UPIS Fair '09 Day 2: Intrams.
Masaya naman ang UPIS fair 09 day 2. Bilang ebidensya:
Halatang enjoy na enjoy kami ni Abe dahil wala na kaming mga mata. Hahahaha. Enjoy lang ang last upis week. Wahaha. Enjoy mag picture habang binabasa. Hahaha. XD
Nagsimula ang day 2 sa ACLE na dinaluhan ng mga estudyante. Haha. Yung ACLE namin ay ang workshop ng ChemEngg, workshop ng Alchemes. Parang career talk chever kung gusto mo mag chem engg. May mga nakita akong kakilala. Hahaha. Kasi naman eh, tawag nila sa akin, Maam Rollon. Anak lang naman ako nung prof nila. Anyway. Basta. Haha. Kung ano ano lang ginagawa namin dun sa ACLE. Hahaha. Tulad nito: picture. :))
Pagkatapos ng ACLE, nakita ko na nga si rjoy. Ayun. Tapos tumambay tambay lang kami sa CAT booth na maaaring tawaging: Plants Vs Zombies booth as of the moment. Naglalaro lang kasi sila ng plants. Tingnan niyo oh:
Ang totoo niyan, sa picture na to, naglalaro lang sila ng plants vs zombies. Duahahaha. :)) Astig no. Parang ewan lang. Hahaha. Pero tuloy pa rin ang nagaganap na basaan sa UPIS. Kahit walang bayad, tuloy pa rin ang nagaganap na basaan. Tulad na nga lang nito:

Makikita naman sa picture ang kwento eh. Nagpapicture ako, binasa ako ni Mark. Kaya nagkaroon ng basaan. Inagaw ko yung watergun tas binasa pa ulit ako ni Gab. Porket bago ang sapatos ko. HMP. Haha! Benta, ang kulit lang ng basaan moments na to. haha. Natutuwa ako.
Eto pa, hindi ko moment to pero benta to para sakin:

Normal ata to sa batch 2010. Minsan biglaan na lang magtatalo. Hulaan niyo kung bakit sila nag-aaway? Nagtatalo sila dahil lamang sa kung nasaan ang central booth. Wahaha. Go patter at jodie!
Dahil intrams ngayon, sinubukan kong sumali sana sa women's basketball. Nakakainis lang kasi feeling ko ang bobo ko na magbasketball. Wala, sinub ako kaagad kasi may gustong maglaro kaya di ako masyadong nakapaglaro. Ako naman, give way lang. Sige lang. Pero parang nakakalungkot, kasi sana nakapaglaro ako ng mas matagal. Kahit papaano naman nakatulong siguro ako sa defense sana...
Ang galing ni Maki at Airah. Si rjoy ang nagreferee. Ayun. Medyo maraming foul daw na hindi natawag. Kasi masyado atang marami sa parehong sides naman ata, kaya ayun. Maluwag daw sa parehong side kaya quits lang daw. (ayun sinabi ko lang yung sinabi sakin ah. kung di ko to dapat sinasabi, tatanggalin ko, sinasabi ko lang para medyo maklaro kahit pano.) Pero may mga lumilipad daw na katawan. Waaaaaah. Ewan, mukhang nabadtrip ata si ano. :( Basta ayokong magsalita. Sayang un kasi natalo kami ng grade 8. Wahh. Pero ayos lang.Pero, ang pinakamalupit sa lahat ay ang agawang buko.
Grabe ang patayan para sa nag-iisang buko. Agawang buhay na ata hindi agawang buko. Grabe ang mga amazonang babaeng ito. Di ko talaga maimagine na gagawin ni Jona to, ayon sa kanya, minsan lang to. At ayon sa mga tao sa picture na to, WAPOISE DAW! Wahahaha! Ayos lang, panalo naman, owten, woooo! :)
♥♥♥
lovelovelove,
eLise.
eLise.
♥♥♥
No comments:
Post a Comment
Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.