So, sinasabi na ang kabataan, ay pag-asa ng mahal nating bayan.

Umaasa ang mga Pilipino na nasa kabataan magmumula ang pagbabago, pag-unlad, reporma marahil... Panibagong buhay ng Pilipinas. Mataas ang ekspektasyon sa kabataan. Sapagkat, pinapag-aral ang kabataan, at umaasang mula rito ay magkakaroon ang bayan ng panibagong pag-asa... kasi ang panibagong henerasyon marahil ay makapagdadala ng pag-unlad... (gaya nga ng sabi ko kanina... umuulit ba?:p)

Ilang henerasyon na ba ng kabataan ang nagdaan? Ilang henerasyon na ba ng "pag-asa ng bayan" ang nagdaan??? Hindi ba parang napakaraming henerasyon na ng kabataan ang nagdaan mula pa nang magsimula ang kasabihang iyan? Ngunit, anong nangyayari ngayon, nagkakaroon ba ng tunay na pagbabago, tunay na reporma, tunay na pag-unlad??

Hindi naman sa sinasabi kong walang ginagawa ang kabataan, pero para kasing in general ay walang nakikitang pagbabago...

Ang tanong ko ngayon... Paano kung ang mga kabataan ngayon ay pareho lamang sa mga taong nauna noon? Ang ibig kong sabihin... kung pareho lang din ang ating mga pagkakamaling gagawin... Kung ang mga nangyayari sa Pilipinas ay makikita o namamanifest rin sa mga maliliit na lipunang gaya ng sa eskuwelahan.

Kung ano ang naging pagkakamali nila ay magiging pagkakamali o pagkakamali rin natin ngayon... Magiging isang siklo (o never ending cycle) lamang ang mangyayari... Paulit-ulit lamang... at paano ang pag-asa? Mayroon pa bang pag-asa kung magiging isang paulit-ulit na siklo lamang ang ating pinupuntahan....??

Nasaan na ang pag-asang hinahatid ng kabataan? Sineseryoso at pinapatunayan nga ba natin bilang kabataan na tayo ay "pag-asa ng bayan"? Pinapagbutihan nga ba natin ang pag-aaral na ineexpect nilang ating ginagawa para sa bansa? (I mean... that's the least they can expect from us eh.) Ginagawa ba natin kung ano ang tama o sumasabay na rin lamang tayo sa daloy ng panahon.... Sa agos ng mga pangyayari... At hindi na iniisip kung anong tama, mali, nakabubuti???

Isang mahalagang meron siguro sa kabataan ay... sa kabataan nagsisimula ang ating values o pagpapahalaga na dadalhin natin hanggang tayo'y tumanda. Ang values na ito ay mahalaga kung paano tayo mabubuhay, magdedesisyon... Ang values na dadalhin natin hanggang sa ating pagtanda ay napakaimportante...

Ilang taon ka na ngayon? Ilang taon na tayo ngayon? Marahil ilang taon na lamang ay tatanda na rin tayo tulad ng mga ibang tao sa paligid natin ngayon. Marahil ay habang tayo ngayon ay maituturing pang "kabataan" ay patunayan natin na tayo ay "pag-asa" talaga ng bayan... Huwag natin sayangin ang ating kabataan. Habang tayo ay bata pa, isipin na natin ang tama't mali. Ang tamang values, etc... Hindi natin gustong maging isang "never ending cycle" ang mga pangyayari rito... Nagnanais tayo ng pagbabago, at ang pagbabagong iyon, marahil, ay maaaring magmula sa atin, sa kabataan.

Mabuhay. Mabuhay ang kabataan!! :p

lovelovelove,
eLise.

Thursday, February 26, 2009

hipokrasya, pulitika, sinseridad.


Ngayon ay Ash Wednesday. Unang pagkakataon kong makapagsimba sa araw na ito kung saan ang bawat isang tao ay nilalagyan ng abo sa ulo, simbolo raw ito na tayo ay nanggaling at magbabalik sa abo. Ah, parang ganun. Inaamin ko na hindi ako sigurado ukol rito, ngunit parang ganito ang pagkakaintindi ko.

--------------------

Sa aking pagkakaalala, last Ash Wednesday ay naisip kong magsimba ngayong taon, at nagsimba nga ako. Hindi ko alam kung anong dahilan, pero nais kong magsimba upang magpasalamat marahil, at sa hindi ko ma-i-explain na bagay.

Pero hindi ang pagsimba ko ang topic ng blog entry kong ito. Isang mahalagang bagay ang sermon ng pari. (Huwag niyo akong tanungin tungkol sa gospel, nakakahiya, pero di ko masyadong napakinggan at naintindihan. hehe. Tinanong kasi ako ng tatay ko diba.)

Ang sermon ng pari ay tungkol sa hipokrasya at sinseridad. Sinabi niya na dapat hindi tayo maging mga "hipocrits"... Hindi tayo dapat magkunwari na maging isang tao na hindi naman tayo. We must not pretend to be somebody that we are not. Hindi naman hipocrits ang mga artista, pero kung sa totoong buhay ay nag-mamala-role playing ka na ay kakaiba na iyon. Iba na yun. Hindi yun tama. We must remove our masks. Alisin na natin ang mga maskarang ating sinusuot... Magpakatotoo na tayo. Ano ba talaga tayo?

Kung gagawa tayo ng mabuti ay hindi dapat natin ito ginagawa para lamang mapansin ng iba. Nararapat ay gawin natin ito kahit walang makakapansin sa atin. At marami pa siyang mga example. Pero, ito ang pinaka-natandaan ko. Ang dami kasing ganito sa paligid ngayon. Lalo na ng mga pulitiko sa bansa. Ayan, pa-project project. Pa-picture picture pa lagi na nakakamay sa mga iba't ibang tao. Grabe. Ngayon mo nakikita ang kabutihan nila, sapagkat malapit na ang 2010, paano kaya pag hindi na 2010? Ano na lamang? Wala nang pakialam?

Hindi ko alam kung paano ko sila paniniwalaan. Nang ipagsulat nga ako ukol sa "presidentiables for the 2010 elections" parang... hindi ko alam kung anong isusulat ko kasi personally, wala akong natitipuhan. Para kasi silang lahat ay show-off lang. Nagpapakabait at nagpapaganda o nagpapaguwapo ngayon. Gusto ko ng taong totoo, taong mapagkakatiwalaan, taong may sinseridad. At hindi ko alam kung meron ba sila nito. Hindi ko alam kung ako ba ay hindi lang socially aware o sadyang wala talaga sa kanila? Hindi pa naman ako boboto by 2010, pero mahalaga ring malaman ko siguro.

Pulitika, ang gulo ng mundo ng pulitika, naisip ko na gusto kong kumuha ng social sciences course... Pero hindi ko alam, ang sabi kasi sa akin kanina...

Maraming kabataan ang masyadong ma-ideolohiya ngunit hindi na-rerealize ang "reality"...

Imposibleng makamit ang komunismo... Imposibleng mawalan ng leader sa isang society. Kahit nga sa sosyalistang bansa ay may naghahari eh -- ang centralized gov't.

--
nasabi lang ng mga magulang ko kanina, kung naniniwala ba ako, hindi ko lang alam.

--------------------------

SINSERIDAD. SINCERITY.

Nabanggit lang ng pari ang mga salitang ito. Marami akong naisip. Hay. Sinseridad? Ito'y isang napakahalagang bagay. Dito nababase ang tiwala sa iyo ng isang tao. Napaka-importante nito sa isang tao, sa isang tahanan, sa isang grupo ng tao, sa isang komunidad, sa isang bansa.

Paano kung ang mga tao ay hindi marunong maging sincere? Paano kung tayong lahat ay nagsisinungaling? Paano kung hindi ko mine-mean ang sinasabi ko ngayon? Paano kung hindi tayo marunong mag-commit sa mga bagay bagay... Marami pa. Paano..?

Ang kawalan ng sincerity ay nakakasira. Tingnan niyo na lamang ang mga telenobela. Mga magkasintahang naghihiwalayan (showbiz?! telenobela nga?!), mga pamilyang nagkakasiraan...

-----------------------------

Sana lang ay tayong lahat ay matutong maging sincere. Magpakatotoo. Yun lang.



lovelovelove,
eLise.

Tuesday, February 24, 2009

munting pangarap

Napakasaya ko ngayong araw dahil may mga nalaman akong ilang mga bagay tungkol sa aking acads. (: Ngayon ko nalamang nakamit ko ang aking nais makamit sa isang asignatura. Well, simple lang itong bagay na nais kong makamit pero nakamit ko pa rin siya.

Nakamit ko na ito sa PA (comp sci) noong grade 7, ngunit sa aking pagkakaalala ay hindi ko na siya muling nakamit muli. Muntik ko na siyang makamit sa matematika, ngunit dahil sa isang puntos, ay hindi ko nakamit. Muntik ko na siyang makamit sa computer science ngunit dahil rin sa isang puntos ay hindi. Kung iisipin, ilang beses ko nang muntik makamit ang bagay na ito, ngunit, hindi lang talaga, hindi ko siya makamit. Hindi ko na maalala kung kailan ko siya huling nakamit. Ngunit, maraming beses siyang nakalampas.

Marahil ay isa ito sa aking mga tinuturing na "life goals" bilang isang mag-aaral sa UPIS. Matagal ko na siyang hinangad. Matagal ko nang nais makuha. Ilang beses ko nang pinaghirapan, ilang beses na rin ako nabigo. Ngunit patuloy pa rin. Patuloy lang. Naniwala ako na marahil ay maaari ko ngang makamit ang bagay na ito, marahil ay totoo nga ito at hindi panaginip lamang.

Nakilala ko ang isang matalinong nerd na kaibigan. Nakita ko na kayang kaya niyang makamit ang matagal ko nang inasam. Bagamat late bloomer siya, eh nagagawa pa rin niya. Nagsilbi siyang inspirasyon para sa akin. Kasi dati, nakikita ko naman na matataas naman ang grado ko pero di ko maintindihan kung bakit di ko makamit, kaya parang nawawalan ako ng pag-asa at naiiisip ko na parang panaginip na lang siya. Pero hindi, dahil nakikita kong kaya niya, eh naisip ko na, kaya ko nga rin. Kaya ayun. Go lang.

Ngayon, nalaman ko na nakamit ko nga ang aking nais, ang aking matagal nang inaasam asam. Ang napakagandang uno sa siyensya. Ang ganda ng pansamantalang pakiramdam. Pero kung iisipin, ano nang mangyayari pagkatapos kong makamit ito? Pinapatunayan marahil nito ang aking kakayanan, na kaya kong makamit ang ilang mga bagay at hindi imposible ang pangarap... Pero sa ibang tao, halos wala itong kwenta. Ano nga naman kung nakamit ko ito??

Pero masaya pa rin ako. Na nakamit ko ito kahit paano. Na hindi imposible ang aking pangarap. Na hindi ito isang ilusyon. Na kaya ko ito.

ngunit... pagkatapos ng ilang sandali ay marahil iisipin natin, "eh so, ano na??" Marahil ay mayroon tayong mga kanya kanyang ninanais at pinapangarap, ngunit, pagkatapos natin makamit ito ay naiisip natin na parang hindi ito sapat. Sapagkat nagkakaroon tayo ng panibagong mithiin matapos nating malaman na kaya pala nating itong makamit. Ito ang aking mensahe, huwag kayong tumigil sa pangangarap, at sa pagpursige para makamit ang inyong mga pangarap. Sige lang, huwag kayong susuko.. At kung sa tingin niyo man ay hindi niyo makamit ang unong nakakamit ng iba, okay lang yun, isipin niyo, yun ba talaga ang nais niyo? Kung oo, huwag kayong sumuko. Kung hindi, huwag kayong malungkot.

Magpatuloy kayo sa pangangarap at sa pagpursige para sa inyong pangarap. Ang ating mga pangarap, simple man o mataas, ay makakamit rin natin kung gagawa tayo ng paraan.
:)

lovelovelove,
eLise.

Monday, February 23, 2009

The Prettiest Picture.

The Prettiest Picture.

This is the "prettiest picture" I have seen this year. Ang larawang ito ay parte ng isang campaign poster namin para sa eleksyon ngayong taon. Ito ay parte ng isang campaign poster ng "A-La-Gad" at itong poster na ito ay nakalagay sa may CR ng old building. Nabalitaan ko sa isang kaibigan na may masamang nangyari sa poster namin at sa aking mukha. Nabalitaan ko na grabe raw ang pagkababoy sa aking mukha sa poster na ito. Tadtad ng sulat ng ballpen at butas pa ang larawan ko sa gitna. Aking pinuntahan at tinanggal ang poster na ito mula sa lugar kung saan ito nakalagay. Tinanggal ko na sapagkat pangit na rin naman ang itsura niya.

Masama ang loob ko nang nakita ko ito sapagkat mayroong nais manira o mangbaboy ng aking larawan. Hindi ko alam kung ano ang motibo ng taong iyon at naisip niyang gawin ito. Marahil ay galit siya, o gustong manira, o kung ano pa man. Hindi ko na alam at ayoko nang isipin pa. Hindi ko na rin gusto pang malaman kung sino ka. Hindi ko nais magsayang ng panahon para sa mga ganitong bagay, na napaka-childish kung iisipin. Pero hindi ko sinasabing wala akong pakialam at hahayaan ko na lang ito at hindi ako magbabago para rito. Magbabago ako for the better, kung ano man ang posibleng problema, at kung wala naman, ay patuloy ko pa ring pagbubutihin ang sarili ko.

Inaamin ko, nang una ko itong makita ay sumama talaga ang aking loob. Nainis ako. Hindi ko alam ang irereact ko. Ngunit, hindi ako galit. Hindi ko gustong siraan kung sino mang gumawa nito. Hindi ko nais maghiganti. Tuloy lamang ang aking buhay. Bagamat nais akong i-comfort ng mga teachers na nakakita nito, ay sabi ko, "okay lang", dahil "okay lang" naman talaga. Ang masasabi ko, kahit may gumagawa nito, ay wala itong sinasabing katotohanan tungkol sa akin, hindi porket babuyin nila ang mukha ko ay isa na akong walang kuwentang tao. Hindi. Walang pinapatunayan ang pangyayaring iyon tungkol sa akin. Marahil iyon ay mag-"inflict" ng ilang persepsyon ukol sa akin o magsabi na mayroong naiinis sa akin o kung ano man, ngunit, ang pinapatunayan lang noon ay mayroong mga taong walang respeto sa iba.

Ngunit, mayroon akong mensahe para sa gumawa noon. Marahil alam mo na hindi maganda ang iyong ginawa. Ngunit, bakit mo iyon ginawa? Alam mo, ang ginawa mo ay hindi naman sisira sa akin, kung hindi ay, sa iyo. Hindi ko sinasabing nais kitang siraan. Wala akong gagawin sayo. Pero hindi ka ba nakokonsyensya sa ginagawa mo sa taong... marahil wala namang ginagawa sa iyo?

Bagamat dalawa ang partidong tumatakbo para sa pKA, hindi ko pinagbibintangan ang kabilang partido sa paggawa nito. HINDI. Alam ko na hindi sila ang gumawa nito sapagkat sila pa nga ang nagsabi sa akin na ito'y nangyari. Maraming salamat, Jona. :)


lovelovelove,
eLise.