Noong isang araw pa talaga masama pakiramdam ko... parang nung thursday, lumala nung friday. Medyo kinaya pa nung Saturday sa recto at sa practice, pero nanghina na noong gabi/hapon. Nag-exam ako ng UST noong Sunday, commute lang ako papunta doon. First time ko mag-commute mag-isa papuntang UST. Kasi last time kasama ko si Jansen, e usually pag may kasama kang iba, you tend to... hmm.. umasa sa kanila kasi sila na bahala, alam na nila yung daan. So ngayon nag-jeep ako. At habang nasa jeep ako.. clueless ako kung malapit na ba ako o malayo pa. Hahahaha. XDXD So parang... "manong sa UST po.." sabi nung katabi ko... "ayan UST o.." tas ako.. "manong para ho!" HAHAHA. Nakakatawa lang.
Pagdating ko sa UST, nakita ko si Maye (kareview ko) at si Mark. Medyo kaunting bonding with Maye, tapos sina Mark Patty Gina ang nakasama ko sa UST. Karoom ko si Patty tapos ang tagal naming naghihintay. Parang di kami makapagdaldal sa sobrang tahimik nila. Tapos habang nagtetest, madali yung test, parang yung 45 mins, masosolve mo in 30 mins or less tas sa sobrang tagal, maninigas ka sa lamig. Wala kasi akong jacket at di ako pinahiram ni Mark. BAD >:) Hahaha. So after ng UST exam, sobrang sipon na ako ng sipon. Ubo ng ubo. Nakakatawa yung pag-ubo sa room, succession, pagkakalat daw ba ng virus. HAHA
Pauwi, kasabay ko si bea at mark. Nakakahiya kasi nilibre pa kami ni Mark ng dinner sa Wendy's at taxi pauwi. Hinatid pa ako nila ma'am hanggang mismong bahay ko na. Nakakahiya talaga. Pero ayos lang. Enjoy. Pero grabe yung taxi, super bilis magpatakbo kaya naman hilong hilo ako buong biyahe. Nakakaasar talaga. Parang roller coaster ride. Bigla biglaang may sumusulpot na kotse sa harap so parang di mo alam kung mabubunggo na ba kayo.
So next day na. Caduceus day. Pressured tong caduceus. Nakaka-uhm. uhm. waaaaaa. Grabe. Nakakatakot kasi parang kami yung nanalo dati, so kailangan i-defend yung title...
Pero wait lang. Note ko lang na another accident prone day to.
1) natapilok
2) nahulog sa hagdan
3) nadulas
4) nadulas nanaman
5) natapilok nanaman.
basta ang dami.. elise pa. (:
Anyway... caduceus... ayoko na tong isipin pa.. Pero ayun, mahirap yung elims ngayon compared last year. :( highest scorer si marion XD. nakapasok yung team namin pero hindi nakapasok yung team nila mikmik... nakakakaba lalo kasi sa amin lang nakasalalay ang pangalan ng UPIS.. tas si kuya pa doon, sabi samin, galingan namin kasi dala namin pangalan ng UPIS... pressured. tas dumating pa si rjoy... at darating daw si joseph.. dumating nga. so pressure. graaaaabe! :(
ANG DAMI NAMING SAYANG. Na-sstun talaga ako sa mga ganto kadalasan. Yung tipong naglulucky guess na lang ako o kaya saka ko marerealize o maiisip yung tamang sagot kapag narinig ko na yung time's up o yung music.. Grabe.. NAKAKAASAR. Tas nagfafail pa ako to right the answer na naisip ko na, o kaya mapalitan yung maling sagot. Nagtitinginan na lang kami. Hahaha. Pero ayos lang... :( Pero hindi. Nakakalungkot kasi ang dami naming sayang. Halos perfect naman namin difficult round, nadali lang sa average. :( Tas ayun, 4th kami by 3 points.. Nanalo ang St. Paul, nakuha sa amin ang trophy... Tas parang nakakalungkot kasi wala na... hindi na sa amin yung trophy... Pero at least diba... Kahit minsan nanalo kami doon. Sana next year mabawi namin yun. Excited pa naman kaming lahat para sa caduceus ngayong year, halong excitement at pressure... pero... hay ayos lang. :)))
Di ko naman masyadong dinidibdib yung masamang resulta. Kasi masama talaga pakiramdam ko. Ubo ako ng ubo. Masakit ulo at nahihilo. Ayun. So pinipilit ko lang talaga makapag-isip ng maayos pero sa totoo lang distracted ako. Nakakaasar kasi yung lamig at init. Ilang beses kami pabalik balik sa init-lamig-init-lamig na temperatura kanina. Nakakalala tuloy ng pakiramdam. Pagkatapos ng compe naupo ako sa sahig at halos makatulog na... o_O
Doon naman kina Pat, sa totoo lang ang galing nung ginawa nila at sa tingin naming lahat, dapat sila yung mananalo, pero basag yung itlog nila kasi sa sobrang bilis, tumalsik sa semento. Tama ba? Ayun. Ang unfair naman ng judging na mananalo yung MC at yung mayabang na batang akala niya matangkad siya dahil lang sa may nabuhay silang itlog. Eh naman no, sa grass naman kaya tumalsik yun, tumalsik pa din. Madaya sila kasi dapat walang semento dun, di sana hindi nabasag yung egg kina pat. Tsk. Tsk. Tsk. tapos kahit na parang first sila dapat, mananalo yung iba dahil lang dun... para daw walang issue, sabi nila felix. Aray. Nakakaasar.
So all in all, double whammy na bad news o double sad face para sa UPIS.
Pero kahit na, masaya pa rin ang araw ko ngayon? Bakit? Nag-enjoy naman kasi ako. Yun naman ang number one rule ko. Manalo matalo, ENJOY. Magsaya. :) Masaya naman ako na nakasama ko si marion mik dea danah, rjoy joseph, pat felix reo angelo, maam ramirez maam bojo. Dami naming lupon ng UPIS kanina no? Hahaha. Nanglibre si maam rachel ng yellow cab. Nakakaaliw. Nanglibre siya sa technohub, kandungan at siksikan sa kotse niya. Enjoy yung kainan namin kanina.. Wahaha. At may pasikretong banat ang ilang tao dun na nakakatawa rin naman. Waha. Inuubo talaga ako, wala tayong magagawa. =)) Nakakatuwa. Hahaha. Enjoy kasi nakainom ako ng SOLA. :)) Munting kaligayahan. At ewan ko, simple lang, masaya ako. Hahaha.
Kahit malungkot, masaya pa rin.. Basta... Hahahaha. Basta ikaw.
♥♥♥lovelovelove,
eLise.
eLise.
♥♥♥
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.