Maikli lang naman ang kailangan kong iblog tungkol sa event na ito.
Yung nanay ko kasi, sasama sa magpeperform. Ang sabi niya sa akin, nurse costume daw siya. So interesado ako kung anong mangyayari kaya kinailangan kong panoorin siya.
So sinama ko si rjoy dahil mayroong 2 tickets daw sabi ng tatay ko. Pero ang totoo niyan, tatlong tickets pala talaga yun. Last minute ko nalaman, yung 3rd ticket, para sa tatay ko yun, di lang siya nagpunta, so sorry sa mga di nakapunta dahil di niyo nalaman na may extra ticket ako. Haha. Sa araw na to parang kasama ko si rjoy mula umaga hanggang gabi eh. NO, rjoy? WELL. walalang. :))
Ayun. So ang daming nangyari. Ang daming college ang nagpeperform. Meron talaga dun daring ang damit at sobrang nakakamental shock kasi di mo ineexpect na gagawin yun ng prof. Pero may plants vs zombies din. Madami, di ko na maalala kasi nabura ang lahat nung nakita ko nanay ko sa stage.
Nung sinabi kasing College of Eng'g na.... hindi ko alam kung bakit ako yung kinakabahan para sa nanay ko. Di ko kasi alam kung anong gagawin niya eh. Kaya kinabahan talaga ako. Parang shocks ano gagawin ng nanay ko. Wala, yung mga sumasayaw, di ko napapansin, panay hanap ako sa nanay kong naka-nurse outfit.
Nung lumabas ang nanay ko sa stage, aba! BONGGA. to the max. to the highest level. Napasigaw ako ng:
"NANAY KO YAAAAAAAN ?!?!?!?!?!"
take note sa ?!?!?!?!?!
di kasi talaga ako makapaniwala na nanay ko yung naglalakad sa stage. HANEP! HANEP! hanep sa pagka-sexy ng lakad at ng poise. Naka-nurse outfit at naka-heels! Nanay na nanay ko dahil naka-heels! Super sexy ng lakad at super ang poise. Kembot to the max. Parang kahit naglakad lang siya ng stage ang laki ng impact. Natulala ako at di ko na alam kung anong nangyayari na. Parang WOOOOOOOOOAH! Grabe nashock din si rjoy, may sumipol pa nga daw sa nanay ko. hanep! Anak ba talaga niya ko?! Bakit di ko namana yung lakad pa lang, hanep na?! Bakit wala akong poise?! GAAAAAASH.
hanep sumayaw ang UP pep squad at UP streetdance, pero alam niyo, di ko yun na-absorb... kasi... kasi... HINDI TALAGA AKO MAKAGET OVER.
TO THE HIGHEST LEVEL.
Kaya naman minabuti na namin ni rjoy na magpicture taking sa backstage. Sa aldaba hall, may stage dun. Eh walang taong gumagamit sa stage, so picture taking, photoshoot. Hanep ah. Parang studio mode nanaman ako. Haha. Astig lang talaga. Astig ang backstage ng UP theater. Astig yung mga lights pag nakababa, ang aliiiiw.
basta. DI AKO MAKA GET OVER TO THE nTH LEVEL.
♥♥♥
lovelovelove,
eLise.
eLise.
♥♥♥
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.