
Marami ang prinsipe at prinsesa ngayong summer. Walang ginagawa. Sinisilbihan at lahat lahat na. Ang kailangan lang nilang gawin ay umupo sa isang tabi at ayun na.. Wala nang kaproble-problema. mag-iinternet na lang at kung ano-ano lang. Pakain kain.. Laro laro at lahat lahat na.
Oo, ganito rin ang buhay ko minsan. Walang pakialam basta ako ay nakahiga't nanonood lamang o nagcocomputer.. Ngunit sa ngayon, hindi ganito ang buhay ko. Ako ay gumagawa gawa dahil walang katulong.. So ayun.. naghuhugas, nag-aayos, at lahat lahat na.
Ang kinaiinisan ko lamang ay... ang kapatid kong ito.. bakit siya ganun. Siya nga ay buhay prinsipe. walang ginagawa.. kaunting utos lamang ay nagagalit na sya. nagrereklamo na. Alam ko marami sa atin ang ganito, at minsan ganito rin naman ako. Pero diba, isipin nyo. Kung kayo ang nasa kalagayan kong kasalukuyang gumagawa at makakakita kayo ng ganito.. Diba magtataka at magrereklamo din kayo na...
"Bakit ikaw onti lang ginagawa, magrereklamo ka? Eh ako nga gumagawa, walang reklamo, ni isa?"
O ayan... Wag magpaka buhay prinsipe at prinsesa.. Kung ganyan ang buhay nyo, edi sige pero wag mareklamo. :]
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.