Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Tuesday, February 24, 2009

munting pangarap

Napakasaya ko ngayong araw dahil may mga nalaman akong ilang mga bagay tungkol sa aking acads. (: Ngayon ko nalamang nakamit ko ang aking nais makamit sa isang asignatura. Well, simple lang itong bagay na nais kong makamit pero nakamit ko pa rin siya.

Nakamit ko na ito sa PA (comp sci) noong grade 7, ngunit sa aking pagkakaalala ay hindi ko na siya muling nakamit muli. Muntik ko na siyang makamit sa matematika, ngunit dahil sa isang puntos, ay hindi ko nakamit. Muntik ko na siyang makamit sa computer science ngunit dahil rin sa isang puntos ay hindi. Kung iisipin, ilang beses ko nang muntik makamit ang bagay na ito, ngunit, hindi lang talaga, hindi ko siya makamit. Hindi ko na maalala kung kailan ko siya huling nakamit. Ngunit, maraming beses siyang nakalampas.

Marahil ay isa ito sa aking mga tinuturing na "life goals" bilang isang mag-aaral sa UPIS. Matagal ko na siyang hinangad. Matagal ko nang nais makuha. Ilang beses ko nang pinaghirapan, ilang beses na rin ako nabigo. Ngunit patuloy pa rin. Patuloy lang. Naniwala ako na marahil ay maaari ko ngang makamit ang bagay na ito, marahil ay totoo nga ito at hindi panaginip lamang.

Nakilala ko ang isang matalinong nerd na kaibigan. Nakita ko na kayang kaya niyang makamit ang matagal ko nang inasam. Bagamat late bloomer siya, eh nagagawa pa rin niya. Nagsilbi siyang inspirasyon para sa akin. Kasi dati, nakikita ko naman na matataas naman ang grado ko pero di ko maintindihan kung bakit di ko makamit, kaya parang nawawalan ako ng pag-asa at naiiisip ko na parang panaginip na lang siya. Pero hindi, dahil nakikita kong kaya niya, eh naisip ko na, kaya ko nga rin. Kaya ayun. Go lang.

Ngayon, nalaman ko na nakamit ko nga ang aking nais, ang aking matagal nang inaasam asam. Ang napakagandang uno sa siyensya. Ang ganda ng pansamantalang pakiramdam. Pero kung iisipin, ano nang mangyayari pagkatapos kong makamit ito? Pinapatunayan marahil nito ang aking kakayanan, na kaya kong makamit ang ilang mga bagay at hindi imposible ang pangarap... Pero sa ibang tao, halos wala itong kwenta. Ano nga naman kung nakamit ko ito??

Pero masaya pa rin ako. Na nakamit ko ito kahit paano. Na hindi imposible ang aking pangarap. Na hindi ito isang ilusyon. Na kaya ko ito.

ngunit... pagkatapos ng ilang sandali ay marahil iisipin natin, "eh so, ano na??" Marahil ay mayroon tayong mga kanya kanyang ninanais at pinapangarap, ngunit, pagkatapos natin makamit ito ay naiisip natin na parang hindi ito sapat. Sapagkat nagkakaroon tayo ng panibagong mithiin matapos nating malaman na kaya pala nating itong makamit. Ito ang aking mensahe, huwag kayong tumigil sa pangangarap, at sa pagpursige para makamit ang inyong mga pangarap. Sige lang, huwag kayong susuko.. At kung sa tingin niyo man ay hindi niyo makamit ang unong nakakamit ng iba, okay lang yun, isipin niyo, yun ba talaga ang nais niyo? Kung oo, huwag kayong sumuko. Kung hindi, huwag kayong malungkot.

Magpatuloy kayo sa pangangarap at sa pagpursige para sa inyong pangarap. Ang ating mga pangarap, simple man o mataas, ay makakamit rin natin kung gagawa tayo ng paraan.
:)

lovelovelove,
eLise.

No comments:

Post a Comment

Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.