Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Monday, April 20, 2009

graduates o9.

Ngayong araw, ang mga batch 2009 ay gumraduate na sa UPIS. Ayun. At, huhu, mawawala na yata sila sa UPIS kasi graduate na sila, at kami na ang seniors. Kahit ganoon yung speech ni Anjo, actually, amazing yung speech, kasi kahit sabihin pang kung ano ano man yun, totoo naman yung sinasabi ni Anjow eh. Hahaha. Valedictorian, wooo.

Anong naramdaman ko ngayong araw? Natuwa, nalungkot, at higit sa lahat, na-inspire. Bagamat marahil isa ito sa mga huling araw na makikita ko sila, nararamdaman ko, at malakas ang kutob ko na magkikita kita pa kaming muli. Paalam o9, see you next time.

Sa blog kong ito, marahil ay aalalahanin ko ang ilan sa mga taong kaibigan ko sa o9 na ngayo'y gumraduate na. Hmm. So, ang blog na ito'y inaalay ko sa inyo. Oha oha. :p

Ilan lang yung maisusulat ko, kasi wala akong picture niyong lahat. :p

Ayan, si Tara Mae Llavore. :]

Kamakailan lang ay naging kadaldalan ko siya at marami akong nalaman tungkol sa kanya at marami din siyang nalaman siguro tungkol sa akin. Kasi somehow, merong konek eh. Kaya ayooon. Marami siyang nakkwento sa akin at lahat lahat, kung may problema man siya, kung ano man yun, gusto ko talaga siyang matulungan, pero hindi ko alam kung paano. Para siyang nanay ko in a way kasi pareho sila ng nanay ko na naglalabas ng sama ng loob sa akin. Ayan. Pasensya, ate tara, kung wala akong gaanong maitulong o masabi dahil alam kong wala naman akong experience and everything. All I can do is support you lang, at pinapaalala ko sayo talaga na KAYA MO YAN. At maniwala ka talagang kaya mo yan. Alalalahanin mo ang letter ko forever. Be strong, cause life doesn't end here, life goes on, life starts anew. Ang lahat ng mga bagay na pumupukol sa atin ngayon, ay ang siyang nagpapalakas sa atin. Thank you ate tara, sa pagtulong ko sayo ay marami din akong natutunan. At sa pagtulong mo din sa akin. Thank you. :)

Okay, eto naman si Jansen Benavidez.

Nararamdaman ko na parang ang cheesy ng post kong ito. Hahaha.

Etong si Jansen, nakadaldalan ko lang din yan sa umaga. Kasama sa umaga o sa uwian. Hahaha. Nakatambay sa scidept upang manginain ng pagkain ni Maam Ramirez. O, aminin. Haha. Well, thank you lang din talaga. haha. Sana hindi na siya maging madrama, at double super congrats to you Jansen. Mabuting mabuti naman at okay ka na, ipagpatuloy. At oha, WAG MADRAMA. Hahaha. Anyway, patuloy nawa ang kwentuhan. :]

Marqui Nino Allan Dela Pena Lopez.

HAHAHA. FULL NAME?

Makmak. Haha. Isang taong bonding din ah. Magmula ng maging KA tayo. Maraming maraming salamat sa pagiging isang KUYA. Ikaw, marami ka ring nalaman sa akin sa isang taon ng ating pagsasama sa UPIS bilang mga partners sa kaperahan. Oh, diba. Hahaha. Aliw yung mga bonding moments eh. Buhatan cheparalooo. At natulungan mo rin ako sa ilang mga problema. At naalala mo pa? Natulungan din kita nung may problema ka. Yung, yon, alam mo na. AHAHAHA. Nag-alala ng mga ganung bagay eh noh. Alam ko, alam ko, magkikita pa tayo sa Eng'g, sabi mo yun eh. So, there. See you. :)

Ang valedictorian na si
Senando Angelo Rima Santiago

Eto, kilala ko na to since elem dahil rin sa mahiwagang KA. At since elem, hanga na ako sa katalinuhan at kasipagan nito. Oh diba Ninong, idol din kita? Haha. Natutuwa naman ako sa speech niya kanina. Kahit na, adobo at mukha DAWDAW nagsesermon, well, okay naman, totoo naman, at nakakatuwa. I hate you anjo! joke. Naaliw ako sa linyang: You're hurting my feelings. Natutunan ko sa kanila noong KA pa kami. Hahaha. Si Ninong, isang NERD na nakakahanga at isang makulit na taong nagsisilbing inspirasyon sa akin. Dahil talaga sa mga inspirasyon kong tulad niyo, pagbubutihan ko next year. I SWEAR.

At si
Ruth Joy Elec Magno.

Isang NERD. BWAHAHAHA. >:) Ona. Idol ko din to eh. Magaling na bata, pano mo ginawa yon! Dahil sayo din talaga, paghihirapan ko yun next year. Na-inspire ako sa mga nakikita kong umaakyat sa stage, parang sinasabi ng puso kong.... gusto ko din niyan.

Gumaganun? Ang chepar chepar. Si rjoy? wala na akong sasabihin diyan dito ngayon. Bwahaha. Basahin mo na lang ang chever kong sulat. Hahaha. At YES NAMAN NAKALUGAY SIYA at ang straight hair kamo. Tingnan mo mas maganda pa siya sakin. Ang haba ng hair! hahahaha. :)) Tsk tsk tssss. Ayoko na magsalita. Alam mo na yon NO.well..anyway.. bwaha. Dahil BS Mathematics ka *sambahin nawa, bs math* eto ang para saiyo: 30/2=?

Wahahaha. Nako mga ownayn. Graduate na kayo. Pero ayoko talaga magdrama kaya ito lang ang mensahe ko:

SEE YOU NEXT TIME! Ja ne! :)


lovelovelove,
eLise.

No comments:

Post a Comment

Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.