Elizabeth Ann

Elizabeth Ann
I hope you'll enjoy viewing my online blog. This is my online diary. :)

Saturday, December 12, 2009

First Fatigue Day: Alumni Homecoming

Alumni Homecoming ng batch '84 sa UP gym. First fatigue day. WOAAAH!

Ganito kasi ang nangyari talaga. Nangailangan ang CAT ng privates na magvovolunteer para sa grand alumni homecoming noong isang saturday na gaganapin sa UP Gym. Ang sabi nila, mga 1 pm daw aalis, yun ang unang sabi sa akin, eh halos last saturday for practice na yun ng batch, so nag-aalangan ako kung sasama ako. Pero gusto ko talagang sumama kasi gusto ko ng fatigue (masuot yun, ang saya kaya.) Tapos gusto ko ring makaserve sa Alumni Homecoming, at kasi may libreng food. Syempre gusto ko maraming nangyayaring adventure sa last year ko dito sa UPIS.

Pero ang sabi ko, baka nga hindi ako makasama kasi gusto kong magpractice, gusto kong sumayaw para sa batch. Pero sabi ni apple, sumama ako. Kasi kulang pa yung sasama. At saka, 4 pm pa naman ata ang alis, so nakasama ako.

First fatigue day. Kumpletong uniporme dapat. Naka lower, boots, belt, cap, plain white shirt kami. Astig kasi ang pormal ng itsura namin. Ang hirap pala isuot noong boots kasi ang haba ng tali, at ang arte yata ng pagkatali kasi bawal riboon, basta. Tapos hindi pala ganun kadali maglakad lalo na pag first time.. Parang.. "ayy. akala ko madali lang maglakad dito." Pero mali, medyo mahirap hirap lalo na pag first timer. Ang isa pang bentang sinusuot ay yung cap, noong inaayos ko kasi sarili ko, sobrang nakagulo, nakapatong at something lang yung cap so para akong gangstah, hiphop, or whatsoever. Haha. At ang PINAKABENTA para sa akin ay yung garrison belt. HAHA! hindi ko kasi kaagad magets kung paano sinasara at kung paano magiging sakto sa akin yung belt. duahahaha. sobrang. "ay pano to, ay mali, maluwag, ay masikip, ay hindi, ay... ang hirap." kaya nung naayos ko na, please, ayoko na ata mag CR! HAHAHA. benta talaga yung belt na yun. nakakamangyan.

Pinakain kami doon ng pagkain namin. (Syempre first mention yung pagkain). Naroon ang mga officers namin sa CAT (kasama NCO) tapos ilang mga CAT privates tulad nila Allan, Atong, Daryll, Ramiro, Ina, Jhoanna, at ako. Naroon din ang mga KA sa registration booths. Nandoon din ang UP Pep para sumayaw, nandoon din ang VM at UPIS choir para kumanta. Maraming mga UPIS students doon. Masaya.

Yung mga officers namin ay magraraise ng flag. Imagine, nagpunta kami ng UP gym dala dala yung dalawang flag na nasa "pole" tapos commute lang kami! Bongga. Bongga talaga. Haha. Ang naibigay na task sa amin ay ang pag-eescort sa mga bisita. May mga special seats para sa mga bisita, may special seats para sa 84, 85, etc. Mayroong special seat para kay FVR! As in Former president Fidel V. Ramos. Nakaka-woaaah! Nakaka-excite!

So nag-escort kami ng maraming tao doon sa alumni homecoming. Mayrooon kaming mga ine-escort dun na ini-interview kami. As in... "anong year na kayo? anong kinuha niyong course? bakit?" at marami pang iba. Mayroon din doong demanding na batch, nakakakaba kasi gusto nila sama sama sila lahat, e di kasya yung isang table. Hindi kasi kami yung organizers, etc, so minsan clueless kami kaya parang... hala.

Pero the best part is... Noong dumating si FVR. Hinintay ko talagang dumating si FVR. Bigtime e noh? Gusto ko siya talagang i-escort. Kung pwede nga lang, ininterview ko na siya. Kaso ang daming echos eh. Sikat kasi. So pagdating niya, kinamayan niya kaming lahat. Pero ako lang yung sumunod sa kanya at nag-escort sa kanya papunta sa kanyang seat. Sobrang daming nagpipicture/video sa kanya at habang nangyayari yun nasa tabi lang niya ako. Kaya nasama ako dun sa video na pinakita sa harap. SHOCKS BIGTIME. Parang at that time speechless ako. Speechless, natutuwa, natatawa, pero di maka-react. Jusko kung tatawa ako ng malakas habang naka-fatigue mukha naman atang ewan yun. :)) Kaya antay lang ako ng antay. Pagdating dun sa bandang gitna, sabi niya... "Iha, saan ba?" edi sabi ko naman... "Doon po sa bandang harap yung upuan niyo, sir." parang ganun tas nilead ko siya. tas pagdating sa upuan niya, nagpasalamat siya at kinamayan niya ako. SHOCKS BIGTIME. NAKAKASTARSTRUCK, SERYOSO! sobrang.... "woaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" yung reaksyon ko pero walang sound. nakabuka ang bibig at nakatulala at parang. shete! kumpleto na gabi ko. HAHA. di naman. pero ang saya promise.

Next thing that happened, wala na. Bonding na kami ng mga CAT people. Wahaha. Eto ang masayang part sa alumni homecoming na iyon. SPIN THE BOTTLE. Di ko alam kung dapat binblog ko yung mga nangyari sa spin the bottle, pero isa lang talaga ang nag-stick sa utak ko.

*FYI: random naming yung letters. Walang kinalaman yung letter sa pangalan ng tao.*

Si *blank* kasi tinanong. Syempre spin the bottle. Tinanong siya kung sino sa mga nagkakacrush sa kanya ang parang pinaka-pipiliin niya o pinakagusto niya. Hulaan niyo sagot niya! Hulaan niyo! Haha. Sige, kunwari nahulaan niyo na. Syempre nung narinig ko yun, kinilig ako. Sabi ko kay Michelle, "micheeelle! kinikilig ako!" Di ko talaga ineexpect na kikiligin ako ng ganun kasi sa totoo niyan ang alam ko, trip lang ang simula ng lahat. Ganun naman lahat ng gantong bagay e, trip ang simula.

Ang benta sakin, may follow-up question kasi sa kanya. Sabi, pano na si B at C? Sabi naman niya... sa pagkakaalam daw kasi niya, si B ay meron nang someone, at ganun din si C. Sabi naman ni D, "bakit, sa tingin mo ba *yung sinagot niya* ay walang someone?" Tapos na-speechless siya. Kaya sobrang... WOAH! nakakakilig! HAHAHAHA. Tama yung tanong ni D, hindi dahil may someone nga si *sinagot niya*, pero bakit nga ba siya naspeechless?! Astiiggg. XD

Wahahaha. Binigyan kami ng 200 pesos pamasahe. 11 pm ako nakauwi. Kasabay ko si Nathan. Sabog yung batang yun. Mejo kinakabahan ako sa kanya at that time. Pero ayos lang. Haha. Nagtaxi kami pauwi. haha.

Dahil sa alumni homecoming na ito, naramdaman kong malapit na kaming gumraduate. Naramdaman kong 4th year na kami at siguro, sa susunod na taon, hindi na kami yung volunteers, kami na yung guests. Sa susunod na pagkakataon, kami na ang mga alumni na wala na sa UPIS, bumabalik balik na lang. Malapit na, malapit na kaming lahat magkahiwalay. Gaano man namin iwasan yung usapan ng graduation, totoo naman iyon na malapit na kaming gumraduate. Ilang araw na lang, 2010 na. Graduation year na namin yun. Ilang months na lang...

Naiisip ko, pagkatapos kaya ng mga 10-25-50 years, magkikita kita pa rin kami ng ganto ng mga kabatch namin? Magsasaya pa kaya kami tulad ngayon? Mamumukhaan pa kaya namin ang isa't isa? Hindi ba kami magkakawatak watak? May komunikasyon pa kaya kami? Sino kaya ang mag-oorganize? Ano na kaya ang UPIS pag nawala na kami?

Maraming kadramahan ang naidudulot ng pagdalo sa Alumni Homecoming. Dahil totoo naman, sa susunod na taon, kami na ang alumni. :|


lovelovelove,
eLise.

No comments:

Post a Comment

Hello. Please feel free to comment but please enter your name. You must enter your name. okay?! Thank you very much. Do not forget to write your name.