Nag-online talaga ako ngayong gabi para magblog. Gusto ko lang magkwento sa sarili ko. Oh well. Labas lang ng mga thoughts ko since di ko malabas basta.
One thing I overcame today: (the first one was my earlier post about trust)
I reunited with a friend which I was not on normal terms with. LABO. Okay. In tagalog.
Nakipag-usap na ulit ako ng normal sa isang friend na hindi ko na nakakausap in a normal way. Nagkikita kami, oo. Pero there was some awkwardness between us kasi something happened in the past. (Clarification: hindi ko siya past nor present!). Alam mo un, yung hi-hello, onting onting usap lang tas wala na, tas parang nahihiya talaga ako sa kanya at nahihiya siya sakin. At medyo may ilang factor at iwas iwas factor... Pero kanina, dahil tinatamad akong maglaro ng badminton, nakipag-usap na ako sa kanya at ang haba ng usapan namin at tumambay nanaman kami sa kanila..
So bakit ko to kinukwento at bakit ako proud na na-overcome ko na ang pagkahiya sa taong to?
Hindi ko siya crush, okay. Hindi ako nagkkwento ng kilig kilig moment right now.
I just want to share this because I think talking to him freely means that I really have forgiven myself and I really have forgiven him for what has happened before. Whatever happened before does not matter now. However, not talking to an old friend because of the "awkwardness factor" means there's something still... not right, or something still feels awkward, I don't know.. But I think there's something wrong or something not so right. Ang labo diba? English kasi eh. Hahahahaha. Pero alam mo yun, pag di mo pa rin makausap ng maayos ang isang tao like before parang may something pa na di naayos. Pero ngayon, narealize ko na... Wala nang dapat ikahiya, wala nang dapat ika-awkward, kasi napatawad ko na siya at napatawad ko na ang sarili ko at kalimutan na nating lahat kung ano man itong tinutukoy ko!
Bottomline is, I have forgiven myself for this.
However, meron isang coincidence na nakapagdisturb sa akin... Ilang taon ko na kasing kilala ang taong to at ilang taon na rin akong nakikitambay at nakikitulog sa bahay nila pero ngayon ko lang talaga nalaman ang full name niya. Ngayon ko lang nalaman na nasa pangalan at nickname niya ang *insert guy name here*. Tapos nakakita ako ng pin, same with what I have.. Saying *insert guy name here* and *insert girl name here*. Tas ang parehas pa nung itsura nung dalawang tao sa pin ko.. Kulay lang ang iba. Tas natigilan lang ako kasi naalala ko yung pin na may nakalagay na ___ and Elise... Tapos flashback ng memories of that day.. Namiss ko siya ulit. Crazy.
Tas ang coincidence lang, bakit sa lahat ng dalawang tao, bakit sila pa ang magiging magkapangalan? Sila na.... ewan. Cannot describe. At ngayon ko lang nalaman sa tinagal tagal naming magkakilala. Ngayon, sa moment pa na to. Hay. Iniiwasan kong mamiss ka pero namimiss talaga kita eh, sorry kung nakakagat mo na dila mo ha? Hehe. =))
Let's be at peace. Don't think bad thoughts, just the good thoughts. Don't let darkness and fear defeat you. Smile! :D
♥♥♥
lovelovelove, eLise.
♥♥♥
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.