UPIS Fair '09 Day 1:STREETDANCE.
Batch 2010, ito na ang last powerdance natin. Grabe lang, mahirap paniwalaan, pero ito na talaga ang last powerdance natin. Manalo o matalo, enjoy lang tayo! Totoo naman yun, kahit na di pa rin tayo nanalo, nag-enjoy pa rin naman tayo eh.


Sinong mag-aakala na sumasayaw ako? Siguro yung mga ibang tao, hindi na bago sa kanila yun, kasi napanood nila ako sa practice pero sobrang bago yun sa mga magulang ko. Nung napanood ako ng mga magulang ko na sumasayaw, sa gitna at sa harap, sobrang nagtinginan daw sila kasi hindi naman nila inaakalang sumasayaw ako. Paano ba naman, nilalait nila ako palagi sa bahay kaya bakit ako sasayaw dun diba?! Na-shock daw sila. Wahaha. At may nagkwento sakin, may sumigaw daw ng "varsity un ah! varsity ng quizbee." benta much. Ang gusto talagang ipahiwatig ni chad dito sa group dance namin ay yung mga taong di niyo inaakalang sumayaw ay sumasayaw rin. Parang yung mga di niyo ineexpect na gawin to, ay gagawin to. Let's show the other side of these people like us. Mga baliw na taong tulad ko. Hahaha. XD
So ang saya ng powerdance. O streetdance, ayon kay Leni. Sobrang nag-enjoy lang talaga kami sa pagsayaw ng aming huling sayaw bilang batch. Sana may mga ganitong pagkakataon pa talaga kasi nakakamiss... Huhu. Anyway. Enjoy to the max. Wahaha.


After ng powerdance, hulaan niyo kung anong ginagawa ng batch 2010. Madali lang naman hulaan eh...
Hobby na kasi ata yan ng mga owten. Ang pagbabaraha. Wahahaha. Lagi namang may baraha kapag bored ang mga owten eh. Hahaha. Well, kung ano ano lang. Baraha, picture, etc. Nung hapon mayroong booths. May booth ang CAT, basaan booth. Haha. MAFIA WARS kasi. Babayaran mo yung CAT booth para basain ng water gun yung taong gusto mo. So basaan mode. Ang saya saya kasi hinahabol yung mga tao ng water gun. Hahaha. Nakakaaliw. Tapos may pinabasa din ako... waha. peace.
Ngayong UPIS week lang din ulit ako nakapagbonding kasama sila Mark, Gab Borjal, etc. Nakisama ako sa kanila habang naglalaro sila ng PSP at nagchacharge ako ng cellphone. Superunli kasi ako. Pakana ni Abe. Lahat ng tao tinatawagan namin. Wahahaha. Tapos si Ada at Mik kasama ko rin, ang dami naming pictures. Medyo. Haha. Si Allan pinakasal ni Mark kay Nuggets, kaya nag violent reaction ako at nagbasaan kami ni Mark. Kaya ayun, super basa tuloy ako. Pinagkaisahan kasi ako ni Mark at Gab. Haha! XD
Pero ang pinaka-cool talagang nangyari dito ay ang moment na to:
Hindi ko yan moment pero sobrang KINILIG AKO! =)) at ang maraming tao. Shooooot. Happy birthday michelle. Peace sa pagpopost ng picture mo dito.
At hinatid ako ni Allan sa sakayan. Hahahaha. Thanks so much. :x
Ang saya saya ko kasi nakasama ko yung mga tao. :)
♥♥♥
lovelovelove,
eLise.
eLise.
♥♥♥
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.